Share

Chapter 21- Nakaraan ni Dolores

NANG gabing iyon ay tahimik na naghahapunan ang pamilya ni Cassandra. Bagama’t panaka-nakang nagkukuwento si Dolores sa maghapon nilang paglalaro ni Cassey at nabanggit ng matanda ang tungkol sa lalaking nakilala ng apo ay tila hindi naman iyon pumapasok sa isipan ng dalaga sapagkat inookupa niyon ang nadaramang sakit at kalungkutan sa inaakalang pagtataksil ni Ian. 

Hindi rin napansin ni Cassandra ang pagkabahalang rumehistro sa mukha ng ina na si Dolores nang banggitin nito ang lalaking nakilala. Bagama’t wala itong sinabi na kung ano pa man sa lalaki maliban sa nilaro at ibinili nito si Cassey ng ice cream, nagkakasundo ang dalawa na bihirang mangyari sa apo na pihikan sa mga nakakausap. Kahit nga si Jason ay ilang linggo nito bago nakuha ang loob ng bata. 

Samantalang si Cassey ay patuloy rin sa masayang pagkukuwento sa naging bonding nila ng bagong nakilala. Ibinibida pa ng bata ang itsura nito.

“He’s handsome, mommy, like

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status