"Ang boring," bulong ni Zaira habang pagulong-gulong sa higaan.Lahat ginawa na niya para malibang sa bahay nila pero iba talaga kapag wala si Max. Wala rin siyang kaasaran dahil sinama ni Mr. Lundberg si Asher sa opisina niya."Ubos na pala stick-o ko," aniya nang makita niyang wala ng mga laman ang stock niyang stick-o sa kwarto, kukuha sana siya para kumain pero wala na siyang makitang may laman."Makabili na nga lang."Bumangon na siya at kumuha ng dress saka naligo. Nang makaayos na siya, kinuha niya ang wallet niya at lumabas. Tamad siya magbitbit kaya wallet lang ang dinala niya, pati cellphone niya iniwan."Ma, bibili lang po ako ng stick-o sa mall," paalam niya sabay halik dito."Sige, ingat ka.""Opo, bye ma."Lumabas na siya ng bahay saka sumakay ng taxi patungong mall."Salamat po manong, ito po bayad," aniya bago bumaba.Pumasok siya agad sa mall at habang naglalakad siya, nailang siya bigla dahil pinagtitinginan siya. Dumiretso siya agad sa supermarket para bumili ng sti
Magbasa pa