Share

KABANATA 10 THE REAL BITCH

When A Meet E

Angelic Tomas

Nagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.

Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako. 

"Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito.

"Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito." 

"Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status