Pumasok sa venue ng acquaintance party si Zaira, suot ang isang puting gown.Sinalubong siya ni Max."Bagay sayo yung suot mo, ang ganda mo," sabi ni Max habang nakangiti."Thanks. Ikaw din, ang gwapo mo sa suot mo." Kinuha ni Max ang kamay niya saka sila naglakad."Zai dito!" tawag ni May habang kumakaway sa kanila."Ken, tara! Doon tayo sa table nila May," sabi ni Zaira saka naunang maglakad habang nakahawak pa rin kay Max."Nice one! Ang ganda mo teh!" sabi ng baklang kasama ni May."Babae ka na ngayon. Haha. Pwede na bang manligaw?" sabi naman ng kapartner ni May."Sapak gusto mo? Loko ka! Si May ligawan mo, wag ako," tugon ni Zaira sa kanya.Nagtawanan sila habang si May namula."CR lang ako," paalam ni Zaira bago tumayo.Nililibot ni Zaira nang tingin ang paligid para tignan ang mga dekorasyon. Habang naglalakad siya hindi niya napansin na may babaeng nakatayo sa harapan niya."Ay! Sorry po," aniya sa babae nang mabunggo niya ito at mapaupo sa sahig."Miss? Okay ka lang?" tanon
"Ayan tapos na," sabi ni Mrs. Lundberg pagkatapos niya ayusan si Zaira.Tinignan ni Zaira sa salamin ang sarili."Ang ganda ganda mo talaga anak, manang-mana ka sa akin." Napangiti si Zaira nang marinig niya ito, maraming nagsasabi na magkamukha sila kaya sigurado siyang nagmana siya dito.Kumatok sa pinto si Asher."Athena! Nandito na
"Magaling! Buti naman nakuha mo na ang tamang timpla ng antidote," sabi ni Sir Gus kay Kim pagkatapos nito makita ang gawa nito.Napangiti si Kim dahil sa wakas natutunan na niyang gumawa ng antidote para sa virus ng mga zombie, simula nang pumunta sila sa bahay ni Sir Gus, hindi na sila nakaalis. Ilang araw din sila tumira sa bahay nito."Ayaw niyo po ba talagang sumama sa amin?" tanong ni Crystal kay Sir Gus."Pasensya na iha pero mas gusto ko na dito, tahimik na ang buhay ko dito, malayo sa mga gustong makuha ako para gamitin sa kasamaan." "Naiintindihan ko po. Salamat po sa pagtulong sa amin." Tumango si Sir Gus bilang tugon."Sir kung magbago po yung isip niyo, lagi pong bukas ang Black Academy para sa inyo," sambit ni Adrian."Sige, aasahan ko yan." Nag-umpisa na silang magligpit ng pinaggamitan nilang gamit."Sir Gus! Sir Gus!" sigaw ng isang babae habang kumakatok sa pintuan.Binuksan agad ni Sir Gus ang pinto at nag-aalalang tinignan siya nito."Sir Gus, may problema po t
"Lightning ball," sambit ni Magnus kaya napatingin sa kanya si Zarah.Nakita niya na muling nagkaroon ng lightning ball ang kamay ni Magnus.'Paano? Bakit may power siya?'"Kalahating wizard at kalahating vampire kaya may kapangyarihan ako." Napataas ang isang kilay ni Zaira nang sagutin nito ang iniisip niya."Mind reader," sambit ni Zarah.Ngumisi si Magnus saka hinagis ang hawak na lightning ball, gumulong si Zarah para iwasan ito nang mapansin niyang nahihirapan siyang igalaw katawan niya. Limang minuto siya pilit na umiiwas sa mga atake ni Magnus bago siya makatayo ng ma
"Oo, niligtas niya si Max nung nagpakita siya kaya wag ka nang mag-aalala. Pinapasabi nila mama na mag-impake ka ng gamit mo. Aalis na tayo dito," sabi ni Liam."Saan tayo pupunta?" tanong ni Zaira."Sa Outlandish, hindi na ligtas dito, kaya lilipat na tayo doon." Nagpakunot ang noo ni Zaira dahil ngayon lang niya narinig ang lugar na yun.
"Kuya, kain muna tayo nagugutom na ko saka malayo pa naman tayo," sabi ni Asher."Gisingin mo na si Athena," tugon ni Liam saka naghanap ng restaurant."Athena! Gising!" sabi ni Asher sa bunsong kapatid.Nang may makita si Liam na restaurant, dinala niya ang sasakyan sa parking lot na malapit doonm"Athena!" sigaw ni Asher nang tumigil na ang sasakyan.Dumilat si Zaira at dahan-dahang umupo habang humihikab. Tumingin siya bintana at bumungad sa kanya ang ibang sasakyang nakapark kaya nagtatakang tinignan niya sila Asher."Kain muna tayo, malayo pa naman yung pupuntahan natin,"
"Sino yung kausap mo?" tanong ni Liam kay Zaira nang magkasalubong sila sa glass door."Si Sir Jacob, alis na ba tayo?" tugon ni Zaira."Oo, dadaan ba tayo sa Black Academy." "Black Academy?""Doon na kayo mag-aaral ni Paris." Bumalik na
"Parang pamilyar sa akin itong bahay na ito," sabi ni Zaira habang nakatingin sa isang bahay na nasa gitna ng gubat."Nakapunta ka na dito dati, 5 years old ka noong nagbakasyon tayo dito," sabi ni Liam habang binababa ang gamit nila.Naalala bigla ni Zaira na may inukita