Angelic Tomas
Pagkarating na pagkarating namin sa DU Academy ay hiyawan at palakpakan agad ang sumalubong sa amin.
Pinakalma ng school staff ang mga estudyante at pinadiretso kami sa faculty room nila. Todo asikaso rin sila sa amin. Pakiramdam ko ay imposibleng madapuan kami ng lamok dito. Sobrang nakaka-touch ang trato nila sa amin.
Napag-alaman din namin na kaibigan pala si Eionn ang Dean dito. Hindi ko tuloy maiwasang magduda na may kinalaman siya sa pag-imbita nito sa amin. Alam kong pare-pareho lang ang nasa isip naming apat.
"Nag-conduct kami ng survey sa school kung sino ang gusto nilang maging guest sa foundation namin at as expected ay QQ at ES ang nangunguna sa listahan," kwento ng principal na babae na siyang kumakausap sa amin.
"Buti na lang at kami ang pumangalawa," natatawang sambit ni Yejin. Bahagyang natigilan ang principal.
Buti na lang? Good idea nga ba na magkasama namin ang isang Eionn Santino rito? Hindi ko kasi feel ang excitement eh.
"Pangalawa? I mean... Actually, kayo ang nanguna sa survey," pagtatama ng principal sa sinabi ni Yejin.
Pare-pareho kaming hindi nakaimik. Napasipat ako ng tingin kay Eionn pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Robot ba ang isang ito? O baka naman alien na napatalsik sa planetang Mamachuchu-ek-ke?
Whatever.
"Ahh, I'm just kidding. Hindi naman mahalaga kung sino ang una diba?" bawi ni Yejin na mas lalong nagpa-awkward sa sitwasyon namin.
"Ang mahalaga ay maganda ako," bigla ay singit ni Solar na ikinatawa ng mga nasa room, maliban sa amin ni Eionn. Yumakap sa akin si Yejin. Marahil ay nadapuan ito ng hiya.
"Madalas kasing pumapangalawa kami sa survey pagdating sa mga academy kaya nasabi iyon ni Yejin. Sorry about that," saad ko sa principal. Ngumiti lang ito sabay tango.
"No, it's fine. Mas sumisikat kasi ang QQ dito sa DU. To be honest ay hindi namin inaasahan na halos lahat ay fans ninyo ang mga bata rito, nasa 80% ang nakuha niyong boto. Mas naging excited ang mga estudyante namin nang malamang QQ at si ES ang pupunta rito ngayon."
Mukha nga. Kanina eh parang natakot din ako sa ka-hyper-an ng mga estudyante. Para silang mga zombie na gusto kaming kainin eh.
"Kanina lang namin nakitang maging ganon sila ka-wild nang makita kayo. Kaya naman, malamang sa malamang ay mabibingi tayo sa magiging ingay nila mamaya," dagdag ng principal.
"Don't worry, sanay naman kami sa ingay," komento ni Eionn. Gusto kong sabihing nagyayabang na naman ito pero may katotohanan naman ang sinabi nito.
Bandang 6:00 p.m ay nagsimula na kaming maghanda. Nagpalit lang ako ng damit at ang limited edition na sapatos pa rin ang suot ko.
Halata ring tuwang-tuwa ang staff ng DU academy sa kulitan naming apat at mas lalong obvious na marami sa kanila ang nagkaka-crush kay Eionn. Mahahalata mo ito sa kilos at pananalita nila.
Pagsapit ng 7:00 p.m ay nagsimula na ang aming performance. Nauna si Eionn na dalawang kanta ang tinapos at sumunod naman kami.
Pakiramdam ko ay isang concert hall ang napasukan namin dahil sa dami ng estudyante. Hindi rin mapantayan ang cheers na ibinibigay nila sa amin.
Dalawang kanta rin ang tinapos namin bago pormal na nagpakilala sa kanila.
"Hello everyone, we are QuadroQueens!" sabay-sabay naming saad. Halos mabingi ako sa ingay.
"Good evening QQ. Welcome to DU academy. Alam kong kilala na kayo ng lahat dito pero halos lahat ay nagre-request nito, jusko! So, pwede ba naming marinig ang self-introduction ninyong apat?" ani ng host. Napatango naman kami.
"Hello, I'm the main vocalist of QuadroQueens, Angelic in and out everyone!" pakilala ko sabay ngiti at kaway. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay.
"Good evening, I'm the second born and a vocalist, Yejin everyone, whoa!"
"Hello, I'm the rapper of QuadroQueens, Moonah, your one and only moon everyone!"
"I'm the queen of dance floor and QQ, Solar everyone! Good evening!"
Pinahupa muna ng host ang sigawan ng audience bago nagsalita ulit.
"Ngayon naman ay tawagin natin si Eionn para sabayan ang QQ dito sa stage!"
Umakyat na nga rin sa stage si Eionn at sa akin pa talaga ito tumabi.
"Hello, DU students! I'm Eionn Santino. Good evening!" bati nito sa mga bata.
"Bagay kayo!" sigawan ng lahat. Hindi namin alam kung sino ang tinutukoy ng mga ito.
"Excuse me? Sinong bagay ang tinutukoy niyo?" tanong ng host.
"Kuya Eionn at Ate Angelic!" Napanganga naman ako. Napalingon ako sa tatlo only to find out na tawang-tawa na ang mga ito. Pasimple ko silang pinandilatan ng mata dahilan para matigil sila sa tawanan.
I-ship niyo na ako sa iba, huwag lang sa lalaking ito. Isa pa ay my girlfriend siya 'no? Ayaw kong madawit sa isang eskandalo kasama ang lalaking ito.
"Oh, mukhang may bagong ship na mabubuo sa event na ito," komento ng host na naging dahilan na naman ng hiyawan. "What do you guys think?" baling na tanong nito sa amin ni Eionn. Parang gusto ko itong itulak pababa ng stage.
Isang awkward na tawa ang pinakawalan ko. "No, wala hong gano'n," tanggi ko.
Pasalamat na lang ako at magaling din palang magliko ng usapan itong si Eionn kaya nawala sa topic ang tungkol sa ship na sinasabi nila. Lahat naman kami ay naging komportable na sa takbo ng usapan.
"So, para mas maging exciting, maglalaro tayo kasama ang QQ at si ES, gusto niyo ba 'yon?"
"Yes!"
"Let's go!"
Makikita sa bawat mukha ng estudyante ang excitement.
"Sa malalakas ang loob diyan na gustong makipag-dance show down sa ating mga idols, umakyat na rito sa stage... Wait, we just need 5 students only."
Minuto palang ang nakalipas ay may limang estudyante na agad na nag-uunahan paakyat ng stage. Tatlong babae at dalawang lalaki. Lahat sila ay sinimulang interview-hin ng host.
"Sino ang mas gusto mo sa QQ? Or ano ba ang tawag doon? Bias?"
"Si Ms. Angelic at Solar po," diretsong saad ng lalaki.
"Isa lang," ani ng host.
"Dalawa po gusto ko eh." Nagtawanan naman ang lahat, maging ako man.
"Okay. How about you?"
"Fan po ako ni Kuya Eionn but I think gusto ko na rin po ang QQ. Hello po," nahihiya pang bati nito sa amin.
"Hello," tugon din namin.
"Ang gaganda niyo po."
"Thank you."
"Ang sabi mo ay fan ka ni Eionn, bakit parang mas fan ka ng QQ?" panunudyo ng host sa babae.
"Eh nahihiya po akong batiin si Kuya Eionn eh," cute nitong saad na hindi nga magawang harapan ang lalaki. Pare-pareho kaming natawa sa babae.
"Why? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?" pang-eechos naman ni Eionn sa fan niya. Mas lalo lang yata itong nahiya.
"A-ng gwapo niyo nga po eh, bagay po kayo ni Ate Angelic." Ang komentong iyon ng babae ay naging dahilan ng nakakabinging sigawan ng lahat.
Ang ibang mga babae naman ay literal na nagsisigaw na naiinggit sila sa babaeng fan na'to.
"How about you Mister? Sino naman ang pinakagusto mo rito?" baling na tanong ng host sa isa pang lalaking estudyante na kanina pa tahimik.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong mapaatras nang bigla itong tumingin sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang matalas ang tingin na ipinukol nito sa akin.
"Siya po," ani nito at literal na itinuro ako. Doon palang ako napaatras ng konti. Ang bandang braso ni Eionn ay nakaharang sa braso ko rin pero hindi kami magkadikit.
"Siya? Hindi mo ba alam ang pangalan ni Ms. Angelic?" biro pang tanong ng host. Hindi naman ito umimik pero nanatili itong nakatitig sa akin. Nagsimulang maging alerto ang mga cell ko sa katawan.
"Ah, h-ello," napipilitan kong bati sa lalaki.
Hindi ko na alam kung paanong nasa harapan ko na agad ito at niyakap ako. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakakilos. Ang malakas na hiyawan na nagsasabing hindi tama ang ginagawa ng lalaki sa akin ang siyang nagpabalik ng katinuan ko. Pilit kong itinulak ang lalaki pero hindi ito nagpatinag.
"Mr. You can't do that, okay? You can't hug, Ms. Angelic like that," mahinahong saway ng host pero hindi ito nakinig. Hanggang sa may mga braso na sapilitang inilayo ako sa lalaking estudyante. Pag-angat ko ng tingin ay si Eionn iyon.
"Don't hug her like that. Kung fan ka niya, dapat marunong kang rumispeto," kaswal na sermon nito sa lalaki. Nakaramdam ako ng panginginig nang ngumisi ang estudyante.
"Why? Hindi ba at karapatan naman naming mga fan na yakapin ang mga idolo namin?" sarkastiko na tugon ng lalaki kay Eionn. Doon na naalarma ang lahat. Agad na hinila ako ni Eionn papunta sa kanyang likuran at hindi binitawan ang pulso-pulsohan ko.
Agad naman na hinarangan ako nina Solar Yejin at Moonah para protektahan ako laban sa lalaking estudyante. Lahat ng manager namin ay nagsiakyatan na sa entablo kasama ang security guards ng school. Sapilitang inilabas ng hall ang lalaking nang-harass sa akin.
Pinakalma muna ang lahat, halatang pare-pareho kaming shock sa nangyari. Puro pagpapaumanhin ang naririnig namin sa lahat ng staff ng academy.
"Sorry but I think we can't continue this event. We have to go," may diing saad ni Eionn at walang lingong-likod na bumaba ng entablo.
"Girls, let's go," ani 'ma Hazel at inakay na rin kami pababa. Kahit na nakalabas ng kami ng hall ay nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng sistema ko.
"Calm down, okay? Aalis na tayo rito," ani Solar sabay haplos ng likuran ko. Hindi na kami dumaan ng faculty room, dumiretso na kami sa van. Naabutan namin si Eionn na obvious na naghihintay sa amin.
"Thank you Eionn," sabay-sabay na saad ng tatlo habang ako ay hindi ko pa rin makapa ang dila ko.
"Why? Hindi ba at karapatan naman naming mga fan na yakapin ang mga idolo namin?"
Napasinghap ako nang maalala ko ang sinabing iyon ng lalaki. May part sa puso ko ang kumikirot dahil sa ideyang iyon. Aaminin kong hindi naman talaga maiiwasan ang ganong klase ng pag-iisip. Minsan ang sobrang pag-idolo natin sa isang tao ay ang nagiging dahilan din ng kawalan natin ng respito sa kanila. Feeling kasi natin ay tayo na ang nagmamay-ari sa kanila.
"Thank you for what?" rinig kong usisa ni Eionn sa tatlo. Magkatabi pa rin kami.
"For protecting our leader," seryosong saad ni Yejin. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumango ito.
"We're at the same company, so basically we're now a family and a family must protect each other, right?"
Pare-pareho kaming hindi nakaimik. Napalingon ang tatlo sa akin. Hindi ko alam kung tama bang guilty ang nababasa ko sa kanilang mga mata.
"Are you okay now, Angelic?" usisa ni Moonah. Tumango lang ako. Wala pa ring namumutawing salita mula sa aking bibig.
Napasandal na lang ako at napapikit. Maya-maya ay dumating na rin sina Ate Betty at 'ma Hazel. Nagsimula na ring umusad ang sasakyan namin bagay na ipinagpasalamat ko.
Ang nangyari kanina ay isa lamang sa nakakatakot na senaryo na naranasan ko bilang isang public figure. Hindi na bago sa akin ang ganon pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako naapektuhan ng ganito.
Nakaramdam ako ng takot para sa mga posible pang mangyari sa mga susunod na araw.
"Ang pagiging lider ay hindi lang miyembro ang pinoprotektahan kundi maging ang sarili nito," rinig kong saad ni Eionn. Napadilat ako at napalingon dito.
"Learn to protect yourself too not just them," dagdag nito sabay tapon ng tingin sa tatlo na nagsisimula na namang magkulitan.
Yeah. I admit, I'm just too good at protecting my members but when it comes to my own sake...
Napasinghap ako.
"You know why that fan of yours hug you that way and seemed want to take you home?" rinig ko na namang usisa nito.
"Why?" tanong ko, mula kanina ay iyon palang ang salitang namutawi sa bibig ko.
"Because you're a limited edition as you say."
Ang agam-agam na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkainis sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Halata namang sinabi niya iyon para inisin lang ako.
"Funny," asik ko sabay irap sa kanya.
Limited edition... Whatever.
When A Meet EAngelic TomasDahil sa nangyari sa DU academy noong nakaraang linggo ay hindi na muna kami tumanggap ng imbitasyon galing sa ibang pang academy at college festivals. Nanatili ring lihim ang naganap ng gabing iyon.Napag-alaman din naming na isa sa obsessed fans ko ang DU student na iyon. Ayon sa report ay maraming x-rated pictures ang natagpuan sa kwarto ng bata at ang nakakalilabot ay mukha ko na ang nasa mga larawan pero halata namang edited lang ang lahat.Dahil sa minor age pa ang lalaki ay hindi namin pwede pang makasohan kaya sa halip ay isinailalim na lamang ito sa isang counseling. Malaki pa naman daw ang chance na mabago pa ang behavior ng bata.Hindi ko rin maiwasang ma-guilty knowing na ako ang dahilan kung bakit nagkaganon ang batang iyon. Yes, wala akong kasalanan pero nakakasama lang ng loob dahil ganon ang epekto ko sa mental health nito.
When A Meet EAngelic TomasPasimple akong napairap nang madatnan namin ang bagong grupo at alas laban sa amin ng SKArtists Company na nagwawarm-up na para sa isang dance show dito sa 1BDanceRoom na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na dance instructors ng bansa. Ang pangalan ng grupo nila ay MultiGirls dahil may kanya-kanya umamo silang talento bukod sa pagkanta. Si Hesthia ang leader nila na kasing edad lang din ng youngest members namin. Ang iba ay mas bata pa sa kanya.Kahapon ay nakita ko kung paano sila mag-rehearse at masasabi ko rin namang magagaling silang lima pero hindi pa iyon sapat para matapan nila kami bilang seniors nila.Sa tingin ko rin ay masyadong binibilog ang ulo ng mga ito para magkaroon ng lakas loob na kalabanin kami. I mean, halata namang nagpapa-impress sila lagi eh.Kahapon lang din ay nalaman
When A Meet EAngelic Tomas"I'm fucking tired!" hiyaw ni Moonah. Mabilis pa sa alas-kwatro na natapik ni Solar ang bunganga nito. "What?" irita nitong asik sa isa.Pare-pareho kaming pagod dahil sa audio recording at choreography practice namin sa bago naming ilalabas na song kaya naman hindi maipagkakailang pare-pareho rin kaming sensitive."Stop spitting bad words, dear.""Miss Solar, para namang hindi ka rin nagmumura ah?" bwelta na naman ng isa at pabirong hinawi ang kamay ni Solar na kinakalikot ang cellphone nito. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang kawawang cellphone sa sahig."Omo, my phone, my phone! " hiyaw nito at umakto pang umiiyak habang dinadampot ang cellphone.Kahit pagod na pagod ako ay nagawa ko pa ring makitawanan kila Moonah at Yejin dahil sa kakulitan ng boses ni Solar. Mabilis pa sa hangin na nahalikan ni
When A Meet E Angelic Tomas Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang. "Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad. "You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go." "Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to." "At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!" "Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw." "But it doesn't mean na may karapatan na
When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga
When A Meet EAngelic TomasNagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako."Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito."Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito.""Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 
When A Meet EAngelic Tomas"Everyone, come here!" masigla kong saad sa members ko. Agad naman silang lumapit sa akin."5,4,3,2,1 uy!" sabay-sabay naming sambit. Eksaktong 6:00 p.m ay inilabas ang music video ng 'Dont come' song namin. Ito ang pinakabida sa album naming QueenSentimental. Lahat ng kanta na nakapaloob dito ay puro hugot song.Seryoso naming pinanuod ang MV sa YouTube channel namin. Simula bukas ay ire-release din ito sa iba pa naming partnered channels for promotion. Nandito rin kami sa NCB studio para live na magperform mamayang 8:00 p.m."Yow!" hiyaw namin nang matapos na naming mapanuod ito. More than 3 minutes din ang itinagal niyon."Great job, everyone!" sigaw ko. Palakpakan naman ang naging sagot ng lahat. Ito ang sinasabi naming worth it sa pagod at paghihirapa namin during filming. 
When A Meet E Angelic Tomas Pagkatapos ng recording namin ay agad kaming bumalik ng waiting room. Kailangan na rin kasi naming umalis para sa first fan meeting and signing namin para sa album na 'to. "Horay!" sigaw ni Moon nang nasa loob na kami. "Kamusta ang performance namin, bro?" dagdag tanong nito kay Eionn. Napatingin ako sa lalaki. Halos makalimutan kong nandito pa rin pala ito. Sumama ito kanina sa backstage at nanatili roon hanggang sa matapos kaming magperform. Hindi rin sila nagkita pa ni Mariah. "Great," tipid nitong saad sabay thumbs up pa. "Pero totoo ba talagang kami ang ipinunta mo rito, hindi si Mariah?" usisa ni Solar. Mukhang hindi naman alam ng lalaki ang isasagot nito. "Of course, kasama na iyon. Ex-girlfriend niya pa rin iyong tao," singit ko naman. Pasimple ako niton