Share

CHAPTER 3: PAG-PAPAHALAGA

"Opo Nanay,aalagaan ko ang sarili ko at si maam Chloe para sa inyo ni Mr. Robles." Pangako nya rito,at ngumiti sya ng napakatamis.

"Hmmm...Binata na talaga ang anak ko. At napakagwapo pa." Pambobola nito sa kanya.

"Si Nanay nambola pa oh. Siyempre po gwapo talaga ako dahil nagmana ako sayo." Paglalambing nyang sagot.

"Bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend ah. Eh sa gwapo mong yan,matalino at makisig.Baka hindi babae ang hanap mo ah." Pang aalaska ng nanay nya.

"Hala si Nanay grabe oh,syempre hindi ko pa iniisip yun. Gusto ko makagradute muna ako at may stable na trabaho bago ako pumasok sa isang relasyon. Hindi ko naman kailangan magmadali diba." Mahaba nyang paliwanag sa nanay nya.

"Sabagay tama ka anak,magpakasawa ka muna na maging binata kasi mahirap ang magkaroon ng obligasyon." Pagsang- ayon ng kanyang nanay.

"Punta na po ako sa komedor Nay, baka malate na po kami sa klase." Paalam na nya rito. At h******n nya ito sa pisngi at agad na umalis.

"Good morning sa napakaganda kong Binibini." Pagbati nya kay Chloe at ngumiti sya sa harap nito ng pagkatamis-tamis.

"Anong problema mo Superman ko. Bakit ganyan ka makangiti. Mukhang nakatulog ka ng maayos kasi wala kang toyo ah... hahah" Pang-aasar na sbi nito sabay tawa ng malakas ni Chloe.

"Kung ayaw mo di wag,susungitan nalang kita buong araw yun pala ang gusto mo eh" Pagsungit na sabi niya.

"Sorry na superman ko. Medyo nanibago lang ako. Hahah,siguro may girlfriend ka na noh. Mabuti naman para makahanap na din ako ng boyfriend." Pang aasar pa rin ni Chloe kay Clyde.

"Ihahatid kita sa classroom mo para dun ako maghahanap ng girlfriend ko at aayain ko ng date sa linggo." Pang aasar din ni Clyde.

"Sige marami akong ipapakilala sayo. Mamili ka lang." Pagsagot ni Chloe.

"Tapos ka na ba mag almusal. Alis na tayo Binibini." Pasuplado nyang sabi.

"Hindi ka na ba mag-aalmusal Superman ko." Pagtatakang tanong nya.

"Wala pa akong gana. Tara na..." Inis na sa sabi nito at nauna nang umalis.

"Teka sandali lang,ito naman hindi na mabiro eh." Paghabol ni Chloe.

Hanggang sa pagsakay ng kotse, hindi sila nag iimikan. Kunwari na lang na nagcecelphone si Chloe. Si Clyde naman nakatingin lang sa labas ng bintana. Kunwari seryoso lang, pero pasimple na tumitingin sa celphone ni Chloe. Pero nakaidlip sya,at nagising na lang sya ng may narinig syang click ng camera.

Kinuhaan sya ng picture ng kanyang Binibini. At narinig nya itong tumawa ng malakas.

"Ipopost ko ito,ang hearthrob ng aming university ay sobrang puyat kakahanap ng kadate." Pang-iinis na sabi nito.

"Ano na ba yan Chloe, Burahin mo nga yan" Inis na sabi ni Clyde

"Bahala ka jan,halika na nandito na tayo sa school. Tama na yang day dreaming mo." Sabi nya at nauna nang bumaba sa kotse. Sumunod naman si Clyde na nakasimangot at napipikon. Sinusundan nya lang si Chloe.

"Ang gwapo talaga ni Clyde,gosh" bulong ng isa sa mga school mate nila.

"Hi Clyde ang hot mo talaga,ayiiii...I'm gonna die" Tili pa ng isa.

"Baby... Your so handsome talaga. Excuse me,lumayo nga kayo sa asawa ko" Paglapit ni Scarlet sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. Na pilit naman siyang bumibitaw.

"Bitawan mo nga ako Scarlet at hindi mo ako asawa." Iritable niyang sabi.

"Ang baby ko talaga nagsusungit na naman." Paglalambing ni Scarlet at yumakap pa ng pabahagya.

Sinamaan sila ng tingin ni Scarlet,at padabog na naglakad ng mabilis. Natatawa na kinikilig si Clyde nang makita nya ang reaksyon ni Chloe. Mabilis nyang iniwasan ang pagyakap ni Scarlet at mabilis na sinundan si Chloe na nakapasok na sa kanyang classroom.

"Binibini...?!? Chloe...Heto oh... yung project mo ,baka makalimutan mong ipasa." Natatawa nyang sabi kay Chloe.

"Akin na, oh ano pa hinihintay mo. Alis na pumunta ka na dun kay Scarlet mo. Maharot" Inis na sabi ni Chloe... Wala siyang pakialam kung ano magiging reaksyon ng mga classmates nya. Basta galit sya.

"Ayyiee... ang arte mo Chloe! " Kantyaw ni Jenny.

"Pakialam nyo ba ah,alis na!" Pagsusungit pa rin ni Choe.

Natatawa naman si Clyde sa kinikilos ni Chloe,at sobrang nacutan tlga sya. Kaya bigla na lamang nya itong hinila at niyakap.

"Hayyy naku,ang Binibini ko nagpapababy na naman. Ang cute mo sa ganyang asal mo" Pabulong nyang sabi kay Chloe na nanlaki ang mga mata sa pagkagulat na niyakap sya ni Clyde sa harap ng kanyang mga kaklase.

"Bitaw,Anong ginagawa mo. Nababaliw ka na ba hah Clyde. Wag mo nga ako yakapin!" Inis na sabi nya.

Agad naman bumitaw si Clyde. Dahil nagulat din sya sa kanyang kinilos.

"Sorry Binibini...Alis na ako." Paghingi ng pasensya ay agad na sya lumabas ng classroom ni Chloe.

Napatulala na lang si Chloe habang pinagmamasdan na palabas si Clyde sa kanilang classroom. Samantalang ang mga classmate,lahat ay nakangiti kay Clyde at kumikinang ang mga mata.

Gwapo naman talaga si Clyde, matalino at maganda ang pangangatawan. Varsity nga ito sa kanilang campus. Literal na hearthtrob. Pero walang nakakaalam sa tunay nilang pagkakaibigan. Lagi itong malayo sa kanya,nakatanaw lang sa bawat nya galaw nya ... Pero ngayon hindi na ito nahihiya na lumapit sa kanya at niyakap pa talaga sya. Napailing na lang sya... At hinanap ang kanyang celphone sa bag.

May nag messge sa kanya.

Galing kay Clyde yun...

"Sorry sa inasal ko kanina Binibini... Nacutan kasi aq sayo kanina..kaya hindi ko napigilan na yakapin ka." -Clyde

"Ano ba problema mo huh?!! Pinagtitripan mo ba ako CLYDE?!!????"

-Inis na reply nya ,na medyo kinikilig.

"Sunduin na lang kita mamaya ah,May klase na kami. Baka makumpiska tong Celphone ko." -Clyde

"Buseettt ka!" -Inis nyang pag type. Sa sobrang busy nya sa pag text kay Clyde. Hindi nya napansin na nasa loob na pla ng kanilang classroom ang teacher nila.

"Miss Chloe, what are you doing?!?"

sita ng kanyang professor...

"Sorry Professor, nothing...." Nakangiti nyang sagot dito, at agad itinago sa bag ang kanyang celphone.

CLYDE'S POV

Nag-message agad sya kay Chloe at humingi ng pasensya sa inasal nya at pagyakap rito.

Hindi din nya maintindihan ang kanyang sarili,ngayon mga huling araw lagi nya ito namimiss gusto nya itong lagi na nakikita. Gustong gusto nyang pagmasdan ang mga ngiti at mga mata na kumikinang. Napabuntong hininga na lang sya,mukhang inlove na sya sa kanyang bestfriend at little sister na tinuturing. Siguradong galit ito sa ginawa nya knina. Nakatanaw lang sya sa bintana,wala pa talaga ang kanilang professor. Nagdahilan lang talaga sya kay Chloe.

"Clyde,hindi makakapasok si Prof..."

Pagbabalita sa kanya ni Jude.

"Ahh kaya pala hanggang ngayon wala pa sya. May lakad ka ba?!?" Tanong nya rito.

" Wala naman, punta tayo sa canteen."

Pag-aaya sa kanila ni Brent.

"May training daw lahat ng varsity sa basketball ngayon. At ngayon na" Pagsulpot ng kanilang team captain na si James.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status