Share

Chapter 6

Seraphina's POV

"Ito na po ang lahat ng information about kay Ms. M" wika ni Emily sa akin habang iniabot ang isang folder.

"Thank you, I will review it later" wika ko kay Emily, pero gusto ko na agad buksan ang folder para malaman ang lahat lahat patungkol sa Cards Reader na iyon.

"May nadagdag po pala sa schedule nyo ngayon Ms. Sera"

"It is a meeting with a client"? tanong ko

"No, Ma'am. The Chairman wants you to meet Mr. Ivan Castillo".

"Who is He", curious kong tanong.

"Here are the details po about Him" ,sagot ni Emily sabay abot ng Tablet sa akin.

"Of course, it is my father still trying to set me up on a blind date",

"The dinner is scheduled for 6:00 pm, Ms Sera", dagdag pa ni Emily

"Okay, I will meet him"

"Okay po"

Napabuntong hininga nga lamang ako matapos tumalikod ni Emily. Si Daddy talaga hindi pa tumitigil sa pag Set ng Blind date. Itinabi ko ang tablet at kinuha ang Folder containing Ms. M informations.

"Maria De Guzman ang full name niya, 45 years old. Walang asawa at anak. Kapatid niya pala yong Admin na nag guide sa amin ni Jessa during the reading. She has One Million subscriber on NeoTube at weekly din siya nag upload ng mga Videos about her reading on the Client. Kinuha ko ang aking Cellphone. Subukan kong ipanood mga upload videos niya.

Isang episode pa lang ang napapanood ko pero kinikilabutan na ako, Base sa mga clients ay lahat ng mga nabanggit ni Ms. M. about sa kanilang buhay ay totoo. Nakaramdam ako ng paghanga sa kakayahan ni Ms. M,

I will set an appointment with her. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa babaeng laging nasa panaginip ko.

"Meaning totoo na isa akong Reincarneted Soul?",tanong ko sa aking sarili

Elias POV

"How dare you na saktan si Mariz,akala ko ba aalagaan at iingatan mo siya" , Sigaw sa akin sabay bitaw ng malakas na suntok

Napayamos ako sa aking mukha at matalim na napatingin dito.

"Wala akong ginawa para saktan si Mariz. Mali ba na marealized kong hindi na siya ang mahal ko?", sagot ko dito.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo, wala kang bayag!!! Matapos mong ligawan tapos iiwan mo lang pala!, akmang bibitaw pa sana ito ng suntok pero umilag na ako

"We tried to make it work,pero hindi na talaga kami masaya sa isat- isa",

"Ang sabihin mo wala kang bayag.Duwag ka para ipaglaban ang relasyon nyo!!

"Wala kang alam sa relasyon namin dati ni Mariz kaya wala kang karapatan na sabihan akong walang bayag",

"That is a wrap! ,great job Elias and Ivan" , wika ng Director namin matapos ang mga linyang aming binitiwan ni Ivan Castillo para sa aming on going teleserye with Olivia as the Leading Lady.

"Great job,everyone.Thank you for your hard work", dagdag ni Direk sa mga crews.

"Great Job, Elias" ,wika ni Ivan sa akin at saka nakipag fist bump

"Great Job too, buti na lang at hind totoong malakas pagkakasuntok mo" ,pagbibiro ko dito.

"You knew naman, I can't do that"

"By the way, mauuna na ako sayo kasi may lakad pa ako.Also, regards me to olivia.I hope we can get together sometimes"

"Sure,Sure Bro",sagot ko dito.Hindi ako makatanggi kasi ang alam ng halos lahat ay magkasintahan kmi ni Olivia kahit hindi naman talaga.

Seraphinas POV

"Paki ready ng Car before 6:00 pm", wika ko kay Emily

"Okay po, Ms.Sera"

"Thank you"

"Are you okay po Ms. Sera?,

"Yeah.I am okay, medyo hindi lang maganda panaginip ko kagabi"

"Gabi gabi na po ba kayong dinadalaw ng babaeng yon sa panaginip?

"Not every night, maybe 2 or 3 times per week, Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat na din ang mga nakikita ko tungkol sa kanya"

"Yan po ba ang rason kaya pinapa investigate nyo sa akin si Ms.M?

"Yeah.Please track her everyday, gusto ko malaman ang lahat ng galaw niya and I am planning to go back to her"

"I will po Ms.Sera, please be strong.Sana isang araw ay matapos na po ang lahat ng mga panaginip nyo"

"Don't worry about me, Emily.Naniniwala ako na may rason kung bakit ito nangyayari", wika ko dito sabay bitaw ng matipid na ngiti.

"Naniniwala po ako", sagot ni Emily

Nakalimutan ko palang i review ang details about sa makaka Blind date ko ngayon gabi.I don't know about him pero sisipot lang ako para kay Daddy.

"You look great, Seraphina" ,wika ko sa akin habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin with outfits and make up for the blind date.

Two piece suit Blazer and suit Skirt na kulay maroon ang akin suot with 3 inches cone heels.

"Perfect",

Nagpa hatid ako kay Emily sa isang sikat na Hotel kung saan naka set ang date.After 20 mins ay narating na namin yon.

Naniningkit ang aking mga mata habang magkaharap na kmi ni Ivan Castillo.Wala akong alam tungkol sa kanya kasi nakalimutam ko na i review ang information about him kanina.

"You look great,Ms.Sera.Pleasure meeting you", wika ni Ivan Castillo sabay abot ng kamay neto sa akin para makipag hand shake ngunit hindi ko ito tinanggap.

"I am not nice to all the guys I have met during my past blind date", Fierce kong wika dito.

Ibinaba naman neto agad ang isang kamay matapos kong sabihin iyon.

Napabungisngis ito

"Wow.You are interesting,Ms.Seraphina"

"I know" ,wika ko dito sabay higop ng brewed coffee.

"You do not even know me.I mean kung sino ako at ibang details about my Background", tanong neto.

"Kailangan ba na dapat kilala kita?,

"Wow.Hindi ako nag expect na ganito pala ang anak ng Chairman at CEO nang Amira Heritage Furnishing",

He looks very disappointed about my Manner.Sinasadya ko talaga na hindi maging nice sa kanya para hindi mag work out ang Blind date na ito.

Gwapo naman si Ivan Castillo.Matangkad at maganda ang hubog ng pangangatawan.Buong pagmumukha niya is perfect, but he is not attractive to me.Wala akong maramdaman na kakaiba.

"Kung ginagawa mo ito para ma disappoint ako sayo Ms.Sera, well it is not an effective" ,dagdag neto.

"I am not doing it intentionally.This is Seraphina Amira Madrigals face and attitude.Hind ko kailangang i explain sayo kung ano at sino ako", mahinahon kung wika dito with fierce face.

Inilapag na ng waiter ang pagkain namin ngunit hindi ko ito pinansin.I will walk out pag naubos ko na ang kapeng iniinom ko.

"Hindi ba ako familiar sayo Ms.Sera?, curious netong tanong

"Hindi kita kilala at ngayon pa lang kita na kita"

"Very interesting.This is the first na may nagsabi sa akin na hindi niya ako kilala"

"Why, ?, ano ba ang meron ka para makilala ng lahat?,

"Si Elias Tan kilala mo?", muntik ko ng mabitiwan ang kape na aking hinihigop ng marinig ang tanong neto.

"I see.Sikat na sikat nga talaga si Elias Tan kumpara sa akin.Imagine the CEO of Amira Heritage Furnishing na Top 1 in the philippines ay kilala si Elias Tan",

"I don't know him too" ,pagsisinungaling ko dito pero actually ang Elias Tan na yan yong lalaking pinagkakagulohan ng mga kaibigan ko sa chat room.Siya yon lalaking nakapukaw ng atensyon ko.

"Okay.Nevermind, masaya si Elias about his lovelife with Olivia so let's not talk about him during our date" , wika neto

May girlfriend na pala ang lalaking yon?tanong ko sa aking isipan.Wala akong pakialam kung may Girlfriend na siya,wika ko ulit sa isip.

"Hindi ko gets ang pinagsasabi mo Mr.Ivan Castillo.You are right,this is our date.Why are talking about other people na hindi ko naman kilala",

"Look, I am sorry about that"

"Who is Elias Tan, by the way?, tanong na hindi ko napigilang bitawan.

"He is an Actor and Model, sikat siya this generation.Also, He is a Celebrity Billionaire"

"So you are an actor too?",tanong ko dito

"Yeah"

"I see.Maybe I am the only one who told you na hindi kita kilala"

"You are right"

"I think insecure ka sa Elias Tan na yon since mas sikat siya at maraming projects kumpara sayo", Pang iinis ko lalo dito

"What the....Seryoso ka ba sa sinasabi mo Ms.Seraphina?, That word "insecure" was not an acceptable for me.

"Then, let's end this date"mataray kong wika dito

"Wait.Hindi pa nga tayo nag 10 mins na nag uusap tapos aalis kana",Pag pigil neto sa akin.

"So? ,mataray kong wika dito sabay walk out.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status