Share

CHAPTER 3

"Relax lang bes! Bumili nalang tayo ng Ice cream para lumamig yang bibig mo." Tinapik-tapik niya ng mahina ang balikat ko. Nag simula na siyang mag maneho at huminto sa 7/11.

Kumain na muna kami ng ice cream bago niya ako hinatid sa bahay at nandon pala sila mommy at daddy sa labas ng bahay mukhang may inaantay yata.

Pinag buksan ako ni Ethan ng pinto at hinawakan pa ang kamay ko para tulungan akong makababa ng kotse.

"Magpa tangkad ka na kaya." Asar niyang sabi sakin at susuntukin ko sana ang tyan niya kaso nakailag siya. Alam na alam niya talaga kong ano ang gagawin ko kapag inaasar niya ako ng ganyan.

"Halika na!" Nasa likuran ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tinulak niya ang balikat ko para igaya ako papunta sakanilang dalawa.

"Salamat sa pag hatid sakanya Ethan." 

"Maraming salamat ijo."

Saad ni mom.

"Your welcome po!" Ngumiti si Ethan sakanila. 

"Sige na pumasok ka na Heaven, sobrang lamig na dito sa labas." Ginulo niya ang buhok ko at tinignan ako.

"Puntahan mo ako dito bukas okay?" Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis.

"Heaven come here." Hinawakan ni Dad ang kamay ko at si Mom naman ay may dalang tuwalya at nilagay iyon sa balikat ko.

"Sorry pala don kanina sa pag sigaw--" di ko na natapos ang sasabihin ng mag salita si Daddy.

"Bukas na natin pag usapan ang tungkol dyan." Nag buntong hininga nalang ako at tumango-tango.

Hinatid nila ako sa kwarto. Hinalikan nila ako pareho sa pisngi bago sila lumabas ng kwarto ko. 

Nakakapagod maging sunod-sunoran sa magulang, iyong tipong di mo magagawa mga gusto mo kase ayaw nila at gusto nila na ang gusto nila ang nasusunod, kase nga sa tingin nila mas nakakabuti iyon sayo. Oo nga, walang magulang na gustong mapahamak ang anak nila at gusto lang nila tayong ilayo sa mali at kapahamakan, gusto nilang tama ang tatahakin nating landas.

Pero hindi naman siguro sa lahat ng oras sila ang tama, na sila dapat ang masusunod. May karapatan nga sila kase magulang ko sila pero pano naman iyong karapatan ko bilang anak? May karapatan din naman ako sa sarili ko hindi ba? Mas lalong may karapatan akong pumili ng lalaking makakasama ko habang buhay.

Napahinto ako sa pag iisip ng biglang may nag text sakin.

From Beshy Ethan: Matulog ka na Heaven:)

Basa ko sa text niya at di ako nag reply.

From Beshy Ethan: I know, you're still awake!

Napatawa nalang ako ng mahina, alam na alam niya talaga na hindi ako makatulog. Saka pano ba naman ako makakatulog ng deretso eh, ilang minuto pa nga lang akong nakapasok sa kwarto ko eh.

To Beshy Ethan: Oo na, matutulog na po Master Ethan

Text ko pabalik sakanya.

From Beshy Ethan: I know you can't sleep

To Beshy Ethan: Ang dami mong alam ah! Grabe ikaw nalang kaya maging ako. Alam mo mas okay sana kung naging magka kambal tayong dalawa para kasama kita dito matulog hayst.

From Beshy Ethan: Hindi. Mas okay kung naging magkapatid tayo tapos ako ang kuya mo

Natawa naman ako ng mabasa ko ang text niya. Ilang minuto kaming nag te-text hanggang sa di ko namalayang nakatulog ako.

Kinabukasan ay pumunta si Ethan dito sa bahay.

"Tita, kailangan ba talagang pakasalan ni Heaven ang lalaking iyon? Sa pagkaka-alam ko eh, playboy saka mahilig sa away ang lalaking iyon." Kanina pa nakikiusap si Ethan kay Mommy na wag na ituloy ang planong ipakasal ako don kay Owen. Owen daw pangalan nong guy, narinig ko lang galing sakanila.

"Ethan hindi totoo yan, mabuting bata si Owen nakilala na namin siya ng Tito mo nong isang araw, magalang naman siya at ang sabi ng magulang niya masunurin naman siyang bata." Mahinahong wika ni Mommy.

Syempee pakitang tao ang tawag don tsk.

Nakasimangot sa lumapit si Ethan sakin at umupo sa tabi ko, sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Pasensya ka na Heaven, ayaw talaga maniwala ng mom mo sa sinasabi ko. Gusto mo bang dumihan natin yang pagkatao ni Owen?" Bulong niya sakin sa huli.

"Like ipapalabas nating masama siya ganon ba?" Mahinang tanong ko at tinignan si Mom kung ano ang ginagawa niya ngayon, nakaupo lang siya at habang nag babasa ng newspaper. Si Daddy nasa companya malamang.

"Oo, ganon nga. Ano G ka ba?"

"G pero pano naman yong sayo? Ano gagawin natin don sa babae? Gusto mo ilibing ko nalang ng buhay." Birong saad ko at natawa siya don.

"Hindi ko pa nakikita ang mukha nong babae pero nabanggit ni Dad ang pangalan niya, Nicole Rivera daw."

"Ahh, ampangit ng pangalan. Ako na mismo nagsasabi sayo na hindi kayo bagay." Iling-iling kong saad.

"Syempre pano kami magiging bagay aber gosh, ayoko ng prinsesa no. Prinsipe ang gusto ko like duh."

"Saka kayo rin hindi bagay, ang gusto kong lalaki para sayo ay iyong gwapo, mabait, magalang, may sense of humor! Pero ang mas mahalaga don eh, dapat gusto mo ang lalaki. Saka hinding-hindi ako makakapayag na magpakasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal no!" Dagdag pa nito.

"Ako rin! Sabay tayong pinangak at sabay tayong lumaki, para na tayong magkapatid kaya napaka important mo sakin."

"Ano bang pinag-uusapan ninyo??" Nabaling ang tingin namin kay Mom na ngayoy nakatitig saming dalawa.

"Nag ku-kwetuhan lang po kami Tita." Sagot ni Ethan at ngumiti, ngumiti din naman pabalik si Mommy.

"Si Mommy chismosa no?" Nagtawanan kaming dalawa.

***

Kinahaponan ay may lakad sana kaming dalawa ni Ethan para gawin iyong pina-plano namin pero bigla kaming pinapunta sa isang bahay.

"Good afternoon po." Bati nong mga katulong saaming dalawa ni Ethan.

Nakita ko naman ang mga magulang ko at magulang din ni Ethan. Napataas nalang ang kilay ko ng makita silang may kasama na hindi ko kilala, nakaupo sila ngayon at maraming pagkain doon sa mahabang mesa.

Ano bang meron??

"Ethan at Heaven, halina kayo! Kayong dalawa nalang ang inaantay naming lahat." Wika ng mom ni Ethan.

Hinawakan ni Ethan ang likod ko at tinapik-tapik. "Halika na." Saad niya kaya lumapit na kami sa kanila at umupo sa bankanteng upuan.

Napasulyap ako sa katabi ko ngayon, kaseng edad ko lang yata siya. Tinignan ko si Ethan at ang katabi niyang babae.

What the?!

Wag nilang sabihin na itong katabi ko ay si Owen at ang katabi ni Ethan ay si Nicole??! 

Sh*t! Wag nilang sabihin na pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal!! Bakit nga ba dapat mag sama-sama pa kaming lahat, hays gustong-gusto talaga nila na double wedding ang mangyayari! Saka ba't ang bilis, ganon na yata sila ka desperada na ipakasal ako, kami ni Ethan!

Bwesit na double wedding nayan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status