Share

CHAPTER 5

"Baka naman gumamit ng condom."

"Ilang beses na bang may nangyari sainyo??"

Parang gusto ko nalang ilibing sa lupa dahil sa mga tanong nila. Ano ba itong napasukan namin ni Ethan! Ewan ko ba kung magsisisi ako sa kasinungaling sinabi namin o hindi.

"Anong klaseng mga tanong ba yan!"

"Tignan niyo sabay pa sila kung mag salita, ang cute-cute!"

"Bagay na bagay talaga kayo anak!"

Pareho kaming ngumiti ng peke ni Ethan. Ilang minuto pa ang lumipas at tanong sila ng tanong sa aming dalawa at kami naman puro kasinungalingan ang sagot.

Muntik pa kaming hindi makasagot ng mag tanong si mom sa mga babaeng nakakasama ni Ethan, minsan kase nakikita ni mom na may kasama si Ethan na babae at ako din naman nakikita minsan ni Tita na may kasama akong lalaki.

Syempre may mga kakilala rin naman si Ethan na babae at maraming nagkakagusto din sakanya na babae, lapit ng lapit at dikit ng dikit sakanya. Pag dating naman sa lalake ay pa secreto lang si Ethan, todo ingat siya na walang makakaalam at makakakilala sakanya pag lumabas silang dalawa ng lalake niya.

Madami na akong ex-boyfriend at marami din namang naging ex-boyfriend si Ethan pero ni minsan ay hindi namin pinakilala sa mga magulang namin, kase nga hindi naman kami seryoso sakanila. Saka mas lalo na si Ethan ano, pano niya naman ipapakilala ang isang boyfriend diba? Secret nga na bakla siya. Baka himatayin pa mga magulang namin kapag nalamang yong inaakala nilang prinsipe ay prinsipe rin ang gusto.

Parang gamit lang yan, kapag ayaw mo na eh, di itapon mo o iwan. Gusto lang naman namin na mag saya, enjoy iyong moment sa ngayon. Kapag kase kasal ka na, may asawa na at may mga anak, you so many responsibilities. Minsan nakakalimutan ng mag saya kase nga mas uunahin mo ang pamilya mo.

"Hey?"

"Heaven!" Napahinto ako sa pag iisip at tinignan si Ethan.

"A-Ano??" Takang tanong ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at gabi na. Ang sabi ng mga magulang namin ay tabi daw kami matulog, sila Tito at Tita ay dito na mag pa-palipas ng gabi.

"Hindi ka pala nakikinig?"

"Di ah! Nakikinig ako." Pag sisinungaling ko.

"Talaga? So, ano sinabi ko?"

"Nakalimutan ko." Tinikom ko ang bibig ko para pigilang matawa.

"Ikaw, nag sisinungaling ka na sakin!" Napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit, parang alam ko na kung anong gagawin niya.

"Teka Ethan, w-wag naman ganya--" bigla niya nalang akong kiniliti sa tagiliran kaya natawa ako.

"T-Tama n-na!" Hingal na hingal kong sabi at tumigil naman siya.

"Ikaw...papatayin mo y-yata ako sa t-tawa eh." Hingal kong saad sakanya.

"Yong tungkol kanina ba ang iniisip mo?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Hindi ka ba galit sakin?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Galit? What do you mean ba?"

"I mean, kase ang gusto kong pakakasalan mong lalaki ay iyong mahal mo at mahal ka but instead of that... you ended up marrying me. Your one and only bestfriend.-"

"Kesa naman pakasalan ko ang Owen na iyon no! Mas okay na rin na ikaw ang pakasalan ko. Ikaw ba ayaw mo?"

"Syempre mas okay na ikaw nalang, di ka naman toxic kagaya ng ibang babae at lalake dyan! Saka pag tayo ang magsasama sa iisang bahay hindi tayo magkaka problema."

"Naisip ko rin yan bes! At kapag nahanap na natin ang the one, yong meant to be natin eh, pwedeng-pwede naman na mag divorced diba! Super G ba??" Ngumiti ako sakanya.

"Super G!!" Ilang beses pa kaming nag apir at nagtawanan.

Bigla kaming natigilan ng may kumatok sa pintuan. "Ethan at Heaven, bukas na ang landian!"

"Matulog na kayo okay, I love you!"

Boses ni mommy at tita iyon.

Ilang segundo lang ay tahimik ang paligid at unti-unti akong napatingin kay Ethan, ganon din siya. "Landian daw pfft..." Mahina kaming natawa.

"Ni-lock mo ba yong pinto?" Tanong niya sakin.

"Oo, ni-lock ko baka kase bigla nalang pumasok yong mga magulang natin at kung ano pa gawin, kilala mo naman ang mga iyon kung ano-ano nalang naiisip." Wika ko.

"Matulog na tayo, inaantok na ako." Sabi niya at humiga na ng maayos.

Humiga narin ako at sinubukang matulog, tumagilid ako at pumikit. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin ako makatulog.

Sabi nga nila kapag hindi ka makatulog may nag-iisip sayo. Kapag talaga nalaman ko kung sino kang walangya ka! Sasakalin kita!!

Kinuha ko ang cellphone ko ng may nag text bigla.

From Jacob: Heavan, I miss yu!

Heavan? Who's Heavan??

From Jacob: Mag blikan na tayo pleas Heaben!!

Makikipag balikan na nga lang tapos mukhang galit parang galit pa siya?! At saka ayos-ayosin niya yong spelling ng pangalan ko ah! Gusto niya yatang ilibing ko na siya ng buhay don sa bakuran namin ngayon mismo!

To Jacob: Kanina mo pa ba ako iniisip?

Ilang segundo lang ay nag replied na siya

From Jacob: I've b been thinking about.. you a lot since tyhese past few Days

Hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis nalang. Lasing siya ngayon halatang-halata, text niya palang na mali-mali. I know Jacob very well. Hmm, siya lang naman ang pinakamagatal kung naging boyfriend so yun lang.

To Jacob: Tangina naman Jacob! Patulogin mo kaya ako, tigilan muna ang kakaisip sakin at isa pa ayaw ko na sayo okay!

"Sino ba yan?"

"So Jac--ay kalabaw!" Napatakip ako ng bibig dahil napalakas ang boses ko.

"Ethan naman, bakit ka ba nanggugulat?!" Tinignan niya naman ako na para bang sinasabi niyang hindi niya ako ginulat.

"Ba't hindi ka pa natutulog? Sino ba yang ka-text mo?" Takang tanong niya at sinubukang sumilip sa phone ko.

"Si Jacob, gustong makipag balikan." Saad ko sakanya.

"Ginugulo ka ba niyang lalaking yan??" Tumango-tango ako.

Nilahad nito ang kamay at binigay ko naman ang cellphone ko sakanya. Biglang nag ring ang phone ko at agad niya yong sinagot.

[Heaven, p-pleaseee??? Sige na balikan mo na ako!! Hindi na ako mag seselos sa inyo promis, I won't say anything bad to him so pls...] Dinig na dinig ko ang boses ni Jacob sa kabilang linya.

Hiniwalayan ko lang naman siya kase palagi nalang nag seselos kay Ethan at saka kapag nag seselos kung ano-ano ang sinasabi niya kay Ethan. At sinusubukan niya pa talagang siraan si Ethan sakin at siraan ako kay Ethan. Basta naiinis ako sa ugali niya!

"Hoy Jacob! Wala ka bang balak na tigilan ang bestfriend ko huh!!" Halatang naiinis ang mukha ni Ethan ngayon.

[Oyy! Ikaw pala bestfriend ni Heaven tsk, anooo?? Kayo na ba ha!!? Sinasabi ko na nga ba eh, may pag tingin ka talaga kay Heaven gagu kang tang*na ka magkasama ba kayo ngayon? Tabi kayo matutulog huh mga tang*na niyo!!] Parang gusto kong suntukin yong bibig niya dahil sa pag mu-mura niya sa amin.

"Lasing ka pre, mabuti pang itulog nalang yan at para na rin magising ka sa katutuhanan na ayaw na sayo ni Heaven." Mahinanong saad ni Ethan sakanya.

"Alam mo Jacob, marami pa namang babae dyan eh." Sabi ko at rinig ko namang tumawa siya.

[Magkasama talaga kayong dalawa ah! Kaya ba ayaw mong bumalik sakin Heaven kase may Ethan ka na ganon ba!!]

"Ikakasal na kaming dalawa kaya tumigil ka sa kakahabol mo sakanya Jacob!" Seryosong saad niya at binaba ang linya, kita kong binlock nito ang number ni Jacob bago niya binigay sakin yong phone ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status