All Chapters of Anghel de Puta: Chapter 21 - Chapter 30
63 Chapters
Chapter 20
Napatingin si Greta sa karagatan. It's been a long time after she was back here. Mabuti na lang at ang Ligaya Beach ang pinili ng Safe Haven kung saan magaganap ang outing ng mga bata. Nauna na sa cottage nila ang dalawang bata na sina Chloe at Megumi kasama si Lexi. Siya naman ay nakatayo sa dalampasigan. Nakahalukipkip at mapayapang nakatanaw sa karagatan. Sinabayan ng mga alon ang kaniyang paghinga. Sa tuwing hihigop siya ng hangin ay humahalik sa dalampasigan ang alon at sa tuwing bumubuga siya ng hangin ay iyon naman ang pagkakataon na binabawi ng dagat ang alon nito. Dito siya namuhay noong musmos pa lang siya. Dito siya nanlilimos sa mga tao para lang matapos ang araw na may maipasok siya sa sikmura niyang nangangalam. Kung minsan ay sa basurahan na lang siya kumakalkal ng mga tirang pagkain ng mga mayayamang naliligo rito.Napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman ang malamig na bagay rito. Napaiyak siya dahil sa masakit na ala-ala ng buhay niya. Habang binabalikan
Read more
Chapter 21
Umupo siya sa labas ng kanilang malaking tent. Tulog na ang asawa niya at ang mga anak niya. Lumunok siya. Inabot niya ang bote ng alak na malapit sa maliit na bonfire na siya ang lumikha. "Fuck," mura niya nang naisip niya ang nangyari kanina. Hindi puwedeng umibig sa iba si Greta. Hindi niya matatanggap na mapupunta sa iba ang babae. May anak sila at iyon ang Alas niya. Ang problema ay malayo ang loob ng bata sa kaniya."Parker, bakit hindi ka pa natutulog?"Isang tungga niya lang sa bote na hawak niya ay naubos niya agad ang sobra sa kalahati ng laman ng bote. Lumingon siya sa asawa niya na tumabi sa kaniya. The woman woken up and she was now sitting beside him. Niyakap ng babae ang braso niya at sinandal nito ang ulo sa balikat niya. "Bakit nandito ka sa labas? Pumasok na tayo," anang Lish Anne."I can't sleep," aniya lamang. Inubos na niya ang laman ng bote. Tinapon niya sa Tabi ng apoy ang bote. "May problema ka ba?" Marami siyang problema. Sobrang dami. Sa halip na suma
Read more
Chapter 22
Hindi pa man natapos ang family outing ay agad na dinala ni Greta pauwi ang anak niya. She's struggling now. Halos hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya. Kanina pa siyang hindi mapakali."Hindi puwedeng kunin sa akin ang anak ko, Lexi. I will not let him do that! Ipaglalaban ko si Megumi. Hindi ko kayang gumising na wala na sa piling ko ang anak ko, Greta.""Greta, kumalma ka naman. Para ka nang baliw riyan."Tinapon niya sa ere ang mga kamay niya bago nila pina-landing ang mga ito sa tuktok ng ulo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo kahit hindi naman ito makati. "Argh! Paano ako kakalma? Lumabas na sa bibig ng lalaking 'yon na kukunin niya sa akin ang anak ko, Lexi. Sinabi niya! Narinig mo iyon kanina!"Umupo siya at napahawak siya sa noo niya. Iniisip niya ang bata. Apektado si Megumi sa sinabi ng lalaki. Mabuti na lang at nakatulog ang anak niya."Hindi pa naman nangyayari iyon, Greta. Habang nasa iyo pa ang bata ay wala kang dapat na ikatakot.""Lexi, dala ng anak ko ang
Read more
Chapter 23
Nang inihatid siya ni Nate sa shop ay sinilip niya muna kung may mga tao sa labas. Bumaba siya nang matiyak niya na walang nakakita sa kaniya. "Nate, thank you so much," aniya. "Thank you for trusting me, Greta. I won't break this.""Salamat din sa tiwala na binigay mo sa akin, Nate. Pinagkatiwalaan mo ako. Kinuwento mo sa akin ang iyong karanasan."Ngumiti siya bago siya pumasok sa shop.Tulala siya. Tumatakbo sa isipan niya ang kuwento ni Nate sa kaniya. "Tulad ni Megumi ay napamahal ako kay mommy, Greta. She raised me by herself without the help of my father. Noong sinabi ni mommy sa ama ko na pinagbubuntis niya ako ay hindi naniwala ang gagong iyon. Ang ginawa niya pa ay pinahiya niya sa gitna ng maraming tao si mommy. Parang gusto na lang ni mommy na lamunin siya ng lupa noong panahon na iyon. Umalis si mommy at minabuti niyang lumayo kay daddy. Kinuwento ni mommy sa akin ni mommy na halos ipakuha niya ako dahil sa galit niya kay daddy. Hindi ako nagalit kay mommy dahil naiint
Read more
Chapter 24
Habang nagmamaneho siya pauwi ay agad na tumunog ang kaniyang smartphone. It was Nate. Agad niyang sinagot ang tawag. She was using a bluetooth earphones. "Nate?" Nakasanayan niyang banggitin ang pangalan ng tumatawag kumpara sa sabihing hello o ano pa. "Kumusta?" Kasama niya kanina ang lalaki pero kinamusta na siya agad nito. Hindi niya maiwasang ngumiti. Iba talaga ang tao kapag may sadya. "Nate, hindi ba ay nagkita tayo kanina? Makakumusta ka sa akin ay para bang ilang taon tayong hindi nagkita.""Gusto ko lang malaman kung okay ka lang ba. Ano? Okay ka lang?""Nagkita na naman kami ni Parker. Natatakot na sa kaniya ang bata, Nate.""Kung nakita ko lang na ginugulo kayo ng lalaking iyon ay tiyak na magkakaalaman kami!""Si Tito Nate ba iyan, mommy? Iyong Tito Nate na partner mo sa beach noong may parlor games?" usisa ng anak niya. Tumango lang siya. "Is that Megumi?" "Oo, Nate. Napangiti lang ito kasi tumawag ka. Kanina, takot na takot siya.""I want to talk to her," sabi ng
Read more
Chapter 25
Ang aga-aga siyang hinatid ng mommy niya sa school. Agad siyang tumungo sa room niya dahil iniiwasan niyang magkita na naman sila ng daddy niya. Sinabihan siya ng mommy niya kagabi na gumising ng umaga dahil nga ay may importante itong lalakarin.Kahit bata pa ay balisa nitong nagdaang mga araw si Megumi. Palagi niyang iniisip ang sinabi ng daddy niya. Kukunin siya nito. Ilalayo siya nito sa mommy niya. Minsan ay napapapikit na lang siya at napapahiling na sana ay hindi iyon mangyayari. Hiling niya rin na hindi siya ilalayo sa kaniyang mommy.She couldn't imagine her life without her mommy. Ang mommy niya ang naging best friend niya simula noong minulat niya ang mata niya. Now, her father is making moves to take her from her mommy. Bata pa siya at hindi niya alam ang kalakaran ng batas. Kung siya lang ang makakapasya ay mananatili siya sa tabi ng ina niya. Ayaw niya sa puder ng daddy niya."Early bird ang anak sa labas." Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang nagsalita. It'
Read more
Chapter 26
Hindi niya na matiyak kung luha pa ba o dugo na ang lumabas mula sa kaniyang mga mata. Nasa publiko sila. Malakas ang pagsigaw ni Greta at masakit ang sampal nito. "Sinabihan na kita na hindi ka namin kailangan. Hindi kailangan ni Megumi ang kademonyohan mo, Parker!"Hinila ni Greta ang bata."At ikaw, Megumi, ilang beses ba kitang dapat pagsabihan na iwasan mo ang mga Sherlock dahil hindi sila nakalabuti sa atin! Gulo lang ang makukuha natin sa kanila! They are evil!""Greta, huwag mong saktan ang bata! Hindi niya kagustuhan ang—""You shut up, demon! Huwag mong demonyohin ang anak ko!"Nanginginig na tinuro ng babae ang kaniyang mukha. Hiyang-hiya siya sa mga tao na nasa paligid. Nakita pa ni Keila at Megumi ang nangyari. Nakita niya kung paano nagulat ang dalawang bata. "D-Demonyo ba talaga ako para sa anak ko? O d-demonyo ako sa mga mata niya dahil ito ang sinabi mo sa kaniya na dapat niyang maramdaman at pananaw tungkol sa akin? G-Greta, inaamin ko na nagkamali ako noon. Pinagsi
Read more
Chapter 27
Walang-lakas siyang umupo sa dulo ng kama. Nakatulog na ang anak niya pero siya ay hindi pa alam kung paano siya makakatulog. Hinatid sila ni Nate pauwi. Ayaw siyang pagmanehohin ng lalaki dahil ayon dito ay baka mapaano pa siya. Diniin niya ang kaniyang mga palad sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo. Puwersa niyang binagsak ang kaniyang likod sa kama. Pinagsisisihan niya ang kaniyang ginawa kanina. Her eyes witnessed how the man saved Megumi. Para tuloy siyang tinapay na tinapon sa mga langgam na unti-unting inubos ng mga ito. "Greta, naman. Masyado kang nagpadala sa galit mo," paninisi niya sa sarili niya. Hanggang mag-umaga ay panay sisi lang siya sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay siya mismo ang naglagay kay Parker sa kapahamakan. They were now having breakfast. Nakaharap siya sa anak niya na panay subo na walang pahinga. Kagabi pa siya hindi kinakausap ng bata. Ayaw niyang malayo sa kaniya ang loob ng bata pero siya itong gumawa na mangyari ang bagay na kinatatakutan n
Read more
Chapter 28
Kinaumagahan ay nagkita sila ni Lish Anne. Mabuti na lang dahil siya ang naghatid kay Megumi sa paaralan.Natuwa si Greta dahil kinausap na naman siya ng anak niya. "Bakit mo binugbog ang anak mo?" "Greta, dinisiplina ko lang si Keila dahil nag-mamalabis na siya. Hindi na niya ako ginalang bilang nanay niya. Can you please step aside? I'm in a hurry. Nakaharang ka sa dinadaanan ko," sabi ni Lish Anne sabay irap."Hindi ganoon ang tamang pagdisiplina sa bata, Lish Anne! Sobra na iyon. Alam mo ba na against the right of a woman and a child ang ginawa mo sa kaniya?""Ano ang alam mo sa pagdisiplina, Greta? If you are a disciplined woman you would not ride another woman's husband!"Tinuro ni Greta ang mukha ni Lish Anne. "Hindi ako ang pinag-uusapan natin dito, Lish Anne, kun'di ang anak mong si Keila! Babae ka at alam ko na alam mong mabigat na kaso ang ipapatong sa iyo kapag nag sumbong ang bata sa awtoridad," gigil na sabi ko. Binigyan lang ng mapang-insultong ngiti ni Lish Anne si
Read more
Chapter 29
"P-Parker? Hindi mo ako kilala? A-Ako ito," aniya.Nakatingin lamang sa kaniya ang lalaki. Halata sa lalaki na hindi na nga niti nakikilala si Greta. Greta was denying the fact that she could sense what's going on. "I don't really know who you are, miss." Tumingin ang lalaki kay Lish Anne. Pati si Greta ay tumitig na rin kay Lish Anne na pinipigilan ang matuwa dahil sa nangyari. "Lish Anne? Ano ang nangyari?!" tanong niya kay Lish Anne. Tumungo si Lish Anne sa kama at inalalayan nito si Parker. Hinahagod ni Lish Anne ang balikat ni Parker. Nakatitig lang sa mag-asawa si Greta habang nanatiling nakabuka ang kaniyang bibig at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata. She tried her best to compose herself properly in the midst of this obvious situation. "Parker, ako ito, si Greta. May anak ka ka sa akin, si Megumi. T-Tama, Parker. Si Megumi ay anak natin. Sa katunayan ay nandito ka ngayon sa ospital dahil sa ginawa mong pagligtas sa anak natin," aniya na pilit pinapasok sa kokote ng l
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status