All Chapters of My Bestfriend's Affection: Chapter 11 - Chapter 20
77 Chapters
Unexpected Visitor
Athalia'sPOV"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sakin ni Luke. Tiningnan ko siya tsaka umiling."Wala naman. Baka mananatili lang ako sa bahay kasi pupunta rito si inay para tulungan si Manang Daisy sa paglilinis. Bakit?" tanong ko. Nag-aagahan kami ngayon. Kaming dalawa lang, niyaya namin si Manang Daisy na mag-agahan ngunit tumanggi siya. Kakain nalang daw siya pagkatapos namin. "Ahm, pwede ka ba bumalik mamayang hapon? Mga alas-dos, basta yung free ka. Ililibot sana kita sa pananinam ng prutas, para maging familiar ka sa lugar at makita mo rin ang mga prutas at magkaroon ka ng report sa susunod na araw. Kung ayos lang sayo, kung hindi naman, ayos lang din." aniya at para siyang hindi mapakali habang sinasabi niya iyon.Sabagay, wala naman akong gagawin. Maganda nga ang suhestiyon niya. Gusto ko rin makita ang mga prutas na gagamitin sa paggawa ng juice. Mula sa pag-iisip, tiningnan ko ulit siya. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na parang nag-aalangan siya sa kung ano ang i
Read more
The Picture
Luke'sPOVPagdating ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kwarto at tinungo ang terasa. Kumuha ako ng dalawang stick ng sigarilyo sa cabinet at sinindihan ang isa niyon tsaka isinubo at humithit, samantalang yung isa ay ibinulsa ko. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng teresa at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Tiningnan ko ang kabuuan ng Hacienda na natatamnan ng palay. Malapit na ang anihan.Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw kong may masabing hindi maganda kay Athalia kaya umalis ako dahil ayaw ko magkaroon kami ng hindi pagkakaintindi, pero parang ganoon na rin ang nangyari.Nakaramdam ako ng sobrang pagseselos sa nakita kanina. Napaka-sweet nila sa isa't-isa. Kung hindi pa ako nagsalita hindi nila malalaman na naroon ako at nakatayo. Ganun na ba sila kaabala para hindi mapansin ang presensya ko? F*ck! Sino ba naman ang hindi magseselos? Inaasahan kong makakasama ko siya ngayon pero hindi pala! Gustong-gusto kong sugurin kanina ng suntok si Charles, pero pinigilan ko
Read more
Temptation
Athalia'sPOV"HALIKA NA, sasamahan kita sa kwarto, Luke." ani ko at nagpatiuna ng maglakad patungo sa hagdan.Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Luke. Anong ibig sabihin niyon? Galit ba siya sakin dahil sa nangyari kanina? Dahil mas pinili ko si Charles kaysa sa kaniya? Napipilitan lang ba siyang pumunta rito? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib, ni hindi man lang niya pinakinggan ang eksplanasyon ko kanina. Basta nalang siya umalis.Nang marating ko ang silid na katabi ng aking silid. Pinihit ko ang door knob para buksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang hindi kalakihang silid, pinasadya talaga ito ni itay noong nabubuhay pa siya para sa mga kamag-anak o bisita na punta rito sa bahay. Dangan nga lamang, hindi ko na siya nasilayan pa. Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Luke na iginagala ang paningin sa loob ng kwarto.Malinis ang kwarto, dahil dalawang beses sa isang linggo kung linisan ito ni Inay. May isang kama sa kaliwang bahagi ng kwarto at isang durab
Read more
His Affection
Luke'sPOVBumaba ang halik ko sa leeg ni Athalia at hindi ko maiwasang mas mag-init ng umungol si Athalia, lalo na ng mapahawak siya sa aking buhok. Ibig lang sabihin at gusto niya ang ginagawa ko. Fxck! Ang mga kamay ko ay kusang naglakbay sa kaniyang katawan. Nang dumako iyon sa kaniyang mayamang d*bdib, bahagya ko iyong pinisil. Hindi ko maiwasang mapaungol sa sensayong na nadarama.Sh*t! Hindi ko akalain na ganito pala ang sensasyong mararamdaman ko kung kay Athalia ko ginagawa ang mga ganitong bagay. Ni minsan hindi ko naramdaman ito sa mga babaeng naidala ko sa kama. Kapag ginagawa ko ito kay Mickaela, wala akong maramdamang ganito. Ayaw ko naman siyang hindian at baka magalit siya sakin at malaman pa ni Mom, magalit pa sakin si Mom. Bahagya kong iniangat ang pang-itaas na pajama ni Athalia. Pero bago ko pa tuluyang matanggal iyon. Kumalas si Athalia sa pagkakayakap sakin at umalis sa pagkakakandong sakin na para bang may sakit akong nakakahawa. Kitang-kita ko sa kaniyang mga m
Read more
Connection
Athalia'sPOVPAGKARATING ko sa kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa kama at napabuntong-hininga ako ng malalim. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala at hindi pa rin nagsisink- in sa isipan ko na may nararamdaman para sakin si Luke. Akala ko one-sided love lang, akala ko ako lang ang nagmamahal sa kaniya. Marami talagang nalilinlang sa making akala. Kung may gusto nga siya sakin, bakit umuwi siyang may kasintahan? Ibig bang sabihin nun dalawa kaming mahal niya? Litong-lito na ako! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Huminga ulit ako ng malalim tsaka nahiga sa kama. Pinakatitigan ang kisame na para bang nandoon ang kasagutan sa mga tanong sa aking isipan. Biglang sumakit ang ulo ko sa mga iniisip. Pinilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga iyon, bahala na kung ano ang mangyayari. Go to the flow nalang ako.Oo, may gusto ako kay Luke at may gusto siya sakin pero hindi ko susunggaban iyon. May kasintahan si Luke at ayaw kong saktan si Charles lalo at nangako ako kay Charle
Read more
Adrian Ruiz
Athalia'sPOV"Si Adrian Ruiz ay nakilala ko noong second year college ako. Sumali ako sa isang organisasyon na kung saan ang organigasiyon na yun ay naglalathala ng mga Aktibidad sa Unibersidad. Naging magkapareha kami sa isang Aktibidad at naging malapit sa isa't-isa. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may paghanga ako sa kaniya at ganun di siya sakin. Sinabi niya iyon sakin at nagpasya na maging kami. Naging magkasintahan kmi ng halos limang buwan hanggang sa naramdaman ko nalang na kapag kasama ko siya, wala akong chemistry na nararamdaman sa kaniya. Hanggang sa sinabi ko iyon sa kaniya. Naging tapat kami sa nararamdaman naming dalawa, kaya nagpasya kaming maging magkaibigan nalang. Kaya ayun, mas lalong naging matatag ang aming samahan at pagka-graduate namin nangibang-bansa siya para doon magtrabaho. Sa Germany siya ngayon nagtratrabaho at may mga negosyo na roon." mahaba kong kwento sa kaniya. Titig na titig sakin si Luke habang nagkwekwento ako. Pero kitang-kita ko sa kislap
Read more
Repentance
Jasmine'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng kintalan ako Ng halik ni Jarred sa noo kahit nasa harap si Beatriz at pinagmamasdan kami. Wala akong pakielam kahit nasa harapan pa siya. Oo, ramdam ko na seryuso sakin si Jarred, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alinlangan kanina nang tanungin niya ako tungkol sa kung hindi ko ba siya iiwan, lalo at narito sa harapan namin si Beatriz. Alam kong nasaktan siya dahil wala siyang nakuhang sagot sa tanong niya pero ayaw kong mangako, basta ang maipapangako ko lang mananatili ako sa tabi hangga't kaya ko. May mga pangakong napapako. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Naudlot ako sa malalim na pag-iisip ng sumigaw si Beatriz."Hindi ko akalain na may kalindaang taglay ka pala, Jasmine. Hindi lang pala pagiging katulong ang sadya mo sa mansiyon kundi para landiin din si Jarred at agawin siya sakin!" sigaw ni Beatriz na may nanlilisik na mga matang nakatingin sakin.Kung nakamamatay lang ang tingin, siguradong kanina pa ako
Read more
Molestation
Athalia'sPOVPAGSAPIT ng ala-una y medya ng hapon, lumabas na ako ng opisina para mananghalian at nagtungo sa lobby gamit ang elevator. Palabas na ako ng gusali ng makatanggap ako ng text galing kay Charles na nagsasabing nasa canteen na daw siya at hinihintay ako.Rules ng kompanya na bawal mag-lunch sa labas ang mga empleyado gaya ng Restaurant at iba pang kainan sa labas. Dahil ang may-ari ng Canteen ay nagbibigay ng renta kay Sir Lereño. Kaya obligado na ang mga empleyado na doon kumain nang tanghalian at magmeryenda.Nang marating ko ang Canteen, iilan lang ang naroon at nag-lulunch. Karamihan ay mga nasa 10am ang pasok. Alas otso nagsasara ang kompanya. Madalang lang ang nag-oover time. Tiningnan lang ako at muli ipinagpatuloy ang pagkain. Iilan lang ang kakilala ko sa ibang Departamento. Hindi rin kami nangingielam ng business ng iba. Ika nga, mind your own business. Ewan ko ba at hindi yun magawa ni Anallene, malaki ang sapantaha ko na kilala niya si Charles. Paano ka nga nam
Read more
The Confrontation
Athalia'sPOVPagsapit ng alas-sais ng gabi. Lumabas na ako opisina at nagtungo sa lobby para doon hintayin si Anallene Onillo. Nagulat ako ng madatnan ko si Luke na naghihintay. Oo nga pala, susunduin pala niya ako ngayon. Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sakin."Ath, ihahatid na kita." aniya.Bago pa man ako makasagot ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang pantalon na suot at tiningnan ang screen. Napasimangot si Luke nang makita kung sino ang tumatawag at sinagot ang tawag. Inilagay niya ang cellphone sa kaniyang taenga."Sir Antonio Alegre. Napatawag ka?" tanong ni Luke sa kausap. Si Antonio Alegre ang kausap niya? Diba isa siyang negosyante? Ang pagkakaalam ko, siya ang may-ari ng kompanya ng papel sa bayan. Ang Alegre Sunn Production. Ang Sunn ay tatak ng Notebook, Papel, textbook at iba pang klase ng papel. Baka naman kasosyo ni Luke si Antonio Alegre sa pagsupply ng gagamitin ni Antonio Alegre sa paggawa ng papel? May mga em
Read more
Shocked
MichaelLereño'sPOV"So, may balak kang magpatayo ng mini pizza dito sa tabi ng Canteen, Mr. Aryante?" tanong ko kay Mr. Rean Aryante habang ineeksamin kung ano kaliwang ang kailangan para sa balak niyang mini Pizza. Narito kami ngayon sa bakanteng lupa na katabi ng Canteen at pinag-uusapan ang balak na pagpapatayo ng mini pizza ni Mr Aryante, na ang kapatid daw niya ang mangangasiwa at mamahala. Maganda na rin iyon para kung sakali na gusto ng mga empleyado ko na bumili ng pasalubong sa kanilang pamilya ay pwedeng-pwede ang pizza ni Mr. Aryante. Nasa humigit limang daan rin ang aking mga tauhan. Nasa kabila ang mga tauhan ko na gumagawa ng garments."Opo, Mr. Lereño, kung inyo po sanang mamarapatin. Para dagdag kita rin po." ani Mr. Rean Aryante. Matagal na rin si Mr. Aryante sakin kaya kilala ko na siya. Mapagkakatiwalaan siya at talagang nagbabayad ng renta buwan-buwan.Tumango-tango ako. Sabagay, tama nga naman siya. Mas malaki at malawak na negosyo, mas malaking kita. Bakit ko n
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status