Semua Bab The Billionaire's Annoying Assistant : Bab 51 - Bab 60
67 Bab
Chapter 51
"I'm sorry," sambit ni Kai nang makapasok kami sa private villa kung saan kami mag-stay. Humihingi siya nang dispensa dahil sa mga fans niya na hindi talaga tumigil hanggang sa hindi kami nakikipag-picture sa kanila. Nag-request din ang mga ito na sumali ako sa picture. "Ayos lang. Wala naman na tayong magagawa. Hindi din naman puwedeng hindi matuloy ang bakasyon natin dahil may mga nakaabang na fans."Tipid siyang ngumiti at muling nag-sorry. Kapansin-pansin ang pananahimik ng mga kasama namin habang nakatingin sa amin. Nang mapagtanto ko kung bakit, bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak pa din pala ni Kai. Naging komportable ako masyado at hindi ko na ito napansin. Binitawan naman ni Kai ang kamay ko at napakamot ng batok. Ngumisi si Elias pero wala naman itong sinabi. "Magpahinga na muna kayo," sabi nito. Mainit pa naman kaya hindi pa magandang lumabas para mag-swimming.Nagpa-deliver sila ng mga pagkain. We had a boodle fight for lunch. Nabusog ako. Ng
Baca selengkapnya
Chapter 52
Nakapangalumbaba ako at ilang sandaling nakatunganga dito sa coffee shop na malapit sa aking penthouse. May tatapusin pa akong trabaho, pero dito ko na lang piniling gawin dahil kapag uuwi ako, tiyak na makakatulog lang ako. Bumuntong hininga ako saka ako humigop sa kape na nilapag ng waitress sa aking tapat. "Aw! Putcha!" mariin kong mura nang mapaso ako. Dinampot ko ang bottled water upang maibsan ang init ng pagkapaso ng aking dila. Kamuntik ko namang mabuga ang tubig na iniinom, nang makita ko kung sino ang lalake na nakaupo sa mesa na nasa harap. Nakaharap ito sa akin, humihigop ng kape at may laptop din sa kaniyang harapan gaya ko. Napaubo tuloy ako. Ano ba'ng ginagawa niya dito? Ang lawak-lawak ng lugar at diyan pa talaga siya pumuwesto. Nauna akong nagpunta dito. Baka mamaya sabihin na naman niyang ini-stalk ko siya. Bumuntong hininga ako at agad bumalik sa aking ginagawa. Hinilot ko ang aking noo. Hinalungkat ko ang aking bag saka hinanap ang aking eye drops dahil ma
Baca selengkapnya
Chapter 53
"Meeting?" kunot noo kong tanong sa aking sekretarya. Katatapos ko lang mag-lunch at plano ko na ding umalis ng kompanya upang mabisita ang manufacturing."Opo, Ma'am," sagot nito habang nanatiling nakatayo sa aking harapan. Tinignan ko ang kopya ng aking schedule. At wala naman akong makita na ngayon ang schedule kasama sina Justin, Jetro at mga Harper. Bakit naman biglaan? "Okay." Inayos ko ang mga gamit ko at ch-in-eck ko na din muna ang laman ng aking bag bago ako lumabas ng aking opisina. Maaga akong nakarating sa kompanya ng mga De Gracia. Sinalubong ako ng kanilang assistant at hinatid hanggang sa opisina ng CEO. Tumikhim ang mga lalake nang makita nila ako. Tumayo si Jetro at lumapit siya sa couch kung saan nakaupo sina Justin at Joshua. Titig na titig naman sa akin si Joshua. Hindi ako naiilang sa ginagawa niyang lantaran na paninitig. Sa halip ay naiirita ako. Kung noon, nakakaya ko pa siyang ngitian at nagagawa ko pang makitungo sa kaniya nang maayos, ngayon hindi na
Baca selengkapnya
Chapter 54
"Ma'am, may dumating pong bulaklak para sa inyo," sabi ng aking sekretarya. Inikot ko ang aking upuan paharap sa kaniya. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni habang nakatanaw sa glass wall. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng lungkot. Malabong midlife crisis ito dahil ilang taon pa bago ako mag-trenta. At thirties ba nagsisimula ang midlife crisis?"Kanino galing?" tanong ko kahit na may idea naman na ako na kay Kai ito galing. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko na hindi ito fresh flowers. Ngumiti ako at pinagmasdan ang isang bugkos ng bulaklak na yari sa silk satin. So sweet! Hinanap ko ang card ngunit wala akong makita. "Walang card?" "Parang bodyguard po iyong nagdala at hindi delivery boy, Ma'am." "Talaga? Kanino naman kaya galing ito? Okay, thank you. Bumalik ka na sa table mo."Ka-text ko si Kai pero wala man lang siyang binabanggit. Mukhang hindi sa kaniya galing ang bulaklak. May mga nagpapadala sa akin na mga boquet pero madalas may mga pangalan. Some of them wer
Baca selengkapnya
Chapter 55
"Ba't parang kinikilig ako?" natatawang sabi ni Mady. "Ewan ko sa'yo!" sabi ko naman. Pinatay ko na ang tv saka inayos ang mga kalat para makatulog na. "Dito ka ba matutulog?" tanong ko sa kaniya dahil hindi pa din siya gumagalaw mula sa kaniyang kinauupuan. "Oo. Unless you don't want me here."Ngumisi siya. "Kung ayaw mo akong patulugin dito, ayos lang naman. Baka hinihintay mo si neighbor." Tumawa siya nang batuhin ko siya sa ng magazine. "Tss! Usapan natin, di ba, na hindi na natin siya pag-uusapan.""Oo, pero isa din sa usapan natin na lagi tayong updated sa buhay ng isa't isa," sagot naman niya. "May mga ganap na pala pero hindi mo man lang sinasabi.""It's not important, that's why I prefer not to talk about it.""Bahala ka nga sa buhay mo! It's not important. Kapag ikaw rumupok!"Ngumiwi ako. KINAUMAGAHAN maaga akong gumising, para makapag-take out pa ako ng almusal ko. Sa office na lang ako kakain. Hindi ko alam kung pumasok na si Mady. Bagong bili niya ang kaniyang sa
Baca selengkapnya
Chapter 56
Sa twentieth floor bumaba ang babae. Pansin ko ang kagustuhan ni Joshua na kausapin ako, pero nag-aalangan ito. Nang huminto sa palapag kung nasaan ang kaniyang unit ang elevator, parang ayaw pa niyang bumaba. Bumuntong hininga siya bago siya bumaba. Naupo ako sa may balcony ng ilang sandali pagdating ko sa aking penthouse. In-enjoy ang katahimikan. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng dalawang oras dito. Hindi pa sana ako aalis dito, kaso dumating si Mady. "May party daw sa isa sa mga may unit dito. Punta tayo," aya sa akin ni Mady. Mukhang iyon lang ang dahilan nang pag-akyat niya dito. "Ikaw na lang," sabi ko sa kaniya. At paano naman kaya niya nalaman ang tungkol doon? Tingin ko naman hindi niya kilala iyong babae na kausap kanina ni Joshua. "Sumama ka, nag-aaya sina Craig."So, nandoon sina Craig? Ibig sabihin naroon din si Joshua. Hmmm... Bakit nga ba naman siya hindi pupunta roon? "Ayaw ko, ikaw na lang." Sakto naman na humikab na ako. Inaantok na ako, tapos hi
Baca selengkapnya
Chapter 57
Tanghali na ng magising ako. Wala na akong lagnat, ngunit mayroon pa akong kaunting sipon at ubo. Wala na si Mady sa sofa. Baka bumaba siya sa kaniyang unit o di kaya ay pumasok siya. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago ako lumabas ng aking silid. Saktong paglabas ko naman ay nagkabulagaan kami ni Joshua, na mukhang planong pumasok sa aking silid upang silipin ako. "Ah," he stuttered a bit. "Are you okay now?" he asked. Medyo nag-aalinlangan. "Nagpunta si Mady sa opisina. She'll just fax some papers." Tumango ako. Tipid na tipid. Nilagpasan ko siya. Naglakad ako patungong kusina. Nakasunod siya sa akin. Sa pagkakaalam ko hindi siya welcome dito sa penthouse. At sa pagkakaalala ko, hindi ko pa siya pinayagan na magpunta dito. Kaso masyadong mabigat ang aking katawan upang makipagtalo. "Nagugutom ka na ba? Nagluto ako ng pagkain. You want to eat now?" Ayaw kong magpaasikaso sa kaniya. And why is he here anyway? Hindi ba't dapat nasa opisina siya at nagtatrabaho? Kumuh
Baca selengkapnya
Chapter 58
"May ilang oras pa bago magdilim. Kailangan nating kumuha ng mga kahoy upang gawing panggatong," sabi ni Joshua. Walang kaserola, kawali o kahit kaldero na maaring paglutuan, kaya poproblemahin pa namin ngayon kung paano kami makakapagluto ng aming kakainin. Lumabas siya ng cottage kaya sumunod ako sa kaniya. Mayroon na siyang hawak na maliit na bolo."Saan ka pupunta?" tanong ko nang maglakad siya."I'll get some dry woods or branches." Tinuro niya ang maliit na gubat sa may kanang bahagi nitong isla. Hinubad ko ang suot kong blazer. Sasama ako sa kaniya. "You stay here," utos niya pero inunahan ko na siya sa paglalakad. "Malamok doon," sabi niya habang nakasunod sa akin. "Tss! Tingin mo naman, takot ako sa lamok?"Nayayamot siyang umungol. "Hindi ako lumaki bilang prinsesa ng mga De Lucca. Lumaki ako sa kalye. Lumaking si Petra."Wala siyang nagawa kundi hayaan na lang ako. Namulot ako ng ilang mga sticks. Si Joshua naman ay nanghila ng mga tuyong dahon niyog. Hila-hila niy
Baca selengkapnya
Chapter 59
Nagising ako na nakayakap kay Joshua. "Mukhang hindi ko na kailangang manligaw," sabi niya nang maramdaman na gising na ako. Tumawa naman ako. "Hanggat hindi ko sinasabi ang magic word, manliligaw ka pa din," sagot ko naman pero nanatili pa din ang aking kamay na nakayakap sa kaniyang katawan. Umayos siya ng higa at yumakap din sa akin pabalik. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Nakangiti kong pinikit ang aking mga mata, habang sinasamyo ang kaniyang natural scent. Na-miss ko 'to. "I missed this," bulong niya. "Iyong mga yakap mo. Mga paglalambing mo." "Masakit ba ang talampakan mo?" magiliw niyang tanong. Tumango ako. Tumitibok-tibok ang sugat kaya nagising din ako. Para akong hinehele sa yakap ni Joshua kaya muli akong nakatulog. Nang magising ako, tirik na tirik na ang araw. Mausok at nalalanghap ko ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Joshua. Bumaba ako ng duyan at tinignan ang kaniyang ginagawa. "Hinuli mo?" mangha kong tanong nang
Baca selengkapnya
Chapter 60
Tahimik kaming bumaba ng building kung saan kami binaba ng chopper na sumundo sa amin sa isla. Sumakay kami ni Mady sa sasakyan na sumundo kay Joshua, since iisa lang naman ang lugar na uuwian namin. Nagkatinginan kami ni Joshua nang malapit na kami sa palapag kung saan ang unit niya. "I think we should call a doctor first before you take a rest."Tumango ako. "I'll call our family doctor." Nilabas ko ang aking celphone at agad ni-dial ang kaniyang numero. "Samahan na muna kita sa penthouse, habang hinihintay natin na dumating ang doctor."Napangiti ako at nailing. "Ikaw ang bahala."Pagdating ng penthouse dumiretso ako sa aking silid at naligo. Paglabas ko wala pa din ang doktor. Nahanap ko din si Joshua sa kusina. Nagluluto siya. "Nagsaing na din ako," sabi niya. Bahagya niya akong nilingon. Nakahubad siya ng baro at suot ang aking pastel pink na apron. Bago matapos ang kaniyang niluluto, dumating ang doktor. Nilinis niya ang aking sugat at binigyan ako ng gamot. Hindi na di
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status