“It’s 8 am, bakit hindi pa rin gising si Sandro?” reklamo ni Vanessa habang binubuksan ang pinto ng bahay ni Sandro.“Alam mo namang may nangyari kagabi. Kailangan nilang magpahinga,” saad naman ni Jairus.Napaismid lang si Vanessa at saka bumulong, “whatever.”Maaga silang pumunta sa bahay ni Sandro para kumustahin sila dahil sa nangyari kagabi. Dahil may access naman sila sa bahay ni Sandro, madali silang nakapasok at napansing wala pa sina Sandro sa kusina oh sala kaya naisip nila na tulog pa ang mga ito.---Naalimpungatan si Aaliyah mula sa pagkakatulog. Sobrang bigat pa rin ng ulo niya dahil sa matinding pag-iyak. Niyakap niya ng mahigpit ang unan na nasa tabi niya nang bigla na namang maalala ang mga nangyari kagabi.Tital bigla na namang nanariwa ang takot na naramdaman niya. Nasa isip niya na mabuti na lang dahil palaging dumadating si Sandro para iligtas siya sa kapahamakan.Nanatili siyang nakayakap sa unan niya nang mayamaya lang ay bigla siyang natigilan. Para siyang nabu
Niyakap ng mahigpit ni Jairus si Aaliyah sa oras na matapos siyang magkuwento tungkol sa naaalala niyang nakaraan.“I’m sorry, A.” Bulong ni Jairus kay Aaliyah habang nakayakap ito sa kaniya.Naguluhan si Aaliyah, mayroong kung anong emosyon sa boses ni Jairus na hindi niya maipaliwanag. Pansin rin niya ang pagiging seryoso ng mukha nito habang nagku-kuwento siya kanina.“Bakit ka nagso-sorry?” tanong niya kay Jairus.Kumalas ng yakap si Jairus. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Aaliyah at hinawakan ang mga ‘yon.“I’m sorry you have to experience that, you don’t deserve that, A. At yung kagabi, kung nabantayan ka lang namin at hindi hinayaang maiwan mag-isa hindi mo dapat mararanasan yon. Alam kong dumagdag lang ‘yon sa trauma na meron ka,” paliwanag niya.Ngumiti lang si Aaliyah. Sa isip niya ay hindi naman kailangang mag-sorry ni Jairus. Pero masaya siya dahil sa lahat ng kabaitang ipinapakita sa kaniya ng binata.Mas hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ni Jairus.Alam niya sa sar
Kahit gulong gulo si Aaliyah sa mga pagbabagong nagaganap, pinili na lang niyang iwaksi lahat sa isip niya at patuloy na makisama kay Sandro.“Kap. Arthur wants to talk to you.”Napatigil sa pagwawalis si Aaliyah sa living room nang marinig niyang magsalita si Sandro sa likod niya.“Gosh!” sigaw niya sabay atras.Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung sa pagharap niya ay tumambad sa kaniya ang topless na si Sandro na tanging boxer shorts lang ang suot.“What?” naguguluhang tanong ni Sandro habang nakatingin kay Aaliyah na ngayon ay nakatakip na ang mga kamay sa mga mata niya.Nabitawan niya rin ang hawak niyang walis.“S-Sandro naman, next time magbihis na ka muna bago ka lumabas ng kwarto,” utal na sabi niya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha niya.Sandro chuckled. “Don’t tell me you can’t take this view? Araw araw mo naman ‘tong nakikita simula nang dumating ka dito. Bakit hindi ka pa rin sanay?”Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah. Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha at
“Ija, ready ka na ba?”Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Aaliyah nang tanungin siya ni Kap. Arthur. Kasalukuyan silang pasakay ng speedboat na gagamitin nila para pumunta sa Maynila.Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ni Aaliyah dahil alam niya na ilang oras lang ay mapupunta na siyang muli sa impyernong mundo na pilit niyang tinatakasan.“Kap., sure ka bang hindi tayo aabutan ng bagyo sa dagat? Sobrang kulimlim ng langit.”Tiningnan ni Aaliyah ang nagsalitang si Sandro na nasa speedboat na ngayon habang inaayos ang mga gamit. Napatingin din siya sa langit at napansing makulimlim nga ito simula pa kaninang umaga. Alas-tres na nang hapon, palakas na rin nang palakas ang hangin.“Kung aalis na tayo ngayon, siguro naman ay hindi na tayo aabutan. Wala namang naiulat na paparating na bagyo,” sagot ni Kap.“Yes Kap!” sigaw naman ni Sandro.Napapikit si Aaliyah, “Jusko, sana maabutan na lang kami ng malakas na bagyo dito para hindi na kami matuloy,” mahinang dasal ni Aaliyah.“Oy,
"Where have you been, baby? I've been waiting for you since last night," malanding saad ni Amor kay Sandro. Halos ipulupot naman niya ang makinis at hubog na hubog na katawan na ang tanging tapis lang ay ang red two-piece niya sa katawan ng binata.Sandro look at her eyes, emotionless. Saka umayos ng upo sa folding chair na inuupuan niya. Muli niyang itinapat sa bibig ang sigarilyong hawak, humigop at saka ibinuga ang usok sa mismong mukha ng dalaga na nasa tapat niya."Wtf?!" nauubong reklamo ng dalaga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa white sand ng private beach resort kung nasaan sila ngayon.Rinig na rinig ang malakas na paghampas ng mga alon sa pampang. Alas-sais pa lang ng umaga at kakaunti pa lang din ang mga tao na nasa tabi ng dagat."Do you want to talk to me or not?" pag-iinarte nito nang tuluyang makatayo. Sandro chuckled. "I'm done with you, Amor. So stop bitching around." Binigyan siya ni Sandro ng nakakalokong ngiti habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.Bigla
"What happened?" Humahangos si Jairus papalapit kay Sandro na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room. Agad na napatingala si Sandro na kanina ay nakayuko sa kararating lang niyang kaibigan. Alalang alala si Jairus dahil nang marinig niya ang balitang sumugod sa ospital si Sandro, buong akala niya na may nangyaring masama sa matalik na kaibigan."Pre." Tumayo si Sandro sa pagkakaupo. "Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong niya."Anong bakit? Pre, akala ko kung napa'no ka na. Ano bang nangyari?" humihingal pa rin siya pero medyo kumalma na siya nang makitang ok naman ang kaibigan. "Long story, may nakita akong babaeng palutang lutang sa batuhan malapit sa pampang. Dinala ko siya agad dito." Paliwanag niya."Babae? Sino? Taga rito ba?" Sumenyas siya kay Sandro na maupo na ulit sila habang nagtatanong."I don't know, ngayon ko lang nakita 'yung mukha niya. Pero may pakiramdam ako na hindi siya taga rito sa isla." Napahawak ulit sa ulo si Sandro habang nagsasalita. Hangg
Isang lingo na ang nakalipas nang matagpuan ni Sandro si A. Tatlong araw siyang namalagi sa ospital, nang masigurado ng doctor na magiging ok na siya, umuwi na rin siya kasama ni Sandro sa tinutuluyan niyang bahay. Sandro took care of her, nag-hire rin siya ng makakatulong sa pag-aalaga sa kaniya no'ng palagi lang siyang nakahiga at halos hindi makatayo at makakain mag-isa dahil nanghihina pa yung katawan niya. Hindi kasi masyadong nags-stay ang binata sa bahay tuwing umaga. Aalis rin ito pagkatapos mag-almusal. Madalas nahihiya siya rito dahil hindi naman niya kilala si Sandro pero casual at maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. Tutok na tutok ang tingin niya sa malawak na dagat at mahinahon na alon. Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa niya. Simula nang maging mabuti na ang pakiramdam niya, palagi na siyang maagang magising pero hindi siya lumalabas ng kwarto. Gusto niyang mapag-isa at taimtim na tumitig sa karagatan. Her room is facing the sea, gustin
Binuksan ni Aaliyah nang dahan dahan ang pinto para hindi lumikha ng kahit na anong ingay. Alas-kuwatro pa lang ng umaga at ito ang unang beses na lumabas siya ng kwarto sa oras na magising siya nang hindi pa sinusundo ni Sandro.She even makes sure na hindi pa gising o magigising si Sandro. Balak niyang magluto ng breakfast bilang pambawi sa binata. Palagi kasing si Sandro ang nagluluto para sa kaniya kaya naisipan niyang i-surprise ito.Ipinusod niya ang buhok niya saka naghilamos ng mukha, kinuha at sinuot din niya ang apron na nakasabit sa dingding ng kusina para magsimula nang magluto. This is not the first time that she’ll cook, although, hindi siya masyadong marunong magluto, tingin niya magwo-work out naman ang plano niya. Hindi rin naman komplikado ang putahe na lulutuin niya, typical breakfast lang.Binuksan na niya ‘yung malaking refrigerator para tingnan kung ano ba ang mga puwede niyang lutuin.Halos isang oras din ang inabot bago siya natapos sa pagluluto. Medyo napabaga