“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
"SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
“MAMANG, kumusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa maliit na silid ang banayad na boses ng beinte dos anyos na si Sunshine pagpasok nito sa kwarto ng ina. Agad na nilapitan ang ginang na nakaupo sa higaang yari sa papag at nakasandal sa dingding sa likod nito. Inayos niya sa pagkakasandal ang ina, nilagyan ng unan ang likod para maginhawahan ito. "Ayos na, anak. Sige na, umalis ka na at huling-huli ka na sa trabaho mo. Nandiyan na rin naman si Espie, siya na ang bahala sa akin," pagtataboy Aling Aurora sa anak, pagkaraa'y bumunghalit ito ng ubo. Napapabuntonghininga si Sunshine habang hinihimas ang likod ng ina. "Sige po. Pasensiya ka na, Mang. Gusto ko man na ako ang mag-alaga sa inyo, hindi naman ako pwedeng mag-absent. Nag-uumpisa na po kasing dumami ang mga turista, kulang na kulang pa sa tauhan ang restobar." Halata sa tinig ng dalaga ang pag-aalala. Kung pwede lang na mag-absent muna siya sa t
"GOOD MORNING, Mr. Luther. Our chef would like to know what do you want for breakfast," tinig mula sa kabilang linya nang abutin niya ang awditibo ng nag-iingay na telepono."Just tell him that I will be downstairs." Ibinaba ni Norman ang apararo at inayos na ang sarili.Tinungo niya ang tokador at kinuha ang puting long-sleeve fitted shirt na may bahid na asul sa balikat. Tinernuhan iyon ng itim na cargo pants at itim na sandalyas na sapin sa paa. Itinali niya ng rubber-band ang buhok na hanggang batok ang haba saka inililis ang sleeve hanggang siko, bahagya rin siyang nagwisik ng Canary perfume bago tuluyang lumabas ng suite.Plano lamang niyang maglibot sa paligid ng resort na pag-aari ng kaniyang tiyuhin pagkatapos ng agahan. Titingnan niya muna kung ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang buwan na maglalagi siya roon.Pagbaba niya sa lobby ay agad siyang pinalibutan ng apat niyang bodyguard, na nakapagbigay sa kaniya ng iritasiyon. Bak
"Anong problema mo?!" bulalas ni Sunshine nang mag-angat siya ng mukha at tiningnan ang lalaking tumabig sa mga dala niya.Saglit na natigilan si Norman sa dalagang kababakasan ng galit. Pinakatitigan niya ito. Hindi niya maintindihan, pero ang galit nitong mukha ay higit na nakakuha sa kaniyang atensiyon. Para itong maamong tupa noong nakangiti, ngunit naging leon nang ginalit."Anong problema ko? Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon mo para ibigay ang order ko, pero hindi ka man lang lumalapit!" singhal ni Norman na halos magtalsikan na ang laway nang makabawi ito sa pagkatulala. Nanlilisik pa ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan.Natigagal ang dalaga dahil sa sinabi ng kaharap, muling napaawang ang bibig nito at inis na itinirik ang mga mata. Pilit humuhugot ng pasensiya."Sir, kaliwa't kanan po ang ang kostumer ko. Sinusubukan ko kayong lapitan pero may mga lumalapit naman po sa inyo na kasamahan ko, kaya iyong iba na ang
“Do you want me to enjoy my stay here?” Humarap siya kay Lowie na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.“Ofcourse! It's an honor for the resort, that the famous Luther is enjoying his stay here!”“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.“What favor?”“I want Sunshine.”“What!? Are you serious?!”“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access in my airline. Unlimited ticket, unlimited tours, what else?”“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”“Kidding aside, Low. You could have all that privileges once you convince her. I don't know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siya na sumama