All Chapters of The Scale of Life and Death (Profession Series #2): Chapter 41 - Chapter 50
101 Chapters
Chapter 26.1
      Bumalik na kami ni Nezoi sa loob at gusto pa ni Nezoi na sama-sama na kami sa iisang kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa-tawa naman siyang sinabi na nagbibiro lang daw siya at doon daw kami sa guest room. Pumunta kami roon, at malaki rin ang guest room kaya kasyang-kasya na kaming magkakapatid dito.      Kinuha na muna namin ang gamit namin mula sa sala at saka na kami nagtulung-tulong na mag-ayos ng gamit namin dito. Masaya kaming nag-aayos at puro tawanan lang ang maririnig dito, at sobrang ingay namin ngayong apat dito sa condo ni Nezoi. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti na lang nang wala sa oras dahil sa nagaganap sa amin ngayong sandali na ito.     "Hoy, Veni! Akin 'yang damit na iyan, favorite ko pa naman 'yan. Akin na 'yan!" sigaw ni Vici sa kakambal niya, at tiningnan ko naman kung anong damit 'yon. Nang makita ko ay paborito nga itong damit ni Vi
Read more
Chapter 26.2
   "Kapag natalo, bigyan mo ng sarili mo ng oras para maging malungkot o umiyak. Pero hanggang kailan? At mabuti sa iyo na iyong action na ginawa mong tumahan ka at hinintay kita. Pero hindi ganoon sa pagkalabas na pagkalabas mo ng pinto, okay? Hindi ka hihintayin ng mundo para tumahan ka, dahil tuluy-tuloy ang ikot ng globo at ang agos ng buhay." Hinawakan ko ang mukha ni Vici na malapit na namang umiyak at ngumiti ako sa kanya nang natural.  "Laging mong tandaan na ayos lang umiyak, pero dapat alam mo kung kailan ka titigil. At dapat mas talasan ang isipan natin sa gagawin natin. Hindi 'man natin hawak ang dapat na mangyari, pero hawak natin kung paano ang gagawin natin at ano ang ire-react natin," makahulugan kong sabi. Pinunasan ko ang nahulog na luha mula sa mata ni Vici at agad niya naman akong niyakap.  "Ikaw na lang po talaga ang paborito kong Ate at wala na pong iba pa
Read more
Chapter 27.1
      Dahil sa kung ano oras na ako nakatulog kanina ay na-late pa nga kami ngayon. Nagmamadali ang kambal na maligo dahil ano oras na rin silang nagising at ganoon din ako. Si Nezoi naman ay nakatulog din habang nag-aaral siya kaya lahat kami rito ay aligagang kumilos. Sobrang gulo namin, pero sinigurado pa rin namin kung ano ang dapat naming gawin.     Naligo ang kambal at ako naman ay nag-ayos ng makakakain namin, at si Nezoi naman ay inaayos niya ang gamit niya. Maya-maya pa ay tumulong na rin siya sa akin na mag-ayos ng kakainin namin ngayong umaga. Pinagsaing ko na muna siya, at sinunod niya naman 'yon agad. Rinig na rinig ko pa mula rito ang kambal na nagtatawanan dahil sa pagmamadali ay ang dami nilang nahuhulog, o kung saan pa 'man na nadadapa sila.     Matapos nilang maligo ay pinakain ko na sila at ako naman ang naligo, at nang matapos ako ay sumunod na si Nezoi. At
Read more
Chapter 27.2
   Nag-assign-assign na ang Head namin kung sinu-sino ang bibili ng mga materials at iba pa. Napunta naman ako sa hosting kaya hindi na ako sinama ng Head namin sa mga bilihin. Ayos sa akin 'yong hosting, may experience rin naman ako roon kahit papaano. Kaya masaya na ako kung saan ako nalagay. Nang matapos mag-assign ng Head namin ay samu't saring mga tanong ng karamihan pero nasagot naman lahat ng 'yon.  Matapos ng mga katanungan nila ay na-dismissed na rin kami, at nahuli kaming mga Co-Head na narito. Nag-usap-usap pa kami tungkol sa event na mangyayari at medyo rush na rin kami kasi next week na agad siyang igaganap. Nang maayos na ang lahat ay saka na rin kaming nagpaalamanan sa bawat isa.  Masaya naman kaming lahat na umalis ng school, at ako naman ay balak ko munang puntahan si Irene. Hindi ako nag-text sa kanya, para surprise talaga at saka bumili ako ng isang gallon ng
Read more
Chapter 27.3
   Habang papauwi na ako ay hindi ko na talaga maiwasan na maramdaman ang maging emosyonal habang nasa byahe ako. Parang biglang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa una, 'yong nangyari kay Irene sa kanila ng magulang niya. Na naging rason kung bakit parang gusto kong makita ang magulang namin ng kambal, at nang nakita ko sila na masaya at tumatawa na sila lang; hindi ko maiwasan na malungkot doon.  Pinigilan ko namang huwag maiyak habang nasa jeep ako papunta na sa condo ni Nezoi, at salamat naman na naki-cooperate sa akin ang mata ko at hindi 'yon nangyari. Nang nakababa na ako mula sa jeep ay hindi ko alam kung bakit pero dito na nagtuluy-tuloy ang bagsak ng mga luha ko. Hanggang sa mapaupo na lang ako sa tabi rito at saka roon umiyak. Tinakpan ko pa ang mukha ko para walang makakita sa akin sa estado ko ngayon.  Hindi ko alam kung bakit ko bigla ko na lang kinuha ang telepo
Read more
Chapter 28.1
      "Hello! Ako si Ate Themis Pravitel. Isa ako sa Co-Head ng project na ito. Sana ay mag-enjoy at sana maging masaya kayo sa mga iba pa nating activities na gagawin mamaya. Sa ngayon, i-enjoy natin ang pagsasalu-salo natin! Okay po ba 'yon?" masaya kong tanong sa harap ng mga bata, pamilya nila, at sa mga matatanda.     "Opo!" sabay-sabay nilang sagot at nakangiti pa ang mga ito, excited na talaga sila.     "Pero huwag mamadaliin ang kumain, i-enjoy lang natin siya." Nagtawanan naman kaming lahat dito. Nang matapos ay bumaba na ako mula sa stage at sumama na sa mga kasamahan ko rito na kumain. Ngayon na naganap 'yong project namin at hindi ko maiwasan na matuwa dahil sa mga ngiting mukha ng mga bata na narito.      Masaya kaming nagsalu-salo at mayroon kaming kasamang matanda sa table namin at nagkukuwentuhan kami rito. Naging smooth at
Read more
Chapter 28.2
      "Let us now meet our lovely candidates! And here they are!" sigaw ng host at saka isa-isa na kami lumabas mula sa backstage ng iba kong kalaban na kandidata. Dahil pang-number 8 ako ay pagkalabas ng 7 ay sumunod na ako. Ito na ang opening production namin, at ang bilis ng pangyayari ay narito na agad sa pageant na ito.     Parang noong mga lumipas na buwan lang ay pinaghahandaan pa namin ito ni Edry pero ngayon ay nasa malaki at maluwag na stage na ako ng Pre-Pageant namin na ito. Pagkalabas ko pa lang ay malakas na ang hiyawan sa akin at rinig na rinig ko pa ang kambal, at si Nezoi mula rito kaya hindi ko maiwasan na mapangiti nang malaki.     Naglakad ako kung paano ang na-practiced namin ni Edry at hindi ko maiwasan na maramdaman na handang-handa talaga ako rito. Pumwesto ako sa likod ng isang babae pero kitang-kita pa rin naman ako kahit papaano dahil window ang block
Read more
Chapter 28.3
      Iniinda ko pa rin 'yong sakit na natamo ko mula sa pagkatapilok ko kanina. Ang sakit-sakit ng tuhod ko. Kaagad na pumunta rito si Nezoi at tinanong ko agad kung nasaan ang kambal at baka iniwan niya para lang makapunta sa akin dito, pero ang sabi niya ay na riyan ang kaibigan ko kaya ayos lang. Nag-aalala raw siya sa pagkahulog ko kanina at ngayon siya ang naglalagay ng yelo roon nang dahan-dahan at saka minamasahi niya pa 'yon.     Gusto ko 'mang umiyak pero baka masira 'yong makeup ko at tuloy dapat ang show. Hindi na rin naman bago na sa akin 'tong pangyayari na ito, dahil nadapa rin naman ako noon pero ito ang pinaka malala na pagkadapa ko dahil nagkaroon din ako ng sugat dahil sa bato ng gown at natamaan 'yong binti ko.      "Aray!" sigaw ko dahil nilalagyan na ngayon ni Nezoi ng first aid action 'yong sugat ko. Mayroon siyang hawak-hawak na cotton at wala raw B
Read more
Chapter 28.4
      "And now! Let us all welcome, candidate number 1!" Lumabas na agad ako mula sa backstage at naka-swimsuit na ako ngayon. Rumampa ako kung paano ang na-practiced namin at katulad lang kahapon pero mas nilagyan ko 'to ng power at saka ng confidence pero sakto at kontrolado ko pa rin naman ito.      Malakas ang sigawan at tawag nang tawag sa pangalan ko sa mga tao rito. Kahit ang sakit na sa mata 'yong ilaw ay tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad kahit parang mabubulag na ako sa mga ilaw rito. Gabi na ngayon at ngayon na nagaganap ang Coronation Night ng pageant na ito. Ang tagal namin sa paghihintay kaya inip na inip na kami, ang usapan kasi na 8 ng gabi ang start pero 10 o'clock na ngayon, at kani-kanina lang din kami nagsimula.     Pero kahit ganoon ay nakalimutan na agad namin 'yon. Inulit lang namin 'yong opening production namin kahapon at kung pang-ilan ang nakita
Read more
Chapter 28.5
   "And our winner is candidate number 8!" sigaw ng host at malakas na sigawan ang maririnig sa lugar na 'to. Pumalakpak naman kaming iba pang candidates at nanalo ang isa sa gusto nilang manalo. Deserved naman niya, at talaga nga naman lahat ng segment ay ang galing niya. Maganda ang pagka-deliver niya sa sarili niya at kanina rin sa Question and Answer portion niya.  Nakangiti lang ako pumalakpak at parang dito ko naramdaman ang pagod ko. Lahat ng paghihirap namin, 'yong walang tulog namin, 'yong pag-train namin sa public speaking. Lahat-lahat. Ngayon ko naramdaman 'yong pagod na 'yon, at parang ngayon lang ako nakahinga dahil sa pressure, kaba, at uncertain na nararamdaman ko simula pa lang no'ng una.  Oo, natalo ako. 5th runner-up ako. Dapat akong maging masaya na dapat dito. Pero hindi ko pa rin maiwasan na manghinayang. Parang hindi ko matanggap na ito lang ang naabot ko
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status