All Chapters of Into Your Arms Tonight : Chapter 21 - Chapter 30
201 Chapters
Chapter 21- Nakaraan ni Dolores
NANG gabing iyon ay tahimik na naghahapunan ang pamilya ni Cassandra. Bagama’t panaka-nakang nagkukuwento si Dolores sa maghapon nilang paglalaro ni Cassey at nabanggit ng matanda ang tungkol sa lalaking nakilala ng apo ay tila hindi naman iyon pumapasok sa isipan ng dalaga sapagkat inookupa niyon ang nadaramang sakit at kalungkutan sa inaakalang pagtataksil ni Ian. Hindi rin napansin ni Cassandra ang pagkabahalang rumehistro sa mukha ng ina na si Dolores nang banggitin nito ang lalaking nakilala. Bagama’t wala itong sinabi na kung ano pa man sa lalaki maliban sa nilaro at ibinili nito si Cassey ng ice cream, nagkakasundo ang dalawa na bihirang mangyari sa apo na pihikan sa mga nakakausap. Kahit nga si Jason ay ilang linggo nito bago nakuha ang loob ng bata. Samantalang si Cassey ay patuloy rin sa masayang pagkukuwento sa naging bonding nila ng bagong nakilala. Ibinibida pa ng bata ang itsura nito.“He’s handsome, mommy, like
Read more
Chapter 22- Mrs. Ramos?
KINAUMAGAHAN, late na si Cassandra nang makarating siya sa Ramson Electric Company. Dahil hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kung kaya tinanghali na siya ng gising. Nagmamadali tuloy siya ngayon.Pagpasok niya sa office kung saan pareho nilang inookupa ni Ian ang silid ay nagulat na lamang siya nang bulagain siya ng binata ng isang bouquet of red roses.Gusto sana niyang magdiwang sa galak sa sweet gesture na ipinakikita ni Ian, mangarap ng gising sa kanilang pag-iibigan. Subalit sa tuwing naaalala niyang anumang sandali ay maaari siyang ipagpalit nito, o kung hindi naman ay dahil hindi lamang siya ang nag-iisang babae ni Ian at ginagawan nito ng ganoong pagkalinga ay nalulungkot lamang siya at mas nahihiling niyang sana huwag na lamang nito gawin ang mga ganoong bagay dahil umaasa lamang siya.Napabuntong-hininga si Cassandra saka kinuha ang bouquet na iniabot nito. Inamoy nang bahagya ang halimuyak niyon bago binali
Read more
Chapter 23- Cause We’re Fit To Each Other, Darling
NANG makalabas sina Ian at Secretary Jo ay nag-ayos na rin ng sarili si Cassandra at lumabas na rin ng comfort room. Napabuntong-hininga siya dahil hindi man niya aminin ay nabitin din siya sa namagitan sa kanila ni Ian. Nang magtungo siya sa executive desk ni Ian ay wala pa ang lalaki. Maging ang sekretarya ay bumalik na rin sa sariling office nito. Bagama’t kanina bago ito umalis ay nilingon muna siya ni Secretary Jo sa nakaawang na pintuan ng CR at nakita niya sa mga mata nito ang tila simpatya patungo sa kaniya na ipinagtaka ng dalaga.Ipinagpawalang-bahala na lamang iyon ni Cassandra at nagpasya nang abalahin ang sarili sa mga trabahong kailangan niyang matapos ngayong linggo. Buo na ang desisyon niya ngayong umalis sa Brilliant Skincare Company. Hindi na rin siguro niya hahabulin si Jason sa ginawa nito sa kaniya. Ipagpapasa-Diyos na lamang niya ang ginagawang kasamaan nito. Alam naman niyang hindi natutulog ang Maykapal at siguradong par
Read more
Chapter 24
TULALANG nakaupo sa sofa ng kaniyang bahay si Cassandra. Habang nasa labas siya ng kumpanya at bumibili ng coffee sa katabing shop din ng building nila kanina ay muli siyang tinawagan ni Secretary Jo. Sinabi nitong umuwi muna siya sa kanilang bahay dahil day off niya ngayon at upang makapagpahinga siya ngayong araw. “What? Ano na ang gagawin ko dito sa coffee americano mo?” bulalas niya sa babae nang sabihin nitong huwag na siyang bumalik sa opisina at dumiretso nang umuwi.“Sorry, Cass, inumin mo na lang tapos umuwi ka muna, ha. See you tomorrow,” bulong naman nito saka siya pinatayan ng tawag.Nagtataka man sa ginawi ng babae ay wala naman siyang magawa kundi sundin ito. Kahit pa nga sinabi niyang ayos lamang siya at gusto niyang magtrabaho ngayon ay sinabi nitong utos iyon ng kanilang boss na si CEO Ian Ramos, kung kaya kailangan nilang sundin iyon.Napabuntong-hininga si C
Read more
Chapter 25- I Already Have a Wife
KINAUMAGAHAN ay masaya pang pumasok sa opisina si Cassandra. Kahapon ay sapat ang naging pahinga niya kung kaya fresh at marami siyang energy ngayon upang magtrabaho. Pagdating niya sa fifth floor kung saan ang kanilang office ni Ian ay masaya pa niyang sinalubong si Secretary Jo. Subalit ang babae ay agad namang humingi ng tawad sa biglaang pagpapauwi nito sa kaniya kahapon. “Sorry, Cass, it was an emergency at gusto ko lang talagang hindi ka mapahamak, you know I’m your friend, right?” hinging paumanhin nito sa kaniya.Nagtaka naman siya sa sinasabi nito. “Ha? What do you mean? Ang akala ko utos ni Ian...” takang-tanong niya bago napahinto nang ma-realize ang inakto kahapon ng babae kung saan tila ito nag-aatubili na pabilihin siya ng kape sa labas pa mismo ng kanilang kumpanya samantalang may coffee blender naman sila roon. Dahil madalas magkape si Ian kung kaya nagpagawa ito ng personal coffee maker at iyon ang madal
Read more
Chapter 26- Please, Consider My Offer
BIGLANG napatitig si Cassandra kay Ian dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniya. “What?” bulalas pa ng dalaga na hindi sigurado sa mga narinig.“I said, gusto kong ikaw ang maging ina ng anak ko,” muling ulit naman nito.Hindi siya nakasagot agad at mataman lamang itong pinakatitigan. Napakurap-kurap pa siya ng mga mata para lang makasigurado na hindi nagkakamali ang kaniyang pandinig.“Baliw ka ba?” kapagdakan ay wala sa loob na bulalas niya kay Ian.Nagitla pa siya nang biglang tumawa nang malakas ang binata na tila naaliw sa kaniya. “Yeah, I thought so too,” nakangising tugon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Cassandra. “Anong nakakatawa? Napaka-imposible naman talaga ng gusto mo. Ako, magiging ina ng anak mo samantalang kakasabi mo pa lang kanina na may asawa ka na. What the hell with you, pinaglalaruan mo ba ako?” Nakaramdam siya ng inis dito. Ang kalungkutang nadama
Read more
Chapter 27- Isip Ba o Puso?
NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa paligid ni Cassandra nang lumabas na sa opisina si Ian upang dumalo ng meeting.Napahinga siya nang maluwag at isinandal ang likuran sa upuan upang ma-relax ang kaniyang katawan at upang makapag-isip nang mabuti sa desisyong hinihingi ni Ian sa kaniya.Tumingala sa kisame si Cassandra. Kulay puti lamang ang kaniyang nakikita na pintura ng opisina. Bagama’t naririnig niya ang ugong ng umaandar na aircon ay ang tanging naglalaro sa isipan niya ay ang alok ni Ian kanina.“I want you to be the mother of my child.”Ilang beses na gumugunita sa kaniyang isipan ang mga katagang binigkas ng binata sa kaniya sa restaurant.Nasa punto si Cassandra na gusto niyang tanggapin ang alok nito upang makasama pa ng matagal ang binata at upang hindi siya makaramdam ng guilty sa kung anumang namamagitan sa kanila ngayon. At least, kung pahihintulutan
Read more
Chapter 28
MAGAAN ang mga paa at maaliwalas na mukha ang bungad ni Cassandra sa Ramson Electronic Company kung saan siya nagtatrabaho. Bagama’t dumaraan pa rin siya sa dating kumpanya sa Brilliant Skincare Company upang mag-report at tapusin ang mga files na naka-assign sa kaniya ngayong linggo roon.Napagpasyahan na ng dalaga na mag-resign sa dating kumpanya at pagtuunan na muna ang inaalok ni Ian sa kaniya na pagiging surrogate mother. Alam niyang kapag pumayag siya sa alok nito ay matitigil siya sa trabaho upang alagaan ang sariling katawan at ang pagbubuntis niya. Kailangan nilang pag-usapan ni Ian ang magiging set up nila sa bagay na iyon. Nang pagbukas ng pintuan ng elevator sa fifth floor ay nasalubong pa niya si Secretary Jo na galing sa opisina ni Ian. Lumapad ang ngiti niya sa isiping dumating na ang binata.“Good morning, Secretary Jo!” nakangiting bati niya sa sekretarya.  Tila naman nagulat ito nan
Read more
Chapter 29
“HA! I’m so worked up!” daing ni Cassandra. Ibinagsak niya ang sariling katawan sa sofa nila sa sala. Makalipas ang isang linggo noong napagkasunduan nila ni Ian ang pagiging surrogate mother niya rito at ang plano nitong dalhin siya sa resthouse nito sa Pampanga. Sa nakalipas na linggo ay naging abala siyang tapusin ang mga gawain niya sa Brilliant Skincare Company kung saan siya nagtatrabaho at kanina nga lamang ay nakapagpasa na siya ng kaniyang resignation letter sa kanilang management. Mabuti na nga lamang na smooth at walang hassle ang proseso ng pagre-resign niya na animo ba ay hinihintay na ng management ng company iyon.Napabuga siya ng hangin bago napailing-iling. Nang dahil sa kasalanan ng mas nakatataas sa kanila kung kaya ang biktima ay lalo pang naaapi. “Kailan kaya magkakaroon ng hustisya ang bansa sa mga kagaya nila?” tanong ni Cassandra sa sarili at napatingala sa kisame. Ilang
Read more
Chapter 30- Ang Katotohanan
“PARANG sinabi mo na rin na pinatawad mo na siya sa mga kasalanan niya, Inay?” nakangusong saad ni Cassandra sa tinuran ng ina. “Nang dahil sa kaniya kung kaya namatay si Itay. Siya rin ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin, naghirap tayo noon dahil tumatakas at nagtatago tayo sa kaniya!” aniya pa na may halong poot ang tinig. Bagama’t sinabi niya sa sarili na panapatawad na niya si Manuel sa nangyari noon dahil iyon ang nais ng kaniyang ina subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng galit sa tuwing maaalala ang nangyaring paghihirap nila noon na maaaring hanggang ngayon ay dinaranas pa rin nila ang hirap kung hindi sa tulong dati ni Ian sa kaniya.Blessing in disguise ang pagbibigay sa kaniya ni Ian ng malaking halaga noon na naging starting point niya upang guminhawa ang kanilang buhay. Bagaman at sinubok siya ng tadhana sa pagkakaroon niya ng anak sa katauhan ni Cassey ay hindi niya iyon pinagsisisihan.&nb
Read more
PREV
123456
...
21
DMCA.com Protection Status