Share

Chapter 3: Mansion

Natahimik kami ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi niya.

My heart started to beat so loud.

Bakit kung makapag-salita siya ay para bang kilalang kilala na niya ako?

"T*ng*na. Green flag malala," wika ni Loreanne.

Ngumisi ako.

"May kaibigan ka ba?" Loreanne asked.

He nodded.

"Kaibigan niya si Sir Stan," sabi ko.

Ngumiwi si Loreanne.

"Hoy gaga. Kahit naman ganito ako ay hindi ako papatol sa teacher ano!"

Humalakhak ako dahil sa sinabi niya.

Gabi na nang matapos ang klase ko. Ang sabi ni Hunter kanina ay susunduin niya daw ako.

Ako ang huling tao sa room dahil nautusan akong mag-lock ng pintuan.

Papalabas na ako ng room namin nang makita ko si Raijian. He's alone.

I wonder what he's doing here? Hmm. Anyway, malamig at madilim na. It's already eight pm.

Hindi ko siya pinansin. Ini-lock ko ang pintuan at kinuha ang cellphone sa bag. May mga mensahe mula kay Leandro.

Ngayon pa lang talaga napasok sa utak ko na nobyo ko na siya! Ang hot ng boyfriend ko!

Habang nag-babasa ay nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Raijian.

Marahan kong hinila ang aking kamay.

Naka-kunot ang kaniyang noo habang naka-tingin sa akin.

"What?"

"Frix... can we talk?" He asked.

I was about to answer him when my phone rang.

Mabilis na napa-ngiti ako nang makita ang pangalan ni Leandro sa screen. Sinagot ko iyon.

"Babe!" mabilis na sagot ko.

"Frix, nasa gate ako ng school mo," malalim ang boses na sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay, babe! Hintayin mo na lang ako diyan."

"Alright," he said softly.

Pinatay ko ang tawag at tumingin kay Raijian.

"Uh... Mauuna na 'ko," sabi ko.

Tahimik na tumango siya kaya naman umalis na ako.

Raijian is my ex-boyfriend. Kahit na ex ko siya ay casual lang ako sa kaniya. Ayoko naman na isipin niyang bitter ako kaya kinakausap ko pa din siya kahit na pa-paano.

Nang maka-labas na ako ng gate ay nakita ko di Leandro. Mabilis na tumakbo ako sa kaniya at yumakap.

Nasa likuran niya ang kaniyang bmw na kotse.

"Babe!"

He chuckled. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking bewang.

May boyfriend na talaga ako! Hindi na ako single!

"Kiss!" Ngumuso ako.

He smiled before he kissed my lips.

Saglit na halik lang iyon pero nag-bigay ng bolta-boltaheng kuryente sa aking katawan.

"Let's go? Let's eat dinner at a restaurant," he said.

Tumango naman ako.

Pinag-buksan niya ako ng pinto bago siya nag-tungo sa driver's seat.

Dinala niya ako sa isang fine dining restaurant.

Para akong ignorante nang maka-pasok na kami.

First time ko dito! Halatang mayayaman ang mga nasa loob! Magaganda ang suot nila. Nahihiya ang suot kong uniporme pero ayod lang dahil sexy naman ako sa suot ko.

Nasa tabi ng glass window ang table namin ni Leandro kaya naman kitang-kita ang city lights.

"Babe, anong trabaho mo?" I asked.

"I'm a businessman and I also work as a hacker in my friend's company."

Ngumuso ako at tumango.

Magta-tanong pa sana ako kaso dumating na ang order namin. Madaming in-order si Leandro.

"Eat up, babe," he said softly.

Ngumiti ako at nag-simula nang kumain.

"Babe, I don't think I can move in today," I said.

"Hmm? It's okay. Just stay in my house. Ako na ang magpapa-lipat ng mga gamit mo sa aking mga tauhan."

Tumango ako.

Matapos kumain ay umuwi na kami sa bahay niya. Napa-ngaga ako sa sobrang laki noon! Hindi ito bahay kundi mansyon!

Kulay puting bahay ito na may halong kulay itim. It's a modern mansion.

Lumunok ako nang maka-pasok kami sa loob. Pati mga gamit sa loob ay halatang mga mahal.

"Babe, sigurado ka ba na gusto mo akong patirahin dito?" Tanong ko habang inililibot ang aking mata sa loob.

Kumunot ang noo ni Leandro.

"Why not?"

"Babe! Baka mabasag ko ang mga gamit dito!"

He chuckled sexily. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang mula sa likod at ipinatong ang baba sa aking balikat.

"Ayos lang, Frix," bulong niya sa tenga ko.

My face flushd.

"Leandro!" Suway ko sa kaniya.

"Hmm? You looks so sexy, Frix." He licked my neck.

"Leandro..."

"You're tired, right? Halika sa kwarto. You should take a rest," malambing na sabi niya.

"Grabe naman, babe! Ang lakas mang-harot tapos hindi itutuloy!" naka-ngusong sabi ko.

Humalakhak siya at hinalikan ang noo ko.

"Pagod ka hindi ba? Kailangan mong mag-pahinga. May pasok ka pa bukas," sabi niya.

Ngumiwi ako.

Oo nga pala. Ang landi niya kasi! Muntik ko nang maka-limutan!

Dinala niya ako sa kwarto ng mansyon at sobrang ganda din ng loob! May malaking kama sa gitna at may vanity table din sa gilid. May malaking glass window kung saan kita ang likuran ng mansyon na maraming puno.

Nag-half bath muna ako bago humiga sa kama. Si Leandro naman ay naka-sandal sa headboard ng kama at nag-babasa ng libro. 

SUmulyap siya sa akin at kinumutan ako. 

Naka-sara na ang curtains at patay na ang ilaw. Tanging ang lampshade na lang ang nag-bibigay liwanag sa buong kwarto. 

I yawned. 

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit hinanap niya ako at pinatira sa mansyon niya. Was it because I'm good in bed?

"Leandro," I called. 

"Hmm?"

"Am I that good in bed?" I asked. 

Kumunot ang noo niya at tumango. 

"Kaya ba pinatira mo ako sa dito?" 

Pumayag ako na tumira kasama siya at makipag-relasyon sa kaniya dahil hindi ko naman nararamdaman na may masama siyang balak. Kung gusto niya akong patayin ay sana noon niya pa ginawa. 

"What? Of course not, Frix. I brought you here because I want to live with you," sagot niya. 

"Mahal mo ba ako?" tanong ko. 

He smiled. "Dadalhin ba kita sa bahay ko kung hindi kita mahal, Frix? I don't bring any woman here."

I chuckled. 

Dapat ba ay matuwa ako na mahal niya ako? I mean, madami na ang na-inlove sa akin at umamin pero ngayon lang ako natuwa.

Was it love at first sight? 

Ibinaba niya ang kaniyang libro sa bed side table at humarap sa akin. He put his arms on my stomach. 

"I'm in love with you because if I'm not I wouldn't bring you here." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status