Share

Chapter 5: Jealousy

"Babe..."

Madilim ang mata nito na tila galit. 

Kinagat ko ang aking labi. 

Nag-seselos ba siya? Kung oo ay ang cute niya mag-selos! Binabawi ko na ang sinabi kong ayaw ko sa selosong lalaki! Kung si Leandro naman ang lalaking seloso ay ayos lang sa akin!

Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya. 

"Leandro. I'm the boyfriend of Frixxie. Who are you?" 

"Raijian, pare."

"Why are you here, babe?" tanong ko. 

Napapatingin na ang lahat ng estudyante sa amin dahil sa tensyon na namumuo sa dalawa. Hello! Lahat naman sila ay alam na ex-boyfriend ko si Raij kaya sigurado akong magiging issue na naman ito. 

Hinawakan ko ang kamay ni Leandro at hinila siya palayo kay Raij.  Nang nasa lobby na ay tumigil ako. 

"Babe, what are you doing here?" kinakabahan na tanong ko. 

Baka ma-misunderstand niya ang nakita. 

He licked his lower lip then he kissed my forehead. 

"No other men, please. Frix..." he whispered. 

"Hindi ko naman lalaki si Raij, babe," sabi ko. 

He sighed. "He's your ex."

Kumunot ang aking noo. "How did you know?"

"Stan told me. Please? Babe, no other men," he almost begged. 

Ngumiwi ako. Ang chismoso naman ni sir Stan! 

"Wala naman akong lalaki, babe. Iyong sa amin ni Raij ay matagal na at may girlfriend na siya."

Tumango siya bago ako niyakap. He put his face on my shoulder. 

"You don't know how jealous I can be, Frix," he said. 

I chuckled. "Sorry, babe."

"No boys or men, okay?" 

"Whatever, babe! Anyway, bakit ka pala nandito? Hindi ba't may pasok ka sa trabaho ngayon?" tanong ko. 

"You left your phone in the car." Ini-abot niya sa akin ang Iphone na cellphone. 

"Oh. Thanks, babe! Hinalikan mo kasi ako kanina kaya naka-limutan ko," I joked. 

Mahinang tumwa siya. "I'll go now. Male-late ako. SUsunduin kita mamaya. Give me a call when your break comes, okay?" 

Tumango ako. 

Humalik ako sa kaniyang pisngi. 

"Bye, babe! Ingat sa work," naka-ngiting sabi ko. 

Namula ang kaniyang pisngi at tenga. 

Humalakhak ako. 

Kinikilig na naman 'yan. 

Matapos mag-paalam ay umalis na siya. 

Hunter is working as a businessman and a hacker. May maliit daw siyang negosyo ayon sa kaniya. ANg mansyon namin ay ibinenta daw ng mura sa kaniya ng isang kaibigan. 

Nang matapos ang klase ay ipinatawag ako ni miss El na isa sa mga propesor sa paaralan. 

Kumatok muna ako bago pumasok. 

Inalis niya ang kaniyang salamin at ngumiti sa akin. May katandaan na ang ginang ngunit maganda pa din. 

"Hija, can you bring these papers to professor Stan? He's in the lab," she said. 

Ngumuso ako at tumango. Kinuha ko ang mga papeles at lumabas na ng opisina niya. 

Mabilis na nag-tungo ako sa lab at binuksan ang pinto. My lips parted when I saw sir Stand and Clarette kissing. Mabilis na itinulak ni Clarette si sir Stan. 

I smiled awkwardly. 

Pumasok ako at tahimik na ibinaba ang papeles sa lamesa.

I pursed my lips. 

"Uhm... I'll go now," paalam ko sa dalawa. 

Ngumisi si sir Stan at tumango. 

Seriously? They're so wild. 

Umalis ako sa lab at nag-tungo sa cafeteria. 

Nasa klase pa sina Loreanne at Psalmea kaya naman mag-isa lang akong mag-lu-lunch. 

Mabilis na kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Leandro. Mabilis naman itong sumagot. 

"Babe, hi," parang bata na bati ko. 

"Babe, are you eating?" malambing na tanong niya. 

Ngumisi ako. Kahit sa cellphone ay sobrang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan. 

Kumunot ako nang marinig na may parang pinu-pukpok ba kung ano sa background niya. 

"Babe? Ano iyong pinu-pukpok?" tanong ko.

"It's nothing. Ginagawa lang na silid dito sa building."

Tumango ako. "Okay. Nakaina na ako, babe. Ikaw?" 

"Kumain na. Can you take a picture of what you are eating?" 

"Okay," sabi ko bago ini-layo ang phone sa tenga at kinuhanan ng litrato ang kinakaing kaldereta at kanin. May gata din at softdrinks. 

Ngumiti ako sa camera at nag-picture kasama ang mga pag-kain. 

Sinend ko sa kaniya ang mga litrato. 

"Nakita mo ba, babe? Iyan iyong ini-handang pag-kain ni mang Lupe kanina," sabi ko. 

Si Manang Lupe ang mayordoma sa mansyon ni Leandro. 

"Hmm. That's good. Sa susunod ay sasabihan ko si manang na padalhan ka ng mga prutas," sabi niya. 

"Baka maaga akong umuwi ngayon. May sakit iyong propesor namin sa isang subject," sabi ko sa kaniya. 

"Hmm. Susunduin ba kita ng maaga?" 

"Hindi na, babe. Mag-ma-mall muna ako saglit. Tatawagan na lang kita pag tapos na," sabi ko. 

"What time are you gonna go to the mall?" 

"Mamayang three. May isang klase pa ako mamaya, babe," sagot ko. 

Malapit na ang midterms namin kaya naman kailangan ko na ding mag-review. Bago ako mag-review ay aayain ko muna si Leandro na mag-date kaming dalawa. 

"I'll pick you up, babe. Maaga ding matatapos ang trabaho ko ngayong araw," matigas na sabi niya. 

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig na nag-mura ng malakas sa kabilang linya. 

"Babe? Sino iyon?" 

"It's one of the workers. Nasugatan ata," sabi niya. 

Ngumuso ako. Masyado bang malaki ang sugat para maging ganoon kalakas ang mura? 

"Sige, babe. Kakain muna ako. I'll call you againe," sabai ko na lang. 

Abala pa yata siya sa trabaho. 

"Alright. I love you, Frix," he said softly. 

Kinilig naman ako sa sinabi niya! Parang bulateng inasinan ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. 

Tinakpan ko ang aking labi upang hindi mapa-sigaw. 

"I love you, babe. Sige na. Take care." 

Pinatay ko ang tawag at tinakpan ang aking mukha na siguradong sobrang pula dahil sa sinabi niya. 

Ilang beses na siyang nag-sabi ng ganoon sa akin pero hindi pa din ako sanay! Sa tuwing sasabihin niya iyon ay nag-wawala ang puso ko. 

I started eating the foods in front of me. Tahimik na nakain ako nang maka-rinig ako ng komusyon sa labas. Iniligpit ko ang pinag-kainan bago tumayo at lumabas. 

Kumunot ang noo dahil sobrang dami ng mga tao. Nakipag-siksikan ako para maka-punta sa unahan. 

Napa-singhap ako nang makita si Raijian na naka-higa sa sahig at puno ng pasa ang katawan. What the hell?! 

Raij and my eyes met. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status