Share

Chapter 3

Hindi pa nagsisink-in sa utak ko yung sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya at yung babaeng kausap niya ay umiiyak na ngayon at mukhang maglulumpasay pa. May nakikita pa akong mga nag-vivideo.

Habang itong katabi ko, nakaakbay parin sakin at nakatingin lang sakanya. Naaawa ako oo. Pero parang naiinis?

"S-sandali.. ako?" tanong ko habang nakaturo ang daliri sa sarili at gulong-gulo parin sa nangyayari. Ako?! Girlfriend niya?! Asa siya!!!

Magsasalita na sana siya nang biglang nagtatatakbo palayo saamin yung babae habang umiiiyak. Nang makita yun tinanggal niya na rin ang pagaakbay ng braso niya sakin at naglakad na din paalis pagkatapos bahagyang guluhin ang buhok ko.

Binalewala ko nalang yun... nakasimangot akong lumapit na ako sa cashier at binayaran na lahat ng nasa basket ko at pumunta na sa ice cream parlor, kung nasaan si Josh. Nakita ko siyang nakaupo sa isang table malapit sa glass wall at kumakin ng ice cream sa cup.

Napansin siguro niya ang presensya ko at napalingon sakin. Kumaway siya at sinenyasan niya akong pumasok na sinunod ka naman. Umorder na muna ako sa counter ng chocolate ice cream at umupo na sa tapat niya nang binigay na yung order ko.

Sinimulan ko ng kainin yung ice cream habang nakasimangot parin.

"O, ba't nakasimangot ka riyan?" Tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay at hinahabol talaga yung tirang tunaw na ice cream sa cup. Matakaw parin talaga siya.

"Kasi naman eh!! Yung kaklase kong playboy, nakita ko kanina. May nagrereklamo sa kanyang babae. I mean babae niya, yung pinaglaruan. Tapos nakita niya din ako. Lumapit siya sakin tapos sabi niyang girlfriend niya ako tapos umiyak yung babae tumakbo paalis may nakita pa akong nagvideo kanina dahil soguro sa lakas ng iyak nung babae. Wala din akong nasabi kanina kasi nagulat ako. Nung nagsink-in na sa utak ko saka naman umalis yung gago." tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya at inubos na yung ice crean sa cup. Para akong batang nag-susumbong sa teacher ngayon..

"Gwapo ba yan?" bahagya akong tumango kaya napangisi siya. Bwisit na to.

"Babae yung type niya ah." Natawa naman siya ng sabihin ko yun sakanya

Tinanong niya pa ako ng kung ano-ano tungkol kay Luke at sinagot ko naman ng maayos. Tinignan namin yung mga pinamili namin at ng mapagtantong kumpleto lahat iyun, pumunta na kaming parking lot.

Sumakay na uli ako sa shotgun seat at si Joshua naman nagmaneho na paalis. Ihahatid niya daw ako sa bahay. Sana lang wala yung erpats ko.

"By the way, I heard he returned." biglang basag ni Josh sa katahimikan habang stuck ulit kami sa traffic. Nag-drivs thru pa kasi kami sa Mcdo at kumain sa kotse eh.

"Sino naman?" walang pakealam na tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana, tinatanaw ang mga sasakyan sa labas.

"Si Jacob." kung may iniinom o kinakain ako ngayon sigurado akong nabulunan na ako. Si Jacob bumalik?

Natahimik ako at ganoon din Si Joshua. Napatingin kami sa isa't-isa saglit at agad ding iniwas ang tingin. Natantya na siguro niya na parang bumigat ang atmosphere dahil sa pagbanggit niya kay Jacob.

Tahimik lang talaga kami buong byahe at tanging ang mga kanta lang na tutugtog ang nagsisilbing tunog sa loob ng kotse.

Hanggang sa marating namin ang bahay, nasa ganoong sitwasyon lang talaga kami. Hindi naman masyadong tensyonado pero.. Alam kasi ni Joshua na pangalan niya ang ginagamit kong pantapal kapag first love ko ang pinag-uusapan idagdag pa na siya ang una kong maging boyfriend. Pero nung binanggit niya si Jacob.. yung first love ko, parang naging awkward bigla.

Binuksan na nung guard namin, si Kuya Rigor. Nagmaneho na papasok si Joshua sa daan papasok. Sa harap ng isang mansyon ay isang malaking fountain. May nakatayo ding babae sa harap ng malaking pintuan ng bahay. Nakangiti pa ito at kumakaway.

Si Mari, ang bestfriend ko mula elementary.

"Sinabi mo din ba kay Mari na magkasama tayo?" tumingin naman siya sakin at bahagyang umiling at bumaba na kami pareho para salubungin siya.

"Sooo... Straight ka na ba ulit Joshua?" gagang to yan agad ang tinanong

"Psh. No." Supladong sagot ni Josh at dumiretso sa loob ng bahay namin para batiin si kuya. Ito namang si Mari, napairap nalang sa kawalan.

Inakbayan ko nalang siya at pumasok na kami sa loob. Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock nang mapansing medyo dilim na din pala sa labas.

Eh? Malapit na palang mag-six? Gaano katagal kami ni Josh sa mall? Dahil siguro sa gulo sa bookstore..

Napatingin ako kay kuya nang bigla niyang inakbayan si Josh at inaya itong dito na maghapunan. Mahina naman akong natawa dahil mukhang hindi niya yun inaasahan at nanlaki ang mata niya.

Oo nga pala, hindi alam ni kuya..

Pumunta na kami sa hapagkainan at nagsimula ng kumain. Sa mahabang lamesa, katabi ko si Mari. Nakaupo ako sa dulo, katabi ng sentrong upuan. Si kuya naman ang nakaupo don. Sa harap ko naman, sa kabilang side ni kuya, ay si Joshua.

Nag-aasaran naman ngayon si Mari at si Joshua sa kung ano-anong mga bagay kaya natatawa nalang kami ni kuya kapag may isang mamimikon.

Napatayo ako sa gulat ng biglang mamatay ang mga ilaw. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Mari sa kamay ko dahil wala talaga kaming makita ngayon. Narinig kong nagtatawag na si kuya ng guard para matignan siguro yung main switch.

Naramdaman ko yung presesya ni Joshua sa likod ko kaya hinila ko yung parte ng shirt niya papunta sa tabing pwesto ko ng mahawakan ko yun.

Tuluyan na ring napayapak na sakin si Mari at parang iiyak na ata. None of us dared to speak. Not just because anything unknown could've been surrounding us, but because we feared the eerie silence that covered the whole room.

Parang may lalabas bigla sa likod o gilid na hihila samin.

Napatingin ako sa front door nang bigla yun bumukas at bumungad samin ang isang matangkad na lalake.

Miguel...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status