All Chapters of ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series): Chapter 21 - Chapter 30
36 Chapters
Chapter 21: Misery
HINDI na malaman ni Sunshine kung ano ang nararamdaman. Pakiramdam niya, may parte sa katawan niya ang namamanhid at ayaw nang makaramdam pa ng sakit. Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa nang hindi na nagpakita pa sa kaniya si Norman. Tatlong buwan ang matuling lumipas– para na siyang baliw sa kaiisip. Hanggang sa ang tatlo, naging apat, lima at anim. Kalahating taon nang wala siyang balita sa kasintahan.Minsan, iniisip na lang niyang sumuko, na huwag nang maghintay. Dahil kung darating ito, sana noon pa. Pero… nangako kasi siya. Nangako siyang hihintayin ito. At pinanghahawakan din niya ang pangako nito– na babalikan siya.Mahal na mahal niya ito at iyon ang napagtanto niya sa paglipas ng panahon. Wala rin siyang duda sa pagmamahal ni Norman sa kaniya. Kaya nga patuloy siyang kumakapit.Mabigat niyang inihakbang ang mga paa patungo sa helipad, sa rooftop ng Palacio Grande Hotel. Sinikap niyang magpakatatag. Sinubukan niyang ibalim ang dating siya. Pero sa t’wing mapag-i
Read more
Chapter 22: Capt. Luther the Fourth
"LADIES and gentlemen, the captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also, make sure your seat back, and folding trays are in their full upright position. If you are seated next to an emergency exit, please read carefully the special instructions card located by your seat. If you do not wish to perform the functions described in the event of an emergency, please ask a flight attendant to reseat you. We remind you that this is a non-smoking flight. Smoking is prohibited on the entire aircraft, including the lavatories. Tampering with, disabling, or destroying the lavatory smoke detectors is prohibited by law. If you have any questions about our flight today, please don't hesitate to ask one of our flight attendants. Thank you," nakangiting ibinaba ni Sunshine ang awditibo ‘saka tumabi sa isang kasamahan
Read more
Chapter 23: Are You A Mute?
"SUNSHINE VALDEZ?" kunot ang noong tanong ni Norman."Yes. I just met her in the plane. Actually, she's one of SumSun's flight attendant.""A flight attendant? She's not a model? Are you sure of that?""Hahaha... Kuya Norman, SumSun Airlines doesn't need a model. You need an endorser.""So, what is the difference between the endorser and the model?" Inihalukipkip ni Norman ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa couch na kinauupuan."Hmmm... you must see her and see it for yourself," makahulugan ang ngiting ibinigay ng kapatid sa kaniya."Okay," tila hindi interesadong pagsang-ayon na lamang ni Norman at hinigop ang kapeng nasa harapan."Where are you going after this?""Roaming around then I will go back to the hotel. Want to join me?""Nah... I can't. I have to meet a friend,""Okay, just see you when I see you." Dinukot ng binata ang wallet at humugot ng ilang perang papel, ‘saka tumayo.Inilahad ng binata ang palad sa kapatid upang alalayan ito sa pagtayo hanggang sa mak
Read more
Chapter 24: Elevator
"SHINE, may nakalimutan ako, mauna ka nang bumaba," ani Stan."Ulyanin. Sige na, hintayin na lang kita sa lobby.""Sige, sige." Nagmamadali nang iniwan ni Stan ang dalaga.Agad nang sumakay ng elevator si Sunshine nang bumukas iyon. Magsasara na sana ang pinto nang isang kamay ang pumigil sa pagsara no'n. Kasabay ng muling pagbukas ng pintuang metal ay ang pagpigil naman ng dalaga sa kaniyang hininga nang mapagsino ang may-ari ng kamay na iyon.Saglit na tinapunan ni Norman ng tingin si Sunshine bago ito tuluyang pumasok sa loob at as usual nakapamulsa ang mga kamay na tumayo sa kabilang bahagi ng elevator at animo hari na nagmamay-ari ng mundo sa pagkakatayo.Pakiramdam ni Sunshine ay sinasakal siya ng katahimikang namamayani sa pagitan nila ng binata. Hindi niya inaasahan ang pagsasabay nilang iyon at nataon pa na silang dalawa lang ang naroon. Hindi siya mapalagay sa presensiya nito, lalo na't naroon pa rin ang galit na nararamdaman niya para rito. Gusto niya itong komprontahin, ng
Read more
Chapter 25: The Luther's Sisters
"Kuya! What was that!?" si Emmanuelle."What?""What? What? What? Bakit mo naman ginanoon si Sunshine?!""I did nothing, Elle. I just asked her. All she needs to do is to answer me.""Pero tayo ang humihingi ng pabor sa kaniya!""What's wrong with you, Elle? Marami pa d'yang pwedeng kuning endorser. Mas kilala kaysa sa kaniya.""But Sunshine is perfect for the SumSun Airlines. Remember, SumSun is stand for Summer Sunshine!""Sino ba kasi ang nagbigay ng pangalan na 'yan sa airlines ko?!""Ikaw!" sabay-sabay na wika ng tatlong nakatatandang kapatid na lalaki."Ako?""Yes, you are the one who gave that name to the Airlines. Anyway, Emmanuelle is right. Sunshine is perfect for this," ani Jasson, ang panganay sa kanila."And how do you say so?""I heard that she came from Bohol. And she worked at the Palacio Grande. Ang pagkakaalam ko rin ay kilala siya ng mga turista roon.""Palacio Grande?" kunot ang noong pag-uulit niya sa pangalan ng hotel."Yes, the hotel in Panglao that owned by you
Read more
Chapter 26: The Truth
"Three years ago, I was in U.S. Habang hinahanap ng mga kapatid kong lalaki si Emmanuelle, Kuya Norman took a vacation in Panglao, Island. Then weeks later, he's so excited of getting married. Ang weird lang niya, dahil ang alam ko, he was mending his broken heart kaya siya nandoon. Tapos bigla niyang ibabalita na... that he is inlove. With whom? I don't know, he never mention the girl's name."Sandaling huminto si Anastacia sa pagkukuwento at pinagmasdan si Sunshine na matamang nakikinig sa kaniya. Nakikita niya sa mga mata nito ang itinatagong pangungulila at ang kagustuhang malaman ang mga nangyari sa kaniyang kapatid."He stayed there for more than a month. Hindi siya mapilit ni Kuya Jasson na bumalik na ng Manila, dahil may kinahuhumalingang babae ang kapatid namin. Until Kuya Martin had been kidnapped. And we found Emmanuelle in an accident. We are all in panicked. We need to transfer Emmanuelle to our hospital abroad to keep her away from media.""Kuya Peter took the responsibi
Read more
Chapter 27: Back To Panglao
"Sunny, nagugutom ako."Natigilan si Sunshine sa sinabing iyon ni Norman. Ang matang nakatuon sa kalsada ay unti-unting pinangilidan ng luha. For almost three years, muli niyang narinig ang mga salitang iyon. Dahan-dahan siyang lumingon sa binata at napatitig dito.Tila naman naramdaman ni Norman ang mga matang nakatingin sa kaniya kaya nilingon nito ang dalaga. Gayon na lang ang kaniyang pagtataka at pag-aalala pagkakita kay Sunshine. Agad nitong naihinto ang sasakyan."Hey, what's wrong? May masakit ba sa 'yo?""Sunny, may problema ba?" tanong pa ni Norman. Iniangat nito ang palad at inabot ang luhaang pisngi ng dalaga."Ha? Ah..." Napapitlag si Sunshine nang maramdaman ang mainit na palad na nasa kaniyang pisngi. Tila siya nahimasmasan kaya mabilis na pinunasan ang mga luha."Umiiyak ka na naman. May nasabi ba akong masama?""W-wala. M-may naalala lang ako. Sabi naman kasi sa 'yo magta-taxi na lang ako. Ginutom ka na tuloy sa biyahe.""Okay lang ba kung kumain muna tayo?""Ah, sorr
Read more
Chapter 28: Heart Beats
PINASADAHAN ni Norman ang kabuuan sa harap ng malaking salamin matapos niyang ikabit ang customized silver cufflinks sa magkabilang lupi ng suot na white long-sleeved shirt. Pagkatapos ay ang red necktie naman ang isinuot, at saka niya isinunod ang gray coat. “Ang gwapo ng piloto namin, ah!” bulalas ni Emmanuelle nang pumasok ito sa silid ng kapatid. Akma siya nitong yayakapin pero agad niya itong inawat, ayaw niyang magkaroon ng kahit konting lukot ang suot niya. “Ang sungit!” angil sa kaniya ng kapatid. “Is everything ready?” tanong niya rito habang itinatali ng black sanrio ang may kahabaan ng buhok. “Yes, everything is ready. And we will start in ten minutes.” “Okay.” Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, making sure na walang lukot at presentable ang ayos niya. He was used to attending business presscon, but he couldn’t explain why he was feeling nervous right now. “Relax, kuya. Press launching lang ang gaganapin, hindi pa kasal,” pang-aasar sa kaniya ni Emmanuelle.
Read more
Chapter 29: The Fire Diva
“Katie...” “Where have you been? I’m hungry.” “Ipinakilala ko si Sunshine sa mga stockholder.” “I see. Are you done?” Nagkatinginan si Norman at Sunshine. Blangko ang mukha ng dalaga na pilit itinatago ang totoong nadarama. Samantalang tila naman nagsusumamo ang mga mata ng binatang nakatitig pa rin dito. “Hey...” “Ah. By the way, Katie, meet Sunshine. Shine, this is Katie.” “Nice to meet you, Ms. Valdez. Well, for your information, I am Norman's fiancée.” “Nice to meet you too, Ms. Grande.” “Did you know each other?” “No. We are just meeting now. Right, Ms. Valdez?” “Yeah...” walang buhay na sagot ni Sunshine. “Let's go, honey. Kumain na tayo.” “Let’s go, Sunny.” “Hindi na, Sir. Hinihintay ako ng mga kaibigan ko.” Nais sanang tumutol ni Norman, ngunit napansin niya ang masamang tingin ni Katie, kaya walang nagawang napabuntong-hininga na lamang ito ‘saka tinanguan ang dalaga. Lumipas ang oras. Halos masayang nagkukuwentuhan na lamang ang mga naroon. Nang muling dumili
Read more
Chapter 30: Ang Pag-angkin
"Sunny...""At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin... kita." Sumubsob ang mukha ni Sunshine sa matipunong dibdib ng binata.Hindi kaagad nakahuma si Norman. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos. Parang musikang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon buhat sa dalaga at hindi niya maintindihan kung bakit tila napakasarap niyon sa pakiramdam niya. Nang mahimasmasan siya ay pinangko na lamang niya ang nakatulog na dalaga para dalhin sa sarili nitong suite. Pero gayon na lamang ang muli niyang pagbuntong-hininga dahil wala ang keycard ng dalaga. Napapalatak na muli niya itong ipinasok sa elevator.No choice siya kundi ang dalhin ito sa kaniyang suite. Saglit niyang ibinaba si Sunshine habang hawak ito nang mahigpit sa baywang, upang buksan ang pinto. Muli sana niya itong bubuhatin ngunit natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadilat na kasi ito at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.Kumibot ang mga labi ni Sunshine, dahilan para mapalunok ng laway si Norm
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status