Share

Chapter 3

"Attorney, andito po si Attorney Ayn," my secretary informed, and opened the door wider so the person she was referring to could enter. Nakasuot ang aking uninvited guest ng fitted white dress na above the knee na pinatungan ng black blazer at pinartneran ng black high heels. She's a stunner and if di ko ito kilala, mapagkakamalan kong model.

"Wala kang appointment miss," biro ko dito na inirapan lang.

"You're coming with us tonight and I won't take no for an answer," bungad nito at inignora ang pagbibiro ko. Napataas ang kilay ko dahil wala akong ideya kung anong meron. "Attorney Rillera, don't tell me you forgot about Elijah's birthday?" napapailing-iling na tanong nito. Napaface-palm naman ako nong marealize kong tama ito at wala akong nabiling regalo.

"Shit, I totally forgot," pag-amin ko. "I don't have a gift," medyo natatarantang ako.

"I knew it!" inis nitong sabi. "Buti nalang pala at pinaalala ko dahil kung hindi ay baka namuti na mga mata namin mamaya kakahintay sayo pero di ka pa rin dumarating. Alam mo naman kung gaano ka non kagustong makasama. Kahit wala ka pang regalo, presence mo palang, regalo na sa kanya," nakangisi na nitong sabi. I rolled my eyes because here she goes again. Dati pa kami nirereto nito sa isa't-isa at harap-harapan pa pero tinatawanan lang naming dalawa ni Elijah. I don't think that he likes me. Parehas naman ang turing niya sa amin ni Ayn. Very caring sa aming dalawa.

Kaming tatlo ang naging magkabarkada nong law school. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan bakit ako tinanggap ng mga ito dahil ako ang kabaliktaran ng dalawa. Mahihilig sa parties ang mga ito samantalang ako ay walang kainte-interes. Parehas kasing galing ang mga ito sa mayaman na pamilya samantalang ako ay ampon lang naman kaya self-obligated ako na magfocus lang sa school. Kahit na sinasabi ng adopted parents ko to go out and have fun sometimes, hindi ko talaga kinahiligan. Medyo nahihiya akong sayangin ang oras ko para sa pansariling kasiyahan imbes na nag-aaral nang mabuti. I don't want to abuse their kindness.

"Anong gift mo sa kanya?" tanong ko dito. Need ko palang magmadali ngayon para makapunta sa mall at bumili ng gift.

"Sunglasses," sagot nito.

"Anong igigift ko sa kanya?" tanong ko dito na nakapagpangiti ng pilya dito.

"Kiss," sagot nito na ikinairita ko.

"Stop," inis kong sabi. "He doesn't like me that way, Ayn, so can you please be serious here." Natawa ito sa akin.

"Anything from you is fine for him Cat," sagot nito na mas lalo kong ikinainis. Hindi man lang nakatulong ang sinabi nito.

"Very helpful," sarkastikong sabi ko dito. "Alis na ako dahil maghahanap ako sa mall," I said dismissively.

"Oo na, aalis na ako. See you there and don't you dare wear something so formal," sabi nito at tinignan ang damit ko. "We'll have our dinner at Shang Palace later and we'll go clubbing after," excited na sabi nito. "And before you can say no, I won't take no for an answer. Masyado ng long overdue ang pangako mong sumama sa amin. So wear something sexy like I made you wear before," kindat nito at tinalikuran na ako para umalis. Hindi man lang inantay kung ano man ang sasabihin ko.

Agad kong naisip ang mga pinasuot nito sa akin sa iilang pagkakataong napilit niya akong isama sa club. Actually, I've been to clubs before naman because of her pero mabibilang lang gamit ang aking mga daliri sa kamay. Saka ito ay after na ng law school. In all those times, si Ayn ang nagdamit sa akin. I was never insecure of my body naman because I know I am naturally blessed. It's just that I am more comfortable wearing outfits that do not show much of my skin. Pinagbibigyan ko lang itong damitan ako in an acceptable daringness dahil bibihira akong sumama at saka palagi ding mas maagang umalis.

Napabuntong hininga ako dahil sa pagkademanding nito. But surprisingly, I don't mind this time. I think it's now the best time to join them. Tutal, nagdesisyon na din naman ako kagabi na mag-explore and try to forget about my childhood sweetheart and finally get out of my comfort zone.

"Sa Greenbelt tayo Jessie," sabi ko sa bodyguard ko nang makasakay ako. Doon ako maghahanap ng pwedeng iregalo at magshopping na din ng isusuot ko. Puro formal dresses, slacks and blazers ang meron sa wardrobe ko at sigurado akong di ako titigilan ni Ayn kapag masyado akong pormal para dito.

Masakit na ang paa ko pero wala pa din akong maisip kung anong ireregalo kay Elijah. In the end, nagsettle nalang ako sa navy blue necktie. Last year ay set ng panyo naman ang niregalo ko. It's really hard to think of gifts kung ang reregaluhan ay halos meron naman na ang lahat ng material na bagay. I decided to buy a bouquet of blue roses as well dahil nabasa ko sa isang novel na most guys get to receive their first flower at their funeral. According to the author, men deserves to receive flowers as well during their lifetime. Hindi lang naman kase daw ito para sa mga babae lang.

As for the dress, I settled for a tube black dress. It's slightly above the knee but still decent-looking. Hindi ko pinaunlakan ang mga suggestions ng sales lady sa aking usually backless o kaya naman plunging neckline. It's not my cup of tea but of Ayn's. Although nakapag-suot na ako ng backless dahil sa pamimilit ni Ayn, I'm still not comfortable.

Agad akong sinalubong ni Jessie nang makita akong palapit na sa sasakyan. Inabot nito sa akin ang paper bags at ang bouquet of flowers at nilagay sa likod. Hindi malayo ang condo ko sa mall dahil within Makati lang din ako, kaya naman mabilis kaming makarating.

"You don't have to bring me to Shang Palace later," sabi ko kay Jessie bago ako lumabas ng sasakyan. Usually kase, kapag may dinner ako with clients ay hinahatid at sundo ako dahil isa ito sa role nito as my bodyguard. Pag nakauwi na ako ay saka palang ito umuuwi sa sariling condo nito. "Ayn called earlier and she'll fetch me later," agap ko nang mapansing magproprotesta ito.

While Jessie is my bodyguard, he is not my employee but the security agency's. They have their own rules when it comes to protecting their clients. Kaya lagi itong may say kapag sa tingin nito ay hindi safe para sa akin ang paglabas. Not that I mind. As a lawyer, I understand how things work and I actually like his professionalism. Hindi naman ito basta-bastang bodyguard na pinulot lang sa kung saan. They were trained to qualify as bodyguards and they have their criminology degree. They have rigorous training and I heard that only a few per batch passes to be able to be employed in such a security agency. Kaya naman mahal ang binabayad ko buwan-buwan sa agency nito.

Agad akong naligo pagdating. Susunduin daw ako ng quarter to 9:00 pm ni Ayn. Talagang sinisiguradong pupunta ako. I only have an hour to prepare kaya nagmadali na akong maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag-ayos. I know how to put on make-up dahil na din kay Ayn.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang biglang bumukas ito. Ayn knows my passcode kaya nakakapasok ito kahit kailan nito gustong bumisita. Sinipat kong muli ang itsura ko sa salamin. Naglagay lang ako ng light makeup at nude lipstick at pinusod ang aking buhok.

"Girl! You have to wear a red lipstick!" unang komento nito pagkapasok sa kwarto ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin at nagkalkal na sa pouch na hawak. "Hindi ka kpop idol na patweetums. We're going to the club kaya need mo ng pangclub na makeup," talak nito at wala na akong nagawa but to obliged dahil hindi kami matatapos hangga't di nasusunod ang gusto nito.

Nakasuot ito ng halter white dress na super iksi. Hindi ko alam paano itong hindi nasisilipan. Ganito kaiiksi palagi ang suot kaya bilib ako kung paano nito nagagawang hindi masilipan.

Agad nitong dinampot ang makeup kit na nakalapag sa lamesa ko at dinagdagan ang makeup ko at pinalitan ng red ang nude lipstick na nilagay ko. Nang masatisfy ito sa itsura ko ay pumalakpak ito. I look seductive. Kahit na hindi revealing ang tube dress ko ay para na akong papasang date ni Rancher. Ganito magmake-up ang mga date nito iyon nga lang at mas revealing ang mga dinadamit ng mga ito. Nakapusod ang aking buhok dahil mas bagay sa dress na suot ko at ito ang look na gusto kong i-achieve. A little sexy but still classy.

"Your dress is a little simple. I just don't understand why you don't want to flaunt that body of yours," buntong hininga nito na nakapagpasimangot sa akin. Hindi ko alam kung anong simple sa suot ko. Kung tutuusin, napaka-out of character na nga ng damit ko.

"Dude, this is not simple for me," nakairap kong sabi na nakapagpatawa dito.

"Sabagay, you still look sexy. Kahit anong isuot mo naman makikita kung gano kaperfect ng katawan mo," she complimented. "Okay na din yang napili mo for a starter. At least nakinig ka sa akin na hindi pang-opisina ang isuot mo," tumawang sabi nito.

"Dami mong sinasabi, tara na," natatawa kong puna at nauna nang lumabas ng aking kwarto.

"Can't wait to see Elijah's reaction," nakangising turan nito at alam ko agad na nasa cupid mode na naman ito.

"Whatever," mataray kong sabi at hinila na ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status