Share

CHAPTER 2

"Oyy! Heaven tama na yan! Ang dami mo nang nainom!" Awat sakin ni Kyla.

"Pabayaan mo siya Kyla, halatang may pinag dadaanan yang kaibigan natin. Punta muna tayo don oh, halikana! Sayaw tayo!!" Malakas na saad ni Yasse.

"Heaven okay ka lang ba dito huh?? Hoy Yasse antayin mo naman ako!!" Naglakad sila papunta don sa gitna at nakipag sayawan sa mga lalaki. Mahina akong natawa ng makitang enjoy na enjoy sila.

Nandito kami ngayon sa club at mabibingi ka nalang sa sobrang lakas ng tunog. Kahit umiyak ako dito paniguradong wala namang may pake at walang makakarinig.

"Hi!" Napakurap-kurap akong tumingala at tinignan ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Hey!" Sabi ko at tinaas pa ang kaliwang kamay ko pagkatapos ay uminom ulit ng alak.

"Ikaw lang mag isa?"

"ANO??" Sigaw kong tanong.

"IKAW LANG BA MAG ISA??!" Tumango-tango ako sakanya at ngumiti.

"Gusto mo bang sumayaw?" Bulong niya sa tenga ko, para namang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kiliti ng mahina niyang dinilaan iyong tenga ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at tinulungang tumayo. Nang makarating kami sa gitna ay hinawakan niya ang bewang ko at nagsimula na kaming sumayaw.

"Heaven!" Parang narinig ko ang boses ni Ethan pero di ko nalang pinansin iyon dahil baka sa sobrang kalasingan lang ito.

"Hey! Heaven!" Napatingin ako sa baba at may nakita naman akong dalawang paa na nasa gilid ko. Kinurap-kurap ko ang mata ko dahil pamilyar sakin ang sapatos na 'yon.

"May problem ba??" Tanong ng kasama kong lalaki pero hindi ako sumagot. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Ethan na nakatayo sa gilid ko.

May kung ano siyang sinabi pero hindi ko marinig dahil ang ingay-ingay dito.

"Pre, susunduin ko na siya kase nag aalala na iyong mom at dad niya!" Malakas na sabi ni Ethan para marinig nong lalaking kasama ko. 

"Mamaya na! Nag sasaya pa kami! Saka sino ka ba huh??!!" Huminto na kami sa pagsasayaw at hinarap niya si Ethan.

"I'm her friend!!" Nakapamewang na sagot ni Ethan at bigla namang tumawa yong lalaki.

"Friends kayo??" Tanong nito sakin at tumango ako bilang sagot.

"Friends with benefits??" Natatawa nitong tanong samin at akala niya siguro nakakatawa 'yon.

"Kaibigan ko lang siya pre, para ko na siyang kapatid." Hinawakan ni Ethan ang kamay ko at hinila ako palayo ng kaunti don sa lalaki.

"Parang kapatid ba kamo? May mga ganon naman diba, friends lang daw pero may ginagawa--" susuntukin na sana siya ni Ethan pero naunahan ko siya.

"GAGU KA AH!! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI NG FRIENDS HUH!! BOBO!!!" Sigaw ko don sa lalaki at bigla nalang natigil yong mga tao saka pati ang tugtug dito sa loob.

"Hoy! Yong kaibigan natin mukhang napa-away!" Agad na lumapit si Yasse at Kyla sakin.

"Ano bang nangyayari Heaven??" Tanong nila pareho.

"NAG TATANONG LANG NAMAN AKO AH!!" Galit na saad nong lalaki at hinimas-himas ang ilong niya na natamaan ng suntok ko.

"Let's go Heaven, umalis na tayo!"

"Oo, nga pabayaan mo nalang yan!"

Hahawakan sana nong lalaki ang kamay ko pero kaagad siyang sinuntok ni Ethan.

Tuluyan na kaming umalis don at nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Ethan. Si Yasse at Kyla umuwi nasa bahay na nila kase gabi narin.

"Ano?? Nawala ba bigla yang kalasingan mo?" Natatawang tanong niya. 

"Gusto kong patayin ang lalaking iyon! Nakakagigil siya!!"

"Ako nga rin eh, susuntukin ko naman sana iyon kaso inunahan mo ako." Natawa ako sakanya.

"Ba't hindi mo man lang ako tinawagan?" Tanong niya sakin.

"Naiwan ko iyong phone ko sa bahay."

"Halika nga dito." Umusog ako papalapit sakanya at niyakap niya ako, sinandal ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Si mom at dad kase ititigil na nila ang pag se-set up ng date para sakin..."

"Kase ipapakasal ka na nila don sa anak ng kakilala ng dad mo." Dugtong niya sa sinabi ko.

"Pano mo nalaman??" Takang tanong ko.

"Narinig ko si mommy at daddy na nag-uusap sa kwarto, ganon din naman ang gagawin nila sakin. Una palang napag usapan na nila ang tungkol don." Wika niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sakanya ang mukha ko.

"Shhh, wag ka ng umiyak. Gagawa tayo ng paraan, okay?" Pinahiran niya ang luha ko sa pisngi. Tumango-tango naman ako at niyakap siya.

"Nakakainis talaga sila! I hate them!" Hindi ko mapigilang saad.

"I hate my mom and dad too Heaven pero mga magulang pa rin natin sila." 

Yong nga eh! Kahit bali-baliktarin man ang mundo, hinding-hindi magbabago na magulang ko parin sila at mahal ko sila! Kung hindi ko sila mahal bakit pa nga ba ako pumapayag na makipag date o kahit ano pang sabihan nila ginagawa ko kahit ayaw ko naman!

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa narinig kong mag ring iyong phone niya.

"Hello?" Taka akong nakatingin sakanya ngayon.

"Magkikita? Gabi na ah, saka sinabi ko naman sayong ayaw ko na hindi ba?!"

Napakunot ang noo kong tinignan siya. "Sino yan??" Tanong ko.

"Si Deo." Sagot niya.

"Akin na, ako ang kakausap." Mahinang sabi ko at binigay niya naman ang cellphone niya.

[May kasama ka?! Si Heaven na naman yan ano! Sinasabi ko na nga ba eh, may something talaga sainyong dalawa!!] Ramdam na ramdam kong sobrang galit siya sakin at ganon din naman ako.

"Something? Nababaliw ka na siguro, bakit kase di mo nalang tanggapin na ayaw na sayo ng bestfriend ko!!" Sigaw ko don sa cellphone.

[Ohh!! Ikaw pala yan Heaven! Bestfriend ba talaga huh?! Ako ba pinag loloko ninyong dalawa, kung maka-asta ka nga para kang girlfriend niya!!] Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa mga pinagsasabi niya.

Ganito pala nangyayari sa mga ex-boyfriend ni Ethan, na ba-baliw kapag iniiwan tapos ako pa pinag-iinitan huh!! Tanggap ko sana kung babae ang mga to eh, medyo maiintindihan ko pa pero seriously lalake na mga sobrang seloso? Kase nga bakla itong bestfriend ko hayst. Saka kasalanan ko bang mabilis magsawa itong best friend ko!

"Hoy! Para sabihin ko sayo, para ko na ngang kapatid si Ethan, wag kang mag salita ng kung ano-ano kung hindi naman totoo! Baka gusto mong putulin ko yang dila mo!!" Diin kong sabi.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalakeng ito!

[Oo na! Bestfriends nga kayo!! Bestfriends with benefits diba tang*na!]

"PAG IKAW NAKITA KO!! KAKALBUHIN KO YANG BULBUL MO TANDAAN MO YAN!!" Iritang sabi ko sabay tapon ng cellphone sa backseat. Wala namang imek si Ethan ng itapon ko iyong phone niya.

"Nako Ethan! Layuan mo ang lalakeng yon, baka patayin ko yan pag nakita kong magkasama kayong dalawa! Saka hindi naman kayo bagay, kamukha niya yong shrek!" Natawa naman siya sa sinabi ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status