Semua Bab Since The Beginning: Bab 11 - Bab 19
19 Bab
Chapter 10
Kadarating lang ni Rhian sa opisina niya nang marinig ang pagtili ni Marie."Waa! Ano 'to?!" Gulat na gulat na bulalas nito."What's that?" Nakataas ang kilay na tanong niya pagkatapos maupo sa swivel chair."Hindi ko 'to matatanggap Doc!" Inis na sagt nito.Tinignan niya ito ng masama pero hindi naman nakatingin sa kanya kundi sa cellphone na hawak."Ano ba 'yan? Naghiwalay na kayo ng boyfriend mo? May iba na ba siya?"Tumingin ito sa kanya ng nakasimangot. "Mas malala pa 'to Doc kapag may boyfriend nga ako at naghiwalay kami. Ang kaso, wala nga kaya malabong mangyari.""Ano ba kasi 'yan?" Naiinis na saad niya."Isang dakilang manloloko si Lance Reynolds Doc! Gago siya! His parents called off his engagement with Shara kasi may asawa naman pala ang walanghiyang 'yon! Naiinis ako Doc! Anong karapatan niyang saktan si Shara? Ano?" OA na sigaw nito.Tumaas ang kilay niya. "Ang OA mong babae ka ha. Bakit ikaw ba ang niloko?"Napanguso ito. "Hindi Doc, pero parang gano'n na rin. Hindi mo k
Baca selengkapnya
Chapter 11
Inis na hinalungkat ni Rhian ang bag habang naglalakad siya papasok ng ospital dahil panay ang ring ng cellphone nito.Patuloy siya sa paglalakad habang ginagawa 'yon kaya naman hindi niya namalayang may makakasalubong siya kaya ang ending nabunggo niya ito.Inangat niya ang tingin at tinignan ito ng masama. "Look where you're heading." Paalala niya bago tinuloy ang paglalakad.Muli niyang hinalungkat ang bag at nagpasalamat siya nang makita rin sa wakas ang hinahanap.Kumunot ang noo niya nang makita na ang mommy niya ito."Yes mom?" Aniya pagkasagot."Where are you?" Matigas ang boses na tanong nito. Alam niyang galit na ito dahil hindi siya sumipot sa meeting nila kasama ang designer."Mom I already told tou yesterday na hindi ako makakapunta. Nandiyan naman kayo ni tita. Kayo na lang.""Rhian. This is your wedding. May mas importante pa ba kaysa dito?"She rolled her eyes. "My patients mom. As a doctor, aren't they our first priority?"Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "An
Baca selengkapnya
Chapter 12
Habang naglalakad si Rhian papuntang parking ay may bigla namang sumabay sa kanya kaya mabilis niya itong nilingon. Kumunot ang noo niya nang makita si Drake na wagas kung makangiti sa kanya."Uuwi ka na?" Tanong nito.Tumaas ang kilay niya. "Hindi. Kadarating ko lang at papasok pa lang ako." Sarkastikong sagot niya.Mahina itong natawa. "Oh sorry for asking the obvious." Ngumiti na naman ito kaya nagsalubong na ang kilay niya. Abnormal din yata ang isang 'to."Do you wanna eat first? I know a place that serves the best." Mas lumawak pa ang ngiti nito. "My treat."Umiling siya. "No thanks. Maybe next time. I gotta go. Bye!" Paalam niya at binilisan na ang paglalakad papuntang sasakyan."I'll remember that 'next time' bye. See you tomorrow." Pahabol na sigaw nito.Hindi na niya ito nilingon at papasok na sana pero gano'n na lamang ang gulat niya nang may biglang humila sa kanya sa mabilis siyang pinasok sa sasakyan."Who the hell are-----Lance?" Gulat na bulalas niya nang makita ang bi
Baca selengkapnya
Chapter 13
Maagang nagising si Rhian dahil balak niyang takasan si Lance.Tumingin siya sa gawi nito para siguraduhing mahimbing pa rin ang tulog nito.At nang marinig ang malalim nitong paghinga, dahan-dahan siyang bumangon. Tinanggal niya ang kumot at tinignan kung nasaan ang mga damit. Napangiwi siya nang makitang nagkalat ang mga ito sa sahig.Tinignan niyang muli si Lance bago inihakbang ang isang paa pa baba ng kama na napagtagumpayan naman niya. Pero no'ng ang isa paa na ang susunod, impit siyang napatili dahil may biglang na lang humila sa kanya pahiga."Where do you think you're going?" Bulong nito habang mahigpit ang yakap sa beywang niya."Let go of me!" Pagpupumiglas pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya."You really thought you can get away from me do you?" Naramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong labi sa batok niya dahilan para magsitaasan na naman ang mga balahibo niya. "Not gonna happen." Dugtong nito at hinalikan na naman siya sa balikat.She gritted her t
Baca selengkapnya
Chapter 14
Hindi alam ni Rhian kung paano sasabihin sa mga magulang ang totoo. Isang buwan na lang ang lumipas nang makumpirma niya ang pagbubuntis at hindi pa rin niya naipapaalam sa mga ito."Nay Anita nasaan na po 'yong sinigang na pinaluto ko?" Tanong ng mommy niya sa isang kasambahay habang naghahapunan sila."Hinahain na nila." Napangiwi siya nang marinig ang sagot nito. She really hates the smell of any kind of sinigang.Kinuha niya ang basong nasa katabi na naglalaman ng tubig saka uminom para pakalmanhin ang sarili. Hindi naman siguro siya masusuka ngayon di ba?Sunod-sunod siyang napalunok nang makitang lumabas ang mga kasambahay na may dalang sinigang.Grabe ang ginawa niyang pagpipigil sa sariling maduwal nang ilapag na ng mga ito ang dala sa harapan nila.Pero kahit anong gawin, hindi na niya napigilan lalo na ng hilahin ni Ranz ang lalagyan at ilapit sa harapan nila. Magkatabi kasi sila kaya langhap na langhap na niya ang hindi kaaya-ayang amoy ng ulam.Tumayo siya at nagmadaling p
Baca selengkapnya
Chapter 15
Hindi pumasok si Rhian ngayon dahil tinatamad siya. Kasalukuyan siyang nakatambay sa terrace nila at nagpapahangin. At dahil nga nasa second floor siya, kitang-kita niya ang nangyayari sa garden ng katabi nilang bahay.Dalawang tao ang naroon at halatang naglalandian. Nakatalikod sa kanya ang lalake kaya ang kasama lang nitong babae ang nakikita niya ang itsura, na wagas naman kung makangiti. Akala mo talaga endorser ng toothpaste ang bruha.Umismid siya saka kumagat sa mansanas na hawak habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa."Ang saya ng dalawang bobong 'to ah." Bulong niya sa sarili ng marinig ang malalakas na tawa ng mga ito.Nang kumalma, nakita niyang hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti at malalagkit na tingin no'ng babae sa kausap.Umingos siya. "Psh! Pacute amputa." Tinignan niya sandali ang kinakain at mabilis na naman na kinagat.Nang tignan niya ang mga ito, agad na tumaas ang kilay dahil sa nasaksihan. Unti-unti na kasing naglalapit ang mukha ng mga ito."Aba't!
Baca selengkapnya
Chapter 16
"Anak may bisita ka." Napatigil sa pagkain si Rhian nang marinig ang sinabi ng kasambahay nila."Sino po nay?" Nagtatakang tanong niya."Hindi ko kilala. Hindi ko na rin muna pinapasok. Nasa gate siya naghihintay." Sagot nito. Tumango-tango siya. Gano'n kasi ang utos niya. Kapag hindi kakilala ng mga kasambahay kung sino ang bisita 'wag munang papasukin. Malay ba naman kasi niya kung mamamatay tao. Pero kapag ang mga magulang niya ang nandito, panigurado pinapasok na nila kung sino man 'yon. Mga hindi natatakot mapatay o manakawan.Tinapos na muna niya ang pagkain saka lumabas para matignan kung sino 'yon.Mabilis na tumaas ang kilay niya pagkabukas ng gate at makita si Drake na nakatayo doon."Drake? What are you doing here?" Naguguluhang aniya."I heard from Marie that you're sick that's why I brought these for you." Inabot nito ang bulaklak at isang basket ng mga prutas na dala sa kanya.Mas lalong tumaas ang kilay niya at sasabihin na sanang hindi niya kailangan ang mga 'yon pero
Baca selengkapnya
Chapter 17
Nagising si Rhian na wala na sa tabi niya si Lance."Where is he?" Bulong niya at nagpalinga-linga sa paligid pero wala siyang nakita.Don't tell me, it was just a dream.Napatampal siya sa noo nang marealized na baka nga panaginip lang lahat ng 'yon. Bakit naman kasi magiging gano'n ang pakikitungo sa kanya ni Lance di ba? Halata namang iniiwasan siya nito.Naiinis na nahiga siyang muli. Tinatamad na siyang bumangon. Matutulog na lang siya ulit at baka sakaling matuloy na naman ang panaginip niya.Ipipikit na sana niya ang mga mata nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok si Nay Anita na may dalang pagkain."Oh gising ka na pala. Dinalhan kita ng pagkain at baka gutumin ka kapag nagising." Nilapag nito ang mga dala sa bedside table."Nay nakita mo ba si Lance?" Tanong niya sa matanda."Si sir Lance? Hindi bakit?" Naguguluhang sagot nito.Umiling siya. "Wala po. Para kasing nakita ko siya rito. Sige na po nay magpapahinga na muna ako."Tumango ang matanda. "O sige. K
Baca selengkapnya
Epilogue
"Sorry we're late." Sinalubong ng masamang titig ni Rhian ang mag-asawang Anne at Jesther na kadarating lang at may bitbit na regalo habang hawak sina Isaac at Inigo."Saan ba kayo nanggaling at ang tagal niyo? Tapos na tuloy ang binyag." Tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa mga ito."Ito kasing dalawa ang kukulit. Ang hirap nilang suyuin. Para kasing mga timang kagabi na basta na lang naisip na dito kami matulog. E kaso gabing-gabi na kaya hindi na kami pumayag. Kaya ayon, umagang-umaga nagmamaktol sila." Sagot naman ni Anne pagkatapos ay kinurot ang pisngi ni Inigo na mabilis namang sumimangot."Oo nga naman. Dapat dito na lang kasi kayo natulog. Di ba Isaac?" Gatong niya at kinindatan pa ang bata na mabilis namang tumango. Sa bahay ng mga magulang ni Lance kasi sila natulog dahil dito gaganapin ang reception ng binyag. 'Yon kasi ang gusto ng mommy ni Lance. Pero siyempre hindi nagpatalo ang mommy niya. Sa first birthday ng anak, sa bahay naman daw ng pare
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12
DMCA.com Protection Status