Share

Kabanata 4

KABANATA 4

VHEM

“Bespar!” Pagkahakbang ko pa lang sa entrance ng cafeteria, boses kaagad ng lalaking may sabing bestfriend ko kuno ang sumalubong sakin. “Pakibilisan!” 

Pagkapasok ko sa cafeteria, kitang-kita ko kaagad ang lalaking kaibigan ko daw sa kapanahunang ito na kumakaway sakin. So, siya lang pala ang yung taong nagawa pang magpa-paging para lang kausapin ako? Pagkatapos niya akong iwan at muntikan nang mabaril kanina? Tch.

Kahit na naiinis ako, dumiretso parin ako ng lakad papunta sa table niya. Wala naman akong ibang choice kundi ang pakisamahan siya dahil wala naman akong ibang kakilala maliban sa kanya.

“Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?” kaagad siyang lumapit sakin at bahagyang napahawak sa magkabila kong braso na animoy chinicheck kung may galos baa ko o wala. “Clester told me na muntikan ka na daw kanina,” dagdag pa niya na ipinagtaka ko.

“Muntikan? What do you mean?” tanong ko saka napaupo sa upuan gayon an din siya sa tabi ko.

“Please take good care of yourself kapag wala ako sa tabi mo. Be safe and don’t—”

“Puwede mo bang ipaliwanag sakin kung ano ang ibig sabihin ng muntikan na ako?” putol ko sa kanya at hindi mapigilang mapakunot ng noo.

May alam ba siya kung bakit ako hinahabol kanina ng mga lalaking maka-mask? Anong muntikan ang pinagsasabi niya? Posible bang may masamang mangyari sakin kapag hindi ako nakatakas at tinulungan ng kaibigan niya? 

“What you did is more like signing yourself to death,” sagot ng lalaking kadarating lang. Ipinatong ni Clester ang dala niyang drinks sa table saka naupo sa harapan namin.

“W-What do you mean?” utal ko.

Parang unti-unti akong binalot ng takot sa hindi ko malamang dahilan. Posible ba talagang mangyari ang hinala ko? Pero paano kung natuluyan talaga ako kanina? Hindi na ba ako makakabalik sa kapanahunan ko? Gosh! This is driving me insane.

“Vhem naman, hindi ito oras para magmaang-maangan. You know the school rules very well, so please sumunod ka na lang.” tila pikon na pikon na sagot ng kaibigan ko. 

Hindi ko siya pinansin dahil mas nakapokus ako ngayon kay Clester. “Tell me…” saglit akong napahinto na para bang nag-aalinlangan pa sa itatanong ko. “W-Will they really kill me if hindi ko sila natakasan kanina?” 

“Vhem—”

“Shut up! I f*cking don’t know what rules you were talking about.” Sigaw ko sa lalaking kanina pa kuda ng kuda at hindi mapigilang makapagbitaw ng isang malutong na mura. Kaibigan ko ba talaga siya? Konti na lang at titirisin ko na talaga ‘to. 

“Yea, they won’t hesitate killing you.” simpleng sagot ni Clester saka ininom ang dala niyang inumin. 

“No! Kailangan kong makauwi.” Napatayo ako saka natatarantang lumapit kay Clester. Umupo ako sa tabi niya saka nagmamakaawang tinitigan siya.

Hindi nila ako puwedeng patayin. Hindi ako puwedeng mamatay dito.

“You can’t go home until you graduated.” 

“No, hindi mo ako naiintidihan. I am not Vhem, I am actually a different person. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, pero...” bahagya akong napatigil sa pagsasalita nang mapagtanto ko kung anong klaseng expresyon ang nakapaskil sa kanilang mukha. Blanko na para bang may isang baliw na nagsasalita mismo sa harap nila. “Nagsasabi ako ng totoo. Tulungan niyo ako. Hindi ako puwedeng mamatay.” Pangungumbinsi ko. 

Sana naman maniwala sila sakin. Wala na akong iba pang mahihingan ng tulong dahil wala akong ibang kakilala dito kundi sila lang. 

“Okay, that’s enough. Bumalik ka na sa dormitory niyo dahil mukhang napagod ka ata sa nangyari ngayon. Ako na ang bahalang maghatid sa labas ng dorm niyo ng mga gamit mo.” Pag-iiba ng kupal kong kaibigan sa usapan.

May iba pa ba siyang gawin maliban sa pakiki-epal palagi? Nakakaasar na to the point na gusto ko siyang bigwasan para maniwala siya sakin.

“Please hear me out. Hindi ako puwedeng magtagal dito—”

“Puwede bang umayos ka? Mapagkakamalan kang baliw ng ibang mga estudyante na nandito,” mahinang bulong niya pero dinidiin ang bawat katagang lumabas sa kanyang bibig.

“Pero—” natigil ako sa pagsasalita nang bigla nag-ring ang phone niya na kaagad niya namang sinagot kung sino man ang tumawag.

“Yes, speaking?... Okay, I’ll be there in a minute.” He said and ended the call. “I need to leave. Puwede mo ba siyang ihatid sa dormitory nila?” baling niya kay Clester at sinagot naman siya nito ng simpleng pagtango.

Mabilis pa sa alas kwatrong nilisan niya ang table namin at daig pa ang isang estudyanteng naghahabol sa deadline sa sobrang pagmamadali. 

Naiwan kaming dalawa ni Clester dito sa table, kung kaya’t sinagad ko na ang pagkakataong humingi sa kanya ng tulong. Mukha naman siyang mabait e, and besides tinulungan niya akong matakasan ang mga lalaking humahabol sakin kanina. 

“Will you help me?” nakanguso kong tanong, talo pa ang batang nagpapa-awa effect dahil sa hitsura ko ngayon. “Look, hindi ako si Vhem.” Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. 

“Then who are you?” he asked, not putting any emotions in his face as he looked at me. 

“My name is Ela. I came from 21st century and hindi ko alam kung paano ako dito napunta sa kapanahunan niyo. Sa pagkaalala ko, bigla akong nahulog sa building tapos pinikit ko ang mga mata ko and then when I opened my eyes… wait,” bahagya akong napahinto na para bang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari. 

Tama, nahulog ako sa building tapos pagkamulat ko sa mga mata ko, etong university kaagad sakin. Possible bang bumalik ang lahat sa dati kung sakaling mahulog ulit ako galing sa may mahigit dalawampong palapag na gusali?

“What happened next?” sunod niyang tanong pagkatapos niyang ubusin ang iniinom niyang green tea.  

“Bye! Mauna na ako,” paalam ko saka tumayo at malalaki ang hakbang papunta sa exit. “Anyway, it’s nice to meet you and thanks for saving my life earlier. Bye!” lingon ko sa kanya at tuluyang nilisan ang cafeteria. 

Sana gumana ang naiisip kong plano. Kapag ito, ay hindi gumana... ewan ko na lang, mababaliw na yata ako sa kakaisip ng iba pang paraan para lang makabalik samin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status