Chapter 2“Ate, nandyan ka na pala!” Salubong sa kaniya ng nakababatang kapatid na si Miguel. Kinse anyos lang si Miguel at dalawa lamang sila ang magkapatid. Hindi na sila pinalad na magkaroon pa ng ibang kapatid. Ang dahilan ng kanilang mga magulang ay sapat na silang dalawa ni Miguel. Marami ang nagsasabi na mukhang kambal silang dalawa dahil para silang mga ipinagbiyak na bunga. “Binata na talaga ang kapatid ko siguro may nililigawan ka na ano?” Tudyo ni Monica sa kapatid at hindi naman nakatakas sa paningin niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Napangisi siya at kinurot ito sa pisngi.“Wala pa iyan sa isip ko ate, baka makurot pa ako sa singit ni mama kapag nanligaw na ako.” Hindi mapigilan matawa ni Monica sa sinabi ng kapatid at ginulo ang buhok nito. “Ma, wala pa po si papa? Gabi na ah.” Lumapit siya rito at nagmano sa kanyang ina matapos nito magpunas ng mga kamay sa bestida. “Nasa talyer pa ang papa ninyo anak at inaayos ang jeep. Nasiraan kasi siya kanina habang nagbabya
Magbasa pa