Share

Chapter 4

"Shit, I forgot my blazer," sabi ko sa katabi kong si Ayn. Dalawa kaming nasa backseat. Ang driver/bodyguard nito ay napatingin sa rearview mirror.

"Balik po ba tayo ma'am?" tanong nito.

"No way!" agap ng katabi ko. "Male-late na tayo if babalik pa. Saka why would you need a blazer? Mainit naman sa club," irap nito. Tama naman ito na male-late na kami kung babalikan pa. Mas malapit na kami sa Shang Palace kesa kapag babalik sa condo para kunin ang naiwan kong blazer. Gusto ko nalang kutusan ang aking sarili dahil nakalimutan ko ang pinaka-essential sa akin. I get cold easily. Kaya palagi akong nakablazer sa opisina at sa kahit anong lugar na may aircon.

"You know I get cold easily," irap ko din dito. "It's your fault. Kung hindi mo sana pinakialaman tong make-up ko e di sana hindi ako nadistract at nakalimutan yong blazer ko," paninisi ko dito.

"Hindi maginaw doon," she assured me, but she smirked na para bang masaya pang nakalimutan ko ang blazer ko. Inirapan ko ulit ito. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko na nasa pouch. Binuksan ko at kinuha ang cellphone ko para i-check kung sino ang nagmessage.

"Andon na daw ang birthday boy," nauna nang mabasa ng katabi ko ang message ni Elijah sa groupchat namin sa viber. Walang f******k si Elijah kaya sa viber kami nag-uusap na tatlo.

"May mga kasama ata tayong magdidinner e," she casually informed habang nagtatype ng reply para sabihing malapit na kami.

"Ano?" nagulat ako na ngayon lang nito sinasabi. I'm not a shy person when it comes to meeting new people. Naubos na ang hiya ko noong law school. Exposed kami sa pagkapahiya because of strict professors. Wala atang nakagraduate na hindi napapahiya. It's just that I appreciate it more kapag nasabihan ako prior hand na may mga makakasamang hindi kakilala.

Usually kase, kapag magcelebrate si Elijah ng birthdays nito, kami lang naman na tatlo. Ang birthday celebration ni Ayn ang palaging grand. Lagi itong nagpapa-party kaya medyo nagulat ako na this time, may mga makakasama kaming tatlo sa birthday celebration ni Elijah.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" inis na tanong ko.

"Bakit kung sinabi ko ba, pupunta ka?" nakataas-kilay na balik tanong nito. "Anyway, okay na din yon no. Amboring din kayang palaging tayo lang. Saka mga college friends daw niya mga yon," dagdag nito.

"Sinama pa tayo sa class reunion nila huh," nakasimangot kong sabi na nakapagpatawa dito.

"Pagbigyan mo na ang birthday boy natin," natatawang sabi nito. "Saka for sure may mga pogi," excited nitong sambit. Napailing-iling nalang ako sa kalandian nito. Masyado itong liberated.

Naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan at ang pagtigil nito sa harap ng building. Nakarating na kami at iddrop off kami sa entrance bago magparada ang bodyguard ni Ayn. Agad itong bumaba para kunin ang paper bags na gift namin at ang bouquet of flowers na ibibigay ko kay Elijah.

Agad kaming binati ng guards ng building pagkababa namin at ibinalik naman namin ang pagbati ng mga ito.

"Bilisan natin," excited akong hinila ni Ayn papasok nang makuha namin ang kanya-kanyang dala. Iginiya niya ako papasok hanggang sa loob ng restaurant. Sinalubong kami ng isang employee at tinanong kung kaninong reservation kami. Nang sabihin namin ang pangalan ni Elijah ay agad kaming iginiya kung nasaan ang mga ito.

Agad kong nabilang ang mga tao sa lamesa kung saan nakaupo sina Elijah. Apat ang nakatalikod sa gawi namin at tatlo naman ang nakaharap kabilang si Elijah. Agad kaming nakita at ngumiti ito at sinalubong kami.

Una nitong bineso si Ayn at sumunod naman sa akin.

"Happy birthday," nakangiting bati ko at inabot ang paper bag na gift ko dito at saka yong bouquet. Mejo natigil siya sa bulaklak na bigay ko at di nito maitago ang tuwa sa mga mata.

"Thank you, Cat," sambit nito at bineso ako.

"Hindi rin obvious na mas natuwa ka sa gift niya a," komento ni Ayn at humalukipkip. Tinawanan lang siya ni Elijah at ako naman ay inirapan ito.

"Guys, these are my partners, Attorney Cattaleya Rillera and Attorney Ayn Contreras," pakilala ni Elijah sa amin sa mga kasama nito na nakatingin na amin. Awkward akong ngumiti samantalang si Ayn ay isa-isang nakipagkamay sa mga ito para makipagkamayan.

Sumunod ako kay Ayn at nakipagkamay na din. Dalawang babae at 4 na lalaki ang mga kasama ni Elijah. The two girls are Innah and Maya, while the four guys are Luke, Jason, Trey and Alvin.

"Nice to meet you guys," masayang bati ni Ayn at agad na umupo sa tabi ng pinakapoging kasama ni Elijah na ang pangalan ay Luke. Hindi na ako nagtaka sa inakto nito. Knowing her, may target na ito for the night.

"Dito tayo Cat," naramdaman kong hinila ako ni Elijah papunta sa inuupuan nito at imunuwestra ako sa vacant seat katabi nito.

"Kanina pa kayo dito?" pabulong na tanong ko kay Elijah.

"Not really," umiling naman ito. "Sorry, I did not inform you prior that my college friends would be joining us," pabulong nitong paumanhin.

"Finally, we're complete," sasagutin ko na sana si Elijah na okay lang pero biglang nagsalita ang isa sa dalawang babae na si Innah kaya napasunod ako ng tingin dito nang tumayo at excited na salubungin ang paparating.

Halos tumigil ang mundo ko nang mamukhaan kung sino ang dumating. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko at parang sasabog ang dibdib ko sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Standing in front of us was no other than the boy whom I had treasured for a very long time. Parang biglang gusto kong tumakbo paalis lalo na nang magtama ang mata naming dalawa.

I cannot believe that I am in this situation right now. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis kay tadhana. Hindi talaga fair maglaro ang tadhana. Noong mga panahong gustung-gusto ko itong mahanap, hindi ko kailan man ito nakita na para bang ang laki-laki ng mundo namin para magkita. After 10 years pa bago ko ito mahanap at dahil pa ito sa tulong ng isang private detective. Ngayong nagdesisyon akong kalimutan nalang ang lahat at wala nang balak pang magpakita, saka naman ito biglang magpapakita sa akin. Sa isang iglap ay parang lumiit ang mundong ginagalawan namin. Akalain mo, ang isa sa bestfriends ko ay kaibigan pala ang taong matagal ko nang hinahanap.

Naramdaman kong kinalabit ako ni Elijah kaya napatingin ako dito nang wala sa sarili.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong nito. Saka ko lang narealize na pinapakilala pala kaming dalawa. Tumango ako at pilit na ngumiti dito para sabihing okay lang ako.

"Cat, this is Rancher and Rancher, this is Cat, one of my partners in RCV-Law Firm, " Elijah introduced us.

"Nice to meet you," pormal na sabi nito at nag-abot ng kamay para makipagkamay. Kahit boses nito ay nag-iba. May pagka-husky ang boses nito na sigurado akong isa sa katangiang magugustuhan ng mga babae. I could only imagine how his girls get so turned on in the morning when he would greet them good morning while in bed.

Biglang nag-init ang tenga ko nang marealized kung paano tumakbo ang isip ko. Hindi naman ako ganito ka-wild mag-isip pero bakit biglang may kung ano itong ginising sa akin ngayong nagkita na kami after how many years.

Hilaw na ngiti ang sinagot ko dito at tinanggap ang pakikipagkamay nito at mabilis na kinalas. Ayaw kong marealize nito kung gaano ako kanerbyos dahil sa lamig ng kamay ko.

"Rancher, this is Ayn naman, also my partner in RCV-Law Firm," pakilala naman ni Elijah kay Ayn. Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Ayn habang nakikipag-kamay. Gusto kong kutusan ang sarili nang makaramdam ng inis sa matalik kong kaibigan. Ni hindi nga ako makilala ng lalaki pero ito ako at nakaramdam ng selos nang makitang sinuklian nito ng ngiti ang aking kaibigan samantalang blangko ang ekspresyon na binigay sa akin.

I can't blame him though kung maattract ito kay Ayn because Ayn has the same qualities as the women he dated-sexy, morena, and matangkad. I, on the other hand, am fair-skinned, average height and plain looking when it comes to fashion.

Halos hindi ko malasahan ang kinakain ko at ni hindi rin ako sumasali sa biruan ng mga ito. Para akong out of place at gusto ko nang umuwi pagkatapos ng dinner na ito.

"Are you okay?" bulong sa akin ni Elijah nang mapansing tahimik ako.

"Y-yeah," pilit ang ngiting sagot ko dito. "I'm just a little cold," dagdag ko nang tila hindi ito kumbinsido sa sagot ko. Agad naman nitong tinanggal ang black leather jacket nito at pinasuot sa akin. Hindi nalang ako tumanggi dahil alam ko namang ipipilit lang din nitong tanggapin ko.

"Are you two an item?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Innah. Agad akong umiling at mejo naconscious nang magtama ang tingin namin ni Rancher.

"They'll soon be," tukso ni Ayn kaya tinapunan ko ito nang matalim na tingin.

"Ayn,stop,"natatawang saway ni Elijah." Maiilang na naman to," natatawang sabi nito at pabiro akong pinitik sa noo.

"Sorry," nagpeace sign sa akin si Innah. "I just thought na may something sa inyo since it's very meaningful when girls give a guy some flowers," paliwananag nito.

"And why is that?" curious na tanong ni Luke dito.

"Well, guys don't usually receive flowers during their lifetime. Most only get to receive their first flower during their funerals," sagot ni Innah na ikinatango ng karamihan.

Alam kong namumula na ako ngayon dahil sa kakornihan ko at dahil nasaakin lahat ng mga mata kabilang na ang matang iniiwasan ko simula pa kanina.

"Nabasa ko lang din sa novel tungkol dito and since Elijah is my only guy friend, I just thought that he deserves to receive a bouquet of flowers at hindi yong kami nalang palagi ni Ayn ang binibigyan niya," I explained and tried my best to sound casual.

"Wow, mas naging meaningful pa lalo sa akin tong pabulaklak mo," pabirong sabi nito sabay dampot ang bulaklak para amuyin.

"Shut-up!" natawang suway ko dito at sinuntok sa braso na ikinatawa ng lahat. Correction, halos lahat lang pala since may isang tao ang hindi natawa at nakatingin lang. Napatuwid ako ng upo nang magtama ulit ang paningin namin. Hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip nito dahil blangko lang ang expression. I feel like he's observing me kaya hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung nakilala na ba ako nito, kaya tuloy para akong sinisilihan sa pwet dahil sa discomfort na nararamdaman ko sa presence nito.

Sobrang laki ng pinagbago nito physically. He was handsome before pero walang-wala ang itsura nito noon sa kagwapuhan na nito ngayon. Naconfirm ko lang ngayon na kaya pala mukhang may lahi ito dati ay dahil meron nga talaga itong halong dugong banyaga. Half-mexican ito dahil ang ama nitong si Ronaldo Silva ay pure mexican. Ang dating payatot na katawan nito ay hindi na ngayon at halatang alagang-alaga ito sa gym. The most obvious change about his physical appearance is his eyes. His warm gazes before are now piercing and cold. Don't get me wrong, his eyes are very beautiful but at the same time scary. Para kaseng he can read whatever you're trying to hide from him. That's why I don't want to meet his gaze.

His face is perfect. Sa lahat ng mga lalaking andito ngayon, even including Elijah, who is already a very good looking man, ay ito ang pinakagwapo at pinakamalakas ang dating para sa akin. Mas nakadagdag pa ang mysterious aura nito. Hindi na nakapagtataka kung bakit he can date any woman he pursues. Baka nga mga babae pa ang lumalapit dito gaya nalang si Innah na kanina pa touchy.

"So kita-kita nalang tayo sa club?" narinig kong tanong ni Ayn. Tapos na ang lahat kumain at naguusap na tungkol sa planong pagpunta sa club.

"Yes," sagot naman ng iba.

Nagsitayuan na ang lahat para magpunta sa kanya-kanyang sasakyan.

"See you there," sabi ni Elijah sa amin bago kami naghiwa-hiwalay. Hilaw na ngiti ang sinagot ko dito.

"I just want to go home," I said to myself, but obviously, I cannot. I don't have a choice but to endure the night.

Tahimik akong sumakay ng sasakyan ni Ayn.

"Gosh, ampopogi ng mga barkada ni Elijah!" kinikilig na sabi ni Ayn nang makapasok kami sa loob ng sasakyan nito. "Especially Rancher," sabi nito. "Grabe, sobrang lakas ng dating. Para itong modelo ng mga international brands," puri nito. "Yon nga lang at parang may pagkasuplado," komento nito.

"Paano mo naman nasabi?" medyo curious na tanong ko.

"Nakita mo naman siguro kung paano magpapansin yong si Innah pero parang wala lang dito," sagot nito. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ng tuwa sa narinig. Hindi ko kase ito tinitignan kanina dahil ayaw kong magtama ang aming mga mata at si Innah lang ang nasusulyapan ko at nakikitang kay Rancher lang ang atensyon.

Sa buong biyahe ay nakinig lang ako kay Ayn kung gaano ito kaexcited sa pagsasayaw mamaya. I can say that she has her eyes on Luke despite her admitting that Rancher is the most good-looking among them. I know Ayn. Kung sa tingin nito ay masyadong reserve ang isang lalaki, hindi ito mag-aaksayang makipaglandian. She prefers guys whom she can have fun with.

"We're here," excited nitong sabi at agad bumaba. Mabigat ang mga paa kong sumunod dito dahil hindi ko alam paano lalagpasan ang gabing ito. I don't know if I could have fun if the person I decided to forget would be with us.

"Lord, please calm me down," I silently prayed. Bahala na. Bahala na talaga mamaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status