All Chapters of The CEO's Personal Maid: Chapter 21 - Chapter 30
185 Chapters
KABANATA 18: GIRLFRIEND
Nagkulong ako sa kwarto at doon humagulgol dahil sa inis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Noong nag-break kami ni Trevor, hindi naman ako umiyak. Pero pagdating kay senyorito, ang sakit-sakit masabihan ng hindi maganda. Lalo na ngayon na ang tagal ko siyang hinintay tapos ganito pa ang iaasal niya sa akin. "Rika, anak?" Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ko nang marinig ang boses ni mama. Isinarado ko ang pinto at nagpunas ng mga luha."Rika!" muling tawag niya sa akin.Tumukhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot. Ayaw ko mahalata niyang umiiyak ako. "N-nagbibihis lang po!""Sumunod ka sa kusina, maaga tayong kakain ngayon," utos nito."Opo!"Nang marinig ang pagkasarado ng pinto ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Na-smudge ang eyeliner ko dahil sa kakaiyak. Mabilis kong inalis ang make-up at naghilamos bago marahang pinunasan ang mukha gamit ang tissue. Naglagay ulit ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint sa labi para mas magmukhang presentable bago isinuot
Read more
KABANATA 19.1: JUDGE
"Mas maiging iwasan na lang natin ang isa't-isa." Ang katagang iyon ang walang sawa kong naririnig sa isip ko. Gusto pala namin ni senyorito ang isa-isa't pero hindi raw kami p'wede. Ang saklap naman no'n! Medyo masakit pero ayos lang. Suportado ko naman kung ano 'yong gusto niya at crush ko lang naman siya. At isa pa, masyadong mataas ang pangarap ko kung ipipilit ko ang sarili sa kanya. Mayaman siya kaya nga senyorito namin siya rito, e. At ako? Kasambahay lang. Mas bagay siya kay Rhianne kahit pangit ang ugali ng isang 'yon. At ako, siguro magma-madre na lang talaga ako! "Rika!" Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Sir Gavin. Ngimiti ito ng malawak at nilapitan ako habang nakapamulsa siya. "Good morning po!" bati ko sa kanya at itinigil muna ang pagwawalis para asikasuhin siya. "Kakain ka na po ng breakfast?" tanong ko sa kanya. "Yeah, can you guide me to the dining room?" Mabilis akong tumango at naglakad papunta sa gusto niyang destinasyon. Ang to
Read more
KABANATA 19.2: MAID
"Rika, ihain mo na ang mga ito sa lamesa para hindi ka na maging waiter mamaya," utos sa akin ni mama, tinutukoy niya ang mga bagong lutong ulam na kakatapos maluto. Maingat kong binuhat ang tray at inayos sa lamesa ang pagkakalagay ng samut-saring putahe. Ang kasama ko naman ay ang naghanda ng malinis na mga plato, kutsara, table napkin at baso."Rika, halika na rito. Hayaan mo na sila r'yan," tawag muli ni mama sa akin nang marinig ang ingay ng mga bisita, hudyat na palapit na sila sa dining room.Sununod ako sa ina at pumasok sa kitchen para maghanda at kumain. Ala-una kasi ng hapon ang practice namin para sa pageant. Alas-dose na ngayon at kailangan ko pang mag-ayos."Rika?" Nakakamay ako habang kumakain nang marinig ang boses ni Sir Gavin na pakanta pa binanggit ang pangalan ko. "Po?!" sagot ko rito at tumayo dahil baka may i-utos siya sa akin. Naghugas ako ng kamay dahil wala akong kasama rito sa kusina para sana utusan na sila na lang ang mag-assist kay Sir Gavin. "Bakit po
Read more
KABANATA 19.3: BABY...
Dahan-dahan ko siyang hinarap at tumango. "Opo, senyorito. May practice po kasi ako sa pageant namin," paliwanag ko at nag-iwas nang tingin. "Pero kung may iuutos ka, pwede ko namang gawin muna 'yon o mag-absent na lang muna ako sa practice namin.""Nah, it's okay. Magpahatid at magpasundo ka sa papa mo," utos pa niya na mabilis sinundan ni Gavin."Ako na ang gagawa no'n! Sasamahan ko siya.""What?" Nagsalubong ang kilay ni senyorito. "No way, Gav. You need to come with us," seryosong aniya."Iwan ko po muna kayo," pagsingit ko dahil nabibigatan na ako sa dalang mga pinagkainan. Iniligpit ko iyon nang maayos at nang makabalik do'n ay naroon pa rin silang dalawa."Rika, ang papa mo ang sasama sa 'yo, maliwanag?" utos sa akin ni senyorito."Opo," sagot ko at bumaling kay Gavin. Nakangisi ito na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. "Maybe next time, Rika," sambit niya."Opo," ulit ko sa sagot at tinignan si senyorito. Nakatingin siya sa akin habang seryoso at parang yelo ang mga mata.
Read more
KABANATA 20.1: REST
Organizer: Guys, sorry for the delayed annoucement. Wala muna tayong practice ngayon. May emergency meeting para sa event. Continuation of our practice will be next week before the D-day. Dress and stage rehersal tayo. Be prepared, ladies!"Hala!" bulalas ko nang ngayon lang iyon nabasa. Kung kailan handa na ako at paalis na! Sayang naman!"Why?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Gavin na may bahid ng ngiti sa labi. "Your reaction is so cute."Napangiwi ako at tinawanan na lang ang papuri niya. Anong cute sa dismayadong mukha? "Wala po! Hindi kasi tuloy yong practice namin ngayon. Nanghihinayang lang ako kasi nakabihis na ako," paliwanag ko sa kanya at pinuntahan si papa na inihahanda na ang sasakyan."Pa, 'di na daw tuloy ngayon," balita ko sa kanya dahilan para mapatigil siya at mapatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo."Anong 'di tuloy?" "'Yong practice namin. Next week na lang daw kasi may meeting sila."Tumango-tango ito. "Gano'n ba?" aniya at isinar
Read more
KABANATA 20.2: DRINK
"Rika..."Naalimpungatan ako nang may tumawag sa akin. Mabilis kong iminulat ang mga mata at sumalubong sa akin si senyorito, sa tabi niya ay naroon si Rhianne na salubong ang plakadong kilay."Aalis na po ba?" Mabilis na tanong ko at tumayo. Napahawak naman ako sa puno nang biglang mahilo. "Yeah but... are you fine? Sa kotse ka na matulog kung inaantok ka pa.""Hindi na po," sagot ko at iginala ang paningin sa paligid. Wala na ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaidlip... o nakatulog.Matapos ro'n ay dumiretso kami sa lugar kung nasaan ang pribadong waterfalls na nasa pangangalaga ng gobernador na si Sir Atticus. Hindi ito bukas sa publiko dahil pinapanatili ang kalinisan at kagandahan nito. Sobrang linaw at bughaw talaga ang kulay ng dagat at tubig na nagmumula sa talon. Sa paligid nito ay naroon ang matatayog na puno at halaman. May mga malalaki at may katulisang bato. Binuhat ko ang bag ng mga babaeng kasama mamin sa kotse. Maliliit lang naman iyon at maga
Read more
KABANATA 20.3: KISS
"Okay lang po. Kaya ko naman," sagot ko at kinuha ang baso sabay nilunok iyon. Humiyaw si Gavin, maging ang ibang lalake."Rika," mas nangibabaw ang boses niya dahil ramdam kong mas lumapit siya sa akin.Pinunasan ko ang gilid ng labi at matapang na hinarap siya. "May ipag-uutos ka po ba, senyorito?"Salubong ang kilay niya at halatang nagtitimpi siya ng galit. Maya-maya pa ay bumaba ang tingin niya sa pisngi at labi ko. "Yeah, get my towel over there," utos niya."Okay po!" matamis na sagot ko na ikinaawang ng labi niya. Parang nabigla siya sa inasal ko.Hay! Ewan ko rin! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayaw ko sa kanya at kay Gavin. Naiirita ako sa kanila kapag nagtatalo sila at naiipit ako. Pero gusto ko siyang makausap! Gusto kong mag-usap kami na gaya ng dati. Iyong parang magkaibigan kami.Hinaplos ko ang gitna ng dibdib nang maramdaman ang init roon. Dala siguro ng alak. Pinagmasdan ko ang nakahandang tuwalya sa rack. Saan kaya dito ang kay senyorito. Hinawi ko ang bawat h
Read more
KABANATA 20.4: HANGOVER
"Ako na ang bahala, Gav," pagsasalita ulit ni senyorito bago ko naramdaman ang paglalakad niya.Muli akong pumikit dahil sa pagkahilo dulot ng alak. "Ang kulit mo, Rika," rinig kong bulong niya."Gusto..." hirap na sambit ko. "...kitang makasama... senyorito," putol-putol na sambit ko at 'di namalayang umiiyak na. "Ayaw ko nang... umalis ka. Tapos 'di ka na naman babalik agad. Miss na miss na kita." Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Basta masabi ko lang itong nararamdaman ko para kahit papaano, gumaan ang nararamdaman ko."Fine," maikli pero seryosong tugon niya.Napamulat ako at hinaplos ang pisngi niya. "Senyorito... bati na tayo. Please? Balik tayo sa dati. Noong wala ka pang girlfriend," parang batang sabi ko pero nanatili siyang nakatingin sa harapan. Ang gwapo kahit seryoso siya."Gusto kita, senyorito. Sabi mo gusto mo rin ako.""Shut up. You're just drunk."Napanguso ako at muling napapikit.May kinausap si senyrito bago ko naramdaman ang malambot na kama sa likuran ko
Read more
KABANATA 21.1: TALENT
"Rika!" sabay na tawag sa akin ni senyorito at Gavin nang makalabas ako ng kwarto.Napakagat labi ako at humigpit ang kapit sa tote bag kung nasaan ang pibagbihisan kong damit. "Bakit po?"Si Gavin na bagong ligo ang naunang lumapit sa akin kaya siya ang binalingan ko ng tingin. "Do you have hangover?" tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I'm sorry I should've pushed you to drink that much." Umiling ako at nginitian ito. Ayaw ko namang isipin na kasalanan niya iyon. "Okay lang po, Sir Gavin. Ginusto ko naman po talagang uminom at magpakalasing." Tinapos ko iyon sa tawa para hindi awkward.Napangisi naman siya at binitawan ako. "Really? So, let's drink again next time?"Sinagot ko na lang iyon ng panibagong halakhak. Ayaw ko namang sumang-ayon at humindi. Hinanap ng mga mata ko si senyorito. Nasa akin ang tingin niya. "Let's go home," aniya bagi tumalikod sa amin.Sumunod agad ako sa kanya at tinakbo pa ang distansya namin para makasabay ako siya. Pinanood ko siya h
Read more
KABANATA 21.2: STILL INLOVE
"Game!" Kumumpas si Franz at sinimulang i-play ang tugtog. Mabuti na lang ay 'di gano'n kalakas ang speaker kaya hindi nakakabulabog."Take my hand, stop! And one two three... one two three!" sinabayan ni Franz ang liriko habang sumasayaw kami. "And! Girl, you know I want your love—nauna ka, sis, ulit!" puna niya sa akin. "Chill ka lang, sabayan lang natin 'yong beat. Basta sa 'your love' papasok ang next step na sabay tayo.""Gets!" determindong sagot ko at inulit iyon. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nagkamali sa parteng iyon."Harutan mo pa sa 'put your body on me'! Kunyari ako 'yong crush mo!" Natawa naman ako sa payo niya. "Wala na akong crush!""Weh? Ikaw pa nawalan?" Mas lalo siyang natawa kaysa sa akin. "What was your dance for?""Senyorito Brandon!" Damang-dama ko ang gulat ni Franz nang lingunin niya ang nagsalita.Pasimple kong pinunasan ang pawis sa noo at leeg dahil sa presensya niya. Pakiramdam ko ang haggard ko na agad! "Hi, it's nice to see you again. Franz, r
Read more
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status