Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo
Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt
WHEN A MEET ESa mundo ng mga mang-aawit ay hindi maiiwasang magkaroon ng kompetisyon. Bilang lider ng isang grupo ng mang-aawit na kung tawagin ay QuadroQueens, isa si Angelic Tomas sa magpapatunay na hindi madaling maging singer.Hindi madaling makipagsapalaran sa mundo nila. Bawat pagkakamali ay may taga-husga, bawat kahinaan ay may handang humila pababa. Kaya, nananatili siyang palaban at may paninindigan para sa karera na tinatahak niya.Wala siyang inuurungan kapag reputasyon at talento na nila ang pinag-uusapan. At isang mapanganib na paing para sa kanila si Eionn Santino. Mula kasi ng lumipat ito sa company kung saan sila napapabilang ay mas nakahatak pa ito ng atensiyon at suporta mula sa mga taga-suporta nila mismo.Alam niyang may ibubuga naman siya at kaya niya ring tapatan ang lalaki kung gugustuhin niya lang pero hindi niya alam kung baki
WHEN A MEET EAngelic TomasAs singer from SKArtists Company, nakaugalian ko ng pumunta ng studio araw-araw para mag-rehearse.Mula nang makilala ako bilang main vocalist ng QuadroQueens ay halos naging bahay ko na lang din ang SKA practice room kasama ang tatlo kong kasamahan sa grupo na sina Yejin, Solar at Moonah.Masaya naman ako sa buhay mang-aawit ko pero siyempre may panahon talagang napapagod at nagdadrama rin ako sa buhay.Well, life is unpredictable. Hindi natin masasabi kung kailan tayo magiging masaya o kailan tayo malulungkot. Kagaya na lang ngayon, mukhang meron na namang taong mabigat ang kalooban dahil sa pag-ibig.Damn love, psss."Kung broken ka, wala akong pakialam," bungad na saad ko kay Yejin, ang second vocalist ng QQ. Nakabu
WHEN A MEET EAngelic TomasAng rinig namin ay nakapag-sign na nga ng contract si Eionn dito sa SKA company. Nagsisimula na rin ang guesting at performance nito bilang isang SKA artist at hindi maiwasang mabanggit kami sa interview niya.Ang nakakatawa lang ay dahil sinasabi niyang okay naman daw ang relasyon niya sa aming QQ at wala naman daw siyang competition na nararamdaman sa pagitan namin. Hindi pa nga kami nagkita-kita para masabi niya ang ganon eh. He was talking as if he already meet us.What a scheme, psss!"Have you watched the king's interview?" usisa ni Yejin. Alam namin kung sino ang king na tinutukoy nito."Yeah, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sudden announcement niya na okay naman daw ang relationship natin sa kanya. Like... Ewan, 'di ko ma-explain," himutok ni Solar.&
WHEN A MEET EAngelic TomasMaingay ang loob ng waiting room dito sa NCB studio. Linggo ngayon kaya meron na namang variety show at inimbitahan din kaming mag-perform.Nakakatawa lang na pati ba naman dito ay kasama pa rin namin si Eionn Santino. Ang awkward nga dahil ang mga manager lang namin ang nag-uusap habang kami ay tahimik lang. Maging si Eionn ay nanatili lang sa kanyang pwesto mula nang dumating ito rito. Mas nauna kasi kaming dumating dito."Bakit kinakabahan ako?" angil ni Moonah."Ikaw lang ba Moon? Ako rin naman eh," singit ni Solar. Nararamdaman kong magsisimula na namang magkulitan ang dalawa."Asus, gaya-gaya ka lang eh.""Gaya-gaya ka diyan? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang kabahan ha? Hindi lang naman ikaw ang anak ng diyos dito ah?"Dahil sa huling lintanya ni
Angelic TomasPagkarating na pagkarating namin sa DU Academy ay hiyawan at palakpakan agad ang sumalubong sa amin.Pinakalma ng school staff ang mga estudyante at pinadiretso kami sa faculty room nila. Todo asikaso rin sila sa amin. Pakiramdam ko ay imposibleng madapuan kami ng lamok dito. Sobrang nakaka-touch ang trato nila sa amin.Napag-alaman din namin na kaibigan pala si Eionn ang Dean dito. Hindi ko tuloy maiwasang magduda na may kinalaman siya sa pag-imbita nito sa amin. Alam kong pare-pareho lang ang nasa isip naming apat."Nag-conduct kami ng survey sa school kung sino ang gusto nilang maging guest sa foundation namin at as expected ay QQ at ES ang nangunguna sa listahan," kwento ng principal na babae na siyang kumakausap sa amin."Buti na lang at kami ang pumangalawa," natatawang sambit ni Yejin. Bahagyang natigilan ang principal.
When A Meet EAngelic TomasDahil sa nangyari sa DU academy noong nakaraang linggo ay hindi na muna kami tumanggap ng imbitasyon galing sa ibang pang academy at college festivals. Nanatili ring lihim ang naganap ng gabing iyon.Napag-alaman din naming na isa sa obsessed fans ko ang DU student na iyon. Ayon sa report ay maraming x-rated pictures ang natagpuan sa kwarto ng bata at ang nakakalilabot ay mukha ko na ang nasa mga larawan pero halata namang edited lang ang lahat.Dahil sa minor age pa ang lalaki ay hindi namin pwede pang makasohan kaya sa halip ay isinailalim na lamang ito sa isang counseling. Malaki pa naman daw ang chance na mabago pa ang behavior ng bata.Hindi ko rin maiwasang ma-guilty knowing na ako ang dahilan kung bakit nagkaganon ang batang iyon. Yes, wala akong kasalanan pero nakakasama lang ng loob dahil ganon ang epekto ko sa mental health nito.