Share

Chapter 5

Madilim at malakas ang musika pagpasok namin sa loob. Nakipagsiksikan kami sa mga nagsasayawang mga tao para makapunta kami sa kung saan nakareserve si Elijah. Sa sobrang daming mga tao sa loob ay nawala sa paningin ko si Ayn. Hindi ko na ito makita kaya medyo kinabahan ako lalo pa nang may humawak sa beywang ko.

"Let's dance," bulong ng kung sino mang nasa likod at humawak sa beywang ko. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nerbyos at hindi magandang rason. Hindi ako sanay na mahawakan lalo pa ng mga taong hindi ko kaclose o kakilala.

Bago ko pa man maitulak ang kung sino mang humawak sa akin ay bigla itong nakalas. Nagulat nalang ako nang may humila sa aking kamay para igiya ako paalis ng mga taong nagsasayaw. Ramdam ko kung paano bumilis ang pintig ng puso ko nang mapagtanto kung sino ang humila sa akin. Sa sobrang tangkad at laki nito kumpara sa akin ay madali lang nito kaming mailayo sa mga nagsasayawang mga tao papunta sa gilid kung saan nakapwesto ang mga sofa at lamesa para sa mga VIP.

"They're at the second floor," yumuko ito para marinig ko na lalong nakapagpabilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam na may ibibilis pa pala ang pagtibok nito.

"T-thanks," I stuttered and didn't know what to do. My mind suddenly went blank. I felt so awkward standing in front of him and him just looking at me with his blank stare. "Uhmmm, I gotta go," I said and left him without waiting for him to say anything.

Nagmamadali akong umakyat ng hagdan papunta sa second floor at saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang grupo.

"Where were you?" nagtatakang tanong ni Ayn nang makalapit ako at makaupo sa tabi nito. Kumpleto na silang lahat maliban kay Rancher na iniwan ko sa baba.

"I got lost," tipid na sagot ko at agad ininom ang tubig na nakalagay sa harap ni Ayn. Muntik ko nang maibuga ito nang marealize na hindi pala ito tubig kundi alak. Transparent kase ito kaya akala ko ay tbig. Napapikit ako at pilit na nilunok.

"Woah!" natatawang pag-cheer nito.

"I thought it was water!" inis na sabi ko na ikinatawa nito lalo.

"We're in the club, Cat. Why would you think that," sagot nito.

"Are you alright?" tanong ni Elijah at lumipat itosa sofang inuupuan namin ni Ayn. Napapagitnaan na nila ako ngayon ni Ayn at ang katabi ni Ayn sa kanan nito ay si Luke.

"Yeah," plastic na ngiti ang pinakawalan ko. Hindi pa din ako nakakarecover sa encounter namin ni Rancher sa baba. After all these years, he has had the same effect on me. If not, mas malakas pa. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko sa nangyari. Sa nangyari kanina sa baba, I am now sure that he recognized me.

"Rancher is here," narinig kong sabi ni Jason, isa sa college friends ni Elijah na kasama namin. Pasimpleng sinulyapan ko naman ang parating at hindi ko mapigilang humanga sa kagwapuhan nito. He looked like an international model in his casual outfit. He's wearing a leather jacket and a white shirt underneath, black jeans and black boots.

"Bro, di ka pa din nagbabago. Ikaw pa din ang latecomer sa grupo," komento ni Luke na ikinatawa ng lahat, maliban sa akin. I saw him smirking as he sat down in front of me. Apat na sofa ang upuan sa mga VIP seats. Dalawang magkadikit na sofa sa gitna at sa magkabilang sides naman ay tig-isa, samantalang sa gitna ay lamesa kung saan nakalagay ang mga inumin. Ang nakaupo sa gitnang sofa ay sina Innah, Jason, Maya-isa sa dalawang babaeng kaibigan nila, at si Trey- isa din sa grupo. Sa katapat na sofa namin ay si Alvin at si Rancher na kadarating lang ngayon at umupo sa kung saan nakaupo si Elijah bago ito lumipat sa sofa kung saan kami nakaupo nina Ayn at Luke. Tuloy, siksikan kaming apat sa upuan namin samantalang sina Rancher at Alvin ay komportableng-komportable sa upuan ng mga ito dahil dalawa lang sila sa iisang sofa.

Napatingin ako kay Innah nang bigla itong tumayo sa upuan at lumipat sa tabi ni Rancher. Si Luke ang pumalit sa pwesto nito pero magkatabi pa rin sila ni Ayn.

"What took you so long, Rancher?" malambing na tanong nito at hindi ko mapigilang mainis. I don't usually mind people flirting in front of me, but this time, I did. It's obviously because I still have feelings for Caleb, who is now known as Rancher. Although I've decided to move forward, it does not mean that I can take what I am witnessing right now.

"Kaya nga bro, diba dala mo big bike mo?" tanong ni Alvin dito.

"Yeah," sagot nito. "I just had to take a phone call that's why I was late," paliwanag nito at bahagyang sumulyap sa akin.

"From your girlfriend?" nakangising tanong ni Jason na ikinatawa nito at ikinasimangot ni Innah.

"Nah, just from work," sagot nito. Wala sa loob kong ininom ang alak na binigay sa akin ni Ayn kanina. Based sa sagot nito, it can be presumed that he does have a girlfriend, dahil hindi nito itinanggi. Parang gusto ko maglasing bigla and I feel so pathetic.

"Are the rumors true that you're dating Chanel?" curious na tanong ni Maya. Bago ko pa marinig ang sagot nito ay tumayo ako dahil ayaw kong marinig ang isasagot nito.

"E-excuse me, CR lang ako," sabi ko at mabilis na naglakad. "Gosh, I am so pathetic!" Inis na sabi ko sa sarili habang nanlalabo ang paningin papunta sa CR.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status