—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
PATAY-sindi ang ilaw na may nakabibighaning awitin ang pumapailanlang sa buong paligid ng Club Mari sa maingay na siyudad ng Quenzon City. Katamtaman lamang ang laki ng establisyimento ngunit mahihinuha ang rangya at linis ng paligid nito. Legal at may sariling papeles ang club upang mag-operate doon. Bagaman at may rules and regulation na sinusunod upang hindi masita ng batas. Hile-hilera din ang club sa lugar at isa nga ang Club Mari sa pinakasikat at dinarayo ng mga lalaking parokyano dahil sa pinakadulo ng club na iyon ay may VIP room kung saan mas wild ang serbisyong ibinibigay nito kagaya na lamang ng mga babaeng nakahubad na nagsasayaw sa stage. Samantala, sa isang sulok ng bar counter ay tahimik na umiinom ng Pyrat rum si Ian Ramos habang nanonood sa tatlong babaeng nagsasayaw sa stage nang hubo’t hubad. Hindi niya maalis ang tingin sa isang dancer na nasa gitna. Dahil hindi disente ang ginagawa ng mga ito kung
NAPAPITLAG naman si Cassandra sa ginawa ng binata at malakas na naitulak ito. Pagkatapos ay nabigla siya sa nagawa dahil naalala niya ang paalala ni Tita Rose sa kaniya. Hindi siya maaaring magkamali rito at baka magreklamo ang kanilang kliyente.“S-sorry,” mahinang paumanhin niya.“Sorry for what?” tugon naman nitong tila balewala rito ang ginawa niya. Pagkatapos ay ginanyak na siya nito at pumasok na sa sariling sasakyan. “Let’s go, mukhang hindi ka sanay sa biro.”Hindi na siya umimik pa sa sinabi ng binata. Pagkatapos ay agad na siyang sumunod dito at sumakay sa backseat na tinawanan naman nito ang ginawi niya.“Ano, driver mo ako? Come here, sa tabi ko,” utos nitong tila naa-amuse sa kaniya.“Ah, s-sorry,” aniya na aligaga itong sinunod.“Ha!” Napabuga na lang ng hangin si Ian sa kainosentehan ng dalaga.Hindi na namalayan ni Cassandra nang makara
HINDI na namalayan ni Cassandra ang sumunod na mga pangyayari. Kahit nga kung ilang minutong nagtagal ang binata sa pag-unbutton ng kaniyang polo ay hindi na niya nabilang pa. Ang tumatak na lamang sa isipan niya ay nagtagal ang mga kamay nito sa tapat ng kaniyang dibdib na animo tinutukso siyang bilisan nito ang ginagawa. Maging nang isunod ng binata ang kaniyang jeans ay hindi na siya nakapagprotesta pa. Hindi na nga niya nabistahan kung nabasa ba iyon nang iitsa nito sa sahig ng shower room ang kaniyang mga gamit. Wala sa isipan niya kung basang-sisiw siyang uuwi pagkatapos ng gabing iyon. Nang lumapat ang mga labi ni Ian sa kaniyang punong tainga, pababa sa kaniyang leeg habang dinadama nito ang kaniyang dibdib ay tanging kabog ng kaniyang puso ang namamayani sa kaniya. Kahit nga nang ibaba ng binata ang mga kamay nito sa kaniyang lagusan ay napahigit na lamang siya ng hininga sa sensasyong nararamdaman. Maging ang lagaslas ng tubig
NANG mahimasmasan si Cassandra ay nagtaka na lamang siya nang hindi na niya makita ang binata sa loob ng silid na iyon. Nagpalinga-linga siya sa paligid subalit kahit anino nito ay hindi na niya maaninag pa.Kinabahan ang dalaga sa isiping na-scam siya nito at ang tseke sa kaniyang kamay ay animo bomba na anumang sandali ay sasabog kapag nalaman niya ang totoo na maaaring ito ay peke lamang.“P*kingina, nasaan na ang lalaking ‘yon?” nag-aalalang tanong niya sa sarili habang ang kaba sa dibdib ay hindi mapalis. Ayaw niyang isiping ang kasiyahang naramdaman kanina ay biro lamang pala ng tadhana sa kaniya.Nang mahimasmasan nang kaunti si Cassandra ay napabuga siya ng hangin upang palisin ang kabang nadarama sa panloloko ng lalaking kliyente. Bagaman at tila nga ay naloko siya nito subalit hindi siya maaaring magreklamo dahil una pa lang ay bayad na siya sa kaniyang manager na si Tita Rose at ang tseke na ibinigay sa kaniya nito ay tip laman
KANINA pang pinagmamasdan ni Cassandra ang tapat ng Bangko Sentral kung saan nakapangalan ang tseke na hawak niya. Hindi niya mapagdesisyunan kung tutuloy ba sa binabalak o uuwi na lamang at tanggapin ang pasya ng ina—maghanap ng panibagong trabaho upang makaipon muli. Subalit mahabang panahon ang bubunuin niya upang makahanap ng disenteng trabaho, ilang araw na training at kung paano na lamang kung hindi pa siya makapasa? Maaaring ang maging bagsak niya ay sa club muli na hindi niya nasisigurado kung makahahanap pa siya ng matinong club kagaya ng Club Mari.Marahas siyang umiling sa mga naiisip at malalim na huminga upang alisin ang agam-agam. Bagama’t makikita sa kaniyang mukha ang pag-aalala na maaari siyang makasuhan kung saka-sakaling tumalbog ang tseke. Bukod pang hindi niya kilala ang lalaking naging kliyente kung kaya wala siyang maaaring maiturong salarin. Ngunit ito na lamang ang huling life line niya upang masolusyunan ang problema dahil sigurado siyang
SAMANTALA, marahang hinihilot ni Ian ang sintido dahil sa hangover na nararamdaman. Ilang gabi siyang walang tigil sa pag-inom ng alak. Hindi na rin mabilang ang dumaang mga babae sa kaniya nitong nagdaang buwan. Maging ang trabaho sa kumpanya ay napapabayaan na niya.Ilang linggo na siyang ginugulo ng babaeng nakilala sa Club Mari. Hindi niya mawari kung bakit hindi niya ito maalis sa isipan? Laking pagtataka niya dahil ngayon lamang iyon nangyari sa kaniya.Sinubukan niyang kalimutan ang dalaga at maghanap ng iba. Inakala niya noong una na dahil lamang iyon sa frusration at disappointment dito kung kaya hindi niya maalis sa isipan ang dalaga. O marahil ay dahil sa first time siyang may nakatalik na birhen at inakala niyang inosente ito?“Ha! You really done it, Ian,” kastigo niya sa sarili.Noon ay iniiwas niya ang sarili na gumamit ng babaeng wala pang karanasan dahil hindi maatim ng kaniyang konsensya na alisin dito ang kainose
DAHIL sa natuklasang kalagayan ni Cassandra kung kaya balisa siya ngayon. Bagama’t nasabi na niya sa kaniyang ina na siya ay nagdadalang-tao at tinanggap naman iyon ng matanda ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala at pagsisisi sa nangyari sa kaniya. Alam ng dalaga kung gaanong sinisisi ng ina ang sarili noong payagan siya nitong magtrabaho sa club. Subalit kung hindi naman siya nagtrabaho sa club na iyon ay hindi niya magagawang maipa-opera agad ang ina.Ilang beses niyang pinaliwanagan ang ina at binigyan ng katiyakan na ayos lang siya subalit ang tanging sagot lamang nito ay ‘Oo, anak’, pagkatapos ay tatalikuran na siya at hindi na muli pang kauusapin. Labis niyang ikinalulungkot ang makita itong nagkakaganoon.Sa ngayon ay naghihintay na lamang siyang magtakip-silim upang madalaw ang dating mga kasamahan sa Club Mari. Alas siyete pa kasi ang bukas ng club at alas singko pa lamang ngayon.Balak niyang maghintay sa natur