Naglalakad na ulit pauwe sina Chloe sa kanilang mansiyon, nakasunod naman sa kanya si Clyde. Pinagmamasdan lamang siya ng binata, habang papunta silang 7/11, nakaugalian na talaga nila ang pumunta sa convenience store pagkatapos mag inom. Doon muna siya nagppalipas ng ilang oras para mahimasmasan bago umuwe, para mawala ang tama ng alak. "Anong gusto mo binibini???..." Nakangiting tanong ni Clyde kay Chloe. " Hmmm, gusto ko ng siopao asado at isang cup noodles superman ko." Paglalambing na sagot ni Chloe. "Okey sige maupo ka dun, hintayin mo na lanag ako dun ahh." Ani ni Clyde habang papunta na sa counter. Pinagmamasdan ni Clyde ang kanyang kababata na amo din niya. Nakakaawa ang dalaga dahil sa naghahangad ng atensyon ng kanyang ama ay nagrerebelde ito. Nauunawaan niya ang dalaga, kaya tinanggap niya ang alok sa kanya ni Don Robles na bantayan at alagaan ito. Mabait naman si Chloe, pero namimili ito ng makakasama at magiging kaibigan. Binilihan na din ni Clyde ang dalaga ng corne
Read more