All Chapters of THE UNDERCOVER BILLIONAIRE : Chapter 21 - Chapter 30
53 Chapters
Chapter 20
Katulad na lang ng palaging nangyayari ay hindi na naman ako nagwagi sa kanya sa puntong ito.Wala akong ibang nagawa kung 'di ang payagan siya na sumama sa 'kin.Idinahilan ko naman na may trabaho pa siya't baka may mahalaga siyang dapat gawin kaya h'wag na siyang sumama pero sinabi niya lang na 'I can do whatever I want.I'm the boss.'Tuluyan nang tumikom ang bibig ko at wala ng nagawa.Sinabi niya na hintayin ko muna siya dahil magbibihis pa ito kaya inayos ko muna ang sarili ko sa harapan ng salamin.Habang naglalagay ng kaunting make-up ay biglang nag-ring ang phone sa gilid ng mesa ko.Rumehistro ang pangalan ni Viguel kaya kumakarera ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok.Nanunuyo ang labi ko at parang walang ni-isang salita ang masasabi ko sa kanya kung sakali man na sagutin ko 'yon pero sino ba naman ako para tanggihan ang tawag niya.Buong tapang kong sinagot ang tawag.Ilang segundong walang nagsalita sa 'ming dalawa at tila nagbibigayan pa kung sino ang unang kakausap."Ysh
Read more
Chapter 21
"Ate,gising na!"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong ginigising ni Samuel pero hanggang ngayon ay ang bigat pa rin ng talukap ng mga mata ko."Kakain na tayo! 'Yung boyfriend mo nasa sala na,hinihintay ka."Matapos sabihin ng kapatid ko 'yon ay napabangon agad ako."Labas ka na do'n! Mag-aayos na 'ko!"Pilit ko siyang tinaboy-taboy pero makahulugan niya akong tinignan."Ayon tayo,e! Narinig lang 'yung magic word napabangon agad,"pangungutya niya.Iniwas ko ang tingin dahil natamaan ako sa tinuran niya.Hindi ko na siya pinansin at dali-daling nagtungo na sa banyo.Naligo ako at inayos ang sarili.Habang ginagawa ko 'yon ay pumasok na naman sa isipan ko ang pinag-usapan namin kagabi.Mukhang hindi magandang ideya na pumunta pa 'ko rito kasama si Ramier dahil siguradong hindi magiging madali ang pagsubok nila sa kanya.Nung nakuntento na 'ko sa itsura ko ay napagdesisyunan ko nang lumabas.Nagtungo ako kaagad ng sala at tumambad siya sa 'kin na prenteng nakaupo habang abala sa phon
Read more
Chapter 22
Tatlong araw na simula nung mamalagi kami ni Ramier dito sa probinsya.Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pakiramdam ko,ang dami nang nangyari.Hindi kami nawawalan ng pinagkaka-abalahan dahil ganito talaga sa probinsya.Kailangan laging kumikilos at walang tatamad-tamad.Maging si Ramier ay hindi nakatakas sa mga gawain dito.Palagi siyang sinasama ng mga tito ko sa kung saan-saan.Marahil ay iba't-ibang trabaho kaya tuwing uuwi siya rito ay palagi siyang tulog at pagod na pagod.Hindi naman ako nakakarinig ng angal o reklamo mula sa kanya.Sa katunayan nga ay natutuwa pa siyang ginagawa ang iba't-ibang bagay dahil siguro hindi naman ito ang kinalakihan niya.Pero sa kabilang banda,natutuwa naman ako dahil napapalapit na siya sa mga tito ko at hindi na tulad ng pakikitungo nila noon ang pakikitungo nila sa kanya ngayon.Mas naging maluwag at parang tinanggap na talaga nila si Ramier.Laking pagtataka ko tuloy kung ano 'yung pinagdiskusyunan nila nung gabing nagkainuman sila.Iyon ang nagin
Read more
Chapter 23
Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin kay Ramier.Base sa kanyang mga mata,parang kinukumpirma niya sa 'kin kung totoo ba ang sinabi nitong si Brando."Pasok kayo."Wala naman akong ibang magawa kung 'di ang pakitunguhan siya nang maayos.Kami ang may utang sa kanya kaya kailangan namin siyang pakitunguhan ng mabuti.Pinangunahan ko sila sa pagpasok para na rin makawala sa nangungulong na titig ni Ramier.Walang ano-ano'y sumunod silang lahat sa 'kin.Pagbungad pa lang namin sa pintuan ay sinalubong na agad sila ng mga magulang ko.Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil hindi niya inaasahan na darating si Brando.Habang si Papa naman ay hindi nagpatinag."Mabuti't napapasyal ka,hijo,"sambit ni Mama nang bumalik sa huwisyo."Magandang umaga po sa inyo.Dinalaw ko lang si Ysharra dahil nabalitaan ko na bumalik na siya rito,"pekeng sambit niya."Aalis din ako,"sabat ko.Napatingin silang lahat sa 'kin at nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Mama dahil sa inasal ko."Osya't maupo
Read more
Chapter 24
Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa 'kin ang puting paligid.Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako ngayon.Namamangha akong naglibot ng tingin dahil hindi pangkaraniwang k'warto ang kinaroroonan ko.May mini sala sa isang banda na may sofa set at mayroon ding maliit na kusina.Dahil mulat na ang diwa ko ngayon,isa-isang nanunumbalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito.Sa sobrang pag-aalala ay napatingin ako sa tiyan ko at hinimas-himas.Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang alalang-alala dahil baka kung ano nang masamang nangyari sa bata na naririto sa sinapupunan ko.Hindi na tuloy ako mapakali dahil sa kaiisip nang kung ano-ano.Hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan at bumungad sa harapan ko si Ramier.Umayos ako ng pagkakaupo.Seryoso siyang lumapit sa 'kin habang ako naman ay mukhang ewan ang ekspresyon dahil sa sobrang pangamba."Are you okay?""Kumusta ang bata? Ayos lang ba siya?"Hindi ko sinagot ang tanong niya,bagkus ay tinanong ko pa
Read more
Chapter 25
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay dahil nagising ako nang tumama sa 'kin ang sinag ng araw.Kinusot ko ang aking magkabilang mata.Nang biglang may naramdaman akong nakadagan sa tiyan ko.Paglingon ko ay du'n ko lang nakumpirma na nakayakap pala si Ramier sa tiyan ko habang mahimbing pa rin siyang natutulog.Ngayon lang nangyari 'to dahil na rin siguro sa sobrang pagod niya.Palagi akong naglalagay ng malaking unan sa pagitan namin pero nahulog na 'yon ngayon sa ibaba ng kama.Bago tumayo ay pinagmasdan ko muna siya nang maigi.Ang gandang bungad naman nito ngayong araw.Payapa siyang natutulog habang ang gulo-gulo ng buhok na mas lalong nagpadagdag ng pagiging attractive niya.Sa puntong tulog siya,wala kang mababakas na kasungitan at ka-moody-han sa itsura niya dahil sa sobrang g'wapo nito.Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan siya ng ganito.Hindi ako magsasawa kahit araw-araw ko pa siyang titigan.Hanggang sa marahan kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa 'kin
Read more
Chapter 26
"Hey--wake up."Tinapik-tapik ni Ramier ang pisngi ko kaya walang ano-ano'y napamulagat ako.Pagtingin ko sa paligid ay nasa Mansyon na pala kami.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nasa biyahe.Maaga kasi kaming umalis kanina at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.Habang inaalala ang mga nangyari kagabi,hindi ko maiwasang mahiya.Matapos no'n ay nagsimula na naman kaming maging awkward ni Ramier.He's acting again like as if there's nothing happened.Parang normal lang sa kanya ang lahat kahit na pareho naming alam kung ano ang nangyari.Nasasaktan ako nang kaunti dahil gano'n ang inaakto niya.Pero baka gano'n nga lang ang tingin niya sa 'kin.Hanggang kama lang--nothing more.Walang deep feelings.Masakit na parang ako lang ang nakararamdam nito sa 'ming dalawa pero anong magagawa ko? Hindi ko naman hawak ang puso niya para diktahan na ako na lang ang mahalin nito.Katulad ngayong ginising niya ako.Nakatingin siya sa kawalan gaya ko at parang nangangapa ng kung ano ang sasabi
Read more
Chapter 27
"What are you doing? It's already three o'clock in the morning.Wala ka bang balak matulog?"tanong ni Ramier habang kinukusot ang kanyang mga mata.Magulo rin ang kanyang buhok dahil nalimpungatan siya mula sa pagkakatulog.Marahil ang nagising siya sa mga kalabog gawa ng pagkalkal ko ng pagkain sa ref."I'm so hungry.I wanna eat,"ngumuso pa 'ko at nakita ko ang talas ng kanyang tingin sa 'king labi.Umiling-iling siya 'tsaka lumapit sa 'kin."Kakakain mo lang ng midnight snack 'di ba? Gutom ka na naman?""Bakit? Ayaw mo 'kong pakainin? Kung gano'n aalis na lang ako.Kaya ko namang buhayin ang anak ko na ako lang mag-isa!"Padabog akong naglakad paalis nang biglang niyang hinigit ang siko ko.Talagang may balak akong maglayas na madaling araw pa? Iba rin ang trip ko,e.Nadadala na naman ako ng emosyon ko."Don't leave,I'll cook for you.What do you want?"Antok na antok pa siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon kaya ang baritono ng kanyang pananalita na may pagka-husky.Kahit boses niya l
Read more
Chapter 28
Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin at abala sa pag-aayos ng sarili.Naglagay lang ako ng light foundation at kaunting lipstick para hindi ako maputla.I'm just wearing a comfortable gray dress paired with a white flat shoes.Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa human size mirror.Halatang-halata na kasi ang baby bump sa t'yan ko at ilang buwan na lang ay manganganak na 'ko.Hindi naging madali sa 'kin ang mga nagdaang araw dahil super likot ni baby.May mga gabi na hindi ako makatulog dahil sa likot nito kaya apektado rin si Ramier.Minsan ay magugulat na lang ako dahil pumapadyak si baby.Nagbihis ako ngayon dahil inaya ako ni Ramier na bumili ng mga gamit ni baby dahil wala pa kami ni-isang nabili.Naisipan ko pa lang pero natsempuhan na siya na ang nag-aya kaya perfect timing ito.Alas-singko na ng hapon at hinihintay ko na lang siyang umuwi galing opisina para makaalis na kami.Sigurado naman sa mall kami mamimili kaya alam kong hindi rin kami magtatagal.Hanggang sa
Read more
Chapter 29
Simula pagkagising ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang sinabi ni Ramier kagabi.Tama ba 'ko ng dinig? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil too good to be true ang sinabi niya.Kasalukuyan akong nag-aayos habang si Ramier naman ay naliligo sa banyo.Dapat ko na bang paniwalaan ang bagay na 'yon? Pero base sa inaakto niya,parang wala naman sa kanya 'yon.Sadyang binibigyan ko lang ata talaga ng kahulugan.Pilit kong inalis mula sa isipan ko ang bagay na 'yon dahil baka ma-praning na 'ko sa sobrang daming pumapasok na ideya na kung ano-ano sa isipan ko.Hanggang sa natapos ko na ang pag-aayos.I'm wearing a white turtle neck top with a brown oversize coat and a pants paired with Louis Vuitton belt.Naka-boots din ako na three inches ang taas.Nagtungo muna ako sa veranda habang hinihintay si Ramier.Sinalubong ko ang napakasarap na simoy ng hangin na dumadampi sa 'king balat.Hindi ko inasahan na makakapunta ako sa ganito kagandang lugar.Parang dati pangarap ko lang
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status