Share

CHAPTER 4

Nandito kami sa terrace ngayon at magkatabi na naman yong Nicole at si Ethan, ako naman itong Owen tapos panay pa ang sulyap sakin. Pag ako nainis ng tuluyan, tutusukin ko yang mata niya! Para yatang sa mga tingin niya sakin eh, ini-imagine niya akong n*******d!

"Heaven may problema ba?" Tanong ni Dad ng tumayo ako.

"Wala naman." Sagot ko at naglakad papalit kay Ethan.

"Pwede bang palit tayo ng upuan, don ka sa tabi niya oh." Tukoy ko don kay Owen.

"Bakit na--" di na niya natapos ang sasabihin ng hilain ko ang kamay niya patayo at inagawan siya ng upuan.

Tinignan niya naman ako ng masama pero inirapan ko lang siya, narinig ko namang tumawa ng mahina si Ethan at sila mom at dad ay seryosong nakatingin sakin pati natin iyong iba.

"May ginawa ba akong masama?" Tanong ko kay Ethan.

"Wala kang ginawang masama, ayos ang ginawa mong pagpalipat sakanya ng upuan." Inakbayan niya ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"So, should we start discussing about the wedding??" Excited na tanong nong babae. Mom siguro ni Nicole yan kase magka mukha silang dalawa. 

Sumang-ayon naman silang lahat except sa aming apat.

Pinapunta pa kami dito eh, sila rin naman ang mag de-decide kung saang simbahan at iba pa.

Hmm, mukhang ayaw din nong Nicole ang pag papakasal kay Ethan ah. Halatang-halata sa mukha niya, kanina pa siya dyan nakasimangot at nag mumukha siyang pato sa kaka-simangot niya. Pero pansin ko iyong pa sulyap-sulyap niya dyan kay Owen ah, hmm parang may something??

"Ayos ba sainyo iyon??" Tanong nila samin ng matapos silang mag usap-usap tungkol sa kasal.

Gusto kong mag mura ngayon pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko. 

Nag tanong pa talaga sila ah!

"Parang ayaw yata nong mga bata sa isat-isa." Dinig kong sabi nong Mom ni Owen yata.

"Tignan mo sila, parang mas bagay yata kung ipag palit nalang natin." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng Mom ni Nicole.

Anong palit? Like kami ang mag papakasal ni Ethan at sila ni Nicole at Owen?!! What the f**k?? Or pede naman si Ethan at Owen then kami ni Nicole? Ayy tang*na naman hindi ako bi or lesbian ano!

Ayos lang kaya yang mom ni Nicole?!

"Nako, mag bestfriend ang dalawang yan! Para na silang magkatapid oh, tignan ninyo."

"Saka mas lalong di papayag yang dalawa kapag sila ang pinag kasundo naming ikasal.

"Kahit gusto man namin eh, alam naming mas hindi sila papayag."

So, naisip din pala nilang ipakasal ako kay Ethan? Pero di nila tinuloy yong balak nila kase alam nilang di kami papayag, but still naisip nila yon? What the heck? So, yong sinabi nong mom ni Ethan non ay hindi pala yon biro??

Nagka tinginan kaming dalawa ni Ethan at sabay na napa-iling.

Inikot ko ang dila ko sa loob ng bibig ko, napapakamot ako sa tenga ko dahil sa naiisip ko ngayon. Gusto kung gawin itong nasa isip ko kaso baka hindi sang-ayon si Ethan, pero naisip ko din na baka ayos din sakanya, basta 50/50!

"Next month na ang kasal at pagkatapos ng kasal mag sasama na kayo sa iisang baha--"

"No, way! I don't want Heaven to marry that guy Tita, Tito!" Medyo nagulat ako kay Ethan, di ko in-expect na mag sasalita siya.

"And I don't want Ethan to marry that girl Tita, Tito!" Saad ko din. Hindi ko alam basta nakisabay lang ako kay Ethan kung ano yong sinabi nito.

Kita kong napatampal si mommy sa noo at si dad naman napailing-iling. "Why are you always against to each others marriage? Are you two--"

Bahala na talaga! Sasabihin ko na!

"W-We have a relationship! We're in love. I love Ethan that's why I don't want him to marry other girl!" Hindi naman pinahalata ni Ethan na nagulat siya sa sinabi ko.

Napatingin ako sa kamay niya na hawak-hawak na ang kamay ko ngayon.

"Y-Yeah, Heaven is right, Mom. Mahal namin ang isat-isa noon kaya ayaw kong pakasalanan niya ang lalaking iyon! The girl I want to marry is Heaven!"

"Naisip niyo naman pala na ikasal kaming dalawa, ituloy nalang natin 'yon." Saad ko pa.

"WHAT??" Halatang gulat na gulat sila.

"I thought you two are just friends..." 

"Best friends..."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ethan at ngumiti. "Same lang pala iyong iniisip natin eh." Mahinang saad niya.

"Dapat nga siguro na naging magkapatid nalang tayo." Saad ko rin.

"So, pano ito? Ipalit nalang siguro natin? Alangan namang ipaghiwalay pa natin ang dalawang yan eh, halata namang nag mamahalan yang si Ethan at Heaven." 

Ang atensyon nila ay nasa aming dalawa kaya pinakita naming sweet kami sa isat-isa at parang totoong nag mamahalan nga s***a. Baka mandiri na itong si Ethan sakin mayamaya.

"Mukhang ganon nga nga, ipalit nalang natin. Bagay naman sila Nicole at Owen." Sumang-ayon sila except don sa dalawa na di man lang makatingin sa isat-isa ngayon. I think, they already know each other? Tsk, nevermind it's not my business naman eh. 

Pagkatapos ng usapan ay umuwi na kami sa bahay at si Ethan pati narin ang mga magulang niya ay nandito rin. Magkatabi kaming dalawa ni Ethan habang iyong mga magulang namin ay nasa harapan seryosong nakatingin sa aming dalawa.

"Kailan pa naging kayo?"

"What year?"

"Anong buwan?"

"Bakit hindi ninyo sinabi sa amin?"

Napanganga nalang ako, hindi ko alam kung kaninong tanong ang sasagotin ko.

Required ba talaga ang interview? Hindi naman kami mag a-apply ng trabaho eh!

Naramdaman kong hinigpitan ni Ethan ang pag hawak sa kamay ko.

"Naging kami ni Heaven nong 18th birthday niya, hindi namin sinabi kase akala namin magagalit kayo." Pag sisinungaling ni Ethan. 

Matatawa na sana ako kaso kinurot niya ang tagiliran ko.

"Ba't hindi n'yo nalang sinabi na ayaw ninyong makipag date o magpakasal kase mahal niyo pala ang isat-isa."

"Honey, natatakot nga siguro iyong mga bata."

"Oh my god!! Ibig sabihin nito magiging magkumare na tayo!" Tuwang-tuwa na sabi ni tita kay mom at nag yakapan pa silang dalawa.

"Wala nang magaganap na double wedding kase nga silang dalawa mismo ang magpapakasal sa isat-isa!"

Mukhang masayang-masaya silang apat at medyo masaya narin ako kase nga si Ethan ang pakakasalan ko kesa naman sa ibang lalaki dyan na hindi ko gusto! 

Hindi naman ibig sabihin na gusto ko si Ethan pero kase pag kaming dalawa nag kakaintindihan kami.

"Ethan, pag ikaw ang lalaking pakakasalan ng anak ko mas lalong susuportahan ko kayong dalawa." Ngiting wika ni dad.

"Oo nga, kilalang-kilala n'yo na ang isat-isa at lagi kayong nagkakasundo." Saad din ng dad ni Ethan.

Na-o-awkward ako sa mga kinikilos nila ngayon.

"Kukuha muna ako ng juice para sainyo, mukhang na u-uhaw kayong dalawa." Dali-daling pumunta si mommy sa kusina.

Tamang-tama nauuhaw ako.

Teka mga lang may mga katulong namin eh, bakit si mom pa ang kukuha? Parang sa sobrang saya n'ya ay gusto niyang siya nalang gumawa ng lahat-lahat.

Pagkabalik ni mommy at inilapag niya ang mga baso at kumuha naman ako ng juice at uminom.

"Mabuti at hindi ninyo naisip dalawa na gumawa ng bata, ilang beses pa naman kayong nag sasama sa iisang kwarto." Naibuga ko yong juice dahil sa sinabi ni Tita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status