When A Meet E
Angelic Tomas
Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang.
"Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad.
"You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go."
"Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to."
"At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!"
"Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw."
"But it doesn't mean na may karapatan na
Thank you for loving this story. Hartopyong.
When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga
When A Meet EAngelic TomasNagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako."Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito."Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito.""Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 
When A Meet EAngelic Tomas"Everyone, come here!" masigla kong saad sa members ko. Agad naman silang lumapit sa akin."5,4,3,2,1 uy!" sabay-sabay naming sambit. Eksaktong 6:00 p.m ay inilabas ang music video ng 'Dont come' song namin. Ito ang pinakabida sa album naming QueenSentimental. Lahat ng kanta na nakapaloob dito ay puro hugot song.Seryoso naming pinanuod ang MV sa YouTube channel namin. Simula bukas ay ire-release din ito sa iba pa naming partnered channels for promotion. Nandito rin kami sa NCB studio para live na magperform mamayang 8:00 p.m."Yow!" hiyaw namin nang matapos na naming mapanuod ito. More than 3 minutes din ang itinagal niyon."Great job, everyone!" sigaw ko. Palakpakan naman ang naging sagot ng lahat. Ito ang sinasabi naming worth it sa pagod at paghihirapa namin during filming. 
When A Meet E Angelic Tomas Pagkatapos ng recording namin ay agad kaming bumalik ng waiting room. Kailangan na rin kasi naming umalis para sa first fan meeting and signing namin para sa album na 'to. "Horay!" sigaw ni Moon nang nasa loob na kami. "Kamusta ang performance namin, bro?" dagdag tanong nito kay Eionn. Napatingin ako sa lalaki. Halos makalimutan kong nandito pa rin pala ito. Sumama ito kanina sa backstage at nanatili roon hanggang sa matapos kaming magperform. Hindi rin sila nagkita pa ni Mariah. "Great," tipid nitong saad sabay thumbs up pa. "Pero totoo ba talagang kami ang ipinunta mo rito, hindi si Mariah?" usisa ni Solar. Mukhang hindi naman alam ng lalaki ang isasagot nito. "Of course, kasama na iyon. Ex-girlfriend niya pa rin iyong tao," singit ko naman. Pasimple ako niton
When A Meet EAngelic Tomas"At iniwan niyo lang talaga akong mag-isa 'no?" angil ko sa tatlo. Prenteng nakaupo na ang mga ito habang naghihintay ng order nilang pagkain."Luh? Mag-isa? Kasama mo naman ang other half ng AE Ship ah?" tugon ni Yejin. Napakunot-noo naman ako."Other half what? Nananaginip ka ba?" asik ko. Bago pa man ito makasagot ay tumayo na ako at naglakad papuntang counter. Pinauna ko na kasi si Eionn na umorder. Ayaw kong kasabay ito."Tapos ka na?" usisa ko rito. Tumango naman ito pero nananatiling nakatayo. "Alis na, ako naman," untag ko."Ang lapad pa ng space, bakit hindi ka umorder?"Natawa lang ang cashier sa amin. "Bagay po kayo.""Tao kami, hindi bagay, hindi hayop, hindi lugar kundi tao," sagot ko naman at umorder na. Bumalik na rin kami sa mesa na kina
When A Meet EAngelic TomasNakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay pauwi na rin kami. Kanina ay sobrang kapal ng tensiyon sa pagitan naming QQ, Eionn at Mariah. Lalo na noong pare-pareho kaming nakatayo sa stage."Hindi man lang ako masyadong nag-enjoy. Ang ganda pa naman ng stage doon. Sarap paliparin sa ere ng tatlo eh," rinig kong reklamo ni Yejin."Sinong tatlo?" usisa ni Solar."Sino pa ba? Eh di yong mag-ex at ang the best leader natin.""Why me?" paasik kong tanong. Wala naman akong ginagawa ha?"Dahil obvious naman na hindi ka komportable kanina kaya pati kami ay ganon na rin tuloy ang nararamdaman.""Bakit? Iisang katawan lang ba tayo? Tsaka kahit wala naman ako eh paniguradong maiilang din kayo sa dalawang iyon.""Truth. Since napunta ako sa SKA company ay kanina ko lang naman ulit na kasam
When A Meet EAngelic TomasKasalukuyan kaming nasa back stage ng NCB. Saturday ngayon kaya may performance na naman kami. Idagdag pang last week na ng promotion namin. Minuto palang din ang lumipas matapos ang performance namin.Humikab ako dahil sa antok na nararamdaman. Hindi ako masyadong nakatulog dahil inatake na naman ako ng insomnia ko."Water?" Nag-angat naman ako ng tingin. Mukha ni Eionn ang nakita ko at inaabutan ako nito ng tubig. Tinanggap ko naman iyon dahil naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan."Thanks," kaswal kong saad. Tumabi pa ito ng upo sa akin. Tinatamad pa kaming bumalik ng waiting room kaya tumambay muna kami rito. Marami namang performers ang nandidito ngayon at nagmomonitor din ng performance ng iba."Thank you rin," ani Eionn. Napatigil naman ako sa pag-inom ako ng tubig at napatitig sa
WHEN A MEET E ANGELIC TOMAS Nakahilata ako sa tabi-tabi ng PR namin. Sobra akong napagod dahil sa buong hapon na pagpapractise simula pa kahapon. Naghahanda kasi kami para sa isang online concert namin para sa mga international fans. "Ya! Have you seen Solar and Moon?" pasigaw na tanong ni Yejin habang nakasalampak din sa sahig malapit sa malaking salamin ng PR. "Nasa canteen, diba? Alam mo naman ang dalawang iyon. Food us life." "Tsaka kamo hindi mapaghiwalay. Kaya naiisyuhan eh," ungot ng isa. Marahan ako napaayos ng upo.