"Where have you been, baby? I've been waiting for you since last night," malanding saad ni Amor kay Sandro. Halos ipulupot naman niya ang makinis at hubog na hubog na katawan na ang tanging tapis lang ay ang red two-piece niya sa katawan ng binata.
Sandro look at her eyes, emotionless. Saka umayos ng upo sa folding chair na inuupuan niya. Muli niyang itinapat sa bibig ang sigarilyong hawak, humigop at saka ibinuga ang usok sa mismong mukha ng dalaga na nasa tapat niya."Wtf?!" nauubong reklamo ng dalaga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa white sand ng private beach resort kung nasaan sila ngayon.Rinig na rinig ang malakas na paghampas ng mga alon sa pampang. Alas-sais pa lang ng umaga at kakaunti pa lang din ang mga tao na nasa tabi ng dagat."Do you want to talk to me or not?" pag-iinarte nito nang tuluyang makatayo. Sandro chuckled."I'm done with you, Amor. So stop bitching around." Binigyan siya ni Sandro ng nakakalokong ngiti habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.Biglang nagsalubong ang dalawang kilay ni Amor dahil sa narinig."Huh? Anong ibig mong sabihin?"Hindi agad sumagot ang binata. Patuloy pa rin niyang pinapagmasdan ang perpekto at nakakaakit na katawan ng dalagang nasa harapan niya. Wari'y isang masarap na umagahan na naghihintay sa kaniya para lantakan.Ang totoo'y nakakaramdam pa rin siya ng pagnanasa dito, pero bilang isang Sandro Villanueva, kahit kailan ay hindi siya tumikim ulit ng iisang putahe. Halos lahat ng mga magagandang babaeng turista na pumupunta dito sa isla ay nahuhumaling sa kaniya. Marami sa kanila ang naikama niya sa loob ng isang gabi, kung hindi naman niya tipo ang isang babae ay hanggang landian lang ang magaganap sa kanilang dalawa.Sino nga bang hindi mahuhumaling sa isang napakagwapo at napakakisig na tulad ni Sandro. Idagdag pa ang pagiging moreno nito. Isa itong professional diver at surfer kaya naman kahit sinong mapatingin sa kaniya ay malalaglag ang panga."Baby naman, hindi ka ba nag-enjoy kagabi?" muling naging mapang-akit ang boses ni Amor. Lumuhod siya ulit sa harapan at pagitan ng mga nakabukang hita ni Sandro, inabot niya ang mukha ng binata gamit ang dalawang malalambot na mga kamay."I promise..." simula niya habang nagsisimulang pagapangin ang isang kamay pababa sa leeg ng binata na nakatingin lang nang diretso sa kaniya. Patuloy sa paggapang ang kamay niya hanggang sa mapunta ito sa matitigas na dibdib patuloy sa nakakatakam na abs ni Sandro."I promise, mas gagalingan ko pa, mas papasayahin pa kita..." patuloy niya. She bite her lips and look at him seductively. "I'll make you scream my name again." Halos pabulong na ang boses niya.Pinagpatuloy niyang himasin ang abs ng binata hanggang sa nagpatuloy na namang gumapang ang kamay niya paibaba.Sandro clenched his jaw. Hindi niya alam kung nagsisimula na ba siyang mainis dahil sa kakulitan ng babaeng nasa harapan niya o naaapektuhan na siya sa mga haplos nito sa kaniyang katawan.Pero bago pa man mapunta ang kamay ni Amor sa gusto nitang paroonan ay mabilis itong hinablot ni Sandro para pigilan."I said I'm done with you, hindi ka ba nakakaintindi?" his voice is serious now.Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga."A-Aray, nasasaktan ako," d***g ni Amor."Mas masasaktan ka pa kung hindi ka aalis sa harapan ko, sinisira mo ang umaga ko."Halos mag-usok ang tenga ni Amor dahil sa narinig. Bigla siyang natauhan sa kanina pa hindi magandang pakikipag-usap sa kaniya ni Sandro. Marahas niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak nito at mabilis na lumapat ang malakas na sampal sa mukha ni Sandro."How dare you! Jerk!" Malakas na sigaw ni Amor sa harap ng mukha ni Sandro na hindi agad nakapag-react dahil sa bilis ng nangyari.Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nasampal ng isang babaeng ginamit lang niya sa isang gabing kaligayahan. Bago pa siya tuluyang makasagot sa ginawa ng dalaga ay inis na inis nang naglakad papalayo si Amor."Bullshit!" malakas na mura niya. Tuluyan siyang tumayo sa folding chair na inuupuan niya. Matinding higop ang ginawa niya sa hawak na sigarilyo saka padabog na itinapon sa buhangin ang natitira dito.Ibinuga niya ang huling usok sa bibig bago humakbang para maglakad lakad. Kailangan niyang magpalamig ng ulo dahil sa ginawang pangbu-buwisit sa kaniya ni Amor."Oh, pare. Good morning." Malayo pa lang rinig na niya ang bati sa kaniya ng kaibigang si Jairus. Kita niyang nakangisi ito habang papalapit sa kaniya. May hawak itong surfboard at mukhang sasamantalahin ang malakas na alon para mag surfing."Walang maganda sa umaga dahil nakita agad kita," birong sagot niya.Natatawang tinapik ni Jairus ang balikat ni Sandro nang tuluyan na 'tong nakalapit sa kaniya."Sus, ang sungit mo naman. Ano, kumusta ba yung chicks mo kagabi? Masarap ba?" tanong niya, hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti.Inis na napaismid si Sandro dahil sa muling pagpapaalala nito kay Amor."Jai, kilala mo 'ko. You really shouldn't have asked that stupid question."Tuluyan nang napahalakhak ang binata dahil sa inis na itsura ni Sandro.Alam na alam talaga niya kung paano inisin ang kaibigan.Matagal na niyang matalik na kaibigan si Jairus. Kung may taong may nakakaalam ng lahat ng kalokohang ginagawa niya sa araw araw ay si Jairus 'yon. Kapwa sila surfer at kapwa makalaglag panga ang taglay na kagwapuhan. Sobrang magkasundo sila sa lahat ng trip at sa lahat ng bagay.Ang hindi lang kayang sabayan ni Jairus ay ang pagiging babaero ni Sandro. Kumpara kasi sa kaniyang kaibigan, sobrang marespeto ito sa babae na halos lahat ng nagkakandarapa sa kaniya ay hindi niya pinapatulan. Minsan nga, eh napagkakamalan na siyang bakla dahil sa pagiging pihikan sa babae."Alam mo, idaan na lang natin 'yan sa pagsabay sa mga alon, tara?" suhestiyon ni Jairus sa kaibigan. Paanyayang samahan siya mag-surfing."Ayoko pre, maglalakad lakad na muna ako," tanggi niya."Sige pre, ikaw bahala." Muli niyang tinapik sa braso si Sandro saka naglakad na papunta sa dagat habang sinasalubong ang malakas na alon.Nagpatuloy si Sandro sa paglalakad. Mabilis talaga siyang mapakalma ng tunog ng mga alon. Para itong musika sa kaniyang tenga. Bata pa lang kasi siya, eh mahilig na siya sa dagat kaya naman kahit gusto ng mga magulang niya na siya ang magpatakbo sa mga negosyo nila sa ibang bansa, mas pinili niyang manirahan dito sa isla.Malayo layo na rin ang nalalakad ni Sandro. Napadpad na siya sa parteng may malalaking bato at medyo hindi na pinupuntahan ng mga turista. Hindi na niya namalayan dahil sa nakaka-relax na tunog ng dagat. Nakaramdam na rin siya ng gutom dahil hindi pa siya nag-aalmusal. Humarap muna siya sa dagat, kitang kita na ang unti-unting pagsikat ng araw. Isa rin ito sa bagay na gusting gusto niya sa lugar na ito.Akmang tatalikod na sana siya para maglakad pabalik nang may mahagip ang mata niya."Ano yun?" tanong niya sa sarili.Isang telang puti ang palutang luting malapit sa isang malaking bato. Hindi niya makita ang kabuohan nito dahil tila nasa pagitan ito ng isa pang bato, napagigitnaan.Hindi na sana niya ito papansinin at magpapatuloy na lang sa paglalakad pero tila hinihila siya ng sarili niyang kuryosidad para lapitan ito. Hindi na nagtagal ang pakikipagtalo niya sa sarili, minabuti niyang maglakad papalapit para kumpirmahin kung ano ba ito.Sandro walks slowly while nearing to the stone. Dahil medyo nasa bandang tubigan ang naturang bato, lumusong siya sa tubig dahilan para mabasa ang pantalon na suot niya. Dahil sa malakas na alon, kinailangan niyang humawak sa mga batong nadadaanan niya. Delikado rin kasi ang parteng ito dahil kung matatangay ka ng alon ay siguradong maihahampas ka nito sa naglalakihang mga bato at may malaking posibilidad na malagay ang buhay mo sa panganib.Nang medyo malapit na siya, bigla siyang napatigil sa pagkilos at mas napahawak nang mahigpit sa bato nang unti-unti niyang naaaninag ang isang kamay at hita ng isang taong nakalutang kasama ng isang puting tela na sa tingin niya'y damit nito.Nabalot si Sandro ng kaba at hinihiling na sana ay mali ang iniisip niya. Napalunok siya ng sariling laway bago muling ipinagpatuloy ang pagkilos. Nang tuluyan siyang makalapit, napasinghap siya sa bagay na tumambad sa kaniya.Isang napakagandang babae ang walang malay na nakaipit sa pagitan ng dalawang malaking bato. Walang saplot ang itaas na bahagi ng katawan niya, dahil sa lakas ng alon na humahampas sa katawan niya halos mahubad na ang puting dress na suot suot niya. Nakatiwangwang ang malalaki nitong dibdib at sobrang puti at makinis na balat."Shit!" mura ni Sandro.Hindi agad siya nakakilos dahil sa nakita. Ilang segundong natigilan ang gulat na binata, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagkaraan, ang unang pumasok sa isip niya ay buhatin ang natagpuang dalaga at dalhin sa pampang.Mabilis niyang nabuhat ang babae dahil sa malakas at mabilis na adrenaline."Tulong!" Malakas na sigaw niya habang karga ang walang malay at mukhang wala na ring buhay na babae kahit alam niyang walang posibilidad na may makarinig sa kaniya."What happened?" Humahangos si Jairus papalapit kay Sandro na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room. Agad na napatingala si Sandro na kanina ay nakayuko sa kararating lang niyang kaibigan. Alalang alala si Jairus dahil nang marinig niya ang balitang sumugod sa ospital si Sandro, buong akala niya na may nangyaring masama sa matalik na kaibigan."Pre." Tumayo si Sandro sa pagkakaupo. "Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong niya."Anong bakit? Pre, akala ko kung napa'no ka na. Ano bang nangyari?" humihingal pa rin siya pero medyo kumalma na siya nang makitang ok naman ang kaibigan. "Long story, may nakita akong babaeng palutang lutang sa batuhan malapit sa pampang. Dinala ko siya agad dito." Paliwanag niya."Babae? Sino? Taga rito ba?" Sumenyas siya kay Sandro na maupo na ulit sila habang nagtatanong."I don't know, ngayon ko lang nakita 'yung mukha niya. Pero may pakiramdam ako na hindi siya taga rito sa isla." Napahawak ulit sa ulo si Sandro habang nagsasalita. Hangg
Isang lingo na ang nakalipas nang matagpuan ni Sandro si A. Tatlong araw siyang namalagi sa ospital, nang masigurado ng doctor na magiging ok na siya, umuwi na rin siya kasama ni Sandro sa tinutuluyan niyang bahay. Sandro took care of her, nag-hire rin siya ng makakatulong sa pag-aalaga sa kaniya no'ng palagi lang siyang nakahiga at halos hindi makatayo at makakain mag-isa dahil nanghihina pa yung katawan niya. Hindi kasi masyadong nags-stay ang binata sa bahay tuwing umaga. Aalis rin ito pagkatapos mag-almusal. Madalas nahihiya siya rito dahil hindi naman niya kilala si Sandro pero casual at maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. Tutok na tutok ang tingin niya sa malawak na dagat at mahinahon na alon. Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa niya. Simula nang maging mabuti na ang pakiramdam niya, palagi na siyang maagang magising pero hindi siya lumalabas ng kwarto. Gusto niyang mapag-isa at taimtim na tumitig sa karagatan. Her room is facing the sea, gustin
Binuksan ni Aaliyah nang dahan dahan ang pinto para hindi lumikha ng kahit na anong ingay. Alas-kuwatro pa lang ng umaga at ito ang unang beses na lumabas siya ng kwarto sa oras na magising siya nang hindi pa sinusundo ni Sandro.She even makes sure na hindi pa gising o magigising si Sandro. Balak niyang magluto ng breakfast bilang pambawi sa binata. Palagi kasing si Sandro ang nagluluto para sa kaniya kaya naisipan niyang i-surprise ito.Ipinusod niya ang buhok niya saka naghilamos ng mukha, kinuha at sinuot din niya ang apron na nakasabit sa dingding ng kusina para magsimula nang magluto. This is not the first time that she’ll cook, although, hindi siya masyadong marunong magluto, tingin niya magwo-work out naman ang plano niya. Hindi rin naman komplikado ang putahe na lulutuin niya, typical breakfast lang.Binuksan na niya ‘yung malaking refrigerator para tingnan kung ano ba ang mga puwede niyang lutuin.Halos isang oras din ang inabot bago siya natapos sa pagluluto. Medyo napabaga
“Ate Lorna, tingin mo na-appreciate ni Sandro ‘yong ginawa ko kaninang umaga?” tanong ni Aaliyah kay Lorna na kakatapos lang magwalis at mag-ayos ng mga gamit sa sala.Nakaupo si Aaliyah sa sofa, katatapos lang din niyang tulungan si Lorna na maglinis ng bahay kahit tinutulan niya ‘to dahil hindi naman dapat siya ang naglilinis at siguradong malalagot siya kay Sandro kapag nalaman niya ‘to.Hapon na nang dumating si Lorna sa bahay dahil marami pa siyang nilinisang kwarto ng ibang kuwarto ng turista. Hindi sila masyadong natagalan sa paglilinis dahil kahit may kalakihan ang bahay ni Sandro wala naman halos kalat na lilinisin dahil wala naman masyadong tao ang nakatira dito.“Nako, oo naman, ija. Alam mo, kahit gano’n yon si sir Sandro mabait na bata din naman ‘yon.” Sagot niya sa dalaga habang itinatabi sa gilid ‘yong walis na ginamit niya pagkatapos ay naupo sa tabi niya.Aaliyah frowned.“Oh bakit? May problema ba?” tanong niya dito dahil sa biglang pagsimangot niya.Kanina pa sila n
Tinanghali na siya ng gising kinaumaghan. Nagulat siya nang makita na alas-otso na ng umaga at hindi rin siya pinuntahan ni Sandro para gisingin. Bigla na naman niyang naalala yung nangyari kagabi.“Hindi kaya narinig niya yung pagbagsak ng vase kagabi?” nasabi niya sa sarili at sinapo ang noo dahil sa inis.Agad siyang naghilamos. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa living room. Nagulat siya nang makitang nagtatawanan sina Sandro at Jairus habang nag-uusap na nakaupo sa sofa.“Baby A! Gising ka na pala?” agad na bati sa kaniya ni Jairus sa oras na mapansin siya nito.She smiled and her eyes shifted to Sandro who’s also looking at her. May kakaiba sa mga tingin nito. Napalunok siya ng sariling laway nang bigla na namang pumasok sa utak niya na baka alam talaga ni Sandro na nasa labas siya ng pinto.Umiwas siya ng tingin dito at awkward na naglakad papalapit sa kanila.“Tinanghali ka yata, napuyat ka ba kagabi?” tanong sa kaniya ni Sandro. Hindi seryoso ang boses nito at wari niyan
Alas-siyete ng gabi sila nakarating sa party. Kagaya ng sinabi ni Jairus, napakalaking party nga nito dahil punong puno ng tao ang lugar sa tabi ng beach. Hindi na masabi ni Aaliyah kung sino sa mga tao ang turista at hindi. Dinadayo daw kasi ng marami ang party na ‘to kada taon.“Pre, nasa’n na kaya si Vanessa?” tanong ni Jairus habang tumitingin tingin sa paligid.“Ano?!” malakas na tanong naman ni Sandro. Sa sobrang lakas kasi ng tugtog hindi na niya marinig ang boses ng kaibigan.Samantalang si Aaliyah ay nasa gitna lang nilang dalawa. Beach party ito kaya naman nakasuot siya ng ring croptop at maiksing maong na shorts. Kahit simple lang ang suot niya compare sa ibang babae na nasa paligid na nakasuot ng two-piece, kitang kita pa rin ang ganda ng katawan niya.“SABI KO NASA’N NA KAYA SI VANESSA! HINDI KO SIYA MAKITA!” sumigaw na rin si Jairus para magkarinigan sila.Pakiramdam ni Aliyah para siyang bata na napagigitnaan ng dalawang malalaking tao na nakasuot lang ng swimming trunk
“B-Bitawan mo ko…”“Parang awa mo na… b-bitawan mo… koo”“T-Tulong!”Napabalikwas ng tayo si Aaliyah mula sa isang masamang panaginip. Pawis na pawis siya habang humahangos ang hininga.Pumatak ang mga luha sa mga mata niya nang nanariwa sa ala-ala niya ang panaginip niya pati na rin ang totoong napagdaanan niya.“A! Anong nangyari ok ka lang ba?”Mabilis na pinunasan ni Aaliyah ang mga luha niya nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Sandro. Wala itong suot na pang itaas at tanging boxer lang ang suot. Bakas pa rin ang sariwang sugat niya sa mukha dahil sa nangyari kagabi“Anong nanyari sayo?” Tuluyan na siyang lumapit kay Aaliyah. Halata ang pag-aalala sa boses niya.“O-Okay lang ako, ang sama lang ng panaginip
Dumaan ang ilaw araw pagkatapos ng eksenang ‘yon. Sa ilang araw na nagdaan, bawat araw ay iba ibang babae rin ang nakikita niyang dinadala ni Sandro sa bahay nila. Kasabay no’n ay ang patuloy na pagtrato sa kaniya ni Sandro ng kakaiba. Bawat araw ay tila nagiging sweet ito sa kaniya na mas ikinagulo ng isip niya kung ano ba talaga ang instensyon ni Sandro sa kaniya.Maagang gumising si Aaliyah, halos hindi rin siya nakatulog dahil rinig na naman niya ang mga ungol na nanggagaling sa kwarto ni Sandro kagabi.“Nakakainis, kelan ba ako makakatulog nang maayos sa bahay na ‘to” Bulong niya sa sarili. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.Alas singko pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa ang paligid.Wala siyang pakealam kung malamig sa labas at kung walang laman ang tiyan nya. Dire-diretso siyang lumabas ng pinto ng bahay at naglakad papunta sa pampang.Na