All Chapters of Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18): Chapter 31 - Chapter 40
64 Chapters
Chapter 31: I need you
ATHENA'S POV "Mama! Nandito po sila Prince!" Napatigil ako sa pagkukusot nang marinig ang sinabi ni Ayden mula sa taas. Nandito ako sa banyo sa may baba. Mas malaki kasi ang banyo dito kaya dito ako naglalaba ng damit naming dalawa. Kakasara lang ng kainan noon at pasado alas otso na. Hanggang 7:30 lang talaga ang kainan namin dahil marami pa akong ginagawa. Gaya na lamang ng paggawa ng mga ide-deliver. Pero ngayon, wala pa dahil napadala ko na ang mga order. "Matulog ka na, anak! Masyado nang late!" ani ko imbes na paniwalaan siya. May pasok bukas kaya imposibleng pupunta dito si Prince. At sino ang kasama, si G? Busy din iyon sa trabaho. Hindi na kami nagkita ni GS pagkatapos ng araw na iyon. Pero tumatawag siya sa akin at nangungumusta. Lagi. Kahit na marami akong ginagawa sa araw, tumatawag siya. Minsan nga naiiwan kong naka-loudspeaker, pinapakinggan niya ang pinag-uusapan namin ng mga tauhan at mga customers ko. Super tiyaga niya rin. Ilang sandali na akonh nagkukuskos n
Read more
Chapter 32: Her Mom
ATHENA'S POV"G..."Napahawak ako sa kamay niyang humahaplos sa aking hita.Hindi ako sumagot kanina kaya napaupo siya at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako sinasamyo na niya ang aking buhok at ang kamay ay naglulumikot."I really missed you, Athena," bulong niya mayamaya sa akin. "Hindi mo ba ako na-miss?""N-na-miss... Pero hindi ito maari.""Why, hon? I'm sure, gusto mo rin. I can feel it." Muli niyang pinagapang ang kamay at palapit na iyon sa pagitan ng hita niya.Napakapit ako sa damit niya nang padaanin niya nang isang beses ang hiwa kong may suot pa."W-wag, G," pakiusap ko.Napabuntong-hininga siya pagkuwa'y tumigil. "Ano ba kasing pumipigil sa nararamdaman mo sa akin?""I-ikaw mismo.""What?! Me? H-how? It's obvious, isn't it?You have my surrender, hon.""G..." Naupo ako at humarap sa kanya. "Hindi maganda ang unang engkuwentro natin, naalala mo ba? At kahit na naging maganda ang samahan natin nitong nagdaan, hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Saka naipangako ko sa saril
Read more
Chapter 33
GRAESON'S POVMABILIS ang takbo ko papuntang sasakyan ko nang makalabas ng kainan nila Athena. Hinintay ko pang makapasok ang ina niya bago ako tumakbo. Pero bago ako nakaalis ay narinig kong tinatanong niya si Prince kung kanino anak. Hindi ko na narinig ang sinagot ni Athena. Baka kasi biglang dumaan din ang kapatid niyang ayaw sa akin. Yes, tahasan niyang sinabi sa akin ang lahat nang araw na dumalaw siya sa bahay ko mismo. Kaya wala na nga akong maihaharap sa kanila talaga. Sinasamantala ko lang ang kalagayan ni Athena dahil alam kong babalik kami sa dati. Napamura ako pagkapasok ko nang maalala ang telepono ko. Naiwan ko yata sa mesa nila Athena! Napahampas ako sa manibela at hindi sinasadyang matamaan ang busina kaya napatingin ako sa bahay nila Athena, partikular na sa bintana. Napalabi ako nang marinig ang pagbukas ng binatana nila. Buti na lang, tinted ang salamin. Baka lapitan pa ng ina ni Athena kaya iginiya ko na ang sarili ko paalis. Tatawagan ko na lang si Athena mama
Read more
Chapter 34: Why?
ATHENA’S POV "KIM, anong ginagawa mo dito?" Kaagad kong sinalubong ang pababa ng pick-up. Si Kim ay kapatid ni Ma'am Carla. Nakilala ko lang din siya sa restaurant nila. Laging siya ang nagre-receive ng mga dini-deliver ko. "Hindi ba naitawag ni Ate Carla na ako ang magpi-pick up ng mga order niya?" Saglit akong natigilan. Oo nga pala, naitawag na ito sa akin kahapon. Akala ko naman isa sa mga tauhan ni Ma'am, si Kim pala. "Naitawag niya pero ang akala ko isa sa tauhan niyo." "Oh, ako ang laging walang ginagawa kaya ako na ang nagprisinta." Ngumiti siya sa akin. Tumingin siya sa kainan ko. Anim lang ang mesa doon, at hindi ganoon kalaki. Pero hindi nawawalan ng customer. Kaya masuwerte rin ang puwesto ko. Malapit din kasi sa isang factory at may establishment ng gobyerno din kaya sila ang mga nagiging customer ko. "Mukhang masasarap ang ulam niyo dito," nakangiting sabi niya sa akin nang balingan ako. "Um, medyo? Mga lutong bahay lang," "I love it. Sakto, hindi pa ako nagla-l
Read more
Chapter 35: Out of Town
ATHENA'S POVINIWASAN kong makita ni Ayden sila G at Prince ng mga sumunod na oras. Pumupunta kami ni Ayden sa mga rides na wala sila, na hindi ko siya tanaw. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita siyang masaya na kasama ang babaeng iyon. Para bang normal na sa kanila iyon. Komportable sila sa isa't-isa.Pero hindi ko akalaing makakasabay ni Ayden si Prince sa grand carousel. Hindi na ako nakaiwas.At dahil gusto ni Ayden na kasama si Prince at G ay hinayaan ko na lang silang apat. Si Prince kasama ang babae, at si Ayden naman at si G. At kung titingnan sila sa malayo ay masayang pamilya. Kaya nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib. Para bang nagseselos ako. Kaya naman pagkatapos ay kaagad kong hinila si Ayden."Athena, wait." Pigil sa akin ni G. "Nagugutom ang bata, at gusto niya raw na kumain tayo nang magkakasama."Tumingin sa akin si Ayden. "Nagugutom na po ako. Okay lang po ba kung sabay-sabay tayo?""Ako rin po, Miss Athena, nagugutom na." Ngumiti pa si Prince sa akin.Kagat a
Read more
Chapter 36 :Pleasure
GRAESON’S POV NAPADIIN ang pag-apak ko sa break nang makita si Athena na may kausap na lalaki sa harap ng bahay niya. Kasabay din niyon an pagkuyom ko nang kamao. Mukhang kilala niya talaga ang kinakausap dahil maganda ang ngiti niya– I mean matamis. Napangiti ako nang pilit. Sana sa akin din ganoon kaganda ang ngiti niya. Nakaka-miss talaga ang dating Athena. Mukhang hanggang alaala na lang talaga. Sinayang ko, e. Sana lang hindi marinig nila Athena ang ingay na likha niyon. At mukhang hindi naman kaya inilapit ko pa ang sasakyang dala ko ngayon. Idadaan ko lang kay Ayden ang bago kong bili na cellphone. Wala siya dito ngayon sa bahay nila, nasa school. At kaya lang ako nandito dahil gusto ko lang makita si Athena. Actually, araw-araw akong dumadaan dito. Kahit out of way kapag papasok ng opisina, sinasadya ko pa ring dumaan dito para lang makita siya. Wala siyang kaalam-alam. Ilang sandali ding nag-usap si Athena at ang lalaking iyon. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko kay
Read more
Chapter 37: Visitor
ATHENA'S POVGANO'N lang 'yon kadali? Sumuko ako kaagad kay G?Napalabi ako nang maramdaman ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit. Hinalikan niya rin ang aking balat, malapit sa balikat. Umakyat pa iyon sa batok ko kaya nakaramdam ako ng kiliti. Parehas kaming hubo at katatapos lang ng maiinit na tagpo sa amin."Anong iniisip mo, hon?"Hinarap ko siya. "Bumigay ako?" Mapaklang ngiti pa ang sinunod ko."Yeah. That's why you're amazing." Hinalikan ni ang aking noon pagkuwa' ang tungki ng ilong. "Hindi mo talaga matuturuan ito." Dinala niya ang kamay sa dibdib ko. "That's mine. Kaya 'wag ka nang kumontra."Hindi ko alam kung bakit nasabi niya iyon pero ramdam ko. Kakaiba ang nangyari kanina. Para bang sanay na sanay ang katawan ko sa kanya. Gustong-gusto ko ang init at kiliti na hatid niya sa akin. Para siyang si… Graeson. Pero hindi. Siya si GS at siya ang kumuha ng virginity ko years ago."A-ano na lang ang sasabihin nila? Ng pamilya ko? Hindi na ako nadala. Mas bata ka sa akin.
Read more
Chapter 38: I'm Ayden's Father
GRAESON’S POVNAPAKUNOT ng noo ang ina nang umiling siya sa tanong niya kung nagpa-deliver lang siya. Sinundan ng ina ang nguso niya nang ituro niya ang pribadong silid niya.“Oh,” singhap ng ina.Tumingin ito sa kanya. “Athena?” mahinang tanong niya na marahan kong ikinatango.Tumaas ang kilay ko nang inayos ng ina ang sarili. “Pwede mo ba akong samahan sa baba, anak?” tanong ng ina sa normal na boses.Nakuha naman niya ang ibig sabihin kaya sumagot siya.“Ouch!” d4ing ko nang kurutin ako ni Mommy pagkalabas. Nagtinginan tuloy ang mga empleyado ko. Merong mga tumawa pero meron ding napangiwi. “Hindi ka pa umaamin, no?” Balewala lang sa ina ang mga taong nakapaligid.“Sa taas tayo mag-usap, Mom. Please?” Sinulyapan ko ang sekretaryang nakatunghay sa kanila. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napabalik siya sa ginagawa.“Sure,” anang ina at nagpatiuna. Ngumiti siya sa mga empleyado namin na parang wala lang. Pagdating sa taas ay ang ina kaagad ang humarap sa akin.“Sabi mo, hindi ka n
Read more
Chapter 39: Unwanted F(p)erson
ATHENA'S POVMATAGAL kong tinitigan ang kaharap. Kinurot ko rin ang aking pisngi dahil baka nanaginip ako. Pero nasaktan ako. Totoo at nandito ako sa sitwasyong ito. Nandito ako sa sitwasyong hindi ko gusto."U-ulitin mo nga ang sinabi mo, G." Gusto kong ipaulit dahil baka nabingi lang ako. Na baka nagbibiro lang siya. Pero–“You heard it right, hon. I-I’m Graeson. It's me.”Muling umawang ang labi ko sa sinabi niya. Kinompirma niya! Hindi ako nabingi kanina at hindi rin siya nagbibiro!“B-bakit, Grae? B-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Bakit? Huh?”“I’m sorry, hon. Natakot–”“‘Wag na ‘wag mo akong matawag na hon dahil matagal ko nang binaon si isipan ko si Graeson!” Tumayo ako at tinuro ang pintuan. “Hindi ka dapat nandito, Grae. Umuwi ka na. Hindi kita kailangan sa buhay ko– namin ni Ayden.”“Hon, please. Matagal naman nang panahon iyon. Hindi mo ba ako pwedeng patawarin? Nagkamali ako. Hindi kita pinaniwalaan. Dapat ipinaglaban kita sa Lester na ‘yon.”Saglit akong natigilan na
Read more
Chapter 40: Prince
ATHENA’S POV NAPAATRAS ako nang humakbang si Lester palapit sa akin. Ayokong lumapit siya sa akin dahil baka hindi ko mapigilan ang galit ko. May mga customer pa naman kami ng mga sandaling iyon. Saglit siyang sumulyap kay Kim bago tumingin sa akin at ngumiti. Pero iba ang hatid sa akin nang ngiting iyon. Ngiting aso na hindi ko makayang tingnan. Sinapo ko ang ulo mayamaya dahil sa kirot. Gaya nang kirot nang umamin sa akin si Graeson. “A-Athena?” untag sa akin ni Kim. Saglit lang iyon nawala at muling sumakit. Hanggang sa nag-flashback sa aking isipan ang nangyari sa pagitan namin ni Lester after ng summon namin sa korte. Kakapanganak ko lang noon. *** “Akala mo ba makakalaya ka na talaga sa akin? Hindi, Athena. Marami akong hawak na ikakasira mo– ninyo ng kabit mo na ‘yon.” Hinila niya bigla ang aking buhok. “B-bitawan mo ang buhok ko, Lester,” pakiusap ko sa kanya. “Bibitawan kita kapag nagawa ko na ang gusto kong gawin sa ‘yo.” Lalong humigpit ang paghawak niya sa aking bu
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status