Share

CHAPTER 3

Seraphina's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig mula kay Ms.M. Parang hindi naman kapani paniwala ang mga pinagsasabi niya.

"Hindi ka pa rin naniniwala?

Tanong ni Jessa sa akin ng makalabas na kami ng Bahay ni Ms.M

"Hindi"

"Nabasa niya yong tungkol sa mga panaginip mo tapos hindi ka pa rin naniniwala?

"Gusto ko na munang umuwi,Jessa" mahina kong wika dito

Malungkot naman itong tumango dahil na rin sa mga natuklasan neto tungkol sa asawa at sa kanyang dinadala ngayon na bata sa sinapupunan

"Kung mag positive ba ako sa pregnancy test, maniniwala kana sa pinagsasabi niya?

"Siguro"

Hinatid ko si Jessa sa kanilang bahay.Matapos ang halos isang oras na byahe ay pabagsak akong napa higa sa aking Kama.Dito na ako sa Condo magpapalipas ng gabi.

Natulala ako sa kesami at biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari kanina.

Naniningkit ang mga mata ni Ms.M sa akin sabay kuha ng aking dalawa kamay at pumikit.

"Your awra is half red and half black.Ang ganda ng career mo, financially napaka stable mo, you have a great circle of friends but I see the half dark sides of your life.Maganda ka at mayaman pero I see a cut line on your love life.May nakikita akong tali na nahati at ang tali na yon ay gustong magkonekta sa isang tali ng nakaraan.May lalaking nakalaan para sayo Seraphina ngunit bago magkonekta ang inyong thread of love, may kailangan kayong tulongan sa nakaraang buhay.I see you now as the two person.Isa kang reinkarnasyon ng babaeng gustong itama ang mga pagkakamali sa kanyang nakaraan, pagkakamali na siyang dahilan kung bakit sila namatay ng kanyang minamahal"

Hindi ako makagalaw sa mga naririnig mula dito.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako.

"Paano mo ako makukumbinsi na maniwala sa mga sinasabi mo Ms.M?"

"Hindi pa ba sapat ang mga narinig mo mula sa pagbasa ko sa iyong Kaibigan?

"I don't know,matipid kong sabi.

"Lagi mo siyang napapanaginipan.Ramdam mo ang sakit na kanyang iniinda.Sa bawat patak ng kanyang mga luha ay ang siyang pagpatak din ng iyong mga pawis habang nasasaksihan mo sa iyong panaginip ang nakaraan na konektado saiyong buhay"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Jessa.

"Paano mo po nasasabi ang mga yan?"

"Hindi kapa rin talaga naniniwala?, ramdam ko na gusto mong malaman kung sino ang babae na palaging dumadalaw sa mga panaginip mo"

"Opo.Gusto ko siyang makilala at makita ang kanyang pagmumukha"

"Makikilala mo din siya sa tamang panahon"

"Po?, tangi ko na lang nasabi sapagkat hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Ms.M

"Magpapakilala siya sayo sa tamang panahon"

"Paano?

"Isa kang reinkarnisyon Seraphina,Ikaw at siya ay iisa"

"Akala ko po sa mga movies at teleserye ko lang ito maririnig, hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin"

"Kung ayaw mong maniwala, hindi naman kita pinipilit.Sinasabi ko lang kung ano ang nababasa ko sa iyong mga baraha"

"Totoo ang reincarnation?

"Oo,at isa kang reincarnated soul"

Isang malalim na buntong hininga ang aking binitiwan matapos mag flashback ang nangyari kanina.Maliligo muna ako bago matulog kasi ang lagkit na ng pakiramdam ko.Tinungo ko ang Banyo at saka binuksan ang Shower.Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

"Anong klaseng buhay ba ang meron ka noon Seraphina?,

Ang daming tanong sa aking isipan.Sino ba ako sa nakaraang buhay?Ilang porsyento ba ang katotohanan sa mga sinabi ni Ms.M?

"At sino naman ang lalaking tinutukoy niya na bibihag sa aking puso? Ewww! Walang lalaki ang makakabihag ng puso ko.

Muntik pa akong masuka ng marinig ito sa kanya.

"May isang lalaki ang magiging parte ng iyong Journey para matuklasan ang lihim ng nakaraan.Mamahalin mo ang lalaking aking tinutukoy.Siya lang ang lalaking magpapatibok ng iyong puso"

Natawa ako sa narinig at nasusuka

"Ms.M, wala pa pong lalaki ang nakapagpatibok ng puso ko"

"Alam ko, kasi hindi mo pa siya nakikilala.Darating din ang oras na magkikita kayo.Pero this time wala kang kahit isang nagustohan sa mga naka blind date mo kasi sa kanya ka lang mahuhulog"

Natatamimi ako.

"Paano nyo po nalaman ang tungkol sa mga blind dates ko?sabagay, sikat po akong CEO ng Amira Heritage Furnishing kaya siguro may background na kayo about sa akin"

"Hindi kita kilala Sera.Lahat ng mga sinasabi ko sayo ay galing sa mga baraha na pinili mo"

Napatitig ulit ako sa salamin. Ang mukhang ito ay may kakaibang nakaraan na pilit kong binabaliwala ngunit patuloy pa rin ako netong ginagambala

"Sino ka? Ang lalaking magpapatibok ng puso ko?

Elias POV

"We Love you Elias!, Marry me, Please!"

"Elias, Mahal na mahal ka namin! Sobrang gwapo mo!

"Elias!,Ang gwapo mo talaga!

"Bagay na bagay kayo ni Olivia pero sa akin kana lang Elias Tan!

"Saranghae Oppa!"kamukha mo si Cha Eun Woo!

"Laglag panty talaga ako sayo Elias Tan!"

"Pangarap kong mahug ka kahit 5 seconds Lang!, I love you Elias Tan!

"Ang fresh mo naman!, paamoy kahit saglit lang!

"Ang sarap mong kainin Elias Tan!

Yan lang naman ang sigawan ng aking mga Fans every time na may Mall Show kami or Event ako na dinadaluhan. Sabagay sino ba naman ang hindi magkakaramdapa sa taglay kong Charisma. Sampu pa lamang ang aking edad ay pinasok ko na ang mundo ng Modelling hanggang sa nagkaroon ako ng Big break sa edad na Labing isa para tuloyang mapasok ang mundo ng Pag aarte sa mga Movies at Teleserye. Mula noon ay sunod sunod na ang aking Projects. Sa murang edad ay kumikita na ako noon ng malaking halaga at nakapundar na din ng mga ari arian. Madami din akong Business like Restaurant, Cafe, at Real Estate Investment na until now ay maganda ang pasok ng Income sa akin. Mayroon akong mga supportive na parents ngunit sa edad na 20 years old ay namatay si Papa, samantalang si mama naman ay kasalukuyang nililibang ang sarili sa pamamahala ng ibang restaurants and Cafe namin. Currently, I have a 1.2 Billion Net Worth. I am a Celebrity Billionaire, that is right. Hindi naman sa pagmamayabang pero pinaghirapan ko naman kung ano ang meron ako ngayon.Sa murang edad ay natuto akong humanap ng pera para sa aking mga magulang kasi pinanganak akong mahirap. "Mahirap maging mahirap", kaya nag porsige ako na maiangat ang buhay namin. Hindi naman ako nabigo kasi natatamasa ko na ang rangya na bunga nang dugot at pawis ko sa mundo ng Showbiz.

Sa kabilang ng pagigi kong successful sa mundo ng Showbiz at pagiging Entreprenuer ay ang siya ko namang Malas sa Buhay pag-ibig. Wala pa akong naging Girlfriend since Birth. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa akin kundi dahil sa ayaw ko. I do not find them attractive. Madaming magagandang babae ang nasa paligid ko but no one in them is attractive to me.Maraming babae ang naghahangad sa akin pero hindi ko nakikita ang sarili ko na sunggaban ang mga pagkakataon na yon. Ang alam ng mga Fans at mga kakilala ko sa Showbiz ay may Girlfriend ako, pero pagpapanggap lang naman ang lahat sa amin ni Oliva para sa kapakanan ng mga Fans.

Nakakainis nga kasi wala akong magawa dahil yon ang gusto ng aking Talent Manager para daw mas lalong magkaroon kami ng mga Projects together ni Olivia kasi nag Click ang Love Team namin.Niloloko namin ang publiko sa relasyon na hindi naman talaga totoo.

"Congratulations! Biglang bungad sa akin ni Mr.Raymond Natividad,ang aking Talent Manager.45 years old na siya at may isang anak ngunit hiwalay sa asawa.Para ko na rin siyang kapatid at tatay.mag dadalawang dekada ko na siyang kasama sa mundo ng Showbusiness.

Nagsimangot ako dito matapos akong igulat sa kanyang pa "Congratulations" sabay pa heart shape ng dalawang kamay sa kanyang ulo.

"Hindi ka masaya?, Elias this is your huge success in intire journey here in Showbiz.Kasama pala ako sa huge success na ito kasi ako lang naman ang napakagaling mong talent manager na si Mr.Natividad.Hahaha"Proud netong sabi sa akin sabay Halakhak.Kaya siguro iniwan ng asawa kasi may pagka saltik ang utak.

"Just Go"

"Pinapaalis mo ako?

Nakadikwatro akong nakaupo sa sofa

"Gusto ko munang mapag isa"

Nagdrama ito kunwari sa harapan ko

"Parang anak na kita tapos papaalisin mo lang ako ng ganito, saka kakarating ko lang"huhu

"Ang pangit mo,lalo na kapag umiiyak"

"Huh?, Ang sama talaga ng ugali mo sa akin"huhu

"Totoo naman"pabiro kong wika dito

"Buti na lang at patay na patay sayo ang anak ko, dahil kung hindi ay baka mapatay na kita Elias! Pagbibiro naman neto sa akin.

"Pag namatay ako wala ka ng Elias na pinagmamalaki mo sa buong mundo"

"Pinagmamalaki talaga kita! Malakas netong wika

"Alam ko kaya umuwi kana muna at gusto ko ng magpahinga"

"Okay,okay.Bukas mag celebrate tayo kasi umabot lang naman ng halos 1 Billion ang Kinita ng movie nyo ni Olivia.Yohoww!!!!

Napayamos ako ng mukha.Ito na nga ang pinakamalaking kinita ng mga movies namin together.

"You made it possible Mr.Ray, Salamat"

Mr.Ray ang tawag ko sa kanya.Kung hindi dahil sa tulong niya at hindi ko naman maabot ang pagiging sikat at successful ko in Showbiz.Matipid akong ngumiti dito matapos netong tapikin ang aking balikat at saka tuloyan ng lumabas .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status