Share

Chapter 4: Ex

Living with Leandro means living with a sugar daddy. Ipinakuha niya ang gamit ko sa kaniyang mga tauhan noong isang araw.

Halos isang linggo na akong naninirahan kasama siya. Araw-araw niya akong sinusundo at binayaran na din niya ang tuition ko ng buo. He even gave me my allowance that worth five hundred thousand pesos!

"Hindi ba't sobra naman yata ang kalahating milyon para sa isang bwuang allowance, babe?" tanong ko sa kaniya.

Nasa loob kami ng sasakyan niya na naka-parada sa harapan ng school.

Madami na ang mga studyante sa labas.

"Hindi naman. Kulang pa nga iyan," sabi niya.

"Babe!"

Humalakhak siya.

Paano ko naman tatanggapin ang ganito kalaking pera.

"What? Frix, I could even give you a black card," he said.

Huminga ako ng malalim.

Masyadong malaki ang ibinibigay niya. Masyado ng marami ang ibinigay niya sa akin. Paano ko naman matatanggap pa ito?

Mahirap ako at kailangan ng pinansiyal na tulong mula sa kaniya pero hindi ako mukhang pera.

I know how to be contented.

"Frixxie..."

I sighed. "Fine. Pero dapat ay pang two months ang allowance na ito," sabi ko.

Napipilitan siyang tumango.

Ngumisi ako nang makuha ang gusto. Sa totoo lang ay sobra pa nga ito para sa two months.

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa sandalan ng passenger seat bago ako binigyan ng malalim na halik. Mabilis naman akong tumugon sa kaniyang halik.

Nang matapos ay ngumiti ako dahil may kaunting stain ng lipstick ko sa labi niya. Kung may makakakita ay malalaman agad ang ginawa niya.

Mapungay ang kaniyang mata. He looks so hot with that stain on his lips. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang tungkol don dahil baka punasan niya lang.

"Bababa na ako, babe. See you later!" naka-ngising sabi ko.

Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako tuluyang lumabas ng kotse.

Nang maka-labas ay napansin ko ang pag-tingin sa akin ng lahat.

Umirap ako.

Ganito naman araw-araw ang tingin nila sa akin. Well, I worked as a prostitute, so it is natural for them to look at me with disgust.

Umalis na nga pala ako sa trabahong iyon dahil ayaw ni Leandro na nag-tatrabaho pa ako sa bar. Pumayag naman ako dahil alam kong hindi ko na kailangan pang mag-trabaho. He said that he would feed and shelter me. Dukha ako kaya naman hindi ko na tinanggihan pa ang alok niya.

"Frixxie! Ang tagal mo naman! Kanina pa kaming nag-hihintay!" Loreanne yelled.

"Sorry. Nakipag-make out pa kasi ako kay Leandro sa kotse niya," I said proudly.

"Gross," Loreanne said.

Tumawa lang si Psalmea.

I smirked.

"Oo nga pala, Frix. Hinahanap ka ni Raij kanina," Psalmea said.

Tumaas ang kilay ko.

Nagka-tinginan ang dalawa.

"May sasabihin at sa'yo. Baka naman may feelings pa?" Loreanne said.

Umasim ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Feelings my *ss!

"Tumigil ka nga! Isang taon na kaming hiwalay ano! At ang alam ko ay may girlfriend na iyon. May boyfriend na din ako," sabi ko.

"Puntahan mo na lang."

Nag-kibit balikat ako. "Siya ang may kailangan kaya siya ang dapat na pumunta."

Maybe he wants to talk about something else. Hindi porket ex ko siya ay may malisya na ang lahat ano!

"Paano pag nalaman ni Hunther na nakikipag-usap ka pa sa ex mo?" Tanong ni Loreanne.

"Hindi naman seloso iyon," sabi ko.

I'm glad that he isn't. Ayoko ng lalaking seloso. Hindi ako selosa kaya naman bakit ako mag-bo-boyfriend ng taong seloso?

Gwapo naman si babe kaya hindi siya dapat mag-selos kay Raij kahit na gwapo din.

"Ayan na pala eh. Sige alis na kami. Sumunod ka na lang, okay? Good luck sa pakikipag-usap sa ex mo," nang-aasar na sabi ni Loreanne.

I rolled my eyes.

Tumigil si Raijian sa harapan ko.

"Frixxie," matigas na sabi niya.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Maybe he's uncomfortable seeing me in revealing clothes, huh? Still the same Raijian.

Ilang taon rin ang itinagal ng aming relasyon. He was nice, sweet, and caring. Kahit na abala sa pag-aaral ay nag-bibigay pa din siya ng oras sa akin. We're happy but of course, our relationship isn't perfect. Kaya nga nag-hiwalay kami.

Lahat ng tao sa school ay alam na prostitute ako kaya naman walang natuwa noong nalaman nila na naging kami ni Raij. The news of him dating a prostitute reached his parents. Noong mga panahong iyonnay issue din ni Raij ang pananamit ko. He doesn't want me to wear revealing clothes. Our relationship ended because his parents doesn't like me. Nadagdagan pa ng strikto siya sa pananamit ko. Nagka-labuan kami hanggang sa sinabi niya na lang sa akin na may bago na siya at gusto ng magulang niya iyong babae. The girl from before is his current girlfriend.

Labis akong nasaktan noon pero kalaunan ay natanggap ko din na kagaya lang si Raij ng ibang lalaki.

Sa tuwing babalikan ko ang mga alaalang kasama siya ay natatawa na lang ako.

I loved him but I guess he was never mine.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Do you need anything?" I asked softly.

Madaming sumubok pero hindi ko hinayaan na maka-pasok sila dahil takot ako na baka kagaya lang sila ni Raij. Si Leandro lang ang lalaking pinapasok ko sa aking buhay pagka-tapos ni Raij. I didn't hesitate to let him enter my life not because of money but because I felt like he's different. Hindi ako sigurado kung iba talaga siya pero naasa ako na sana ay hindi siya gaya ni Raijian. Sana ay hindi niya ako lokohin.

I just have this feeling that he's  not that kind of guy. He's nice. Pinatira niya nga ako sa bahay niya ng walang kapalit at ibinibigay niya ang mga gusto ko. 

"Frixxie, can we talk?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

I pursed my lips when I felt everyone's gaze on us.

"Uh... Nag-uusap na tayo."

H'wag mong sabihin na gusto niyang mag-usap kami sa walang taong lugar? Hindi na! Issue na naman. Ayokong puntahan ako ng syota niya at awayin ano! Kahit naman ganito ako ay hindi ako pala-away.

He was about to say something when someone grab my arms.

Tumingala ako at nanlaki ang mata nang makita si Leandro.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status