Share

Officially

Bleu's POV:

Galing ako sa CR kasi naghanap ako ng ipupunas ko kay Dave, pagbalik ko ay napansin kong naka open 'yung phone ko kaya cheneck ko 'yun.

May missed call akong tatlo galing kay Ampa, ba't siya tumawag? Binaba ko 'yung bowl na may maligamgam na tubig at pampunas kay Dave saka tinawagan ko 'yung number ni Ampa at hindi pa nag-riring ay sinagot niya agad.

"Love? Ba't ka napatawag?", tanong ko.

[Are you home yet?], tanong niya.

Tinignan ko si Dave.

"Hindi pa, nasa condo ako ngayon ng kaibigan ko."

[Condo? Ginagawa mo diyan? Anong oras na...]

Napakamot ako sa batok ko.

"Yung sabi ko kanina na emergency? 'Yung kaibigan ko kasi, lasing na lasing, kailangan ko alalayan pauwi galing doon sa isang club."

Natahimik 'yung kabilang linya ng ilang segundo kaya napatingin pa ako sa phone ko kung naputol 'yung tawag pero hindi naman.

"Love?"

[Lalaki?]

"Oo, 'wag kang mag-alala, we've been friends for years... I'm safe."

Natahimik ulit sa kabilang linya.

[Where are you right now?]

Si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status