Share

Endearment

Zane's POV:

"You can now go back to your seat.", sabi ko kay Ms.Sanchez.

Napatingin ako kay Bleu at kumunot ang noo ko, ba't siya nakapikit?

Sabi ko magbasa ng libro, natutulog ba siya sa klase ko?

Agad siyang napaiwas ng tingin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.

Pwede niyang tulugan klase ko basta perfect score siya sa midterm exam ko bukas.

Mas kumunot noo ko nang mapansin ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya, hindi ko makita kung saan siya nakahawak pero parang sa puson niya... Masakit ba puson niya?

Hindi ko maalis tingin ko sa kanya kasi parang nasasaktan siya ng sobra, mas nag-alala lang ako nang makitang pinagpapawisan na siya.

Ano ba gagawin ko? 'Di ko naman siya pwedeng lapitan sa harap ng mga estudyante ko.

Tiniklop ko ang libro ko sabay napatayo.

"I'll dismiss you guys early today para makapaghanda kayo sa midterm ng ibang subject niyo ngayong araw, just make sure na mapaghandaan niyo rin ang midterm exam ko bukas. You can now all go."

Sabi ko sa lahat.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status