Share

Chapter 21: Misery

HINDI na malaman ni Sunshine kung ano ang nararamdaman. Pakiramdam niya, may parte sa katawan niya ang namamanhid at ayaw nang makaramdam pa ng sakit. Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa nang hindi na nagpakita pa sa kaniya si Norman. Tatlong buwan ang matuling lumipas– para na siyang baliw sa kaiisip. Hanggang sa ang tatlo, naging apat, lima at anim. Kalahating taon nang wala siyang balita sa kasintahan.

Minsan, iniisip na lang niyang sumuko, na huwag nang maghintay. Dahil kung darating ito, sana noon pa. Pero… nangako kasi siya. Nangako siyang hihintayin ito. At pinanghahawakan din niya ang pangako nito– na babalikan siya.

Mahal na mahal niya ito at iyon ang napagtanto niya sa paglipas ng panahon. Wala rin siyang duda sa pagmamahal ni Norman sa kaniya. Kaya nga patuloy siyang kumakapit.

Mabigat niyang inihakbang ang mga paa patungo sa helipad, sa rooftop ng Palacio Grande Hotel. Sinikap niyang magpakatatag. Sinubukan niyang ibalim ang dating siya. Pero sa t’wing mapag-i
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status