"Okay, tapos na," nakangiting sabi n Lea.
"Ang ganda!" nakangiting sabi ni Zaira habang nakatingin sa salamin,
Naging light ash blonde ang kulay ng buhok niya at katulad ng sinabi niya: nilagyan siya ng bangs at ginawang layer ang mahaba niyang buhok.
Tinignan niya si Max; may kaparehas niya ito ng kulay ng buhok.
"Bagay ba?" tanong ni Max.
Ningitian niya ito saka nagthumbs up.
"Parehas tayo ng kulay," masayang sabi ni Zaira.
"Ito na po bayad," sabi ni Max sabay abot ng P1000 kay Lea.
"Teka may sukli ka pa," sambit ni Lea nang biglang hilain palabas ni Max si Zaira.
"Sa inyo na po yan," tugon ni Max.
Sumakay na sila ng bike at sa harap na ulit nakaupo si Zaira.
"Mall tayo?" tanong ni Max habang nagbibisikleta.
"Anong gagawin natin doon?"
pabalik na tanong ni Zaira,"Ililibre mo ko, natalo ka sa basketball."
Napasimangot si Zaira.
"Akala ko pa naman nakalimutan mo na yun."
Ngumiti lang si Max bilang tugon.
"Uwi muna tayo. Kulang dala kong pera," sambit ni Zaira,
"Sige, iwan ko na rin itong bike sa bahay niyo."
"Good morning po tita," bati ni Max sa mama ni Zaira nang maabutan nila itong nagdidilig.
"Anong nangyari sa buhok niyo?" tanong nito ng makita ang ayos nila.
"New look po tita. Okay po ba?"
Nagpogi pose silang dalawa ni Zaira.
"Bagay sa inyo."
Napangiti ang ito dahil sa trip ng dalawa. Nakakasundo talaga sa lahat ng bagay.
"Eh kami po tita? Bagay po ba?" tanong bigla ni Max saka inakbayan si Zaira.
"Oo naman, bagay na bagay," nakangiting tugon ni Mrs. Lundberg.
"Ehem. Kukuha lang ako ng pera," sabi ni Zaira tumakbo papasok ng bahay nila habang namumula.
Natawa si Mrs. Lundberg nang makita ang mukha ni Zaira; hindi naman ito napansin ni Max dahil nakatalikod sa kanya si Zaira.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Mrs. Lundberg nang makapasok na si Zaira.
"Sa mall po," sagot ni Max.
"Date?"
'Sana,' sagot ni Max sa isip niya pero nahihiya siyang sabihin ito kaya ngumiti lang ito.
"Hindi po, may pustahan po kasi kami sa basketball kanina, kung sino matalo manlilibre."
"Akala ko may date kayo," sabi ni Mrs. Lundberg saka tumawa, gusto niya rin si Max para sa anak niya dahil matagal na niya ito kilala at nasubaybayan niya ang paglaki.
Hindi maiwasan maalala ni Max si Zaira sa ina nito. Parehas kasi sila kapag tumatawa saka ang bata rin tignan ni Mrs. Lundberg. Kung hindi niya alam na mama ito ni Zaira, iisipin niya na magkapatid lang sila dahil sa itsura nito.
Biglang sumeryoso si Mrs. Lundberg at sinabing,"Max, alagaan mo yang anak ko ha?"
"Opo, kahit hindi niyo po sabihin aalagan ko po siya," sagot ni Max kahit na nagtatakat ito sa biglang pagseryoso ni Mrs. Lundberg.
Ngumiti ng kaunti ang ina ni Zaira.
"Wag mo siyang hahayaang masugatan. Alam kong lapitin kayo ng gulo kaya ipangako mo sa akin na babantayan mo siya."
"Promise po tita: aalagaan ko po siya, hindi ko po siya pababayan at paoprotektahan ko siya sa mga taong gustong manakit sa kanya. Handa po ko mamatay para lang maprotektahan siya."
"Salamat Max. Ang swerte ng anak ko dahil may kaibigan siyang kagaya mo."
Ngumiti si Max bilang tugon.
Samantala sa loob ng kwarto ni Zaira, tinignan niya ang sarili niya sa salamin at kitang kitang niya doon ang namumula niyang mukhha katulad sa kamatis.
"Kalma lang Zai! Baka mahalata ka ni Ken," bulong niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
Huminga siya ng malalim upang pakalnahin ang puso niya na kanina pa mabilis ang tibok.
Nang mawala na ang pamumula niya, kinuha niya ang hello kitty niyang wallet. Simula noong bata siya paborito na niya si hello kitty dahil sa cute ito.
Pagkalabas niya, naabutan niya sila Max na nag-uusap. Hindi niya alam kung ano pinag-usapan nila, basta naabutan niyang nakangiti si Max.
"Tara na," sabi ni Zaira nang mapatingin sa kanya si Max.
Tumango si Max bilang tugon.
"Bye ma," paalam ni Zaira saka humalik sa pisngi ng kanyang ina.
"Bye po tita. Iwan ko po muna itong bike ko," sabi ni Max.
"Sige, ingat kayo. Max, yung pangako mo ha? Tatandaan ko yun. Ipapabubog kita sa asawa ko kapag hindi mo tinupad," tugon ni Mrs. Lundberg.
"Wag po kayo mag-alala tita. Tutuparin ko po ang pangako ko, takot ko lang po kay Tito Jake."
Sino hindi matatakot sa ama ni Zaira? Magaling iyon saq pakikipaglaban kahit walang hawak na armas, ang lakas pa sumunto. Minsan na nakita ni Max ang lakas nito habang sinasanay sila nito.
"Ano pinag-usapan niyo? Saka ano yung pinangako mo kay Mama?" tanong ni Zaira.
"Wala, tara na,"
sagot ni Max sabay hila sa kaniya."Kanina ka pa hila nang hila sa akin," reklamo ni Zaira.
"Bagal mo kasi," natatawang sagot ni Max para lalong asarin si Zaira.
Sinuntok siya sa balikat ni Zaira.
"Kapal mo! Hindi ako mabagal ah!"
Binilisan ni Zaira ang lakad niya hanggang sa mauna na ito kaya nagkapalit sila ng posisyon; si Max na ngayon ang kanyang hinihila dahil hindi naman niya ito binitawan.
Binilisan din ni Max lakad hanggang sa magkasabay na sila at magkahawak kamay na naglalakad. Kung may ibang makakakita sa kanila, iisippin nito na magkasintahan silang dalawa. Natural na lang sa kanila ang maghawak ng kamay dahil sabay na silang tumanda at ganun na sila kahit noong bata pa sila.
"Uy! Si Manong driver," sabi ni Zaira nang makita ang isang pamilyar na jeep saka sumigaw, "Manong!"
Huminto ang tinatawag nilang manong driver dahil hindi nila alam ang pangalan nito. Kilala na rin sila nito dahil madalas nila itong kausap tuwing makikita sila.
"Paangkas po," sabi ni Zaira.
Sumakay silang dalawa sa Jeep at dahil puno na ang upuan doon sila sa bungad nakapwesto. Sanay na rin sa kanila si manong driver dahil madalas nila ito gawin.
"Humawak ka mabuti. Baka mahulog ka," paalala ni Max kay Zaira.
Nakatayo silang dalawa sa likod ng jeep. Tumango si Zaira bilang tugon, pero nag-aalala pa rin sa kanya si Max kaya humawak siya doon sa bakal malapit sa kay Zaira at ang isang kamay niya sa taas. Ginawa niya yun upang masuportahan niya ito at hindi masalo niya si Zaira kung sakaling mapabitaw ito.
Sanay na si Zaira sa ganung posisyon nila dahil palagi iyon ginagawa ni Max kapag nasabit sila sa jeep.
"Saan ka nga pala magpapalibre?" tanong ni Zaira
"Kahit saan... (basta kasama kita.)"
"Okay."
Alam ni Zaira na kapag sinabi niyang kahit saan, si Zaira ang bahalang pumili.
"Para po," sabi ng isang pasahero.
Pagkahinto ng jeep, bumaba sila Zaira para makababa ang babaeng pasahero.
"Doon ka na sa loob," sabi ni Max kay Zaira.
Umupo si Zaira malapit sa pasukan ng jeep habang umupo naman sa ibaba si Max, nakaharang siya mismo sa daanan kapag sasakay o bababa ang pasahero.
"Bagay sa inyo ang buhok niyo," sabi ni manong driver.
Nakaupo na sila ngayon sa pinakaharap, sa tabi ng driver kaya nakakausap na nila ito.
"Salamat po," sagot ng dalawa.
Huminto na ang jeep at nagsibabaan na ang mga natirang pasahero. Hinintay nila makababa ang lahat bago sila bumaba.
Hiniram ni Zaira ang placard ng jeep kung saan nakalagay ang pupuntahan nito.
"Magtatawag na po kami ng pasahero niyo," sabi ni Max.
Kapalit ng libreng pagsakay nila ang pagtawag ng pasahero niya. Ginagawa nila ito hindi dahil sa gusto nilang maranasan ang simpleng buhay
Tumayo na sila sa likod ng jeep.
"Mga ate, kuya, nanay, tatay sakay na po kayo!" sigaw ni Zaira.
Napatingin sa kanila ang mga dumadaan. Sinabi nila ang lugar kung saan papunta ang jeep habang nakataas ang placard.
Mabilis nila nakuha ang atensyon ng lahat dahil na rin sa itsura nila na maganda at gwapo. Wala pang sampung minuto, puno na ang jeep.
Pumasok sa loob si Max para maningil ng bayad.
"Magkano po pogi?"
"P8 lang po."
"Bayad po!"
"Waaahh! Nahawakan ko siya."
"Ang bangopasaheroq
Napailing na lang si Zaira sa mga naririnig niya sa mga babaeng pasahero at bakla.
"Hindi ka ba nagseselos?" tanong ni manong driver na bumaba muna para bumili ng tubig, hindi napansin ni Zaira ang paglapit nito kaya medyo nagulat siya.
"Hindi po."
"Sigurado ka?"
"Opo. Bakit naman po ako magseselos? Hanggang ganyan lang naman po sila at kahit anong gawin nila, hindi nila mahihigitan ung samahan namin," kampanteng sabi ni Zaira.
"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ni Max nang makababa na ito.
"Kanina ka ba diyan?" gulat na tanong ni Zaira.
"Hindi, kakababa ko lang. Manong ito na po bayad nilang lahat."
"Salamat sa inyo. Napuno agad jeep ko," pagpapasalamat ni manong driver.
"Walang anuman. May libreng sakay naman po kami," tugon ni Zaira sa kanya.
Sumakay na sa jeep si manong driver.
"Bye manong! Ingat po kayo sa pagmamaneho," paalam ni Zaira.
"Sige, ingat din kayo."
Pumunta na sa mall ang magkaibigan at dahil sa pinagkakagawa nila, nakaramdam ng gutom si Zaira.
"Kain muna tayo. Nagugutom na ako," sabi ni Zaira.
"Sige, libre mo ko ha?"
"Oo na."
Nagpunta sila sa chowking at doon kumain. Halos maubos ang lahat ng pera ni Zaira dahil sa katakawan nilang dalawa.
Naglibot sila sa mall at naglaro ng arcade games.
"Talo ka!" sabi ni Zaira sabay tawa nang mataas ang nakuha niyang score sa barilan.
"Sa iba naman tayo," sabi ni Max dahil hindi siya magaling sa barilan.
Sa sobrang ingay nilang dalawa, napapatingin na sa kanila ang ibang naglalaro.
"Tara kanta tayo," sabi ni Zaiira nang magsawa itong maglaro.
Hinila niya ko sa mini stage si Max namili ng kanta.
Habang naghahanap siya ng kanta may nakakuha ng atensyon niya ang kantang may pamagat na "Pretty Boy" na kinanta ng M2M, naalala niya si Max sa pamagat kaya iyon ang pinili niya.
"Ako muna kakanta. Pagkatapos ko ikaw. Then duet tayo," nakangiting sabi niya kay Max.
Nagsimula na tumugtong ang kanta kaya kumanta na si Zaira habang nakatingin kay Max.
Maganda ang boses niya kaya marami rin ang nanood sa kanya. Feel na feel niya ang kana lalo na sa chorus.
Nagsipalapakan ang mga nanood kaya ningitian ito ni Zaira.
"Salamat po sa pakikinig. Diyan lang po kayo, kakanta pa yung bestfriend ko. Hoy Ken! Ikaw na sunod," aniya dahil mas maganda boses ni Max kaysa sa kanya.
Bumaba na siya sa stage saka lumapit kay Ken.
"Okay na sana yung pagkakanta mo para ka ng babae, panira lang ung suot mo," nang-aasar na sabi ni Max kay Zaira.
Sinamaan siya ng tingin ni Zaira saka binatukan si Max. Kanina pa ito nagpipigil ng tawa kaya alam niya na ayun ung iniisip nito.
"Maghanap ka na ng kakantahin mo. Ang daming audience na naghihintay oh!" sabi ni Zaira sabay tulak kay Max patungo sa pagpipilian ng kanta.
Tumingin sila sa mga nanood na hindi umalis para abangan si Max.
"Bakit kasi hindi mo sila pinaalis?" reklamo ni Max dahil nahihiya ito sa harap ng maraming tao.
"Para may audience ka. Hahaha. Pumili ka na dali!" natatawang sabi ni Zaira.
"May napili na ako. Diyan ka lang," sambit ni Max saka siya naghulog ng coin tapos nagpindot ng number.
Umakyat na siya sa stage at lumabas na ang pamagat ng kantang napili niya.
Ikaw lamang by Silent Sanctary ang kinanta niya.
Nang kumanta na si Max, mas lalong dumami ang mga nanood. Nagulat pa si Zaira nang may nagtiliang babae habang kumakanta si Max. Doon lang niya napansin na madami na silang nanonood. Napasimangot siya dahil mas madami ito kaysa sa kanya.
Binalik niya ang tingin niya kay Max at saktong nakatingin ito sa kanya habang kumakanta.
Nagkatitigan sila saka nagngitian. Pakiramdam ni Zaira para sa kanya yung kanta, mukha kasi siyang kinakantahan nito dahil hindi na naalis ang tingin ni Max sa kanya hangang sa matapos ang kanta.
Nagsipalakpakan ang mga nanonood.
"Naks! Ang galing," sabi ni Zaira nang makababa na si Max.
Nag-apiran silang dalawa.
"Ako pa," tugon ni Max.
"Duet naman tayo. Ano kakantahin natin?" tanong ni Zaira.
"Akong bahala, diyan ka lang."
Naghanap ng kanta si Max at tinadaan ang number bago binalikan si Zaira.
"Meron na ako napili," aniya sabay hila kay Zaira.
Naghulog na siya ng coin at pinindot ang number. Inabot niya kay Zaira ang isang microphone habang hawak niya ang isa.
Nagsimula silang kumanta ng "Got to believe in magic" at kinilig ang mga nanonood dahil sa magkahawak pa ng kamay ang dalawa habang kumakanta, lalo na kapag nagtitigan ang dalawa.
Muling nagsipalakpakan ang mga nanood nang matapos silang kumanta.
"Thank you!" sabay na sabi nila Zaira bago umals.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Max habang naglalakad sila.
"Hmmm... saan nga ba?" tugon ni Zaira habang tumitingin sa paligid.
Napatigil siya sa paglalakad nang may makita siyang...
"Waaahh! Hello kitty!" sigaw niya sabay takbo sa stufftoy na hello kitty.
Kinuha niya ito at niyakap. Hindi niya mapigilan ang sarili niya nang makita niya ito.
"Miss, bibilin niyo po ba yan?" tanong saleslady
Tinignan ni Zaira ang presyo.
P560.50
Tinignan niya ang wallet niya at napasimangot nang makitang kulang ang pera niya. Gusto pa naman niya itong bilhin.
"Miss?" tanong ng saleslady.
"Naku! Hin--"
"Bibilhin namin."
Putol sa kanya ni Max sabay agaw ng stufftoy upang ibigay sa saleslady.
aniya sabay abot ng P1000.
"Wait lang po sir and maam," paalam ng saleslady.
Pumunta siya sa counter upang balutin ito at saka suklian si Max.
"Bakit mo binili?"
tanong ni Zaira."Gusto mo yun diba?"
"Kahit na gusto ko yun, hindi mo dapat binili. Ang dami ko ng utang sayo. Ako dapat manlilibre eh."
Kinurot siya sa pisngi pisngi ni Max nang sumimangot ito.
"Wag mo na isipin un. Regalo ko na rin yan sayo."
"Regalo saan?"
"Advanced gift ko sa 11th Friendsary natin."
"Eh? Matagal pa yun, isang buwan pa."
"Hahaha. Basta gift ko na yun sayo."
"Sir, ito na po," sabi ng saleslady.
Kinuha ni Max ang paper bag at ang sukli niya.
"Thank you po ma'am and sir," sabi ng saleslady habang palabas sila.
"Oh! Yung hello kitty mo," sabi ni Max sabay abot ng paper bag.
"Salamat Max," nakangiting sabi ni Zaira at sa sobrang tuwa niya, niyakap niya ito saka hinalikan sa pisngi.
Madalas niya iyon ginagawa kapag natutuwa siya sa isang tao kaya sanay na si Max dito kahit halikan pa siya sa pisngi.
Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ni Zaira. Maaga siya gumising para paghandaan ang araw ng pagsasanay nila."Athena, tara na sa training room," sigaw ni Asher.Sumunod sa kanya si Zaira papuntang training room.Pagpasok nila sa training room, sinalubong sila ng lumilipad na dagger.Yumuko si Asher saka gumulong sa sahig at dahil hindi agad nakakilos si Zaira, tinisod niya ang paa nito para matumba at makaiwas sa dagger."Very good," nakangiting sabi ni Mr. Lundberg nang makita ang mabilis na kilos ni Asher."Papa naman! Balak mo po ba kami patayin?" reklamo ni Zaira habang tumatayo.Tumawa si Mr. Lundberg."Sinusubukan ko lang naman kung gaano kayo ka--" aniya habang lumalapit kay Zaira at akmang aa
"Nakaayos na ba ang lahat?" tanong Mr. Lundberg pagkatapos ilagay ang mga gamit nila sa sasakyan.Ngayon ang ang araw ng pamamasyal nilang magkakapamilya."Opo pa," tugon ni Liam."Sakay na kayo, aalis na tayo."Sumakay ang tatlong magkakapatid sa likod habang ang kanilang ina nasa tabi ni Mr. Lundberg.Bago magmaneho si Mr. Lundberg, binuksan niya ang radioBago magdrive si Papa binuksan niya yung radio para magpatugtog kaya habang nasa biyahe sila, sinabayan nila ito ng kantahan sa pangunguna ni Zaira na sunundan naman ng kanyang kapatid. Pati sila Mrs. Lundberg napakanta din dahil sa ingay nilang tatlo.Napuno ng kantahan at tawanan ang buong biyahe nila hanngang sa makarating sila mall.Pagkalasok nila nag-ikot mun sila at kumain bago mag-ice skating."Ang lamig!" sambit ni Zaira sabay yakap sa sarili."Malamang malamig dito," sabi ni Asher kaya sinuntok siya ni Zaira sa balikat.Alam niyang mag-uumpisa nanaman itong mang-asar kaya sinuntok na niya agad."Tumigil nga kayong dalawa
"Ang boring," bulong ni Zaira habang pagulong-gulong sa higaan.Lahat ginawa na niya para malibang sa bahay nila pero iba talaga kapag wala si Max. Wala rin siyang kaasaran dahil sinama ni Mr. Lundberg si Asher sa opisina niya."Ubos na pala stick-o ko," aniya nang makita niyang wala ng mga laman ang stock niyang stick-o sa kwarto, kukuha sana siya para kumain pero wala na siyang makitang may laman."Makabili na nga lang."Bumangon na siya at kumuha ng dress saka naligo. Nang makaayos na siya, kinuha niya ang wallet niya at lumabas. Tamad siya magbitbit kaya wallet lang ang dinala niya, pati cellphone niya iniwan."Ma, bibili lang po ako ng stick-o sa mall," paalam niya sabay halik dito."Sige, ingat ka.""Opo, bye ma."Lumabas na siya ng bahay saka sumakay ng taxi patungong mall."Salamat po manong, ito po bayad," aniya bago bumaba.Pumasok siya agad sa mall at habang naglalakad siya, nailang siya bigla dahil pinagtitinginan siya. Dumiretso siya agad sa supermarket para bumili ng sti
Maagang bumangon si Zaira dahil ngayon ang unang araw ng pasok nila sa Olympian University. At dahil isang linggo na ang nakalipas simula noong pinakiusapan siya magsuot ng dress, balik na ulit siya dati.Walang uniform sa kaniyang pinapasukan kaya nagsuot lamang siya ng jeans na black at tshirt na blue at sinamahan ng blue rubbershoes."Good morning," bati niya kila Mrs. Lundberg, siya na lang ang wala sa kainan dahil natagalan siya sa pagligo.Isa-isa niyang hinalikan ang kanyang magulang at ang dalawa niyang kuya na nag-uumpisa nang kumain."Good mornin anak. Kain ka na baka mahuli pa kayo," sabi ni Mrs. Lundberg.Umupo si Zaira sa tabi ng kanyang ina at dali-daling kumuha ng fried rice at hotdog."Unang araw niyo ng klase, wag pasaway ha?" sabi ng kanyang ina sa kanilang dalawa ni Asher."Si Athena lang naman po lang pasaway," tugon ni Asher."Hindi kaya! Ang bait-bait ko nga," sambit ni Zaira saka tinignan ng masama si Asher dahil inaasar nanaman siya nito."Mabait na pala ngayon
Sa isang paaralan sa Outlandish, may dalawang lalaki at isang babae ang nag-uusap."Handa na ba kayo?" tanong ng isang lalaking may kulay itim na buhok at may kulay abo na mata.Ang pangalan niya ay Dwayne Tyler Scovoille, 17 years old at isang werewolf."Handang-handa na," sagot ng babae na may kulay dilaw na mata at itim na wavy na buhok; ang pangalan niya ay Adeline Kim Norwich, 17 years old, ang nag-iisang witch sa magkakaibigan.Tinignan ng isang lalaking may brown na buhok at asul na mata ang kanyang hawak na pintura."Gin, nandyan na siya yung pintura," sabi ni Tyler sa kanya.Siya naman si Gin Apollo Bosworth, 16 years old, katulad ni Tyler isa rin itong werewolf.Sumilip siya sa bintana sa isang room sa 2nd floor kung nasaan sila nagtatago, nakita niya ang unang target nila. Tinaas niya ang dala niyang pintura."Kim," aniya sabay lingon kay Kim na naghihintay sa iuutos niya.Tumango ito at itinutok ang hawak na stick saka nagsabi ng spell para mapalutang ang pintura. Kinontro
Pumasok sa venue ng acquaintance party si Zaira, suot ang isang puting gown.Sinalubong siya ni Max."Bagay sayo yung suot mo, ang ganda mo," sabi ni Max habang nakangiti."Thanks. Ikaw din, ang gwapo mo sa suot mo." Kinuha ni Max ang kamay niya saka sila naglakad."Zai dito!" tawag ni May habang kumakaway sa kanila."Ken, tara! Doon tayo sa table nila May," sabi ni Zaira saka naunang maglakad habang nakahawak pa rin kay Max."Nice one! Ang ganda mo teh!" sabi ng baklang kasama ni May."Babae ka na ngayon. Haha. Pwede na bang manligaw?" sabi naman ng kapartner ni May."Sapak gusto mo? Loko ka! Si May ligawan mo, wag ako," tugon ni Zaira sa kanya.Nagtawanan sila habang si May namula."CR lang ako," paalam ni Zaira bago tumayo.Nililibot ni Zaira nang tingin ang paligid para tignan ang mga dekorasyon. Habang naglalakad siya hindi niya napansin na may babaeng nakatayo sa harapan niya."Ay! Sorry po," aniya sa babae nang mabunggo niya ito at mapaupo sa sahig."Miss? Okay ka lang?" tanon
"Ayan tapos na," sabi ni Mrs. Lundberg pagkatapos niya ayusan si Zaira.Tinignan ni Zaira sa salamin ang sarili."Ang ganda ganda mo talaga anak, manang-mana ka sa akin." Napangiti si Zaira nang marinig niya ito, maraming nagsasabi na magkamukha sila kaya sigurado siyang nagmana siya dito.Kumatok sa pinto si Asher."Athena! Nandito na
"Magaling! Buti naman nakuha mo na ang tamang timpla ng antidote," sabi ni Sir Gus kay Kim pagkatapos nito makita ang gawa nito.Napangiti si Kim dahil sa wakas natutunan na niyang gumawa ng antidote para sa virus ng mga zombie, simula nang pumunta sila sa bahay ni Sir Gus, hindi na sila nakaalis. Ilang araw din sila tumira sa bahay nito."Ayaw niyo po ba talagang sumama sa amin?" tanong ni Crystal kay Sir Gus."Pasensya na iha pero mas gusto ko na dito, tahimik na ang buhay ko dito, malayo sa mga gustong makuha ako para gamitin sa kasamaan." "Naiintindihan ko po. Salamat po sa pagtulong sa amin." Tumango si Sir Gus bilang tugon."Sir kung magbago po yung isip niyo, lagi pong bukas ang Black Academy para sa inyo," sambit ni Adrian."Sige, aasahan ko yan." Nag-umpisa na silang magligpit ng pinaggamitan nilang gamit."Sir Gus! Sir Gus!" sigaw ng isang babae habang kumakatok sa pintuan.Binuksan agad ni Sir Gus ang pinto at nag-aalalang tinignan siya nito."Sir Gus, may problema po t