Share

Slightly Jealous

Bleu's POV:

Nung nakaraang araw pa ako parang tanga bigla nalang ngingiti kasi sumasagi nalang sa isipan ko biglaan 'yung kabaliwan na ginawa ko, hindi ko naman 'yun first kiss pero kilig na kilig ako, hindi rin naman ako magtataka kung ba't ako kinikilig, ang pogi kaya ni Ampa.

Bumaba ako galing sa kwarto ko papuntang kusina para kukuha sana ng makakain sa fridge, oh diba? Kakain na naman ako.

Hindi naman ako excited pumasok noon pero hindi na ako makapag-antay para bumukas kasi first subject ko si Ampa, enebe hahahahha

Nawala 'yung ngiti ko nang makita sa dining table si Mama at Papa na kumakain. Minsan ko lang makita sila Mama at Papa sa bahay, it's either nasa business trip sila o buong hapon andun sa trabaho nila. Nakakasama ko lang sa bahay lagi ay si Manang Cynthia tapos 'yung dalawa pa naming kasambahay.

Ba't 'di ako na-inform na nakauwi na pala sila Mama?

Napatingin silang dalawa sa akin nang palapit ako, napapalunok ako ng laway, kita mo bahay namin 'to, dito ako nakatira at mga magulang ko itong kaharap ko pero I feel like they're strangers rather than my parents, there's always this distance between me and them.

Nag-mano ako sa kanilang dalawa.

Tinignan ako ni Papa mula ulo hanggang paa kaya napaupo ako agad.

"I guess you're eating well, you look healthier compared to the last time I saw you.", sabi niya.

"Ah opo.", awkward kong sagot. One month and a half pa lang naman akong buntis, halata na ba masyado? O baka dahil tumataba talaga ako sa takaw kong kumain?

Dapat kukuha lang ako ng makakain sa fridge pero naupo ako kasama nila Mama sa dining table.

"How's school? You're staying away with those 'friends' of yours right just like what I told you to do?", Papa.

Napatingin ako saglit kay Mama. Dad is talking about Sam, Eric and Tricia.

"Kasama ko sila sa isang subject, there's no other interactions other than that. I'm doing just fine sa school, don't worry.", sagot ko.

"You're not dating anyone, aren't you?"

"No.", mabilis kong sagot.

"Good. You know that i'm not stopping you from dating anyone but you need to tell me before I hear it from someone else... "

Huminto siya sa paghihiwa nung steak niya at tumingin sa akin.

"... I don't want you to messed up and just date anyone... Katulad ng dati."

I suddenly felt very uncomfortable, god knows I hate talking about it, it's something I've always wanted to erase in my memories.

"Have you eaten?"

Napatingin ako kay Mama nang magsalita siya, gusto kong pasalamatan siya ng bongga sa pag-iba ng topic.

"Opo, bumaba lang ako para uminom ng tubig.", sagot ko.

"I see, go get your water na. Do your school related works and rest early, may pasok ka pa bukas."

Senenyasan ako ni Mama na tumayo na at gawin 'yung sinabi niya.

Napalipat ako ng tingin sa kanya tapos kay Papa, hindi na nakatingin sa akin si Papa, he continued eating kaya tumayo na ako.

Kumuha ako ng tubig kahit hindi naman talaga 'yun ang binaba ko dito kundi pagkain T_T

"Aakyat na po ako.", para talaga akong santa 'pag nasa bahay sila Mama at Papa.

"Go ahead.", nakangiting ani ni mama sa akin.

Binigyan ko ng tingin si Manang Cynthia na andun lang sa gilid nakikinig sa amin, suminyas ako na dalhan niya ako ng makakain sa taas at binigyan niya ako ng tango bilang sagot.

Pag-akyat ko pabalik sa kwarto ko ay nakahinga ako ng maluwag, para akong nasa ilalim ng dagat doon sa dining area, pigil na pigil pag hinga ko.

Napaupo ako sa kama at natulala bigla, why does he keep bringing the past? 'Di niya ba napapansin na ayoko ng pag-usapan 'yun?

"Bleu, iha? Nasa baba si Dave, paakyat na siya dito. Binibisita ka raw.", rinig kong sabi ni Manang Cynthia sa labas ng kwarto ko.

"Sige Manang"

Anong oras na ba? Anong trip ni Dave at may pabisita-bisita pang nalalaman?

Alas sais na ng gabi, parang walang pasok bukas ang gago ah.

Maya-maya lang ay may kumatok ng pintoan ko.

"Bleu? Pasok ako ah?", boses ni Dave.

"Buksan mo ang pinto.", sagot ko lang.

Binuksan niya ang pinto at sinilip ako sa loob ng kwarto ko bago pumasok.

"Nakauwi na pala Mom and Dad mo galing Canada? Sa baba ko lang gusto kang kausapin pero sabi ni Tito, akyatin daw kita dito."

Galing business trip kasi si Mama at Papa doon sa Canada. Updated 'yang si Dave sa amin, nakakausap niya Papa ko. Ewan ko ba ba't ang laki ng tiwala ni Papa kay Dave, kita niyo pinapunta dito sa kwarto ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa bahay namin ng ganitong oras?", mataray kong tanong sa kanya.

Naupo siya doon sa harap ng study table ko.

"Wala, galing kami ng Mall ni Manong Brandon, dumaan lang ako dito kasi parang hindi tayo iisang University, hindi kita mahagilap sa school."

Manong Brandon ay 'yung family driver nila Dave.

"Rason ka pa, gusto mo lang akong makita.", sabay irap kong sabi sa kanya.

"Wala ka kasing kwentang kausap, noong nakaraang linggo dapat sabay tayo kakain tapos libre ko pa pero hindi natuloy kasi pinatawag ka sa opisina nung professor niyong pinaglihi sa sama ng loob, sabi mo babawi ka pero hindi na kita nakita simula nung araw na 'yun, porket magka iba schedules natin."

Hinagisan ko siya ng unan at nasalo niya 'yun agad, sayang, muntik ko ng matamaan mukha niya,

"Para kang tanga, alam mo naman first subject ko at classroom ko every MTF, ba't 'di mo ako pinuntahan? Reason ka gago, sinisi mo pa sa akin."

Hinagis niya pabalik sa akin 'yung unan na hinagis ko sa kanya, hindi ko expected kaya dumeretso sa mukha ko. Lintek lang ang walang ganti kaya hinagis ko sa kanya pabalik... Naka posisyon na siyang ihahagis ulit sa akin 'yung unan nang bigla kong maalala na buntis ako at baka matamaan ang tiyan ko;

"Awat na, masakit ulo ko.", alibi ko tapos hinawakan ulo ko at nagkunwaring masakit 'yun.

Ninakawan ko siya ng tingin at binaba niya 'yung unan, nakahinga ako ng maluwag, brutal kami mang inis sa isa't-isa kaya literal na nasasaktan kami, hindi ko na pwedeng gawin 'yun, i'm with a child inside me.

Napatingin ako sa study table ko nang mag-ring 'yung cellphone ko, napatingin rin doon si Dave since andun siya nakaupo, kinuha niya ang cellphone ko at binasa kong sino ang tumatawag,

"Daddy?", basa niya sa pangalan nung tumatawag, automatic na nanlaki mga mata ko.

Tinignan ako ni Dave kaya napalunok ako ng laway, inabot niya sa akin 'yung cellphone;

"Tumatawag si Tito Jeff.", clueless niyang sabi habang inaabot niya sa akin phone ko.

Tito Jeff, that's my Father. Kinuha ko ng mabilis 'yung cellphone ko sa kanya at niyakap 'yun.

"Baka may sasabihin sayo si Tito, tinatamad lang umakyat sa kwarto mo?", ani niya.

"Gabi na, mag-aaral pa ako. Umuwi ka na. Uwi!", tinulak ko si Dave palabas sa kwarto ko, hindi naman siya nanlaban at nag patulak lang sa akin.

"Bukas, libre mo ako ng lunch.", sabi niya habang tinutulak ko siya.

"Oo na, oo na. Labas!"

Pagkatapos ko siyang matulak palabas sa kwarto ay sinara ko kaagad ang pinto, bigla akong may naalala kaya binuksan ko 'yung pinto at nakita ko si Dave nakatayo doon na parang nalilito sa kinikilos ko,

"Ingat.", sabi ko tapos sinara ulit 'yung pinto.

Nagmadali akong pumunta sa kama ko at naupo doon, tinignan ko ang cellphone ko pero wala na 'yung call ni Dadd— este ni Ampa.

Ba't kaya siya tumawag?

Zane's POV:

"Good morning Prof Arden."

I was taken aback nang may kumapit bigla sa braso ko, napatingin ako kung sino... I know her face but I can't remember her name, I think she's one of my students tho.

Napatingin ako sa paligid tapos sa kamay niyang nakakapit sa braso ko, tinanggal ko 'yun.

"Morning.", bati ko pabalik at pumasok na sa classroom na kung saan sinundan niya ako at naupo, I'm right, one of my students.

Nakasimangot siya, but I couldn't care less if na offend siya sa ginawa ko. That was inappropriate, we could be misunderstood sa mga makakita.

"Good morning class.", bati ko sa lahat at binati rin naman nila ako pabalik.

Napa-angat ako ng tingin kung saan nakaupo si Bleu, it's still weird to call her by her name kasi nasanay ako sa Ms. Williamson, pero kapag hindi ko sinanay sarili ko na tawagin siyang Bleu atleast sa isipan ko lang o kapag kami lang dalawa, she'll get mad again.

Nakayuko siya, is she sleeping?

Napataas ako ng kilay nang maalala ang nangyari kagabi. Tinawagan ko siya kasi balak ko na naman sana sabihin sa kanya na we should stop what we're doing, pagkatapos niya ako halikan nung nakaraang araw mas na realize ko kung gaano ka delikado 'yung ginagawa namin.

I called her last night, at matagal bago niya sinagot ang tawag, sinagot nga niya 'yung tawag pero I think she did it accidentally?

I heard her talking to a guy, at sa tingin ko nasa loob sila ng kwarto niya as I heard her asking him to leave at ang malakas na pag-sara ng pintoan.

Hindi ko alam kung sino ang lalaking 'yun but it's rude to be listening to their conversation kaya binaba ko agad ang tawag.

She's a woman, how can she just allow a guy inside her room? Except if that guy is his brother or boyfriend, hindi pwedeng boyfriend niya 'yun kasi kung boyfriend niya 'yun, ano ako? Sino ako? Is she like two-timing then?

Bigla siyang nag-angat ng tingin na parang kagigising niya lang kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Okay, everyone. Get your books and open to page 34, we'll be talking about flight safety standards today.", pagsisimula ko nalang sa klase.

Agad naman nilang nilabas mga libro nila at binuklat 'yun.

"Can anyone tell me an example of Flight Safety Standards?"

Wala man lang nag-taas ng kamay when it is such an easy question.

"Prof Arden! Me!"

Napatingin ako sa kanan ko, and it's that girl earlier.

"I'm sorry, what's your name again?", tanong ko.

"Ella, Ella Sanchez."

Did she just winked at me? What's wrong with this woman?

"Okay, Ms. Sanchez, give me atleast one example of a Flight Safety Standards."

Bigla siyang napatingin sa libro niya, kumunot noo ko.

Hindi niya alam ang sagot, tinaas niya lang kamay niya to get my attention. Tsk. Tsk.

"A-ahmm.. Check equipment.. ", basa niya galing sa libro.

"Close your book."

Napatingin siya sa akin.

"Diba sabi ko mag advance reading kayo? Close your book, Ms. Sanchez."

Nakita kong napalunok siya ng laway sabay sinara 'yung libro niya.

"Nag-advance reading naman ako Prof, n-nakalimutan ko lang.", pag-rarason niya.

"Then why raise your hand if you don't even know the answer?"

Napayuko siya.

"Sorry sir."

"Sit down."

Mas lalong natahimik 'yung buong classroom. Wala akong pake kung magalit sila sa akin o pagsalitaan nila ako ng masama dahil sa pagiging strikto ko, ganito ako mag-turo and they should take this seriously lalo na't graduating sila.

Mas kumunot ang noo ko nang mahagilap ng mga mata ko si William- si Bleu na patagong tumatawa habang nakatingin sa babae kanina.

Anong tinatawa nito?

"Ms. Williamson.", tawag ko sa apelyido niya, gulat siyang napatingin sa akin..

"Yes, Prof?", gulat niyang sagot.

"Close your book, stand up."

Napatingin siya sa paligid, akala niya ba may iba pa akong kausap? Good mood ba siya at tumatawa siya diyan?

Sinara niya libro niya at tumayo.

"Same question as Ms. Sanchez. Give me an example of Flight Safety Standards."

Napakamot siya sa ulo niya, pinanliitan ko siya ng mata habang inaantay sagot niya. Tignan ko lang kung makatawa ka pa diyan.

"Like Safety Demo? Before taking off dapat demonstrated by the Cabin Crew 'yung sa seatbelt, lifevest, oxygen mask... Mga ganun?"

Itinukod ko 'yung kamay ko sa table ko at napasandal ng konti doon.

"Mga ganun? Ano pa?"

Nanlaki mga mata niya, akala niya siguro papaupuin ko na siya.

"Ampa naman sa—", nahinto siya sa pagsasalita.

Ampa?

"I mean, Prof sabi mo example, hindi examples. Iba naman tanungin mo.", umiiwas niyang tingin na sabi sa akin.

It's not the first time she called me Ampa, what the hell does Ampa means?

Bigla niya akong pinandilatan ng tingin. 'Yung tingin niya parang inuutusan akong paupuin na siya.

Siya nalang kaya dito sa posisyon ko? Dapat siya palagi nasusunod?

"Okay, sit down."

Takot ko lang kung anong gagawin niya kaya hindi ko pwede galitin ang babaeng 'to.

Tinuloy ko nalang ang klase ko kesa makipagtalo ako sa kanya sa harap ng klase.

Bleu's POV:

"Class dismiss."

Nagkagulo na 'yung lahat nang sabihin ni Ampa na class dismiss. Nag unahan pang lumabas sa classroom, naaawa ako sa mga kaklase ko kasi kabang-kaba sila kay Ampa, ba't kasi nakakatakot siya 'pag nagtuturo?

Siya 'yung terror na professor na ang sarap 'di pasukan ang klase pero takot lang nila kay Ampa, walang umaabsent.

After niya mag-discuss kanina, nag pa surprise quiz pa siya.

Napatingin ako kay Ella, hahahah hindi ka makalapit kay Ampa ngayon noh? Pahiya ka kanina eh hahah

"Una na kami, bebe gurl ah?", paalam nila Eric sa akin at nagpaalam nalang rin ako sa kanila.

Asan na ba si Dave? Sabi niya sabay kami kakain ngayon, ba't wala pa siya? Hindi ko siya pupuntahan sa classroom niya, katamad maglakad, ang init pa sa labas.

Sinundan ko ng tingin si Ampa nang palabas na siya sa classroom, gusto ko siya lapitan kaya lang marami ang makakakita kaya sa susunod nalang.

Ang pangit naman nito, hindi ko siya pwede puntahan sa office niya kasi marami raw magtataka kung palagi akong andoon, ano 'yun? Sa'n kami magkikita? Para namang hindi kami, halatang napilit ko lang eh.

"Hoy, 'di ka ba lalabas?", tanong nung isang kaklase ko na nakatayo malapit sa pintoan, kaming dalawa nalang pala natitira dito sa loob ng classroom.

"May inaantay pa ako.", sagot ko sa kanya at napatango siya.

"Sige. See you sa Multimedia na subject natin.", nakangiti niyang sabi bago umalis.

Multimedia Arts 'yung third subject ko ngayong araw, mamaya pa 'yun tapos kaklase ko siya sa subject na 'yun.

Monday and Tuesday first subject ko si Ampa pero every Friday, 2nd subject ko siya.

Putek, asan na ba si Dave?

Kinuha ko sa bag ko 'yung cellphone ko at tenext si Dave.

"Hoy! Asan ka na? Bilisan mo o mag-isa ka kakain!", text ko sa kanya.

Gutom na ako eh.

"Why the heck are you still here? Wala ka bang next class?"

Napatingin ako sa harap tapos gumanda ata mood ko bigla nang makita si Ampa. Ba't siya bumalik?

"Ba't ka bumalik?", tanong ko sa kanya.

"I forgot my phone."

Pumasok siya tapos dumeretso sa table niya at may kinuha sa drawer nito, 'yung cellphone niya.

"Mamaya pa next class ko. May inaantay rin ako", sagot ko sa tanong niya kanina.

"Bawal tumambay dito."

Napatingin siya sa labas kaya napatingin rin ako doon, I think he's being careful again baka kasi may dumaan at makakita sa amin.

"Mainit sa labas."

"Doon mo antayin sa library inaantay mo."

Ang arte talaga.

"Saglit lang ako dito, patapos na klase nung kaibigan ko, dito kami magkikita, alis ako agad 'pag andito na siya."

Ibinulsa niya 'yung cellphone niya at napatingin ulit sa labas tapos balik tingin sa akin.

*krruuuuu*

Sa sobrang tahimik nung classroom since kami lang dalawa ni Ampa, nag echo talaga 'yung tunog ng tiyan ko, sabi ko naman gutom na ako eh.

Nakakahiya jusko! Ang lakas nun!

"Kailan ba dadating kaibigan mo? I can't stay here much longer baka may makakita sa atin, it's weird to see a student and a teacher alone inside a classroom."

Minsan naiisip ko na ang hilig mag overthink ni Ampa, anong iisipin ng makakakita sa amin? Ang layo-layo nga namin sa isa't-isa, nasa harap siya habang nasa halos likuran ng classroom ako nakaupo.

Tapos anong I can't stay here much longer? So ano? Hindi siya aalis kapag hindi ako nakikitang umalis para makasigurado na hindi talaga ako tumambay dito? How petty.

"Umalis ka na, hindi nga ako tatambay dito. Antayin ko lang saglit kaibigan ko.", may halong irap kong sabi.

"That's not what I meant, you're not even sure kailan darating kaibigan mo tapos tumutunog na 'yang tiyan mo sa gutom, it's not like we have feelings for each other but then sice we're already dating, imagine how irresponsible of a boyfriend I am kung iiwan nalang kita dito?", sabi niyang habang binabaan 'yung tono ng boses niya.

Parang biglang uminiti ang buong katawan ko sa narinig ko mula sa kanya, 'yung labi ko pinipigilan kong ngumuti. Ano 'yun? Ginagawa niya na talaga responsibilidad niya bilang jowa ko?

Napahawi ako ng mga hibla ng buhok ko sa aking mukha ng wala sa oras saby sabing;

"Okay lang kaya ako... Alis ka na, lalabas ako within 5 minutes.", medyo pabebe kong sabi hahahah pake niyo ba?

"No, mukha kang timang tignan diyan. Text your friend, sabihin mo to meet you sa library instead. Tumayo ka diyan, wait inside the library."

Hindi ako tumayo kasi ang ganda na ng pagkakaupo ko dito tapos palalakarin niya pa ako papuntang library, tinatamad ako.

Pinandilatan niya ako ng mata.

"Ano na? Tumayo ka na diyan.", utos niya.

"Dito nalang kasi ako.", sabi ko.

"Tigas ng ulo."

Napatingin siya sa labas one last time saka nilapitan ako at hinila ng mahinahon patayo.

"Tara na."

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo, hinila niya talaga ako to make sure na maglalakad ako, hila-hila niya ako sa braso at binitawan niya lang ako nang makalabas na kami sa classroom.

"Asul.", sabay kaming napatingin sa nag-salita.

"Hoy gago! Ba't ngayon ka lang, kanina pa ako naghihintay!", tinanggal ko talaga sapatos ko at hinagis kay Dave, nasalo niya naman.

"Siya 'yung hinihintay mo?", tanong ni Ampa at tinuro si Dave.

"Ah oo, kaibigan ko. Sabay kasi kami magla-lunch, bakit?"

Kumunot noo ni Ampa at napatingin kay Dave.

"Hi sir.", bati ni Dave kay Ampa.

"Hindi mo sinabi sa akin na lalaki pala kaibigan mo and he sound very familiar."

Anong pinagsasabi ni Ampa?

"Ahhh kasi Prof, siya 'yung malakas ang boses tapos pinagalitan mo last week, remember?"

"Yeah, he also sound very much alike to the guy you were talking to last night na narinig ko sa tawag.", mahina niyang sabi kaya 'di ko narinig.

"Lika na, gutom na ako.", Dave.

Lumapit sa akin si Dave tapos ibinigay sa akin sapatos ko, sinuot ko 'yun agad kasi ang init ng sahig hahahah

"Bye sir.", paalam ni Dave kaya naki-Bye nalang rin ako, mabilis makirdam si Dave kaya hindi ako pwedeng magkamali sa harap niya kundi mabubuking ako, kami ni Ampa.

Hinila ako ni Dave at napalingon ako kay Ampa, nakatingin siya sa amin whike shaking his head parang naririnig ko pa nga 'yung parang pag 'tsk, tsk, tsk' niya...

I guess we kinda made a progress today, atleast alam ko ng kahit pinilit ko siyang jowain ako ay sinusubukan niya gampanan pagiging boyfriend niya sa akin kahit labag sa loob niya.

Let's take it slowly but surely.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun agad sa bulsa ko, hindi ko namalayan napatingin pala si Dave,

"Hinahanap ka ba ni Tito?", biglang tanong ni Dave.

"Huh?", tanging nasagot ko.

"He messaged you.", ani niya.

Napatingin ako doon sa nag-text, its name says 'Daddy' and Dave thinks it's Dad T_T

Binuksan ko 'yung message at binasa agad nung hindi na nakatingin si Dave,

"Get the answer sheets of the test today on my table after your lunch, check it and give it back by next week.", basa ko sa text ni Ampa.

Letse, ginawa na naman akong checker ng test paper!? Anong trip niya?

"Get it in 30 minutes because I have no other classes left, i'll be locking the office to get home so you better get it immediately.", isa pang message galing sa kanya.

Seryoso ba siya? In 30 minutes!? Eh mukhang papunta palang doon sa gustong kainan ni Dave ay about 15 mins, ano 'yun? Kakain ako ng hindi ngumunguya? Tapos magte-teleport pabalik sa University? Baliw na Ampa 'to!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status