Share

Chapter 4

Seraphina's POV

*Dialinggg....

Sinagot naman neto agad ang tawag ko

"Ito na ba lahat ang mga Furniture Designs na nasubmit mo, Maya? I will send the pictures now in messenger",

Sabay click ng sent item at attached ng mga pictures dito.Agad naman nag reply si Maya sa akin

"Sabado ngayon, so no work related topic Please"

Napakamot ako sa ulo.Saturday nga pala ngayon pero pumasok pa rin ako ng Company.Nasobrahan na talaga ako sa pagiging workaholic

"Oh sorry.I forgot, saturday pala ngayon"

"Magpahinga ka naman,Sera"

"I know.I will contact you again by Monday"

"Okay, Labas kami maya nina Samantha.Sama ka?"

"Pass na muna ako.Maybe next time",

"Ang KJ mo talaga" wika neto sabay baba ng tawag ko.

Si Maya nga pala ang kaibigan ko na madalas mahinhin pero minsan may pagka maingay din.Pranka siya sa aming mgkakaibigan.Siya din ang aking ka Buddy pagdating sa mga Furniture Designs na ginagawa namin para sa Kumpanya.

Napabuntong hininga na lamang ako matapos ang tawag.Matapos ilapag sa Table ko ang cellphone ay agad ko itong kinuha ulit kasi sunod sunod ang mga messages na pumapasok mula sa Group Chat naming magkakaibigan na may Group name na " Mga Mashesherap at Mashishikip" .Napapa iling na lang talaga ako sa mga kaibigan ko.Sila ang nag nag decide sa group name namin so wala na akong magagawa dyan.Hahaha.Laughtrip talaga pag may mga Kaibigang Vadeng.

Out of Curiosity ay binuksan ko ang messages nila.Nagkakagulo ang mga Baliw.Hahaha

"Sino ang tinutukoy nila na gwapo daw at mukhang masherap? Bulong ko sa sarili.Mayroon daw kasing bagong kinakabaliwan si Samantha na Actor.Ito lang naman ang laman ng mga messages.

-Samantha,hati na lang tayo kay Elias Tan- Si Jonas yon.

-Pumila ka sa Likod, nauna ako sayo Vadeng- reply naman ni Samantha

-Nakita ko siya kahapon sa isang sikat na Hotel, my ghad ang Gwapo niya mga Vadeng! - reply ni Jonas.

-True.Sobrang fresh at lakas ng dating.Huhuhu-

Nasusuka na ako sa pinagsasabi nila.Maniniwala akong gwapo yan kung may picture at makita ko siya sa Personal.Maya maya pa ay nag send na si Samantha ng picture ni Elias Tan daw.

-Ang gwapo talaga!!!! -si Samantha yon

Loading...Biglang bumagal ata ang Wifi dito sa office.Atat na atat na akong makita ang photo.

"Ayan malapit na mag load"

Teka,teka bakit ako na ku curious sa mukha ng lalaking ito?

"Ang tagal makita ng picture" madami na ang na send ni Samantha.1 minute na pero ayaw pa rin mag load ng picture.Ang haba ng pacensya ko makita lang ang pamumukha ng lalaking ito.After 5 mins.

"Gwapo nga" ,este gwapo naman" wika ko sa sarili matapos mag load na ang picture.Tinapon ko ang aking cellphone nang marealized na nakuha ng lalaking iyon ang atensyon ko.

"Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bigla akong kinabahan at nag Blush.Naiinis ako sa sarili ko.Dahil na din sa inis ay tinawagan ko ang IT department kasi ang bagal ng Wifi.

"Bakit mabagal ang internet connection natin ngayon?,pakiayos nga at kailangan ko ng mabilis na internet connection " pasigaw kong wika dito.

" Mukhang mabagal po talaga ang internet Ma'am kasi Galit na galit na po kayo" Nabibiglang nawika ng tinawagan ko.

"Talagang mabagal kasi ang tagal mag loading ng mga Pictures kanina" naiinis kong wika pero defense mechanism ko lang iyon sa aking sarili, kasi naman nag exert ako ng effort at time para lang sa mga pictures ng lalaking iyon.

"Okay po.Aayosin na po namin Ma'am Sera.Ngayon din po"

"GOOD" Sabay baba ng telepono.

My Gosh anong nangyayari sa akin.Bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Hindi pwde!, picture pa lang yon tapos ganito na ang nararamdaman ko?

"Hindi pwede! Wika ko sabay gulo ng aking buhok.

"Ano ang hindi pwede at kaninong picture ba yan para magka ganyan ang isang Seraphina Amira Madrigal? Wika ng boses babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagbungad ni Jessa.

"Sabi ko na nga ba andito ka sa Office mo" wika neto sabay upo sa may gilid ng table ko

Di ko alam kung bakit ako pinuntahan ni Jessa ngayong araw.

"Nakakabilga ka naman, Jessa"

"Mas nakakabilga ka.First time kitang makita na nagsasalit mag isa tapos ginugulo gulo mo pa yang buhok mo"

Tumawa ako ng kunwari ito

"Hahaha.Wala yon,may iniisip lang ako"

"Sino? wika neto sabay lapit ng teynga sa akin.Naghihintay sa isang bulong.

"Wala nga"

"Sus.Kilala kita Sera"

"Kilala din kita kaya why are you here at my office, you need a friend?

Alam na neto ang ibig kong sabihin.

Inilapag neto ang pregnancy test sa harapan ko.May dalawa itong linya.Naging emotional ako at napa ngiti sa nakikita.

"Are you pregnant?, masaya kong tanong

Tumango sa akin si Jessa

"Congratulations sez! May kapatid na si Justin! I am so happy for you Jessa!". Sa sobrang tuwa ko ay napa yakap ako sa kanya,pero mukha atang hindi masaya si Jessa.

"Are you sad?,di ba dapat masaya ka kasi may Blessing ulit na baby?

Napatitig ako saglit sa kanya at narealized na hindi nga pala sila okay ng asawa niya.

"I am so sorry, hindi nga pala kayo okay ni David"

"Anong gagawin ko,Sera?

"Hindi niya pa ba alam ang tungkol dito? Napaupo kmi pareho

"Hindi ko pa sinasabi sa kanya"

"Kailangan mong sabihin,kailangan mo siya ngayon"

"Hindi ko na kayang ibalik ang tiwala ko sa kanya, remember na mayroon siya babae ngayon"

"I don't know, siguro saka na lang tayo mag conclude kung talagang mabisto mo na siya with that girl"

"Remember Ms.M? bigla akong napaisip sa tanong ni Jessa.

"Yeah."

"Di ba sabi niya buntis ako,at na confirm na natin yon ngayon.Ibig bang sabihin lahat ng sinabi niya sa pag basa gamit ang mga baraha sa atin ay totoo lahat"?, Tanong neto sa akin

"Maaring yong iba ay totoo at yong iba ay hindi" nawika ko na lamang pero napapaisip na talaga ako.

"Naniniwala ako na may babae ang asawa ko at kakilala ko ang babaeng yon"

"Wag kana munang magpaka stress.Isipin mo na muna ang pagbubuntis mo"

"I know, pero this time naniniwala na talaga ako sa kakayahan ni Ms. M"

"Maniniwala na din ba ako sa kanya?,sa mga sinabi niya tungkol sa akin na isa akong reincarnated soul?

"Siguro"

"Look,Jessa.I guess wa na muna nating isipin ang mga bagay bagay na makakasama sa baby mo.Just go with flow, sabihin mo kay Jonas na buntis ka and let's see kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Paano ka?, what if may mga revelations pa about sa nakaraang buhay mo?

"Don't worry about me,kaya ko ang sarili besides nasanay na nga ako everytime na nanaginip ako about her"

"I am so proud of you,Sera"

"Mas proud ako sayo kasi kinakaya mo para sa kay Justin at sa magiging kapatid niya"

Matipid kaming ngumiti sa isat-isa

"Magiging okay din ang lahat" Dagdag ko pa dito.

"Sana nga, Naghahanap pa ako ng tyempo para masabi sa mga kaibigan natin ang problema ko"

"No pressure from them, take your time"

"Pero sino yong tinutukoy mo kanina na picture?pag iiba neto sa usapan

"Wala yon.Hahaha

"Wala nga ba?,

Kinukulit ako neto para mapa amin pero matigas ako kaya hindi ko sasabihin ang rason kung bakit ako nagsasalita mag isa na parang baliw dahil lang sa lalaki.Lalaking unang nag pa puso ng mga mata ko.Ewww.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status