Share

A Century Away
A Century Away
Author: nhumbhii

Simula

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual event, person, living or dead is purely coincidental. 

~disclaimer 

Simula

Marahas kong pinahiran ang mga luhang nasa aking pisngi at mabilis na iwinaksi ang kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "L-Lumayo ka!" hiyaw ko kay Thea kasabay ng nanginginig kong boses, dahilan para siya’y mabigla at naiiling na tinitigan ako.

Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit huli na ang lahat. She betrayed me. They betrayed me.

"Mahal ko si Travis at mahal din niya ako." 

Kaagad akong umatras nang balakin niyang lumapit sakin. Unti-unti niya akong dinudurog sa pamamagitan ng mga binibitawan niyang salita. Hindi pa ba sapat ang lokohin nila ako nang patalikod?

"N-Niloko mo ako," muli akong nagpakawala ng luha at patuloy pa din sa pag-atras. "Kaibigan kita, pero bakit mo nagawa sakin 'to?" naiiling kong tanong.

"We can't help it. Alam mo namang—ELAAAAAAA!" 

Parang biglang tumigil ang mundo ko nang maramdaman kong wala na akong maaatrasan pa. Binalot na ako ng kaba ng mahulog ako sa rooftop at ultimong paghinga ko ay tumigil din. 

Nakita ko ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Ela at sinubukan pang humingi ng tulong habang unti-unting bumabagsak ang katawan ko pababa sa gusali ng departamento namin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at dinamdam ang hangin na dumadampi sakin. Kasabay nang unti-unti kong pagbagsak, taimtim akong nanalangin na sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong mapanakit. Nakakapagod na. Tama na.

Mula sa rooftop ng gusaling may dalawampong palapag, naramdaman ko ang pagbagsak ko sa matigas na lupa. Napangisi na lamang ako nang mapagtantong ito na ang aking huling hantungan. 

Dinig na dinig ko ang sari't saring reaksyon at ingay ng mga taong sa tingin ko'y nakapalibot sakin.

"F-ck! Levántate, Vhem!" 

Iminulat ko ang mga mata ko nang may biglang humawak sa magkabila kong braso at sapilitan akong pinatayo. 

“Tanga ka ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ilang beses ko bang dapat ipaalala sayo na huwag na huwag kang sumasali sa gulo kung hindi mo lang din naman pala kaya.” litanya ng isang lalaki nang ipinaharap niya ako sa kanya.

Sino 'to?

Nagtataka kong iginala ang paningin ko at halos hindi makapagsalita sa nakikita ko ngayon. Hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako ngayon. Gayon na din ang mga estudyanteng nakapalibot samin.

Nasaan ako? Bakit nagkakagulo dito?

Kinapa ko ang sarili ko at dinamdam kung may masakit ba sakin. Maliban lang sa pwet kong mukhang nauntog, wala akong makitang bakas ng dugo, patunay na nahulog ako mula sa rooftop na may humigit kumulang dalawampong palapag. 

Patay na ba ako? Patay na din ba ang mga estudyanteng nagkakagulo dito?

"Anong ambag mo sa lipunan maliban sa kapokpokan?" 

Napaigtad ako sa gulat nang biglang sumigaw ang babaeng masyadong hayok sa make-up ang mukha. Lumapit ang isang babaeng medyo may katangkaran sa kanya at inis nitong tinulak siya. "Kailangan pala may ambag? Bakit hindi man lang ako na-informed?" pamimilosopo nito.

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Nasaan ba ako? Nasaan na si Thea? Kanina lang ay nag-aaway kami tapos— wait.

Napatingala ako para tignan ang rooftop— fudge! Nasaan ang rooftop dito? Kung hindi ako nagkakamali, nasa mismong entrance kami ng gate, at wala akong makitang building na may mahigit dalawampong palapag dito. 

"GOOD DAY TWENTY-FIFTH LEARNERS!" 

Napahinto ang lahat nang may biglang nagsalita, at kung hindi ako nagkakamali, sa school intercom ata nanggagaling ang boses. "Dinastia University is welcoming you for this school year 2401–2402. As of this moment, we are allowing you a day to take a rest or roam around the campus for hectic schedules are waiting for you. Once again, welcome and enjoy your stay. Que tengan un día agradable todos." 

Halos magsigawan lahat ng mga estudyante pagkatapos marinig ang sinabi sa school intercom. Mas lalo naman akong nagtaka sa narinig ko. Papanong twenty-fifth? Twenty-first pa lang ngayon. Baka naman nagkamali lang ang nagsalita kanina? 

"Cool. Mabuti na lang at napasama tayo sa first batch ng twenty-fifth century learner dito sa Dinastia University." biglang salita ng lalaking katabi ko.

"A-Anong year na ngayon?" kinakabahan kong tanong sa katabi ko.

Kung tama ang kutob ko, edi—

"Year Twenty-four-o-one. Natulak ka lang sa sahig pero mukha nadamay ata ang utak mo at nakalimutan kung anong taon na ngayon." Sagot niya sakin.

Hinilot ko ang sintido ko saka pumikit. If this is a dream, please wake me up. Hindi pwede 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status