Share

CHAPTER 7: PUPPY LOVE

Nasa silid niya si Clyde... Iniisip niya kung totohanin niya kayang ligawan ang kanyang bestfriend at isekreto ang kanilang relasyon sa Daddy nito. Pero ang iniisip niya siguradong magagalit ang Daddy nito dahil para na din niya tinraydor si Don Robles. Tiningnan ni Clyde ang kanyang celphone hinihintay niya na mag message si Chloe sa kanya. Pero wala namang mensahe, kaya umidlip muna siya.

Nagising siya sa ringtone ng kanya celphone... Si Chloe tumatawag, kaya agad niya itong sinagot.

"Hello Chloe... napatawag ka...???" Sagot ni Clyde sa kabilang linya.

"Hello superman ko... pakisundo mo naman ako dito sa bar nila Stacey..." Sabi ni Chloe kay Clyde.

"Akala ko nandito ka lang sa bahay, nasa labas ka pala...???" Inis na sagot ni Clyde sa kanyang amo.

"Sige huwag na lang kung nakakaabala ako sayo.." Malungkot na sagot ni Chloe sa kabilang linya at ibinaba na ang celphone nito.

"Hello  binibini...???"  Sigaw ni Clyde sa kabilang linya, pero hindi na sinasagot ni Chloe.

Kaya agad na siyang bumangon at nagbihis para puntahan si Chloe. Ano na naman kaya ang nangyari sa dalaga at nag-inom ng wala siya. Iniisip ni Clyde na kahit kailan ay pasaway talaga si Chloe.

Nasa biyahe na siya ay tinatawagan pa rin niya si Chloe pero hindi pa rin sumasagot ang dalaga. Binilisan niya na lamang ang kanyang pagmamaneho papunta sa club nila stacey.

Agad siya nagpark sa parking area at hinanap agad si Chloe, pero nahagip ng kanyang mata ang kanyang binibino na pilit na hinahalikan at niyayakap ng kanilang schoolmate na si Jonard. Nagdilim ang paningin ni Clyde kaya agad niyang sinugod ang binata at inambahan ng suntok. Pagkasuntok niya sa pisngi nito ay sinipa niya ng malakas. Gumanti naman si Jonard kaya natamaan at pumutok ang labi ni Clyde. Nang muli sanang susuntok si Clyde ay pumagitna si Chloe at niyakap siya ng dalaga. Inawat na siya ng kanyang binibini.

"Tama na Clyde..." Nanginginig na sabi ni Chloe.

"Binabastos ka nang lalaking yan binibini tapos sasabihin mo sakin... Tama na, babasagin ko pagmumukha niyan. Walang respeto sa babae." Galit na sigaw ni Clyde at masamang tumingin kay Jonard.

"Bakit pare...? Selos ka ba ahh... Ang sarap kahalikan ni Chloe.." Pang-aasara na sabi ni Jonard at tumawa ng malakas.

"Gago ka talaga... Halika dito babasagin ko yang mukha mo,... Hayup ka!!!" Malakas na sigaw ni Clyde.

Pero niyakap lang siya ni Chloe, at umiyak lang ito sa kanyang dibdib. Agad naman tumakbo si Jonard palayo sa kanila. Pinakalma na lamang niya ang dalaga at niyakap din niya. 

"Ssss... tahan na gusto mo ireport natin sa pulis. Yan ang sinasabi ko sayo pag mag-isa ka lang na pupunta ka sa club." Pagsaway niya kay Chloe.

"Hindi ko akalain na gagawin niya sa akin yun, manyak siya." Iyak na sabi ni Chloe.

"Tara na iuuwe na kita..." Ani ni Clyde.

"Gusto ko muna pumunta sa ibang lugar yung tahimik.. at gusto ko kumain, nagugutom ako superman ko." Paglalambing na sabi ni Chloe.

"Oh tara na, dadalhin kita sa tahimik na lugar..." Nakangiting biro ni Clyde sa dalaga.

Hinawakan ni Clyde ang kamay ni Chloe at naglakad na sila patungo sa kotse para mailayo na din ang dalaga sa lugar na yun.

Humunto muna siya sa isang convinience store at bumili ng pagkain nila. Bumili din siya ng beer. Huminto siya sa overlooking sa antipolo, para dun na sila kumain at magpahinga ni Chloe. Napakaganda kasi ng view doon at nakakarelax. Ginising na lamang niya ang dalaga na nakatulog na pala sa kanilang biyahe.

"Binibini... Gising na, nandito na tayo. Para makain ka na...diba nagugutom ka." Malambing na sabi niya kay Chloe.

"Hmmm... Clyde... Nasaan tayo..???" Nakapikit na tanong ni Chloe pero hindi pa din gumigising.

"Huyyy... Bubuhatin kita palabas sige ka..." Pananakot na sabi ni Clyde.

"Gusto ko yun... sige buhatin mo na ako." Nakapikit pa rin na sagot ng dalaga at ngumiti.

"Ayaw ko ang bigat mo na... hindi ka na tulad ng dati na sexy pa... ang lakas mo na kasi mag-inom ng alak at mamulutan." Paglalambing na biro ni Clyde dahil alam niya mapipikon ito pag sinabihang tumataba na. Nilapitan naman niya ito at tinanggal ang seatbelt pero naglapit ang kanilang mga mukha. Agad siyang kinabig ni Chloe at hinalikan siya ng dalaga kaya nawalan si Clyde ng balanse kaya napayakap na lamang siya sa dalaga. Tinugon niya ang halik ng kanyang binibini... First kiss niya si Chloe dahil wala pa naman siyang naging karelasyon, dahil si Chloe lang naman ang matagal niya nang iniibig. Mula pa ng mga bata sila,puppy love at first love niya si Chloe pero hindi niya maaring mahalin dahil sa estado ng kanilang buhay.

"Superman ang sarap ng mga labi mo... akin lang yan hah...?" Natatawang sabi ni Chloe at gumising na. 

"Puro ka talaga kalokohan binibini ko... Tara na labas tayo maganda ang view doon..." Pag-aya ni Clyde.

"Sige... mag-aayos lang ako, bakasabihin ng mga makakita sakin ginapang mo ako dito sa kotse." Pagbibiro pa rin ni Chloe.

Napailing na lamang si Clyde at nauna nang bumaba para ayusin kanilang pagkakainan. Nilatag niya ang sapin at nilagay doon ang kanilang mga pagkain at beer. Napakaganda talaga ng view sa overlooking ng antipolo,nakakarelax at napaka-kalmado. Napalingon na lamang siya sa kanyang binibini nang bumaba na ito sa sasakyan. Napaka-sexy talaga nito, nakajeans lang croptot pero napaka-ganda ng hubog ng katawan. Malaki na ang pinagbago nito, dahil dati ay chubby at bilugin ang mga braso at hita. Gustong- gusto niya ito pag nakalugay ang mahaba nitong buhok...

"Oh bakit ka na naman nakatulala sakin ahhh..." Natatawang sabi ni Chloe at umupo sa tabi niya.

"Masama ba, na-amazed lang ako sayo.... Kasi ang laki na ng pinagbago mo, yung dati kong bestfriend na chubby at matakaw ay seksi na at maganda." Puri ni Clyde.

"Hmmm... naku binobola mo na naman ako Clyde. Matagal nang bilog ang ulo ko." Sagot ni Chloe at ngumiti.

"Totoo naman diba, sabay na tayong lumaki... lahat ng first time mo alam ko, pati na ang unang petsa ng regla mo binibini.. Dahil ako ang taga bili mo ng napkin mo, pag dinadatnan ka sa campus..." Npatawang sabi ni Clyde.

"Hayyy... oo nga grabe ka, hindi ka nga nahihiya eh..." Natatawang sabi ni Chloe.

Nagtawanan na lamang silang dalawa sa mga nakaraan nila. Inaya na ni Clyde na kumain si Chloe.

"Kumain ka na binibini ko... beer gusto mo ba...???"  Pag-aya ni Clyde at iniabot ang pagkain sa dalaga.

"Salamat... sige mamaya pagkatapos ko kumain." Pagtanggap ni Chloe sa pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status