Share

Chapter 1

"I think we have a new student with us today? Miss Santiago?" inangat ko ang kanang kamay ng tawagin ni ma'am ang pangalan ko. Ngumiti naman siya at tumango-tango ng makita ako.

"Okay Miss Santiago please introduce yourself in front of the class." tumayo na ako at tinungo ang daan papuntang harapan.

Nakita ko pang may isang babae na hinarang yung binti niya. Nagbabalak pa atang tisudin ako.

"Excuse me." salita ko sa kanya nang hindi niya talaga inalis yung binti niya. Tatadyakan ko 'yang binti mo kapag hindi mo inalis.

Tinignan niya ako at tinaasan lang ng kilay at tumawa ng peke pero di niya parin inaalis ang binti niya. Humugot ako ng malalim na hininga para madagdagan ang pasensya ko. Yumuko ako para hawakan ang binti niya at binalik sa may loob ng mesa. May ibang napasinghap sa ginawa ko at mayroon ding nagulat at kabilang na ang babaeng ito.

"Kung may balak kang ibalandra yang binti mo sa harap ng maraming tao dun ka sa palengke hindi dito. Siguradong marami ang magiging interesado sa binti mong puno ng kaliskis." Umawang ang labi niya na halatang nainis sa sinabi ko. Hindi ko nalang yun pinansin at naglakad na papunta sa harapan.

"Hello everyone. My name is Nathalie Jane T. Santiago, I'm 19 years old. I trasferred to UP because it was always my dream to study here. I like to read and learn new things-" natigil ako ng may malakas na 'bumulong'

"Nerd naman pala." dinig kong bulong nung babae sa katabi niya. Binubwisit talaga ako nito.

"I also participated in various sports last school year." sabi ko ng diretso ang tingin sa kanya kaya't napatingin siya sakin na halatang hindi inaasahan ang narinig.

"In what sports are those Miss Santiago? tanong ng teacher

"Volleyball, track and field, table tennis, and soccer." nakita ko kung paano gumuhit sa mukha nilang lahat ang gulat at pagkamangha ng sabihin ko iyon. I smiled one more time and slightly bowed my head as a form of respect before I went back to my seat.

Tinignan ko ang katabi ko at nakita kong nakatingin ito sakin. Kanina pa to ah.

"May kailangan ka?" masungit na tanong ko sa kanya. An amused smile then appeared on his face as he shook his head at bumalik na siya sa ginagawa niya.

I just rolled my eyes and focused on the lesson. Napatingin ako saglit sa name tag na nasa binder niya. 'Luke Daniel Ferrer'

Bigla kong naalala ang sinabi sakin ng kuya ko bago ako umalis kanina

« « « « «

"May pinapahanap nga palang tao si dad sayo Nat." tinig ni kuya sa likod ko. Kumakain ako ngayon ng almusal.

Umupo siya sa katabi kong upuan at naglagay din ng cereal at gatas sa mangkok niya at nagsalin din siya ng juice sa baso.

"Sino naman yun kuya?"

"Luke Ferrer. Yung anak ng kaibigan niya. Pinaghahanap daw ni Miguel." pinaghahanap din pala siya ni Miguel.

Si Miguel yung bunso naming kapatid. Isang taon lang ang agwat namin. Matagal na ding napalayas ng mga magulang namin si Miguel gahil miyembro pala siya ng grupo na dahilan ng muntik na pagkamatay ni kuya.

"Ano bang ginawa ng Luke Ferrer na iyan sa kapatid mo at pinaghahanap siya?" tanong ko sa kanya

"Kapatid mo din yun. Playboy daw eh. Nagkagusto sa kanya yung girlfriend ni Miguel, ayon. Pinaghahanap." playboy naman pala eh.

» » » » »

Lunch break namin ngayon at nandito ako ngayon kasama si Yanna. Pinakilala niya din pala ako sa mga kaibigan niya knina. Sina Mich at Isay. Mabait din naman sila. Yun nga lang, katulad ni Yanna, puro pink din ang suot ni Isay.

Si Mich lang ata yung nakakaintindi sakin.

"Lagi ba talagang pink ang suot ng dalawang yan?" bulong kong tanong kay Mich at kinagatan ang manok na hawak.

"May schedule yang dalawang yan. Baka bukas blue or red." bulong din niya kaya pareho kaming natawa.

Habang kumakain, nilibot ko ang tingin sa buong canteen. Maraming punong mesa, may naglalandian, at maraming malalandi. Nadaanan ng tingin ko yung playboy. Nakatingin siya sa gawi namin kaya medyo napalingon ako. Nakita ko yung babaeng epal kanina sa classroom na nagpapapansin.

Mukha siyang tukmol

May pakindat-kindat pang nalalaman, akala mo naman pang-model and height. I don't mean to be too brutal but that's the truth. I'm not the type to be height-shaming, but she forced it out of me. Things always have a price.. At least that's what I believe in.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status