Share

Chapter One

"Dad, Mom. Why do I need to work? I'm not yet ready," I said. Because my parents want me to handle and take over the company.

"When will you get ready, Kurt?!" My Dad exclaimed. "And I don't care if you're ready or not. Company natin 'yon, Kurt! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magtatrabaho ka! Tama na ang pagwawaldas ng pera, Kurt. Learn how to earn and how to spend money in a right way."

"But, mom, wala pa akong alam sa pagpapatakbo ng company."

"No worry, son, we're still in the company. We can guide you," my mom answered.

"Pero-"

"No but, Kurt! Stop that childish act of yours!" and with that, they leaved me without choice.

"Bullsh*t!" galit kong sabi pagkaalis ng mga parents ko sa aking condo. "Bakit ba kailangan pa na magtrabaho rin ako?! Akala mo naman ikahihirap namin 'yon. F*ck!"

Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang number ng tropa ko.

[What's up, f*cker!]

Bungad na sagot ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"Hey! Rio, let's drink. Where's the other?"

[Aba! Bakit sa 'kin mo itinatanong? G*go ka! Edi, tawagan mo!]

"T*ng*na ka talaga! Sige sige, tatawagan ko lang sila. Wala ka talagang kuwenta!"

[You're welcome! F*ck you!]

Napapailing na lamang ako kay Rio, wala naman akong matinong kaibigan. Ano pa ba aasahan ko?! Nag-dial ulit ako ng isa pa, this time 'yong medyo matino na.

[Yes? Any problem?]

Pormal na sagot ng pinakamatino kong kaibigan.

"Hey! Crius, are you free tonight?" I asked him.

[So far, yes. Why? Drink again?]

"Yeah, and I think this would be my last. And that's sh*t! D*mn it!"

Rinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa.

[Oh... I see, okay. I'll call them. See you.]

"Thanks, dude! See you!" and I ended our call. Buti na lamang talaga may nakipagkaibigan pa sa aking matino-tino.

Naligo lamang ako at nag-ayos ng sarili bago pumunta sa bar na madalas namin puntahan. Simpleng polo shirt na black at tattered jeans na maong lamang ang aking sinuot. Tinernohan ko na lamang ito ng rubber shoes na white.

Kinuha ko lamang ang susi ng sports car ko at ang aking wallet bago lumabas ng condo. Pinaharurot ko ang aking sasakyan patungo sa bar ni Cassian.

"Hey!" bati sa akin ng aking mga kaibigan pagkarating sa bar.

"Hey, mga f*ckers! Where's the owner of this bar?" I asked them.

"What do you need?" sagot ng nasa likod ko.

"Hello my friend!" bati ko rito.

Nagtawanan naman ang mga kasama kong prenteng nakaupo sa couch.

"You don't need to be this kind, it doesn't fit you anyway, idiot!" sagot ng kaibigan ko.

"Burn!" ani Rio.

"Idiot pa nga!" saad naman ni Gavriel.

Sinamaan ko naman agad sila nang tingin. Kung wala lamang akong kailangan sa mga ito baka nabatukan ko na sila. Mga paamboy talaga.

"Shut it!" bulyaw ko sa mga ito.

"Woah!" sabay na sagot ng dalawa. Napapailing na lamang si Crius sa kalokohan ng dalawa.

"Hey! Cassian, you know what I want, my friend." Tinapik ko pa ang balikat nito bago ako umupo sa tabi ni Crius na kaharap ang dalawang sira ulo.

"Yeah! Sanay na ang bar ko na magpalugi sa inyo. Wala namang bago kapag kayo ang laman ng bar ko. Tss!" sagot nito.

"Grabe ka naman sa amin, Cassian!" madramang sabat ni Rio.

"Oo nga! What are friends are for? You hurting us!" pag-iinarte rin naman ni Gavriel.

"Tumigil kayong dalawa! Baka magbago pa isip ko!" sabi ni Cassian sa dalawa.

"Ito naman! Joke time rin tayo minsan, dude! Sige na. Take your time," nakangising sagot ni Gavriel.

Napapailing na lamang kami ni Crius habang natatawa. Makulit talaga ang dalawang ito. Sakit sa ulo talaga madalas!

"So, what's with the sudden call?" Rio asked.

"Ayon! Nakaplano na pala ang pagtatrabaho ko sa company namin. Funny right?!"

"Woah! Exciting! Congrats!" sarkastikong sabi ni Gavriel.

Sinamaan ko naman ito nang tingin. Binatukan naman s'ya ng katabi na si Rio.

"So, what's the problem? That's your company after all," seryosong usal ni Crius.

Ito na nga lang kausapin ko. Wala akong mapapala sa dalawang ito. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa tanong ni Crius.

"Dude, I don't know how to handle the company. What will happen to my parent's company? F*ck!"

"Hindi ka pa nagsisimula, frustrated kana. What will happen to you next? Depress?! Chill, dude!" biglang dumating na ang mga alak namin kaya sinimulan na rin agad namin.

"Oo nga, dude, chill! Enjoy being CEO, marami ka lalong mabibingwit na chicks no'n!" sabi ni Rio.

"Hanapan mo na rin kami!" saad naman ni Gavriel.

"Oh, bakit? Naubusan na kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Uso ba sa atin ang maubusan ng babae? Tss. S'yempre kailangan laging may reserved," sagot ni Gavriel.

"Oo nga, mahirap na. Kailangan laging may kuwebang tataguan," ani Rio. Binato naman ito ng ice cubes ni Crius.

"Puro kayo kalokohan!"

"Akala mo naman wala kang kuwebang pinapasukan! Hoy, Crius! H'wag kang magmalinis! Maghahanap at maghahanap ang mga sundalo natin ng kuweba!" saad ni Rio.

"Oo nga, dude. Sigurado naman akong may kuweba kayong susuungin mamaya pagkatapos. Mga pa virgin pa kayo!" pagsangayon naman ni Gavriel.

"Pero hindi 'yon ang pinag-uusapan namin mga sira ulo kayo!" bawi ni Crius.

"Hoy! Anong susuunging kuweba naman 'yang naririnig ko?! Malayo pa lang ako rinig ko na pagtatalo n'yo sa kuweba na iyan!" biglang singit ni Cassian at umupo sa isahang couch.

"Wala! H'wag mo na lang alamin," sabi ko rito.

"Ang pangit ka-bonding, dude! Pinaglilihiman kana!" pagpapaamboy na naman ni Rio.

"Oo nga. Huwag mong bigyan ng discount drinks 'yan, Cassian," segunda naman ni Gavriel.

"Oh sige, tapos kayo ang magbayad ng mga iniinom n'yo mga hay*p kayo ha!" bulyaw ko sa dalawa.

"Alam mo, Cassian, hindi lahat kailangang alam mo. Saka kaibigan mo kami, dapat talaga may discount. Lalo pa at suki mo kami. Hindi ba, dude?" pambawi ni Gavriel.

"Tama! Tama!" ani Rio.

"Kayong dalawa! Minsan talaga ikinakahiya ko kayo! Para kayong sira ulo?!" bira naman si Cassian.

"Hoy! Suwerte sa buhay 'yon! Dinaig no'n ang pusang gold na kumakaway!" natatawang sabi naman ni Rio.

Sumasakit talaga ang ulo namin sa dalawang ito. Oo nga at sila ang nagpapasaya ng tropa. Pero t*ngina naman! Kapag araw-araw na sila ang kausap, hindi malayong masiraan ako ng ulo sa kanilang dalawa!

"Don't mind them. Focus on your problem instead to those f*cking idiots. Dagdag stress lang sila."

Tumango naman ako sa sinabi ni Crius. Kaya kami na lamang ang nag-usap, habang ang tatlo ay naglolokohan pa rin. Tss. Mga malalaki talaga ang sapak sa ulo ng mga k*ngina!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status