All Chapters of The Billionaire's Annoying Assistant : Chapter 11 - Chapter 20
67 Chapters
Chapter 11
Pagkatapos kumain bumalik ako sa paglalaba. Hapon na ng matapos ako. Tahimik na sa buong kabahayan. Mukhang umuwi na ang mga kaibigan ni Joshua. Wala din si Joshua sa sala. "Umalis kaya siya?" Sabi niya mag-grocery ako ngayon. Lumapit ako sa kaniyang kuwarto. Dinikit ko ang aking tenga sa may pintuan niyA. Wala naman akong ingay na naririnig mula sa loob. Pinihit ko ang pinto at sumilip. Walang tao pero nakita ko ang kaniyang celphone na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Isasara ko na sana ang pintuan nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo at ang tila hirap na hirap na ungol ni Joshua mula sa loob. Naku! Mukhang napaano na siya! Baka nadulas siya at napilayan. O kaya naman ay nabagok ang kaniyang ulo. Nagmamadali akong lumapit sa labas ng banyo. Palakas nang palakas naman ang kaniyang nahihirapang ungol kaya agad kong pinihit ang pintuan. Hindi ito naka-locked."Sir!" nag-aalala kong tawag sa kaniya. "Ay!" Tili ko nang makita ko ang hubad na katawan niya. Nakatayo siy
Read more
Chapter 12
Pinagtulungan naming ibaba mula sa kaniyang sasakyan ang mga pinamili namin. Mabuti na lang at may dalawang staff ng condo ang lumapit sa amin upang tumulong. May dala silang cart. Sila na din ang nagtulak ng cart hanggang sa elevator. Hinatid din nila kami hanggang sa unit ni Joshua. Napangiti ako nang abutan sila ni Joshua ng pera. Tinanggihan pa nila ito pero pinilit ni Joshua na kunin na nila. Mabait naman pala ang mokong na 'to. ANG mga fresh goods ay nilagay ko muna sa sink. Uunahin kong ayusin ang mga pinamili niyang groceries. "Bakit mo binabalik?" nagtataka kong tanong nang ibalik niya sa karton ang ilang mga delata at instant noodles na nilabas ko na. "Sa'yo ang mga ito," aniya na kinagulat ko. Halos lahat ng delata ay nilagay niya sa karton. Iilan lang ang tinabi niya para sa kaniya. Dalawang karton lahat ng binili niya ay ibibigay niya sa akin? Kumunot ang noo ko. At ilang sandali pa nga ay nagkaroon na ako ng hindi magandang kutob sa kaniya. "Umamin ka nga!" "
Read more
Chapter 13
"Shuta naman!" Inis kong tinignan ang aking damit na natapunan ng tinimpla kong Milo. "Sorry, Ate," hinging paumanhin ni Badjao sa akin. Nawalan siya nang balanse kaya nasanggi niya ako. Ito ang damit na binigay sa akin ni Mady. Tsk! Ang ganda na ng ayos ko, e. Agad kong hinalungkat ang mga damit ko na nakalagay sa karton. Wala kaming cabinet kaya sa karton lang nakalagay ang mga damit namin. Ano kaya ang isusuot ko nito? Gusot-gusot pa man din ang iba. May tshirt akong puti na fitted, iyon lang ang hindi gusot. Hindi naman mukhang luma kaya okay lang siguro na ito ang isuot ko sa opisina. May bulaklakin akong palda na abot hanggang baba ng aking tuhod. Medyo luma na ito kaso wala akong magagawa dahil ito lang ang hindi lukot ng husto. Bahala na kung masabihan na naman ako ni Joshua nang kung ano-ano. Kaysa ma-late ako. "Good morning," bati ko kay Mady. Abala siya sa pag-aayos ng kaniyang sarili kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. "Wala pa po si Si—Petra?!" Literal na
Read more
Chapter 14
"Ano po iyon, Sir?" Pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo ay inis na ako sa inaasal niya. "Ayusin mo itong mga papeles," utos niya. Agad kong dinampot ang mga papeles na tinuro niya. Tumalikod na ako nang tawagin ulit niya ako. "Bakit, Sir?" tanong ko. "Saan ka pupunta? Dito ka lang," aniya sabay turo sa upuan na nasa harapan ng kaniyang mesa. Palihim akong umirap bago ako naupo sa tinuro niyang upuan. Sinimulan kong gawin ang inuutos niya nang biglang may sumagi sa aking isipan. Napapangiwi ako habang iniisa-isa kong ayusin ang mga papel. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Joshua. Mukhang napansin niya ang pagkakalukot ng aking mukha. Tinaasan niya ako ng kilay."Sa labas na lang ako," sabi ko. "Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho," nakanguso kong dagdag. "No. Dito ka lang. Do your job."Bumuntong hininga ako at sinikap na gawin ng maayos ang trabaho. Bakit ba ayaw maalis sa aking utak ang mga malalaswa na bagay na nasaksihan ko noon dito sa kaniyang opisina. Tinapik
Read more
Chapter 15
Nag-walk out si Joshua. Hindi ko alam kung napikon ba siya o dahil nandidiri siya sa aking kili-kili. Sinipat ko ito sa salamin. Maputi nga ang aking kili-kili, e. Wala ding amoy. Hindi ko maintindihan ang isang iyon. Kapag kiki ang nakita, tiyak na tuwang-tuwa. Kapag kili-kili, diring-diri. May oras pa naman kaya tinapos ko na muna ang pagbubunot ko ng buhok ng aking kilikili. Ini-spray-han ko ng alcohol ang tiyani bago ko sinauli kay Mady. "Sir, Coffee po?" tanong ko kay Sir, habang nakasilip sa awang ng pintuan. "Yes. Hugasan mo ang kamay mo." Aba't! Hindi pa talaga siya maka-move on sa kili-kili ko. "Sure," sagot ko. Tsk! .."Here's your coffee, Sir." Matamis ko siyang nginitian pagkalapag ko ng kaniyang kape. Nanatili akong nakatayo at hindi muna umalis. Tumikhim siya bago humigop sa kaniyang kape. "Bakit ka pala nagpalit ng table at upuan?" usisa ko. Hindi siya nagsalita. "Dahil ba sa sinabi ko kahapon?"Hindi siya sumagot kaya ibig sabihin ay tama nga ang hinala ko
Read more
Chapter 16
Nginitian ko isa-isa ang bisita ni Sir Joshua bago ako pumihit. "Hindi ba sya kasama sa meeting natin? Di ba, siya ang personal assistant mo?" tanong ni Sir Craig. Napahinto ako sa paglalakad. Oo nga. Bakit ako lalabas? Hindi ba't kasama sa trabaho ko iyon? "No need. Lumabas ka na muna," sabi sa akin ni Sir Joshua. "Ano po'ng gusto niyong —"They're not here for coffee or tea," pagsusungit niya. "You're so road!" nakaingos kong sabi. Lumaki ang ngisi ng tatlong lalake. "Kaya nga, you're so road," sang-ayon din nila sa sinabi ko. Iningusan ko si Joshua bago ako lumabas. Bahala na nga siya diyan. ..ALAS-DOSE na pero hindi pa din natatapos ang meeting nina Sir Joshua. Tumutunog na ang tiyan namin ni Mady. Nagugutom na kami. Tamad kong sinandal ang likod ko sa upuan at nanghihinang naghintay na magbukas ang pintuan ng opisina ni Sir. Tumunog ang elevator kaya sabay kaming napatingin ni Mady doon. Umayos kami ng upo dahil akala namin may importanteng bisita si Sir pero food d
Read more
Chapter 17
Tawang-tawa kami hanggang sa nakarating kami sa bar. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nilalagpasan namin ang mga taong bumabati sa kaniya. Kilalang-kilala siya pati dito. Iba talaga ang mayaman. May ilang mga babae din ang humalik sa kaniyang pisngi. Iyong iba pa nga may pahimas pa sa tagiliran, dibdib, tiyan. Baka mga babae din niya ang mga ito. Madaming tao sa loob ng bar. Nahirapan na akong dumaan. Nang mapansin niya na hindi ako nakasunod sa kaniya. Nilingon niya ako. Bumalik siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako at hinawi ang mga tao. Napataas ang kilay ng mga kaibigan niya sa amin. Nakatutok ang kanilang mga mata sa kamay ko na hawak ni Joshua. Agad namang bumitaw si Joshua. "Akala ko hindi ka makakapunta dahil may meeting ka?" tanong ni Sir Craig. "Hindi natuloy," sagot ni Joshua habang nililibot ko ang paningin ko sa buong club. "Talaga? O, baka wala naman ta—"Shut up!" angil ni Joshua. Tinignan ko ang mga kaibigan niyang nagtatawanan. Tumayo ang iba
Read more
Chapter 18
"Magpakabait kayo, huh?" bilin ko sa mga kapatid ko. Dinala ko na sila dito sa isang condo ni Joshua kung saan sila tutuloy ng ilang araw habang nasa out of town kami. Puno ang ref at pantry kaya siguradong hindi sila magugutom. Tuwang-tuwa din sila sa malaking tv na nasa sala. "Huwag niyong pasasakitin ang ulo ni Ate Nora," dagdag ko pa. Mabait naman sila. May oras lang talaga na magulo sila at nagtatalo na madalas na ikainis ko sa kanila. "Opo, ate!" sabay-sabay nilang sagot. Nang masiguradong maayos na sila, bumaba na ako dahil naghihintay na sa akin sa baba si Joshua. "Salamat, Sir," sabi ko pagkapasok ko ng sasakyan. Tumango lang siya. Busy siya sa kaniyang celphone at mukhang wala na naman siya sa mood na magsalita. Nagpunta kami sa isa sa mga building na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi ako makapaniwala na sasakay kami ng chopper. Nauna na siyang naglakad, habang mabagal naman ang bawat hakbang ko dahil nakaramdam ako ng kaunting kaba. Inalalayan ako ng tauhan
Read more
Chapter 19
Umungol ako nang marinig ko ang ilang malalakas na katok mula sa labas ng pintuan ng silid ko. Tinakip ko ang unan sa aking mukha pero dinig ko pa din ang mga katok at pagtawag ni Joshua sa aking pangalan. "Ikaw na lang ang mag-jogging," inaantok na sabi ko sa kaniya pagbukas ko ng pintuan. "Sumama ka na sa akin." Alas singko pa lang ng umaga. Madilim pa at malamig din kaya mas gusto kong matulog kaysa mag-jogging at magpakapagod lang. "Wala akong jacket na pang-jogging," palusot ko dahil ayaw ko talagang sumama. Inabot niya sa akin ang kaniyang hoodie jacket. Wala talaga akong lusot. Inirapan ko siya bago ko kinuha ang rubber shoes na binigay sa akin ni Mady. Paglabas namin ng bahay sinimulan niyang tumakbo. Tamad naman akong sumunod sa kaniya. Mabagal kaming tumakbo pababa hanggang sa hindi namin namamalayan na nakalayo na kami. "Sumakay na lang tayo pabalik sa bahay mo," hinihingal na sabi ko sa kaniya. Masakit na ang balakang at paa ko. "Hindi ko na kayang maglakad pa pa
Read more
Chapter 20
Nawalan ako ng sasabihin kaya nagpanggap akong inaantok na. Humikab ako kunwari. "Inaantok na ako. Goodnight." Naglakad ako papuntang pintuan ng aking silid. Nilingon ko si Joshua at nakita kong nakatitig siya sa akin. Nakatayo habang ang kaniyang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kaniyang jogging pants. Ngumiti siya at tumango. "Goodnight." Tumango bago ko tinulak ang pintuan at mabilis na nagpatibuwal sa kama. "Gusto ako ni Joshua?" Nakagat ko ang aking labi. Ilang sandali akong napatunganga sa kisame bago ako napatili dahil sa hindi ko din malamang dahilan. Gusto niya daw ako! Sinabi ko na inaantok ako pero inabot na ako ng alas-dos nang madaling araw, dilat pa din ako at paulit-ulit na nag-pe-play sa aking isipan ang pagtatapat ni Joshua. Bumangon ako bandang alas-sais ng umaga. "Mukhang may napuyat kagabi," nakangising sabi ni Joshua nang madatnan ko siya sa kusina. Nagluluto siya ng almusal. Nagkibit balikat lang ako. Mahapdi pa ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status