Share

CHAPTER 2

Seraphina's POV

Cheers! Whoaa! 

Ikaw na ang aming Idol na CEO, Sera! Mahal na mahal ka namin! Whoaaa!, Sigaw ng mga kaibigan kong mga baliw,hahaha

OO na!, ako na ang Idol nyong si Seraphina Amira Madrigal at Mahal na Mahal ko din kayo! ,sigaw ko naman sa mga ito matapos naming mag Cheers ng alak sabay laklak.

Kumpleto kaming lima na magkakaibigan ngayon. Si Jessa na isang successful Certified Public Accountant na mayroon ng asawa at isang anak ngunit problemado sa kanyang asawa na may saltik din sa utak kasi hindi pa magawang magpakatino sa kanilang marriage life. Dalawa ang aking kaibigan na Bi-s*xual, sila yong mga gay na hindi dumadamit or gumagalaw as literal na Gay. They wore and acted like a straight Male pero Bhe, mga lalaki din ang target nila. Actually meron silang Boyfriends at ka live in pa nila. Sila ay sina Jonas at Maya. Sa dalawa, si Jonas ang napakalandi at madaldal samantalang si Maya naman ay parang binibining sobrang hinhin at bihira lang mgsalita ng mga SPG words, pero aminin natin sobrang saya kapag may gay friends. Tawa lang kayo ng tawa dahil kung ano ano ang lumalabas sa bibig ng ating mga vaklang friends to the point na nahahawa na din tayo. Ang isa ko pang friend na girl ay si Samantha, pangalan pa lang ang ganda na di ba?, Apakaganda naman talaga ng friend kong ito at napakabait pa. Sumasali siya sa mga pageant at nag mo modelling din minsan.Wala pa siyang Boyfriend kasi isa siyang Fan girl ng mga Korean Actors.

Sera, Don't tell me Low pa rin ang Alcohol Tolerance mo? Jusko Dzai dapat makisabayan kana sa amin makipaglaklakan hanggang umaga. Si Jonas yon.

"Low Alcohol Tolerance? Ako? Hahahaha.Woaayyy, malakas na ito sa inoman", mayabang kong wika dito pero ramdam ko na tama ng alak sa aking katawan. Namamanhid na ako.

"Sinungaling, Namumula na mga pisngi mo Sera. Hindi pa nga tayo nakakaubos ng isang Case ng Beer", Sus! Pagbasag naman ni Jessa sa pagyayabang ko.

"Ako namumula? Natural na mapula ang mga pisngi ko kaya wag nyo akong hinahamon dyan! Whoaaa! Cheers! 

"Cheers!  

"Lord, sana po ay bigyan nyo na ng Boyfriend ang kaibigan naming si Seraphina! Sigaw ni Samantha.

"Lalagpas kana sa kalendaryo Birhen pa rin yang mga labi at Kiffy mo, Sera! tigang na tigang kana.Haha. Magpadilig ka naman.Tingnan mo ako blooming everyday kasi laging may dilig" Pagbibiro sa akin ni Jonas na may halong pang iinis.

"Mukha ba akong Tigang sa lagay kong ito?, Ang fresh ko kaya everyday. Hindi ko kailangan ng lalaki para magpadilig. I need more money! Cheers! 

"Pero Ayaw mo ba ng Matigas? si Jonas yon.

"Ayaw mo ba ng Mahaba? Dagdag naman ni Jessa

"Matigas at Mahaba?, Ano yon? inosente kong tanong

"Ano pa ba nga ba? eyy di Saging o kaya naman T*te !Sigaw ni Jonas sabay tawanan kaming lima.

"Ang bibig mo talaga Jonas, kahit kailan puro kabastosan ang lumalabas" wika ko dito.

"Ganyan talaga kapag may Jowa.Mag Boyfriend kana rin para maranasan mo na ang langit.

"Naranasan ko na ang langit kahit walang Boyfriend,but don't worry pag nagka Boyfriend na ako ipaparanas ko sa kanya ang Langit",Wika ko sabay halakhak dahil na rin sa tama ng alak.

"Yan ang gusto ko sayo Sez!, Palavan!

"Go Sera!, Go! Ibandera mo ang mahalimuyak mong mga bulaklak, Whooaaa!

"Samantha mag Jowa kana rin.Kalimutan mo na ang Ex-Boyfriend mong Cheater,",wika ni Jessa

"Masyado ng mataas ang standard ko para mag Boyfriend, dapat ma meet muna nila ang mala Lee Min Hoo na Awra plus dapat mayaman.Okay na muna ako sa pagiging Fan Girl", Pabebe naman netong sabi

"Baka sa sobrang taas ng standard mo hindi kana magkaka Jowa", wika naman ni Maya.

"Okay lang, kaysa ang magka Jowa ulit ng Cheater", 

" Tigang na rin ang Kiffy mo sez"

"May D*ldo naman, bumili na lang kayo or kaya mag finger na lang kayo", wika ni Jonas na talaga namang hindi ko na kinakaya pero nagtawanan na lang kmi. Hahaha. Lagi syang ganyan kaya nasanay na lang kmi sa pinagsasabi ng Vaklang ito. Hahaha

Jusko, Ang saya magkaroon ng mga kaibigan na ganito. Nakakahawa ang pagiging madaldal nila at masiyahin

"Tama na ang mga SPG words.Uminom na lang tayo! Cheerss! wika ko sa mga ito sabay Cheers ng mga Baso

"The best ka talaga CEO Seraphina Amira Madrigal, how to be you po", wika ni jonas sabay hawak sa mga pisngi ko.

Dalawang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin kmi tapos mag inoman nang biglang bumulong sa akin si Jessa.

"Samahan mo ako",

"Saan? , 

May tama na rin kmi ng alak at namumula na ang aming mga pisngi. Nauutal na rin kami sa pagsasalita.

"Sa manghuhula"

"Anong gagawin natin doon?"

"Ano ba ang ginagawa ng manghuhula?

"Nanghuhula",

"Ayon! Korek! 

"I meaning, magpapahula ka?

"Oo,kaya samahan mo ako"

"Paano sila? turo ko sa iba naming mga kaibigan na nag iinoman pa at tawang tawa sa pinag uusapan.

"Lasing na ang mga yan kaya kung aalis na tayo hindi nila mamamalayan" bulong neto sa akin sabay kuha ng aking mga kamay.

Humihingal kami ni Jessa ng makatakas na sa aming mga kaibigan kasi pupunta daw siya sa manghuhula.

"Alas onse na ng gabi tapos pupunta pa tayo don? 

"Alam mo bang ang hirap mag pa schedule kay Ms.M dahil sobrang dami ng kanyang mga client?

"Abay mala ko sa Ms.M mo na yan",

"Sikat na manghuhula yon kaya i grab ko na ang opportunity na ito since nabigyan ako ng schedule ng kanyang admi tonight"

"Oo na.Pasalamat ka kaibigan kita"

"Magpahula ka na din Sera total kasama na kita"

Tumawa ako dito ng malakas.

"HAHAHAHA.Hindi ako naniniwala sa mga hula hula na yan,sasamahan lang kita",

"Wala namang may mawawala kung susubukan mo"

Sumakay na kami sa aking sasakyan para daw puntahan si Ms.M na isang sikat na manghuhula.Matapos ang 15 na minuto ay narating na namin ang bahay neto.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid nang makapasok na kami sa bahay ni Ms.M, ang dami niyang collection ng ibat- ibang klase ng mga manika. 

"Kinikilabutan ako Jessa" ,bulong ko dito.

"Wag kang matakot, nakikita mo yan ang dami pang nakapila pero mauuna tayo since nagkapag reserved ako tonight. 

"Ang creepy dito", bulong ko kay Jessa ngunit matipid akong ngumiti nang may isang babae ang lumapit sa amin.

"Good evening po Ma'am Carla, bati ni Jessa dito.Siniko ako ni Jessa sabay bulong ng "Batiin mo din siya"

"Good evening po" nawika ko na lamang dito.

"Good evening din. Ikaw po ba si Ms.Jessa Cruz?, yong nakausap ko po sa messenger? 

"Ako nga po, ikaw po yong Admin ni Ms.M na nakausap ko sa chat" 

"Okay, tara pasok na kayo"

"Salamat po", 

Napakapit ako sa braso ni Jessa habang dahan dahan kaming naglalakad papasok sa kwarto ni Ms.M

"Kinakabahan talaga ako Jessa"

"Kinakabahan din ako pero gustong gusto ko talagang magpa hula"

"Ano ba kasi ang ipapahula mo?

"About sa Mister ko na may saltik sa utak, gusto ko malaman kung ilan babae niya at kung sino".

"Ganon ba kagaling ang Ms.M na yan para mahulaan ang kerida ng asawa mo?

"Basta.Try lang naman natin" 

Magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit ulit ang Admin daw ni Ms.M. 

"Patapos na si Ms.M sa pagbabasa,susunod na po kayo Ma'am"

"Okay po" sabay naming sagot dito.

Matapos ang dalawang minuto ay pinapasok na kami ng Admin.Nakapulupot pa ang aking kamay sa braso ni Jessa dahil sa kaba.Ngunit nawala ang kaba ko ng masilayan ang awra ni Ms. M. Hindi naman pala nakakatakot ang hitsura niya at parang ang gaan gaan ng kanyang awra.Sa palagay ko ay nasa 40s na ang kanyang edad.Sakto lang ang haba ng kanyang mga buhok.Maganda si Ms. M at mukhang mabait. Akala ko kasi sa mga manghuhula ay nakakatakot.

"Maupo na muna kayo at iinom lang ako ng tubig, wag kayong matakot mga Binibini" wika nito sa amin.

Matipid naman kaming ngumiti dito.

"Sino pala ang magpapabasa sa akin?

"Kami pong dalawa Ms.M" 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jessa.Hindi naman ako magpapahula.

"Okay, sino ang uunahin ko sa inyong dalawa?

"Ako na po muna" , wika ni Jessa

"Okay,mag umpisa na tayo"

Kinuha neto ang mga baraha na nasa tabi neto at saka binalasa.

"Hindi hula ang tawag sa ginagawa ko mga Binibini kundi ang pagbasa.Kayo ang pipili ng mga baraha sa harapan nyo at babasahin ko" 

"Okay po"

"Ano pala ang name nyo?

"Ako po si Jessa at siya naman po ang aking kaibigan na si Seraphina".

"Okay.Thank you, so si Jessa muna ang uunahin kong babasahan" 

Napabungtong hininga na lang ako dahil sa kaba.Binalasa ulit neto ang mga Baraha.Ipinatong sa harap namin at kinuha ang mga kamay ni Jessa sabay pikit.

"Your awra is Black,Jessa. Hindi ka nakakatulog ng maayos kasi ang dami mong iniisip.Yong feeling mo is ginawa mo naman ang lahat pero bakit pa kulang? Ano ba yong kulang sa akin para maghanap pa siya ng iba? yon ang lagi mong sinasabi sa sarili mo kaya hindi ka makatulog ng maayos.

Bigla atang nawala ang tama ng alak kay Jessa dahil sa mga narinig.

"Btw, babalasa ako ng mga baraha at pumili ka", wika ni Ms.M at saka inilapag ang baraha sa harapan namin.

Matapos ma hati sa tatlo ang 52 cards ay hinapit neto ang kamay sa mga baraha para mapapili si Jessa.

"Pick nine cards,then ilagay mo sa gitna" ,wika neto.

Pumili naman si Jessa ng siyam na baraha.Matapos makapili ay binuksan na ni Ms.K ang mga baraha na nilapag sa gitna.

"Ang galing niya" ,bulong ni Jessa sa akin

"Lahat naman tayo nagkaka ranas ng anxiety at insomia, baka nagkataon lang na nasabi niya ang nararanasan mo" ,bulong ko naman dito.

"your marriage is not okay. May nakikita akong third party", 

Nagkatinginan kami ni Jessa sa narinig mula dito.

"your partner is cheating at matagal na"

Nanlaki na nga ang mga mata namin napa bilog pa ang mga nguso namin sa narinig

"Paano nyo po nalaman?, I mean totoo po ang inyong sinabi Ms.K, actually po yong asawaa..

"Pssst...Pag pigil ni Ms. K sa sinasabi ni Jessa

"Wag ka munang magki kwento, babasahin ko pa ang ibang baraha" 

Napakiyom naman nga mga labi si Jessa.

"Sorry po"

"Malapit sayo ang babae ng asawa mo, pansin mo yong mga heart na cards?meaning malapit siya sayo"

"Meaning po,nakakausap at nakakasama ko ang babae ng asawa ko?, nanlulumong tanong ni Jessa

"Oo.Pwdeng nakasama mo na siya or mayroon kayong pinagsamahan ng babaeng yon" 

"My Gosh.Huhuhu.

"Don't worry Binibini, tutulongan kita"

Naiiyak na si Jessa.Samantalang ako hindi pa rin makapaniwala sa pagbasa gamit ang mga Baraha.Pano naman niya nababasa ang nangyayari kay Jessa gamit lamang ang mga cards.Pinapili ulit si Jessa ng cards, this time ay 12 cards na.Matapos makapili ay binuksan na neto.

"Ang cute ng anak mong lalaki, nag aalala ka sa kanya.Iniisip mo ang magiging kinabukasan niya since you are planning na makipag annull sa Husband mo" 

Tuloyan ng naiyak si Jessa sa mga narinig.Nagulat din ako.Maniniwala na ba ako sa pinagsasabi ni Ms.M?

"Totoo po lahat ng sinabi nyo Ms.M. Plano ko talagang magkipag hiwalay sa asawa ko pero iniisip ko ang anak ko"

"Hindi lang isa ang anak mo, may nararamdaman akong tibok ng puso sa sinapupunan mo.Stop drinking alcohol, isipin mo ang batang nasa tiyan mo ngayon.

Nagkatinginan kmi ni Jessa

"Buntis ka? bigla kong natanong sa kanya ngunit umiling ito.

"Hindi ko alam, hindi ko alam na buntis pala ako" mahina netong nasabi at napaisip.

"Kaya pala 2 weeks na akong delayed" 

"Buntis ka Binibini" pag ulit ni Ms.K

"Hindi ko po alam na Buntis pala ako, magpapa check up po ako agad bukas"

"Maayos ang Carreer mo and finacially you are stable, maayos din ang circle of friends mo.Sa Lovelife ka lang talaga nagkakaproblema.I see broken line.

Nagkatinginan ulit kami ni Jessa ng may lungkot sa mga mata.Ang galing niya? tanong ko sa isip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status